Chapter 4

1554 Words
CHERRY'S POV "Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako!" Galit na sabi ko kay mamang pulis. "What are you talking about? Ikaw bakit ka nandito? Baka ikaw yung—" "Bakit naman kita susundan? Kapal mo rin!" Hindi ko na siya hinayaan na tapusin ang sasabihin niya. Todo hiling pa ako na h'wag na siyang makita pero ito siya nasa harapan ko na naman. Tapos nandito pa sa bahay nila ate. Sa inis ko sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko maiwasang mainis dahil 'yong ipon ko ipinambayad ko lang sa kanya. "Rico, hinahana— May problema ba Cherry?" Biglang dumating si Ate Caye. "Wala po ate pasensiya na po kayo. Dadalhin ko na po ito sa loob." Sabi ko kay ate at mabilis na naglakad papunta sa pool area. Medyo naiilang ako dahil ramdam ko na may nakatingin sa akin. Inilapag ko sa mesa ang pulutan nila kuya at mabilis akong pumasok sa loob ng bahay saka dumiretso sa silid ko. Jusko bigla akong nahiya sa damit ko. Normal na kasi na kapag nandito ako ay nakashort at sandi lang ako. Siraulo talaga 'yun, ramdam ko na nakatingin siya sa legs ko. Pero bahala siya makinis naman ito kaya walang dapat ikahiya. Hindi naman ako nagtagal sa silid ko dahil kailangan kong bantayan ang kambal. Paglabas ko ay nasa sala sila. Umupo ako sa sahig para bantayan sila. Biglang umilaw ang phone ko kaya tinignan ko. Nagtext pala ang kaibigan ko. Chemma: Besh, sama ka ba? Me: Saan? Chemma: Sa bar. Me: Ayoko, tapos mamaya iwan niyo na naman ako. Chemma: Besh, hindi na ito chepepay bar. Medyo high standard na hahaha! Hindi ko naman naiwasang hindi mapangiti sa chat ng aking kaibigan. Alam niya kasi na hindi na talaga ako papasok ulit sa mga bar na, kagaya ng pinuntahan namin. Me: Besh, ayaw ko talaga. Ayokong makulong ulit. Chemma: Hahaha! Sige na besh, bukas pa naman ito eh. Puwede ka pa magpaalam kay ate mo. Birthday ko kasi besh, kahit iyon lang regalo mo. Promise hindi kita papabayaan. Kung gusto mo ako na magpaalam kay Ate Caye. Me: Okay sige, magpapaalam ako. Pero siguraduhin mo na wala ng dadampot sa akin doon. Ayoko ng makulong ulit at makita ang pangit na 'yun. Chemma: Promise besh, sagot kita kaya don't worry. Thank you besh, love you mwah! Me: Aasahan ko 'yan. Love you too besh. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti kapag si Chemma ang kausap ko. Sa lahat ng nakilala ko at naging kaibigan ko ay sa kanya napalagay ang loob ko. Mabait ito at palabiro taliwas sa personality ko na seryoso. "Tsk!" Biglang akong may narinig. Nang tumingin ako sa paligid ay nakita kong paalis na si Mamang pulis. Napaismid na lang ako. Kahit kailan papansin talaga. "Cherry, puwede ba kitang mautusan? Kinulang na kasi ang alak nila kuya mo. Puwede ka bang bumili?" Tanong sa akin ni ate. "Sige po at—" "Sasamahan ko na lang siya," biglang sabi ng bwesit na lalaki. "Kaya ko na PO," biglang sabi ko sabay diin ng po sa dulo para malaman niya na matanda na siya. Ayaw ko siyang kasama, nakikita ko pa lang siya ay sira na kaagad ang mood ko. "Mas mabuti pa nga na samahan mo siya Rico. Huwag ka lang magdrive, si Cherry na lang marunong naman siya at may driver license na rin." Pagsang-ayon bigla ni ate kaya ang bwesit na lalaki ay nakita kong ngumiti pa. "Sige po ate, alis na po kami." Labas sa ilong na paalam ko hindi dahil naiinis ako kay ate kundi sa lalaking nakasunod sa akin. "Sige, ingat kayo. Paki-ingatan si Cherry, Rico." Parang nang-aasar pa si ate. "Kaya ko na ang sarili ko ate," sagot ko habang palabas sa pinto. "Alam ko, pero okay rin kapag may nag-iingat sa 'yo." Pahabol pa ni ate. Hindi ko na pinansin si ate at sumakay na ako sa driver seat habang sumakay rin si mamang pulis. Nagsimula na akong magmaneho. "So, Cherry pala ang pangalan mo. Ang cool mo habang nagmamaneho ka." Biglang nagsalita si mamang pulis. At dahil attitude ako 'di ko siya sinagot. Pero sa loob-loob ko ay natuwa ako sa sinabi niya na cool ako. "Suplada mo naman, hindi naman maganda an—" Napapreno ako nang wala sa oras dahil sa narinig ko. "Anong sabi mo? Hindi maganda ang pangalan ko o ako mismo sinasabihan mo na hindi ako maganda. Sa 'yo nga pangalan mo panahon pa ni Rizal." Naiinis na sabi ko sa kanya sabay irap. "Nakakagulat ka naman. Bigla ka na lang pumupreno. Maganda ang pangalan ko puwede mo itanong sa mga babaeng naik—" "Wala akong pake! Please lang, kung puwede lang naman. Itikom mo na lang 'yang bibig mo. Hindi tayo close para magkwentuhan." Putol ko sa sasabihin niya. "Okay po, Ma'am." Sagot pa niya sa akin. Hindi ko na siya pinansin. Ayaw ko ng pahabain pa ang usapan namin dahil nababadtrip lang ako. Baka sa inis ko ay ihulog ko siya bigla dito sa gitna nang kalsada. Nagmaneho na ako ulit para pumunta sa grocery store. Pasalamat na lang ako dahil nanahimik na ito. Pagdating namin ay kaagad kaming pumasok. Itong nasa tabi ko parang artista, biglan na lang kasi may mga babaeng kinikilig sa tabi-tabi. Hinayaan ko na lang sila. Nakasunod lang sa akin si mamang pulis. "Ikaw na kumuha ng mga alak na iinumin niyo." Utos ko sa kanya dahil sila rin naman iinom kaya bahala na siya. "Yes Ma'am," sagot niya sa akin. Hindi ko siya pinansin. Iniwan ko siya dahil sakto bibili rin ako ng mga kailangan ko. "May iba ka pa bang bibilhin?" Biglang tanong niya sa akin dahil nasa likuran ko na pala siya. "Okay na ba 'yan?" Tanong ko sa kanya instead na sagutin ang tanong niya sa akin. "Oo, okay na." Sagot naman niya sa akin. "Okay, bayaran na natin." Saad ko sa kanya. Hahawakan ko sana ang cart pero kaagad ko ring binawi ang kamay ko dahil naroon pala ang kamay niya. "Sa susunod 'wag kang lalabas na ganyan ang suot." Biglang sabi niya sa akin. "Wala namang mali sa suot ko, kaya mind your own business." Mataray na sabi ko sa kanya at nauna na akong pumunta sa may counter. Akmang magbabayad na ako gamit ang card na binigay ni ate. Nang bigla nitong binigay ang card niya sa cashier. Tumingin ako sa kanya. "Ako na ang magbabayad," sabi niya sa akin. "Per—" "Ako na, kami naman ang iinom niyan." Putol niya sa sasabihin ko. Hinayaan ko na lang siya. Hiniwalay ko ang mga binili ko dahil sariling pera ko ang ibabayad ko doon. Pero nang magbabayad na ako ay hindi na ako pinagbayad dahil itong katabi ko na ang nagbayad. Bigla akong nainis, pero pinigilan ko lang ang sarili ko na bulyawan siya dahil nandito kami sa loob ng grocery at may ibang tao. Ayaw ko rin naman na ipahiya siya. Hindi ko siya pinansin at hinayaan ko na siya ang magdala ng mga pinamili namin. Pagkapasok namin ay hindi ako kaagad nagmaneho. Inilabas ko ang pera sa wallet ko sabay abot sa kanya. "Ano 'yan?" Tanong niya sa akin. "Pera, nakikita mo naman diba?" Naiinis na sabi ko sa kanya. "I know that is money, pero bakit mo ako binibigyan?" Tanong niya sa akin. "Bayad ko doon sa mga pinamili ko." "Just keep it, para sa allowance mo." Sabi niya sa akin. "Kunin mo na kasi!" Naiinis na sabi ko sa kanya. "Itago mo na lang 'yan. Bakit ba ganyan ka?" Biglang tanong niya sa akin. "Ayoko na ilibre mo ako. Ayoko na may nagbabayad para sa akin. Kaya kunin mo na 'to," seryosong sabi ko sa kanya. "Pero, gusto kitang ilibre. Kaya sana hayaan mo na lang ako." Saad pa niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Bakit ba hindi mo maintindihan? Ayoko nga kasi na nililibre ako. Lalong ayoko dahil galing sa 'yo. Kaya sana tanggapin mo na ito." Naiinis na parang naiiyak ako. "Okay, fine." Mabilis niya itong kinuha sa kamay ko. "Thank you," mahinang sabi ko bago ko pinatakbo ang kotse. Tahimik kami pareho hanggang sa makarating kami sa bahay. Pagpasok ko ay kaagad kong ipinasok sa silid ko ang mga pinamili ko. Hindi ko na binigyang pansin si mamang pulis. Hindi ako sanay na may nagbabayad o nagbibigay sa akin. Kahit si Ate Caye ay alam niya iyon. Hindi dahil sa pride kundi gusto kong sanayin ang sarili ko na kayanin lahat ng mag-isa. Hindi habang buhay ay may tutulong sa akin. Hindi ako kumportable lalo na kay mamang pulis. Ayaw kong makipag-usap sa kanya dahil hindi kami close higit sa lahat kuya ko na siya. Iniisip ko pa lang ngayon na tawagin siyang kuya ay natutuwa na ako. Pang-asar ko na rin kasi 'yun sa kanya. "Cherry, kain na tayo!" Tawag sa akin ni ate. "Sige po ate!" Sagot ko sa kanya. Binuhat ko ang kambal. Pero nagulat ako dahil biglang may kamay na kumukuha kay Simon. "Ako na magbubuhat kay Simon," biglang sabi ni Mamang pulis. "Sige kuya, salamat." Pasasalamat ko sa kanya, pero lihim na natutuwa dahil sa pagtawag ko sa kanya na kuya. "What did you say? Kuya?" Nakakunot ang noo na tanong niya sa akin. "Oo ku—" Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod niyang ginawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD