Kabanata 5.

1058 Words
ATTY. CEKE May naamoy akong mabango kaya mabilis akong bumangon. Dumiretso ako sa kusina at nakita ko si Ariz na nagluluto. He is wearing apron, kahit nakatalikod siya ay very attractive ang likod niya. "Ano ang niluluto mo? Ang aga mo naman." "Sinigang na baboy, para naman makakitim ka ng lutong bahay. Alam mo, paborito ko ito at ng-" "Ng? Asawa mo?" walang pag-aalinlangan na tanong ko. Humarap siya sa akin. Nagtaka ako nang nanlaki ang mga mata niya. "L-luto n-na." "Oh, bakit?" pagtataka ko. Ibinaba niya ang tingin sa katawan ko. Napakamot ako sa ulo nang tingnan ko ang suot ko, naka-bra at panty lang kasi ako. Mabilis siyang umalis sa kusina. Seryoso ba siya? Ngayon lang ba siya nakakita ng ganitong ka-sexy na katawan? Sumandal na lang ako sa pader at inamoy ang mabango niyang niluto. Maya-maya pa ay may naramdaman akong tuwalya sa katawan ko. Nang lumingon ako ay nakita ko si Ariz.. woah, maginoo. Inagaw ko ang tuwaya sa kanya at ibinalot 'yun sa katawan ko. "Salamat." "Maghahain na ako, maupo ka na lang." Inalalayan niya ako para makaupo. "Ginagawa mo ba 'to para makapagbayad ka sa paninirahan mo rito? Hindi ko kailangan na gawin mo 'to sa akin." "Alam ko naman.. pero p'wede bang hayaan mo akong gawin 'to sa 'yo, Attorney?" Tumango lang ako. He started to get our plates and the one dish he cooked. He gave me one plate, a spoon and fork, and one glass of water. We started to eat, and I also started to smile. How can I bring you to.. if you are so kind to me? "Ceke, linggo pala ngayon. Maaari ba akong magsimba mamaya? At maghahanap na rin sana ako ng trabaho." "Ikaw ang bahala, basta bumalik ka sa akin. Babalik ka, okay? Hihintayin kita, Ariz." Nakita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya. Ariz, who are you to do this to me? Ariz, you make my heart calm. And you make my day brighter. May nag-door bell. Teka, wala naman akong in-order ah? "Hindi ba masarap ang niluto ko? Kaya nagpa-deliver ka?" "Hindi, siguro ay tao 'yan. Teka lang, pagbubuksan ko siya." Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin si Attorney Mison. "Ano ang ginagawa mo rito?" "Grabe ka naman! Ayaw mo bang nandito ako? May pag-uusapan lang tayo about my one case!" kunwaring nagtatampo na tanong niya. Lalaki siya pero kung traruhin niya ako ay parang bestfriend niya. Nakakainis siya pero masarap namang kasama at matalino. Hinayaan ko lang siyang makapasok sa loob. "Ay! May guwapo!" sigaw ni Mison, "Attorney Ceke! Kailan ka pa nagkaroon ng asawa? Napaka-savage mo kayang tao." Kiniliti niya ako sa tagiliran. Mabilis ko siyang siniko. "Hindi ko siya asawa, nandito siya dahil pinatira ko siya rito." Kumindat lang sa akin si Mison. Pero lumapit siya sa akin at itinapat ang bibig niya sa tainga ko. "Alam ba niya ang lihim mo?" "Hindi, alam mo kung bakit? Siya ang mission ko." "Siya pala 'yun, Ceke? Ang guwapo naman at ang hot. Hindi ka ba naaawa sa kanya?" Tumawa lang ako sa tanong niya at bumalik na sa lamesa. "Kumain ka na lang dito sa amin. Masarap ang niluto ng future asawa ko." Biglang nagulat ang dalawa sa sinabi ko, bahala sila. After we ate, Ariz offered to wash the plates. I just nodded at him and smiled. I and Mison went to my couch. He started to bring out his papers about one case he wanted me to help with. "Mison, mayroon kang client na ginawa talaga ang kasalanan niya pero dapat mong ipanalo, tama ba?" "Oo gano'n na nga, pero gusto kong makulong ang client ko." "Bakit ka pa lumapit sa akin kung kaya mo namang gawan ng paraan?" "Nabayaran na kasi ng client ko ang judge." "Ano ang gusto mong gawin ko sa judge? Sakalin ko?" "Hay naku, Ceke! Labanan mo siya ng patas." Inilapit ko ang labi ko sa tainga niya. "Sa tingin mo ba ay uso iyon sa akin?" "Nakakatakot ka talaga, Ceke!" "Sabi ko sa 'yo, huwag kang humingi ng tulong sa akin." Nalungkot siya sa isinagot ko. "Okay sige, legal kong kakausapin ang judge. Masaya ka na?" Niyakap niya ako kaagad at masaya akong kinurot sa pisnge. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpaalam na si Mison para umalis. Habang nakatutok ako sa laptop ay biglang lumabas sa kwarto niya si Ariz. He is wearing a polo shirt and black pants I brought for him. What's more attractive to him is his messy hair and his green eyes. And of course, his body and face are a full package as a handsome and high-standard type of man. "Salamat pala para sa aking suot, Ceke." Lumapit siya sa akin. "Welcome, magsisimba ka na ba?" "Oo, ayaw mo ba talagang sumama?" "Sa susunod na lang. Mag-iingat ka, okay?" "Oo naman, babalik pa ako sa 'yo. Salamat talaga, Ceke." Nag-bow siya at naglakad na papalayo. May biglang dumating. Ang init ng awra niya. "Bakit pinapatagal mo pa ang mga nangyayari? Akala mo ba ay hindi kita napapanuod?" "Maghintay ka lang, hindi madali ang ipinapagawa mo. Alam mo kung bakit? Masyado siyang mabuting tao." Nilapitan niya ako at hinawakan sa panga. "Kapag hindi ka nagtagumpay ay alam mo na ang mangyayari sa 'yo. Alam mo na mahirap akong kalaban." "Oo, naiintindihan ko." Bumuntonghininga ako nang mabilis siyang mawala. Sa mundo ito, may mga taong hindi maiintindihan kung bakit ako nandito. Kahit ako ay hindi ko rin maintindihan lalo na ang pagiging mabuti ko. ** "Para sa 'yo." Inabot ni Ariz ang isang balot ng orange. Kararating niya lang. "Hindi sapat ang pera na ibinigay ko sa 'yo, paano ka nakabili nito?" "Gumawa ako ng paraan," "Huwag mong sabihing nagnakaw ka?!" "Nag-sideline ako bilang backer ng jeep kanina pagkatapos kong magsimba. Natutuwa kasi ako sa tuwing naiisip kita at makikita kong masaya ka na mayroon akong dala para sa 'yo. Marami nga akong kinita," masaya niyang sabi. "Sa guwapo mong 'yan ay hindi ka nahiya? Nakakamangha ka. Sa totoo lang ay bihira na lang kasi ang katulad mo na gagawin ang gano'n." "Wala 'yun, kainin mo na lang ang mga 'yan dahil matamis." "Ayaw mo bang kainin natin ng sabay?" "P-p'wede naman," "Umupo ka sa tabi ko." Hinila ko siya kaya napaupo siya sa tabi ko. I just smiled nang makita kong nag-blushed siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD