CHERRY’S POV Lihim akong natutuwa sa asawa ko. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Pero nagkunwari akong inosente at mas nilambingan ko pa. Pasalamat talaga ako sa buwanang dalaw ko dahil dumating na ito. Makapahinga rin ang pearly shell ko sa asawa ko. Masyado na kasi itong pagoda sa kagagawan ng mister ko. Balak niya kasi sana kanina bago kami umalis pero bigla na lang dumating. Natatawa nga ako sa reaksyon niya dahil alam ko na masakit talaga ang puson niya. Ang cute ng mister ko, natutuwa rin talaga akong asarin siya. Pero may pangamba sa puso ko. Lalo na sa parents niya, inaasahan ko na talaga ang reaksyon ni Carmie kaya hindi na ako nagulat. Pero hindi ko pa nakita ang daddy niya. “Love, are you okay?” narinig ko na tanong niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. “Okay lang ako Ri