RICO’S POV Alam ko na mabilis ang lahat pero hindi na ako makapaghintay pa na pakasalan siya. Ayaw ko na bumalik kami ng Maynila na hindi siya naging Mrs. Royo. “Hey bro, pwede mo ba akong puntahan dito sa Iloilo?” Tanong ko sa ko sa kaibigan ko na si Luke. “Bakit may problema ba?” Tanong niya sa akin. “Magpapakasal na ako bro,” sagot ko sa kanya. “WHAT?! Totoo ba ‘yan? Kailan? Saan?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. “Mamayang gabi bro—” “Ano?! Mamayang gabi na agad?” Putol niya sa sasabihin ko. “Yes bro, hindi na ako makapaghintay.” Masaya na sagot ko sa kanya. “Ang bilis mo rin Royo, akala ko ay nililigawan mo pa lang pero kasal na agad gusto mo. Pumayag na ba si Cherry?” Tanong niya pa ulit sa akin. “Hindi ako magpapakasal ng hindi siya puma-payag bro—” “Siguraduhin mo l