Chapter 15

1560 Words

CHERRY'S POV "Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. "Love," tawag na naman niya sa akin. "Anong ginagawa mo dito? At puwede ba 'wag mo nga akong tawagin na love." Naiinis na sabi ko sa kanya. "Love, alam ko nagkamali ako. Alam ko kasalanan ko. I'm here para makabawi sa 'yo. Hindi ko kaya na hindi ka makasama." aniya sa akin. "Ang dami mong sinasabi. Mas maayos ako na wala ka sa buhay ko kaya please lang. Umalis ka na lang." Sabi ko sa kanya at kaagad na isinara ang pinto. May nakita akong lungkot sa mga mata niya pero binalewala ko 'yon. Bumalik ako sa pagluluto. Hindi ko na inalam kong nasa labas pa ba siya. Nagulat ako dahil biglang lumakas ang ulan. Nang isara ko ang bintana ay nakita ko siyang nakatayo pa rin sa labas ng pintuan at hinahayaan ang sarili niya na mabasa ng ulan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD