Kabanata 4.

1042 Words
ATTY. CEKE Masaya kong tinitigan ang door ng condo unit ko. Sa wakas ay tapos na ako sa trabaho. Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang guwapong lalaki na mukhang anghel, malaki ang katawan, matangkad, matangos ang ilong at maputi. "Tatanggapin mo na ba ang offer ko?" I asked. Pero hindi pa rin siya sumagot. Ang arte naman ng lalaking 'to dahil may lakas ng loob na tumira sa condo ko pero hindi ako sinasagot o kinakausap. "Okay na ba 'yang sugat mo? Ginamot ko na 'yan, nakakahiya naman kasi sa 'yo. Ano nga ulit ang pangalan mo?" "A-Ariz." Nag-bow siya sa akin. Napangiti ako dahil bukod sa napaka guwapo niya ay magalang siya. Sa naaamoy ko naman sa pagkatao niya, siya ay mabuting tao. "Ako na ang nag-o-offer sa 'yo na pakasalan mo ako, bakit ayaw mo? Kapag ayaw mo ay lumayas ka na lang sa condo ko." "P-pero.. paano naman kita papakasalan kung hindi kita mahal?" Tumawa ako, "Kapag ikinasal tayo ang tawag do'n ay love after marriage." Tumango lang siya at napakamot sa ulo. Nakakainis ang lalaking 'to, nawawala ang pagiging matapang ko. "P'wede bang pag-isipan ko muna? Lahat kasi ng importante sa akin ay nawala, kahit pera ay wala na talaga ako. At ang matutuluyan." "Kaya nga nandito ako to save you. Okay sige, pag-isipan mo." Pumasok ako sa aking kwarto para magbihis. Kaunti na lang, mapupunta ka rin sa akin. May nag-door bell, pumunta ako kaagad sa pinto. I see, delivery man. Nilagay ko sa mini table ang in-order kong pagkain. "Kumain ka na." "Ano nga ang iyong pangalan?" Tumawa ako, "Sigurado ka bang gusto mong malaman?" Tumango siya at ngumiti. Ang guwapo naman ng lalaking 'to. "Ako si Attorney Ceke Villare." Nakita kong humanga ang mga mata niya sa sinabi ko. "Attorney, hindi ka ba mahilig magluto? Napansin ko kasi na kahapon ka pa kumakain ng pagkain sa labas." "Busy akong tao, Ariz. Mas gugustuhin ko pang ipanalo ang mga unfold cases na hawak ko keysa unahin ang sarili ko." Tumayo siya habang inaalalayan ang sarili dahil sa dalawa niyang sugat. "Ipagluluto kita." "Talaga? Huwag na, hindi ka pa naman totally magaling. Kainin na lang natin 'to." Umupo siya ulit at ngumiti sa akin. "Maraming salamat sa pagiging mabuti mo at sa pagtanggap sa akin dito. Masasabi kong makapal ang mukha ko dahil-" "D'yan ka nagkakamali, pag-isipan mo ang offer ko, okay?" Tumango lang siya. Jusko! Napakagalang talaga ng lalaking 'to. Binigyan ko siya ng pagkain. Habang kumakain ako ay nakatitig ako sa kanya, sa tingin ko ay magtatagumpay ako sa aking plano. "Kumusta ka naman bilang isang lawyer?" "Masarap, gusto mong tikman?" Ngumiti siya at bumuntonghininga, "Ano ang iyong ibig sabihin sa masarap?" "What I mean is masarap akong maging lawyer dahil iniingatan ko ang bawat client. Ikaw ba, gusto mo bang tikman ang alaga ko, Ariz? I mean pag-aalaga ko." Imbis na sumagot siya ay tumitig lang siya sa mga mata ko. "May problema ba?" dagdag ko. "Ikaw lang kasi ang natatanging babae ang nag-offer sa akin ng kasal at nag-offer din na alagaan ako, salamat, Attorney Ceke." Napangisi ako sa sinabi niya at 'di kalaunan ay napangiti. Tumunog ang aking cellphone kaya kaagad kong sinagot. "Kailangan mong bilisan ang iyong mission," seryosong sabi ng nasa kabilang linya. Binaba ko kaagad ang tawag. Naiinis ako sa kanya dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi ang maging masama. Nag-e-enjoy pa kasi ako, panira siya. "Wala ka bang boyfriend o asawa? Baka magalit siya dahil nandito ako. Aalis na lang ako-" pagdududa ni Ariz. "Wala ako no'n. Ikaw ba?" "Mayroon ako noon, pero ex-wife ko na siya ngayon." "So broke pala ang puso mo, Ariz. Gusto mo bang mag-shot tayo? Full agad ang baso! Para isang tama na lang sa utak." "Ikaw na lang siguro, hindi kasi ako umiinom." "Talaga ba? Ano lang pala ang ginagawa mo?" "Kung hindi mo man natatanong, ako ay mahilig magsimba tuwing linggo. Gusto mo ba na kapag okay na ako ay magsimba tayo?" Napalingon ako sa kusina dahil sa kanyang sinabi. "P-pasensya na pero busy ako, ikaw na lang. Proud ako sa 'yo, mabuti ka talagang tao." Tumitig ulit siya sa mga mata ko. "May problema ka ba, Ariz?" "Ngayon lang din kasi ako nakarinig ng salitang proud ako sa 'yo.." "Kung ako ang papakasalan mo ay araw-araw mo 'yang maririnig." "Atty. Ceke, huwag mo sanang masamain pero bakit ako? Hindi mo naman ako kilala 'di ba? Kahapon lang tayo nagkita. Tsaka, tanyag ang pangalan at trabaho mo.. bakit ako?" "'Di ba sabi ko sa 'yo ay busy akong tao? Wala na akong panahon para maghanap pa ng makakasama sa buhay. Mayroon namang dumadating sa akin pero ayaw ko naman sa kanila. Ikaw, dumating ka kahapon, as in kahapon lang pero ikaw na 'yung gusto ko. Masama ba 'yun?" "Hindi naman, Attorney, at hindi ko rin ii-invalidate ang gusto mo. Pero alam mo ba? Mas masarap magpakasal sa taong mahal mo talaga." "Totoo naman 'yan, pero ang tanong, mahal ka rin ba ng taong pinakasalan mo? Oo maaaring mahal ka niya ngayon pero maaaring bukas ay hindi na." "Tama ka naman." "Kung magbago man ang isip mo Ariz ay nandito lang ako, handang makinig sa 'yo." "Salamat, Attorney." "Ceke na lang! Masyado ka namang pa-client d'yan." "Huwag kang mag-alala Ceke, hindi ka naman mahirap mahalin. Pero sana ay huwag na nating pag-usapan ang mga ganyan dahil-" "Dahil ano? Dahil aalis ka rin dito? Huwag mo nang tangkain pa dahil mamalasin ka lang lalo." "Gusto ko kasing mamuhay ng simple at walang utang na loob sa iba. Hindi ko naman minamasama ang pagtulong mo pero ako ay lalaki, kailangan kong kumilos." "Bakit hindi mo ako isama sa pamumuhay mo ng simple? Isipin mo na lang na umuupa ka rito sa condo ko o maghanap ka ng trabaho pero dito ka pa rin uuwi." "Pero-" "Wala ng pero o bakit. Hayaan mong samahan din kita sa pinapangarap mong buhay." "B-baka may trabaho ka pa, Ceke.. ituloy mo na," he whispered. "Wala akong gagawin ngayon. Ikaw ang trabaho ko," "A-ano?" "Wala 'yun, joke lang. Sige na, matutulog na ako." Nag-bow ako sa kanya at naglakad na papunta sa aking kwarto. Kakaibang saya ang aking nararamdaman ngayon, 'yung saya na hindi tungkol sa kasakiman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD