Prologue
Chronicles ng Babaeng Torpe
Prologue
Hindi ko naman kasi talaga siya crush eh.
Promise. Walang halong biro, ya know? Hindi ko lang talaga alam kung anong biglaang sumapi sa'kin at biglaan na lang akong nagkaganito nang dahil sa kaniya.
Nag-aalab ang aking damdamin (char). Pero legit, nag-uumapaw talaga emosyon ko hindi ko na alam kung saan ko sila ilalagay. Medyo bullshit na!! Ayoko na talaga.
Ayoko na siya maging crush.
Charing! Sinabi ko na 'yan dati.
Pero ito na. Seryoso na talaga. Sa history ng lahat nang naging crush ko (mga nasa one hundred plus na yata kasi... anyway) sa kaniya ko lang 'to naramdaman.
'Yung sobrang crush ko siya gusto ko na lang umiyak?
Umiyak dahil wala akong magawa sa pagkagusto ko sa kaniya? Whuttt.
Heto na naman siya, nasa dulo siya ng hallway. Tangina. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Wag ka magc-collapse. Wag ka magc-collapse. Ramdam na ramdam ko 'yung pag-akyat ng dugo sa pisngi ko. Si-et.
Ayan na. Malapit na siya. Omg.
Shit, ang gwapo niya talaga. Kainis.
Sino ba kasing nagsabing pwede siyang maging ganyan kagwapo ha?
"Chyanne, 'yung crush mo," pagsiko sa'kin ni Mage.
Siniko ko siya pabalik. "Oo, alam ko eh!"
Ayaw kasi manahimik! Paano na lang pala kung mapansin kami bigla edi GG na ko no'n? Ts. Isipin niya na ay, itong babaeng 'to may gusto sa'kin. Hindi ko na siya magugustuhan. Wala ng chase.
I'd be like, "Bruh, kailan pa hindi pwedeng hindi magkagusto sa nagkakagusto sa'yo? Mas safe ka pa nga sa'kin eh. Tanga. Ts."
Pero as if namang may lakas ako ng loob na sabihin sa kaniya 'yun 'di ba? Huhu. Me and my poor heart.
"Tara na nga," sabi ko. Lumabas na kasi ang section na gumamit ng kwarto namin. Kaya heto, papasok na kami.
Inintay ko munang lumagpas si Ivo. Pupunta lang naman ng C.R. 'yun. Hindi ko naman kasi talaga siya makikita kapag ganitong araw, not unless—ayun na nga, pupunta siya ng banyo.
Nakatungo lang ako habang naglalakad siya. Paano, nakatungo lang din naman siya sa cellphone niya.
Suminghap ako at humakbang na papunta sa pinto, iniisip kung bakit ko ba patuloy na pinapalagpas ang mga pagkakataon.