CHERRY'S POV "Oh my gosh!" Mapasigaw ako dahil nabangga 'yung snatcher ng motorsiklo. Mabilis ko itong dinaluhan para tulungan. Hindi na kasi iti makatayo. "Uy, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko sa lalaki. "Mukha ba akong okay?" Sagot nito sa akin. "Karma mo na 'yan. Ba't mo kasi hinablot ang bag ko eh wala naman kayamanan d'yan." Sabi ko sa lalaki. "Sana sinabi mo kaagad." aniya sa akin. "Siraulo ka rin kasi, akin na nga 'yang bag ko. Anu? Makakalakad ka pa ba? Gusto mo dalhin na kita sa ospital?" Tanong ko sa lalaki. "Grabe ka naman Miss, makakalakad pa naman ako. Saka 'wag mo na akong dalhin sa ospital, wala naman akong pambayad." aniya sa akin. "Dapat kasi naghahanap ka na lang ng matinong trabaho," sermon ko sa kanya. "Walang trabahong tatanggap sa akin lalo na hindi