CHERRY'S POV
"Bastos!" Sigaw ko sa kanya sabay lagapak ng kanang kamay ko sa mukha niya. Walanghiya siya kinuha niya ang first kiss ko.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil nakangiti pa rin ito habang nakatingin sa akin. Kung hindi ko lang hawak ang isang bata ay kanina ko pa siya sinapok.
"Irereklamo kita," sabi ko sa kanya.
"Kanino? Saan?" Pang-aasar pa niya sa akin.
"Ang kapal mo isusumbong kita sa boyfriend ko." Pagkasabi ko no'n ay biglang naging seryoso ang mukha niya.
"Do you have a boyfriend?" Parang hindi makapaniwala na tanong niya sa akin.
"Oo naman, ano tingin mo sa akin pangit. D'yan kana nga! Bwesit ka!" Sabi ko sa kanya bago pumunta sa dining area.
Nag-imbento pa tuloy ako dahil sa inis ko. Bwesit talaga siya. Sa lahat ng puwedeng magnakaw sa first kiss ko siya pa. Pulis pa naman siya pero magnanakaw siya. Parang gusto ko tuloy hiramin ang samurai ni Ate Caye. Tadtarin ko kaya siya ng pino? Tanong ko bigla sa sarili ko.
"Cherry, okay ka lang ba? Bakit parang mang-aamok ka ng away?" Tanong sa akin ni ate Caye.
"Okay lang ako ate, pero ate kapag ba may kaaway ako. Puwede ko ba hiramin 'yung samurai mo?" Tanong ko kay Ate Caye habang nakatingin kay mamang pulis.
"Puwede naman, hahaha!" Natutuwang sabi ni ate Caye sa akin.
"Sige po ate, kukunin ko na lang doon anytime na kailangan ko."
Narinig kong natawa si ate at kuya Luke.
"Ric, alam mo bagay sa 'yo na mag-asawa na. Tignan mo puwede ka ng maging tatay. Bagay na bagay sa 'yo." Biglang sabi ni Kuya.
"Sa tingin ko rin bro, kailangan ko ng mag-asawa hahaha! Gusto ko sa babae 'yung matapang at palaban." Sagot naman ng mamang pulis kay Kuya.
"Cherry, may boyfriend kana ba?" Tanong sa akin ni Kuya.
Napa-isip ako, kanina sinabi ko sa mamang ito na may boyfriend na ako. Kaya need ko panindigan ang kasinungalingan ko.
"Meron na po kuya," nakayukong sagot ko. Para hindi nila mahalata na nagsisinungaling lang ako.
"Talaga? Dalhin mo dito para makilala namin ha. Dalaga kana talaga, may lovelife kana." Masayang sabi ni Ate Caye sa akin.
"S-Sige po ate," nauutal na sagot ko. Sorry po Lord kung need ko magsinungaling.
"Tapos kana bro?" Biglang tanong ni Kuya kay Rico.
"Oo bro, uuwi na ako." Sagot nito kay kuya.
"H'wag ka ng umuwi. Nakainom kana mahirap na magdrive ng lasing. Cherry pakisamahan siya sa guest room pagkatapos mong kumain." Sabi ni Ate Caye.
"Sige po ate," sagot ko na lang. Ito talaga si ate
"Uuwi na lang ako." Sabi pa ulit nang lalaki.
Edi umuwi ka. Mukhang nagpapapilit ka tsk! Mga salitang tanging nasa isipan ko lang.
"Alam mo matigas rin ulo mo. Para ka rin si Cherry," sabi ni ate Caye kaya matic na tumingin ako sa kanya.
"Hindi naman ate," pagtatanggol ko sa sarili ko.
Tumawa lang silang lahat. Ako naman ay natawa na lang rin. Nang matapos ako ay kaagad kong sinamahan si mamang pulis sa guest room. Tahimik kami pareho. Inaayos ko ang higaan niya. Akmang lalabas na ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Cherry," tawag niya sa akin.
"Bakit kuya? May kailangan kapa ba?" Tanong ko sa kanya. Pero biglang kumunot ang noo niya. Dahil siguro sa tinawag ko siyang kuya.
"P-Puwede ba kitang yayain mamasyal?" Nagulat ako sa itinanong niya sa akin. Hindi ko kasi inaasahan.
"Bakit mo ako niyaya? Hindi naman tayo close para lumabas. At magagalit ang boyfriend ko. Kaya sana 'wag mo na ako ulit yayain. Ibang babae na lang." Sagot ko sa kanya.
"Pero ikaw ang gusto ko," sabi pa niya sa akin.
Tumingin ako sa mga mata niya. Hindi ko alam pero punong-puno ito ng sinseridad. May kakaibang damdamin na namumuo sa loob ko habang nakatingin ako sa mga mata niya.
"H'wa—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis niyang sinakop ang labi ko. Nagulat na naman ako sa ginawa niya. Hindi ako nakapagreact kaagad. Parang may nag-uudyok sa akin na tumugon sa halik niya. Wala sa sariling gumalaw ang labi ko.
Aminado ako na hindi ako marunong humalik kaya medyo nag-alangan pa ako. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Bago ang lahat ng ito, pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Ang bilis ng t*bok ng puso ko, parang may nagkakarerahan sa loob.
"Akin kana," sabi niya sa akin bago siya pumasok sa loob nang banyo. Naiwan naman akong nakatulala.
Nang mahimasmasan ako ay mabilis akong lumabas sa guest room at patakbong pumasok sa silid ko. Ano ba naman ito? Hindi, hindi puwede ang ganito. Ayaw ko sa kanya, kasalanan mo talaga ito. Bakit ka kasi humalik pabalik? Kausap ko sa sarili ko sabay sampal sa bibig ko.
Aray! Napasobra pa ang pagtampal ko. Wish ko na hindi ko na siya makita bukas. Lagi ko na lang hinihiling na hindi siya makita. Paano ba naman kasi halos araw-araw ko na siyang nakikita.
Humiga ako sa kama ko at binuksan ko ang phone ko. Nagulat ako dahil may text message galing sa unknown number.
Unknown: Good night babe, see you tomorrow.
Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. Naisip ko na baka nawrong send lang pero may dumating ulit na isa pa.
Unknown: Ako ang maghahatid sa 'yo bukas. I don't care about your boyfriend. Liligawan pa rin kita. Sweet dreams.
Dahil sa nabasa ko nalaman ko kaagad kung sino ang nagtext sa akin. Walang iba kundi si mamang pulis. Nagsimula akong magtipa ng text pero kaagad ko rin binura. Paulit-ulit lang ang ginagawa ko hanggang sa pinatay ko na lang ang phone ko. Mukhang magugulo ang tahimik kong buhay. Hindi ako puwedeng lumandin dahil nag-aaral pa ako.
Ayaw ko rin sa kanya. Ayaw ko nga ba? Dahil simula ng makilala ko siya hindi na siya mawala sa isipan ko. Pero sigurado ako na kagaya rin siya ni Kuya Luke na babaero. Nagbago lang naman si Kuya noong makilala niya si Ate.
Maaga pa rin akong gumising kahit na ang totoo ay puyat ako. Nasa kusina ako at magtitimpla ng kape ko. Alas nuebe pa ang pasok ko.
"Puwede mo rin ba akong timplahan babe?" Nagulat ako dahil biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Btw good morning babe," sabi pa niya ulit sa akin.
Hindi ako sumagot pero kumuha ako nang isa pang tasa para sa kanya. Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil hindi ko kayang kausapin o kontrahin siya. Nagsimula na akong magtimpla nang kape naming dalawa.
"Wala man lang ba akong good morning babe?" Tanong niya sa akin.
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Itinulak ko ang tasa papunta sa kanya. Saka ako lumabas sa kusina. Pumasok ako sa silid ko para kunin ang mga gamit ko. Nag-ayos rin ako ng kaunti bago ako lumabas.
"Oh, aalis kana ba Cherry?" Tanong sa akin ni Ate.
"Opo, ate may kailangan pa po akong asikasuhin." Sagot ko kay ate.
"Baka may date pa siya bago pumasok," pang-aasar ng kasama nila sa bahay.
"Mag-almusal ka muna bago umalis. Sumunod kana," seryosong sabi ni ate sa akin.
Alam ko na kapag gano'n ang tono ni ate ay seryoso siya. Wala naman talaga akong gagawin. Iniiwasan ko lang talaga si Rico. Dahil na rin nahihiya ako sa nangyari kagabi. Nagmukha kasi akong malandi kahit na wala naman talaga akong boyfriend.
Tahimik lang akong sumunod kay ate kahit na sa pagkain ay tahimik lang ako. Hanggang sa natapos ako ay hindi ako nagsalita.
"Alis na po ako ate," paalam ko sa kanya.
"Sige, ingat ka." Sagot sa akin ni ate.
"Isasabay ko na lang siya Caye." Biglang sabi ni Rico.
"Mas mabuti pa, sige ingat kayo."
Hindi na ako nagprotesta dahil alam ko na wala rin akong magagawa. Baka mainis lang sa akin si ate at iyon ang iniiwasan ko. Tahimik akong sumakay sa kotse ni Rico.
"Ang tahimik mo? May problema ba?" Tanong niya sa akin.
Hindi ako nagsalita. Wala akong lakas ng loob na magsalita. Mas malakas rin ang t*bok ng puso ko. Umurong bigla ang dila ko. Nawala ang lakas ng loob ko.
"Dahil ba sa nangyari kagabi? Sorry for kissing you. Alam ko na mabilis ang lahat ng ito. Pero can you give me a chance? I know that you don't have a boyfriend. Kasi kung may boyfriend ka, sana ay marunong kang humalik." Sabi niya sa akin.
Napatingin ako bigla sa kanya. Hindi ako nagulat sa sinabi niya na wala akong boyfriend kundi doon sa hindi ako marunong humalik.
"Hindi pala ako marunong. Bakit ako pa ang kinukulit mo?" Naiinis na sabi ko sa kanya.
"Ako na lang magtuturo sa 'yo." Sabi niya sabay halik sa labi ko. Itinulak ko siya dahil baka may makakita sa amin.
"Huwag ka nga halik ng halik baka may makakita sa atin."
"Bibigyan mo na ba ako ng chance?" Tanong niya sa akin.