Chronicles ng Babaeng Torpe
Imagination #2
BABALA: Pawang imahinasyon lamang. Huwag idagdag sa kabuuan ng mga pangyayari.
Habang pauwi ako matapos ang una naming shooting. Bored kasi ako sa byahe wala akong makausap, kamusta naman? Gabing-gabi na at pagod na ang lola niyo. Haggard na ang maganda kong mukha. Nagpapatugtog lang ako sa Spotify habang nakatayo sa LRT.
Dahil nga't ginabi na kami... paano kaya kung ihatid niya ako pauwi? Mwahahahaha.
"Ingat sa pag-uwi," sigaw ni Stephen bago kumaway sa'min sa labas ng building.
"San ka uuwi?" tanong ni Ate Chloe.
"Sa Eastville."
"May susundo sa'yo?"
"Wala ah, anong oras na," pagtawa ko. "Commute ako, wala akong driver ngayon."
"Eh si Ivo dadaan yata sa Eastville pauwi. May kotse siya. On the way 'yun sa inyo, 'di ba?" tanong ni Ate Minnie.
Ni hindi ko manlang napansin ang malaking gamuho sa may likudan namin na nakatungo sa cellphone nito. "Hmm," sagot nito.
"Sabay mo na si Chyanne. Anong oras na oh."
"Hoy, 'wag nga, Ate. Nakakahiya eh," pabebe kong sagot. Pero legit, kung totoo man hindi ako sasakay. May hiya naman ako sa katawan ko.
"Magpahatid ka na. Anong oras ka pa makakauwi kung magc-commute ka?"
"Okay lang, sanay naman na ko," sagot ko at bumeso na sa kaniya. "Alis na ko. Bye!"
"Tara na," sabi ni Ivo. "Kung ayaw mo magpahatid hanggang bahay niyo, sa Intersection na lang para isang sakay na lang pauwi sa inyo."
"Hmm, wag na talaga," pag-iling ko.
"Sayang pamasahe. Tara na," sabi niya at humarap kila Ate. "Ingat kayo. Thank you."
"Bilis na," sabi ni Ate Minnie sa'kin.
Bumusangot ako sa kaniya na kunwari hindi ko gusto ang mga pangyayari pero sa loob-loob s**t!!! Si Crush ihahatid ako pauwi. s**t, s**t, s**t! I can't breathe.
"Hindi ka pa naman siguro nababangga, 'di ba?" pabiro kong tanong sa kaniya habang nags-seatbelt. In fairness sa kotse niya, BMW. Dream car. s**t. Malinis sa loob at parang bagong-bago. Amoy leather pa at walang air freshener. Mabuti na lang dahil mahiluhin ako.
Nakangiti siyang sumagot, "Hindi."
"Good."
Nakakatawang isipin pero hindi ko alam kung paano siya nagkasya. Alam ko namang na-adjust 'yung upuan pero... nakaka-amaze lang na sa haba ng legs niya komportable pa din siyang nakakapag-drive.
"Ilang years ka nang nagd-drive?" tanong ko dahil nababalot kami ng katahimikan. Ayoko ng gano'n, ang awkward.
Kumamot siya sa tainga niya bago sumagot. "Mga six years?"
"High school?"
May mas malaking ngiti na lumabas sa bibig niya habang palabas kami ng gate ng campus. "Wala pa kong lisensya nagd-drive na ko."
"Buti hindi ka nahuhuli."
"Hindi kasi halata."
"Ang tangkad mo kasi eh."
"Oo nga eh."
"Ilang taon ka na ba?"
"Nineteen."
"Di nga?"
"Oo nga."
"Nineteen lang?" pagtawa ko. "Hindi ka na mukhang teenager. Ang mature mo kasi."
"Sabi nga nila."
"Okay lang sa'yo na gano'n? Na feeling nila ang tanda mo na?"
"Wala naman akong magagawa."
"Ang tahimik mo kasi. Uy, sorry ha. Ang ingay ko. Baka kasi lamunin ako ng kaba kapag hindi ako dumaldal," pagrarason ko. Syempre, gawa ng paawa effect ng slight. Boys like helpless girls.
"'Wag ka kasing kabahan," pagtawa niya. "Mamatay muna ako bago ikaw."
"Kapag 'yan hindi totoo mumultuhin kita hanggang sa mamatay ka sa takot."
Natawa siya. "Sige ha!"
"Ay grabe siya oh! Gusto niyang bisitahin ko siya," pasimple kong harot tapos babawiin ko kunwari. "Omg, I'm sorry. Hindi ko sinasadya!"
"Okay lang."
"Sorry talaga ha, gano'n kasi talaga ako. I don't know kung napapansin mo pero hilig ko talagang magbiro ng gano'n sa mga kaibigan kong lalaki."
"Medyo nga. Naririnig ko kayo minsan."
"Ang ingay ba namin? Naistorbo ka yata kapag nagbabasa ka ng lectures mo."
"Ayos lang," sagot naman niya.
Napapapagod na kong magsalita. Letche. Hindi manlang niya ba ko tatanungin? O baka naman naiingayan na siya sa'kin? Sumandal ako sa bintana ng kotse at pinanood ang pagdaan namin sa mga establishment.
Hanggang sa nakatulog na ko nang biglaan sa pagod ko buong araw. Nagising na lang ako nang alugin ni Ivo ang balikat ko. Pagdilat ko nasa tapat na kami ng bahay.
Sa pagod at pagkabangag dahil bagong gising, mabilis na lang akong nagpasalamat at bumaba. Pagtalikod ko, nasa harap na pala ako ng bahay namin. Napasunod ang tingin ko sa taillights ng kotse ni Ivo bago lumiko paalis ng street namin.
Paano niya nalaman kung saan 'yung bahay ko?
Stalker ko pala siya.
Lakas ng tama ko 'no? Gano'n talaga kapag bored sa byahe pauwi.
Tandaan: Hindi ako sure sa mga pinaglalagay ko dito tungkol sa kaniya. Ex: kotse, kung saan siya nakatira, at edad.
Hindi naman nga kasi kami nag-uusap, 'di ba? Paano ko siya makikilala? s**t lang.
NOTE: MAY MAS ILALALA PA 'YANG IMAHINASYON KO. INTAYIN MO.
Tapos na ang unang shooting. Anong mangyayari sa susunod?