Prologue
Maingay at mausok ang lugar na pinuntahan ni Cherry kasama ang kanyang mga kaklase. Sa totoo lang ay walang balak na sumama si Cherry aa kanyang mga kaklase ngunit napilitan lamang ito.
*Hindi ako puwedeng magtagal dahil kailangan kong umuwi. Nakakahiya naman kung hindi ko susuklian ang suporta na ibinibigay sa akin." Saad ni Cherry sa kanyang sarili.
Nataranta ang lahat ng marinig ang patrol ng pulis. Naipit si Cherry sa mga taong nais makalabas sa loob ng bar.
"H'wag kayong kikilos mga pulis kami!" Saad nang isang lalaki na nakasumbrero.
"Miss sumama ka sa amin. Napakabata mo pa dito ka pumupunta," saad nito kay Cherry.
"Po? Kakarating ko lang po dito at sinama lang po ako ng mga kaklase ko," sagot naman ni Cherry sa lalaking pulis.
"Wala akong pakialam kung sinama ka o kung sino man ang kasama mo!" Sigaw nang lalaki kay Cherry.
"Parang awa niyo na po pauwiin niyo na po ako," pagmamakaawa nito sa pulis.
"Sorry Miss pero kailangan ka naming hulihin. Mas mabuti pa tawagan mo mamaya ang nanay mo," masungit na sabi pa nito sa dalaga.
"Kailingit ka nga lalaki ka kalaw-ay man lang sa imo. Indi ka gid madala sa pakiusap,"(Nakakainis kang lalaki, pangit ka lang naman. Hindi talaga puwede makiusap sa 'yo) napapailonggo na si Cherry sa inis niya sa lalaking arogante.
"What are you saying? Magtagalog ka," Nanggigil na tanong ngang lalaki.
"Grabe talaga pagiging arogante ng lalaking ito. Malambing na nga ako magsalita galit parin siya." Pabulong na bulalas ni Cherry dahil sa sobrang inis niya sa lalaki.
"Sige hulihin niyo na ako mamang pulis," naiinis na sabi ni Cherry.
Hinawakan naman niya ang kamay ng dalaga. Pero bigla nitong binawi dahil para may naramdaman itong kuryente no'ng nagkalapat ang kanilang mga kamay.
"Akala ko ba nagpapahuli kana. Bakit mo nilayo ang kamay mo?" masungit parin na sabi niya.
"Ito na oh! Lagyan mo na ng posas baka kasi tumakas pa ako. Nakakainis to!" Saad ni Cherry sabay irap sa lalaki.
"Baka gusto mo dagdagan ko kaso mo. Dahil sa hindi mo paggalan sa propesyon ko," pagbabanta nito kay Cherry.
"Gawin mo ang gusto mo! Blah blah blah!" Iniinis na lang talaga ito ng dalaga.
"Tara na nga! bago pa ako mawala sa sarili at kung ano pa ang magawa ko sa 'yo," galit na sabi ng pulis kay Cherry.
"Hoy mamang pulis! Napapansin ko na bakit ba galit na galit ka sa akin?" Hindi maiwasang tanong ni Cherry sa lalaki.
"Bakit ako galit? Dahil ang mga kagaya mo na pinag-aaral ng magulang nila ay mas gusto pang pumunta sa ganitong lugar kaysa mag-aral ng mabuti."
"Ilang ulit ko ba sasabihin na ito ang unang beses na pumunta ako dito. Pulis ka ba talaga at hindi ka nakakaintindi?!" Hindi mapigilang sigaw ng dalaga sa binatang pulis.
Hindi na niya ito pinansin at hinila na lang pasakay sa patrol. Halos umusok na ang ilong ni Cherry sa galit sa binatang pulis.
Gusto niyang maiyak dahil baka magalit sa kanya ang Caye niya. Natatakot ito sa posibleng isipin at sabihin tungkol sa kanya.
Pinababa nila ang mga ito no'ng makarating sa prisento. Masamang tingin ang pinukol ng dalaga sa binatang pulis.
Ipinasok nila ang lahat sa selda kasama na si Cherry. Maya-maya lang ay tinanggal no'ng pulis ang sumbrero niya. Gwapo pala ito pero walang epekto kay Cherry dahil galit ito sa lalaki.
"Mamang pulis pauwiin muna ako!" Sigaw ni Cherry sa pulis.
"Can you please shut up!" Gigil na ito ngayon.
"Mamang pulis naman eh!"
"Stop calling me mamang dahil bata pa ako!" This time galit na talaga siya. Kaya napangiwi na lang si Cherry.
"Matanda naman na talaga. Ayaw pa aminin," pabulong-bulong pa na saad nang dalaga.
"Narinig kita," sabi nito bigla sa dalaga.
Tinalikuran na lang ni Cherry ito at pumunta sa sulok. "Matutulog na lang siguro ako dito kaysa tawagan ko si ate. Magkano kaya ang piyansa dito?" Tanong nito sa sarili.
Naisip nito na baka umabot ang ipon nitong pera at para makauwi na siya. Tumayo ito at tinawag ulit ang binatang pulis.
"Mamang pulis magkano po ba ang piyansa ko?"
Nakita nitong kumunot ang noo nang binatang pulis. Huminga muna ito ng malalim pagkatapos ay kinuha ang logbook.
"Pangalan? Edad?" Tanong nito sa dalaga.
"Hindi ka ba puwedeng magsalita ng hindi naiinis? Para namang ang laki ng kasalanan ko at ganyan mo ako kausapin?"
"Sagutin mo na lang ang tanong ko," gigil na sabi niya.
"Wala!" Mabilis na sagot nang dalaga.
"Anong wala?"
"Wala akong pangalan," sagot nito sa binatang pulis.
"May tao ba na walang pangalan. Kung ayaw mo ibigay 'wag kang umasa na makakauwi ka," supladong saad nito pero tumaas ang sulok ng labi nito.
"Whatever?" Supladang anas ni Cherry.
Umupo na lang ulit si Cherry doon sa puwesto niya. Kung si Cherry ay inis na inis sa pulis. Iyong mga katabi naman niya ay kilig na kilig sa gwapong pulis.
Hindi alam ni Cherry kung ano oras na pero sigurado siyang na gabing gabi na. Hindi naman nito puwedeng gamitin ang phone niya.
"Wala ka bang balak na ibigay ang pangalan at kung sino ang pwedeng pumunta dito? Bahala ka diyan," naiinis na sabi ng lalaki sa kanya.
"Santos kayo na muna ang bahala dito. Kailangan ko ng umuwi," sabi nita sa mga kasamahan nitong pulis.
"Yes Chief," sagot naman nito.
"So Chief pala siya." Mahinang saad ni Cherry. Nakikita ni Cherry na nakatayo pa rin ito sa harapan niya.
Nagulat na lang ito no'ng biglang bumukas ang selda at pumasok ito.
Hinila na lang niya bigla ang kamay ni Cherry.
"Napakapasaway mo!" Gigil na naman na sabi ng binatang pulis.
"Kayo na ang bahala dito," Saad nito bago sila lumabas sa prisento.
"Saan ang bahay niyo?" Tanong nito sa dalaga.
"Bakit mo tinatanong? Teka nga! Bakit mo ako pinalabas?"
"Bakit gusto mo ba magstay doon? Puwede naman kita ibalik," kalmadong sagot nito sa dalaga.
Hindi ma siya pinansin ni Cherry at naglakad na lang ito. Nakamotor ang binata kaya panay sunod nito kay Cherry.
"Puwede ba 'wag kang sunod ng sunod!" Bulyaw nang dalaga dito.
"Saan ka nga kasi nakatira?"
"Sa Iloilo," sagot ko sa kanya.
"F*ck! Sumasakit na ang ulo ko sa 'yo.Diyan kana nga!" Saad nita bago niya iniwan ang dalaga.
"I hate you!" sigaw naman sa kanya ni Cherry.
Tumigil si Cherry sa tabi ng kalsada para mag-abang ng masasakyan. Mabuti at may mga jeep pa kaya nakasakay kaagad ito.
Pasalamat din ito dahil hindi nagalit sa kanya ang ate Caye niya.
Pagpasok nito sa kwarto ay humiga kaagad ito sa kama niya.
"Nakakainis!" sigaw nito.
Naiinis talaga ito kapag naalala niya ang mukha ng Chief na 'yon.
"Chief daw bwesit! Ang malas ng araw ko. Humanda kayo sa akin bukas," gigil na bulalas nito.
"Malalagot talaga iyong mga kaklase ko na pahamak sa buhay ko. At sa'yo mamang pulis. "I HATE YOU!!" Gigil na saad ni Cherry sa sarili.