CHERRY'S POV
Maaga pa akong nagising para pumasok sa University. Sobrang naiinis ako sa mga kaibigan ko.
Nasaan kaya sila at hindi sila nakasama doon sa mga nahuli. Maaga pa lang pero nasira na kaagad ang araw ko.
Ang alam ko may event ngayon sa school. Wala naman akong sinalihan kaya manunuod langg ako.
"Ate alis na po ako," paalam ko kay ate Caye.
"Sige ingat ka," sagot naman niya sa akin.
"Opo ate."
Naglakad ako hanngang labasan pero bago pa ako makalabas ay may kotse na mabilis ang patakbo at saktong dumaan sa may tubig.
"Arghh!" Inis na sigaw ko dahil nabasa ang pantalon ko hanggang sa suot kong t-shirt. Sa sobrang inis ko ay kumuha ako ng bato at binato ko ang sasakyan.
Hindi naman ako magaling bumato pero natamaan ko ang side mirror niya. Nakita ko naman na tumigil ito at nagmaneho pabalik hanggang makarating sa puwesto ko.
Bumaba ang driver.
"What the h*ll is you—"
"Ikaw!" Panabay naming sabi.
Napasabunot ako sa buhok ko sa inis. Tinignan ko siya ng masama. Hindi ako makapaniwala na siya kaagad ang bubungad sa akin.
"Ikaw pa ang may ganang magalit ngayon!" galit na bulalas niya sa akin.
"At bakit ako hindi magagalit sa 'yo. Para kang may-ari ng daan."
"Ikaw itong sumira ng side mirror ko," sabi niya sa akin.
"Kasalanan mo rin. Nakita mo 'to? Basa diba? Ikaw ang nanguna sa ating dalawa," galit na sabi ko sa kanya.
Nakita kong tumingin ito sa dibdib ko at napalunok pa ito.
"Bastos!" Sigaw ko sa kanya habang hinahampas ko siya.
"Stop it!"
Tumigil naman ako. Hindi na nga masarap ang tulog ko tapos ganu'n rin ang araw ko. Sobrang malas ko talaga at ang lahat ng 'yun nagsimula ng makilala ko ang pulis patola na ito.
"Bayaran mo ang nasira mo," sabi niya sa akin sabay lahad ng palad niya.
"At ako pa'no naman ako? Kung hindi ka parang hari ng kalsada ay hindi ko naman ito gagawin." Inis na sabi ko sa kanya.
"Kasalanan mo rin dahil hindi ka tumabi," sagot pa niya sa akin.
"FYI nasa tabi na po ako. Bahala ka nga diyan!" Inis ko siyang tinalikuran para bumalik sa bahay at magbihis.
Pero hindi pa ako nakakalayo ay may humila sa kamay ko. At kagaya pa rin kagabi ay nilagyan niya ito ng posas.
"Ilan ba ang kailangan kong bayaran?" Walang ganang tanong ko sa kanya.
"Ten thousand," sagot niya sa akin.
"Ano?! 10k Ang mahal naman," gulat na gulat ako sa presyo.
"Magbayad kana kaysa ikulong kita," sabi niya sa akin.
Para matapos na ay kinuha ko ang atm ko. Iniabot ko sa kanya.
"Sa iyo na 'yan siguro kasya na 'yang ipon ko pambayad sa 'yo," walang emosyong sabi ko sa kanya.
Saktong sampung libo lang rin talaga ang ipon ko. Hindi ako tumitingin sa kanya.
"Sige na kunin mo na 'yan. Para matapos na tayo at may pasok pa ako," sabi ko sa kanya.
Kinuha naman niya ang card ko. Pagkatapos ay tinanggal na niya ang posas sa kamay ko.
"195043 'yan ang pincode n'yan kukunin ko na lang sa presinto mamayang hapon," sabi ko sa kanya bago ako naglakad pabalik sa bahay.
Habang naglalakad ako ay tumulo ang luha ko kasi ang tagal kong pinag-ipunan ang laman nu'n.
"Oh bakit bumalik ka? Anong nangyari sa 'yo," nag-aalalang tanong ni ate Caye sa akin.
"May nangyari lang po ate. Sige po magpapalit lang po ako ate," sabi ko kay ate Caye.
"Sige, magsabi ka kapag may problema."
Ngumiti naman ako kay ate. Nang matapos na akong magbihis ay pumasok na ako sa University.
Pagdating ko doon ay hinanap ko kaagad ang mga kaibigan ko. Mabilis silang nagsitakbuhan ng makita nila ako.
Siguro ay alam na nila na may nagawa silang kasalanan sa akin. Hindi ko sila hinabol dahil alam ko na lalapit rin sila sa akin.
Tumambay muna ako sa may garden. Tumabi sa akin ang kaklase ko na si Paul.
"Hi," sabi nito sa akin.
"Hi," saad ko rin sa kanya.
"Bakit ka nandito hindi ka ba manunuod ng cheerdance?" Tanong niya sa akin.
"Manunuod ako, may inaabangan lang ako na performance." Sagot ko sa kanya.
Hinihintay ko kasi na si Desra ang magperform. Asawa siya ng kaibigan ni kuya Luke na professor dito. Tanging kami lang ang nakakaalam.
"Ikaw bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.
"Napadaan lang ako rito then nakita kita kaya nilapitan na kita," nahihiyang sabi nito sa akin.
Ngumiti naman ako kay Paul. Sa totoo lang gwapo ito at varsity pa. Kaya medyo nag-aalangan rin akong kausapin siya dahil sa dami ng tagahanga niya.
"Mauna na ako sa 'yo," sabi ko dito.
"Samahan na kita," mabilis na sabi niya.
"I-Ikaw ang bahala."
Naglakad kami ng sabay papasok sa venue ng event. Masaya kaming nanunuod pero natigil ang program nang biglang naaksidente si Desra.
Grabe 'yung kaba na naramdaman ko para sa kanya. Mabilis kong tinawagan sila ate Caye para ipaalam sa kanila ang nanyari.
Nagpasya na akong umuwi at dahil naalala ko ang card ko ay dumaan muna ako sa presinto.
"Good afternoon po Sir, nandiyan po ba si Chief?" Tanong ko sa information desk nila.
"Wala pa siya nasa labas pa," sagot sa akin ng pulis na pinagtanungan ko.
"Sige po hihintayin ko na lang po siya sa labas," sabi ko sa pulis. Tanging tango lang ang sagot sa akin.
Mayroong puno sa labas ng presinto kaya doon na lang ako tumambay. Naupo ako at sumandal muna. Binuksan ko ang phone ko at nagsimula akong magbasa ng novels sa app.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising ako dahil ng maramdaman ko na may pumapatak na tubig sa balat ko Nang idilat ko ang mata ko ay nagulat ako dahil nasa harapan ko lang si Mamang pulis.
"Bakit ka nandito?" Tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa hawak niyang hose. Nandidiig pala ito ng mga halaman.
"Kukunin ko lang ang atm ko," walang kagana ganang sagot ko sa kanya.
"Kumain kana ba?" Tanong nito sa akin.
"Anong konek nu'n? Ibigay mo na lang s akin para makauwi na ako," sabi ko sa kanya.
"Hindi ko ibibigay sa 'yo. Tara na kumain na muna tayo," sabi nito sa akin.
"Wala akong pera na pambayad. Saka sakto lang na pampamasahe ang pera ko. Ibalik mo na lang ang atm ko para makaalis na ako."
"Hindi ko naman sinabi na ikaw ang magbabayad. Ayaw mo bang magmeryenda?" Tanong niya sa akin habang nakapamulsa.
"Bakit mo ako ililibre? Pagkatapos 'yung pera ko rin ang ibabayad mo. Ibinigay ko na nga sa iyo ang atm ko para makapagbayad ako sa iyo. Kasi hindi ko talaga kaya na makita o makasama ka. Kung ayaw mo ibigay sa 'yo na lang 'yan. Nag-aksaya pa ako ng oras ko sa pagpunta rito," mahabang lintaya ko sa kanya.
Inayos ko ang sarili ko para umuwi na. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Inilagay niya ang atm ko.
"Sige umuwi kana," pasupladong sabi niya at naglakad papasok sa loob ng presinto.
Napatingin na lang ako sa atm na nasa kamay ko. Napaisip tuloy ako tama ba na tumanggi ako sa alok niya.
Umalis na lang ako at nagpasyang umuwi na. Nakuha ko na ang kailangan ko kaya wala ng dahilan para manatili ako sa lugar na ito. Nagulat pa si ate Caye dahil maaga akong nakauwi.
Napag-alaman ko na may bisita ngayon si Kuya Luke. Matalik raw niyang kaibigan.
"Cherry, puwede mo ba itong ihatid sa may pool area. Pulutan iyan nila kuya mo," utos sa akin ni Ate Caye.
"Sige po ate," sagot ko bago ako naglakad papunta sa likod na bahay.
Habang naglalakad ako ay may bigla akong nakabangga. No'ng ini-angat ko ang ulo ko ay nagulat ako.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Galit na tanong ko sa kanya.