Kabanata 6.

1521 Words
ATTY. CEKE Tinapik ko ang braso ni Ariz. "Magkwento ka naman tungkol sa buhay mo." "Handa ka bang makinig? Pakiramdam ko kasi ay madrama ang aking buhay." I winked at him, "Handa akong makinig kahit na dumating man ang araw na hindi na ako makarinig." He smiled. Woah, his smile is captivating. "Mag-isa na lang ako sa buhay, Ceke. My parents died because of a car accident. And now, my marriage has been legally annulled. It's very traumatic for me, but I don't have any right to not face the life that's destined for me." "Ariz, despite everything you have experienced, have you ever considered being bad or feeling resentment?" "Sa totoo lang ay wala akong naramdaman na kahit anong sama ng loob o galit sa aking puso. Ang totoo niyan ay minsan ay iniisip ko kung bakit sa dami ng pinagdaanan ko ay nananatili pa rin akong mabuting tao na mas lalo pang pinipili na maging mabuting tao. Ang advantage lang ng pagiging isang mabuting tao ay masarap sa pakiramdam." I just bowed at him. The way he speaks is so relevant to me, I believe. Indeed, he is a pure and kind person. "Attorney, may niluto na ako para sa lunch.. hindi ka pa ba kakain?" "Wala kasi akong gana," "Bakit, Ceke? May sakit ka ba? Okay ka lang ba? May masakit ba sa 'yo? Ano ang nangyayari sa 'yo? May problema ka ba?" Natawa ako sa sunud-sunod na tanong niya, "Okay lang ako. Nakaka-touch naman ang sunud-sunod na tanong mo, parang tanong ng isang asawa. Huwag kang mag-alala, sa oras na hindi ako okay ay ikaw ang unang makaaalam." He bowed and suddenly faced me. He stared at me like I was the woman of his dream. Or am I just assuming? Whatever. Biglang tumunog ang doorbell. Who is my visitor? "Ako na lang ang magbubukas." Mabilis na nagtungo si Ariz sa pinto. "Mama!" sigaw ng isang babae. Nang lumingon ako ay napahawak ako sa aking bibig dahil sa gulat. "M-Maisa? Ano ang ginagawa mo rito? Your Yaya did not text me about your visit." Tumayo ako para yakapin siya. "I miss you, Maisa." "Na-miss din po kita, Mama!" masayang sagot niya. Nang tingnan ko si Ariz ay mukhang gulat na gulat siya. "Madam! Pasensya na po kung hindi ako nakapag-text sa inyo. Mayroon po kasing problema si Maisa sa school." Maisa is 17 years old living alone with her nanny. I want her to be independent, period. But never akong nagkulang sa kanya. "A-ano?!" "Madam, si Maisa po ay na-bu-bully sa school.. ang nakakainis po ay hindi siya nagsasabi sa akin. Mabuti na lang po dahil sinabi ng kaibigan niya." Bumuntonghininga ako dahil sa galit na nararamdaman ko, "Maisa! Kailan ka pa natutong magtago ng about sa ganito?!" Yumuko si Maisa at umiyak. "S-sorry p-po, M-Mama." "Pupunta tayo sa school mo mamaya! Sa ngayon ay pumunta ka muna sa kwarto ko para magpahinga. At kakausapin din kita. Yaya, samahan mo muna siya." Tumango ang mag-nanny at pumunta na sa kwarto ko. "Mayroon ka na pa lang anak, Ceke. Nagagalak ako na mayroon kang angel." "Ang totoo niyan ay adopted daughter ko siya." "T-talaga? Nakakatuwa naman dahil kinupkop mo siya. Saan siya nagmula? Sa bahay ampunan ba?" "Hindi, Ariz.. pero sana ay huwag na muna nating pag-usapan. P'wede bang ikaw ang mag-drive ng kotse ko papunta sa school mamaya?" "Oo naman huwag na nating pag-usapan, nirerespeto kita. Ceke, walang problema sa akin na ako ang mag-drive, salamat." "Salamat din, uhm wait lang dahil kakausapin ko muna ang anak ko." Ngumiti siya at nag-bow sa akin. Kaagad akong nagtungo sa kwarto ko. "Yaya, p'wede bang mag-usap muna kami?" "Opo, madam!" "M-mama.. galit ka po ba sa akin? Tsaka Ma, sino po 'yung lalaki sa sala?" "Siya ay naninirahan lang rito." Hinawakan ko ang kamay niya. "Anak, ikaw ang pinakamahalaga na nangyari sa buhay ko tapos hinayaan mo lang na masaktan ka ng iba. Sino ang hindi magtatampo?" Umiyak nang umiyak si Maisa. Kaya pinunasan ko na lang ang mga mata niya. "Hindi na po ako maglilihim, Ma. P'wede bang huwag ka ng sumama sa amin sa school?' "Hindi maaari, at hindi ako papayag." Tumango lang si Maisa. Si Maisa ay isang magandang babae at mukhang pinaghalo na korean at american. Kung paano ko siya nakuha ay hindi 'yun malalaman ng iba. Maisa is mine, pero mayroon akong dahilan kung bakit hindi ko siya p'wedeng makasama habambuhay. "Maisa, tara na sa school mo. Sumunod ka na lang sa baba." Mabilis akong lumabas sa kwarto. "Aaalis na ba tayo?" Ariz asked. "Oo, tara na." Tumango lang siya at sumunod sa akin papunta sa parking lot. Nasa tapat na kami ng kotse ko. Si Ariz naman ay pinagbuksan ako ng pinto. Habang nakaupo kami ni Ariz sa loob ay tahimik lang kami parehas. Pero nagulat ako nang biglang lumapit si Ariz sa akin at sobrang lapit na ng mukha niya. "M-mayroon b-bang p-problema, A-Ariz?" Hindi siya sumagot, hanggang sa naramdaman ko na lang na nakadikit na ang aming mga katawan. "May inalis lang akong alikabok sa bintana," bulong niya at biglang umalis sa harapan ko. Magsasalita na sana ako pero biglang sumakay ang mag-nanny. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa school. Pagkababa namin sa sasakyan ay maraming mga student ang nakatingin sa amin especially kay Ariz na mukhang koryano. We went straight to the guidance office. "Ano po ang maitutulong ko sa inyo, Attorney Ceke?" masayang tanong ng Principal. "I have a complaint regarding the bullying of my daughter." "You may sit po. Maisa, sino ang nam-bully sa 'yo?" "A-ang tatlo ko pong kaklase na sina Mico, Sha, at Dea." "Hija, ano ang ginagawa nila sa 'yo?" "K-kinukulong po nila ako sa comfort room at tinatapon po nila ang baon ko. Tsaka binubuhusan po nila ako ng kung anu-ano. At may time po na sinasaktan nila ako." Hindi na napigilan ni Maisa na umiyak "Mrs. Fuen, gusto kong makausap ngayon ang mga magulang ng mga student na 'yun, now." "O-okay po." May tinawagan si Mrs. Fuen sabay ngumiti sa akin. Makalipas ang 30 minutes ay may tatlong sosyal na babae ang pumasok kasama ang tatlong students. "Alam niyo na kung bakit kayo nandito," sabi ni Mrs. Fuen sa tatlong students. "Parents, ang inyong mga anak ay nakagawa ng mali sa anak ni Attorney Ceke." "Ano naman? Away nila 'yan. Sana ay huwag na nating pakialaman, tayo ang matatanda 'di ba? Matuto tayong magkaroon ng pasensya. Tsaka, my husband is the owner of this school," sabi ng isang nanay. Tumayo ako sa sobrang inis. "Oo, away nila 'yan pero kailangan nating mangialam bago pa lumalala. Sabihin mo nga sa akin, baliw ka ba? Wala ka bang pakialam sa anak mo? At kayong dalawang babae kayo, may pakialam ba kayo sa mga anak niyo? Natanong niyo na ba ang mga anak niyo kung okay lang sila? Kung kumusta ba sila? O kung kaya pa ba nila?" Hindi sila nakasagot. "Hindi ko na sisisihin ang tatlong students sa pambu-bully sa anak ko dahil kayo naman talagang tatlo ang may kasalanan kung bakit ganyan ang anak niyo. Tingnan mo, imbis na kumbinsihin mo ang anak mo na mag-sorry sa anak ko, ano nga ulit ang sinabi mo? Sa tingin mo ba ay makatarungan 'yun?" "Humingi na lang kayo ng sorry sa anak niyan, hindi tayo mananalo d'yan dahil lawyer 'yan," sambit ng isang nanay. Dinuro ko ang babae. "Shut up! Wala sa profession ko kung paano ako maging nanay kay Maisa, gets mo? Dahil kahit sinong ina ay maaaring kausapin ng maayos ang anak nila at maaaring makinig kung ano ang problema ng anak nila! Hindi ko sinusukat ang kakayahan niyo bilang ina pero sana man lang ay turuan niyo ang anak niyo ng mabuti. Hindi 'yung kinukunsinti niyo sila dahil 'yun sa tingin niyo ang tama." "Wala kang alam kung paano namin pinalaki ang mga anak namin!" Tinulak ako ng isang nanay. Itutulak ko na rin sana ang babae pero nagulat ako nang yakapin ako ni Ariz. At mas nagulat ako nang himasin niya ang buhok ko. Hindi ko alam pero nawala ang galit ko sa tatlong babae kahit na nakakainis sila. Hindi ko alam na isang yakap lang pala ni Ariz ang makapagpapatigil sa galit ko. "I've decided to give the three students a punishment. They are one week suspended," saad ni Mrs. Fuen. Natuwa ako kaya hinarap ko si Mrs. Fuen. Nang tumingin ako sa gilid ay masama ang tingin sa akin ng mga magulang nu'ng tatlo. Lalapitan ko sana sila pero hinawakan ako ni Ariz sa kamay. Tinitigan ko si Ariz na mayroong pagtatanong sa aking mga mata pero ngumiti lang siya. Damn, he is so handsome. Hinawakan din ako ni Maisa sa kamay. "Let's go na, Mama." Tumango lang ako at tumungo na kami sa labas. "Ano po ang pangalan niyo, Kuya pogi?" Maisa asked to Ariz. "Hi, ako si Ariz Bian. Alam mo, mabuti na lang dahil kahit na gano'n ang trato sa 'yo ng tatlong 'yun ay hindi ka lumalaban. Mas mabuti ng walang revenge na iniisip at nararamdaman." "Opo, Kuya Ariz! Salamat po sa advice!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD