CHERRY'S POV Ang gaan ng pakiramdam ko pagkagising ko. Kaagad akong tumingin sa tabi ko. Wala na siya. Bumangon na ako at kaagad na lumabas sa aking silid. Unang sumalubong sa akin ang amoy ng mabangong sinangag. Naglakad ako papunta sa kusina at bumungad sa akin si Rico. Abala ito sa pagluluto at hindi niya ako napansin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "Bakit nandito ka pa?" Biglang tanong ko sa kanya na ikinagulat niya. "Ouch!" Napahiyaw ito dahil napaso siya. Napangiwi naman ako dahil alam ko na mahapdi ito. Alam ko na kasalanan ko dahil ginulat ko siya. "Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. "I'm fine, love. Good morning," nakangiting bati niya sa akin kahit na halatang nasasaktan siya . Hinila ko siya at hinugasan ko ng tubig ang kamay niya. "Dito ka lang bibili lang ako