CHERRY’S POV “Okay ka lang ba?” Tanong niya bigla sa akin. “Oo naman, ikaw, okay ka lang ba?” Tanong ko rin sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin kaya alam ko na hindi siya okay. “Mister ko, ‘wag kang magalit sa kanila. Normal lang naman na ganun ang reaksyon nila. Kasi bigla ka na lang nag-uwi ng babae tapos pinakilala mo na asawa mo.” Sabi ko sa kanya. “Kahit na, hindi ka dapat nila ginanon. Hindi ko tanggap ang ganun love. Ang baba ng tingin nila sa ‘yo at nasaktan ako. Noong siya ang nag-asawa ay hindi ako komontra sa kanya, wala siyang narinig mula sa ‘kin. Hinayaan ko siya kasi alam ko na magiging masaya siya. Pero bakit sa ‘kin hindi niya kayang maging masaya?” Sagot niya sa akin. “Kasi gusto lang niya ang best para sa ‘yo. At handa kong patunayan sa kanila na mahal kita at walan