bc

The Good Millionaire

book_age18+
281
FOLLOW
1K
READ
love after marriage
dare to love and hate
billionairess
bxg
humorous
city
like
intro-logo
Blurb

(Mature Content, R18) - Romance, Urban fantasy & Mystery/Thriller.

Si Atty. Ceke Villare ay isang independent woman na naninirahan mag-isa sa kanyang condo. Siya ay kilala bilang isang disenteng babae na mataas ang pinag-aralan.

Siya ay nagmula sa lugar na hindi gugustuhin ng iba na mapuntahan.

Sa likod ng maganda niyang imahe ay mayroon siyang itinatagong lihim.

Ngunit habang isinasagawa niya ang mission ay hindi niya akalain na matututunan niya ang magmahal.

Ang gusto niya ay idala ang isang lalaking mahal niya sa lugar kung saan siya nagmula.

Ngunit mahal na niya ang lalaki. At hindi na kayang saktan pang muli ang minamahal.

Date Started: May 24, 2022

Date Ended:

chap-preview
Free preview
Kabanata 1. ARIZ POV:
"Sa akin ka rin mapupunta," seryosong sabi ng babae. Ang suot niya ay itim na belo kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Pero ang masasabi ko ay maputi siyang babae at mukhang mayaman. Magsasalita na sana ako pero umalis na siya. Hinayaan ko na lang ang babae dahil masaya ako ngayon. Sumakay ako sa tricycle. Pagkababa ko ay may nakita akong flower shop. Napangiti ako dahil sosorpresahin ko ang aking prinsesa. Naglakad na lang ako papunta sa aming apartment. Pagkabukas ko sa pinto ay tahimik ang paligid. "Maryi!" masayang tawag ko sa aking asawa. Walang sumasagot kaya umupo na lang ako sa aming sofa. Si Maryi ang may-ari ng apartment na ito. Sa totoo lang ay namumuhay kami ng simple dahil 'yun ang gusto ko at gusto rin niya. Pero ang totoo ay may-ari ako ng isang hotel. At ang hotel na 'yun ay mapupunta kay Maryi at sa mga magiging anak namin. Magluluto na lang ako para sa aming dinner. Masaya akong pumunta sa kusina at inilabas ang aking lulutuin. Sana ay magustuhan 'to ng aking asawa. Sa totoo lang, Maryi is my first love at ang babaeng mamahalin ko habambuhay. Pagkatapos kong maluto ang pagkain namin ay inayos ko naman ang lamesa. Inilagay ko sa lamesa ang bulaklak. Sigurado ako na magugustuhan 'to ng aking asawa. Tumunog ang door knob kaya napangiti ako. Naramdaman ko na bubukas na kaya pumunta ako sa sala. Ipinikit ko ang mga mata ko para ako mismo ang ma-surprise. Habang nakapikit ako ay naramdaman kong bumukas na ang pinto ngunit hindi man lang sumigaw si Maryi o yumakap sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Hindi ko alam pero sana pala ay hindi ko na lang iminulat ang aking mga mata dahil kakaibang palabas ang aking nakikita. Maryi, kailan pa? Masakit ang aking napapanuod pero hindi ko kayang ipikit ang aking mga mata sa aking nakikita. Si Maryi lang naman ay nakikipaghalikan sa ibang lalaki. At unti-unti na nilang hinuhubad ang kanilang mga saplot. Bago pa man nila mahubad ang lahat ng kanilang suot ay nagkunwari akong umubo. Nanlaki ang mga mata nilang dalawa nang makita ako. "G-gusto n-niyo b-bang m-mag-dinner? S-sa inyo na lang itong niluto ko," nauutal na sabi ko habang nakatingin sa malayo. Maryi is everything to me, ginawa ko siyang mundo. Mabilis silang nagbihis. Nag-bow sa akin ang lalaki at mabilis na umalis. Si Maryi ngayon ay nakatitig sa akin na parang hindi nagsisisi sa kanyang ginawa. "Paano mo nagawa ito sa akin, Maryi? H-hindi m-mo n-na ba ako mahal?" "Paano kung sabihin ko sa 'yo na oo? Titigil ka na ba?" "Paano ako titigil kung ako puso ko ay ikaw ang nagpapatibok?! Paano ako titigil kung ikaw na ang ginawa kong mundo? At paano ako titigil sa pagmamahal sa 'yo kung ikaw lang ang pinapangarap kong makasama habambuhay?" tanong ko habang tumutulo ang aking luha. Wala akong pakialam kung makita niya na mahina ako habang umiiyak dahil siya mismo ang aking kahinaan. "Ilaan mo na lang sa iba ang pagmamahal mo," "Ayaw ko, Maryi! Tsaka kasal tayo!" "And so?" "Maryi.. hindi mo na ba talaga ako mahal?" "Hindi na ako masaya sa 'yo at wala na akong nararamdaman para sa 'yo, Ariz." "P-pero bakit?" "Hindi lahat ng tanong ay may sagot, Ariz. Pero para manahimik ka ay isa lang ang sagot, 'yun ay hindi na kita mahal." Napaluhod ako sa kanyang sinabi at hindi ko na napigilang humagulhol. Wala akong pakialam kahit lalaki ako na humahagulhol dahil sa babae. Wala namang nakasulat sa batas na kapag lalaki ay hindi p'wedeng umiyak at hindi p'wedeng ilabas ang nararamdaman dahil sa nasasaktan. "Umalis ka na sa apartment ko, Ariz." "P-pero hindi maaari! Mag-asawa pa rin tayo, Maryi.." "Sino ba ang dapat masunod huh? Tsaka Ariz, pinirmahan mo ang hotel na sa akin na kaya huwag kang pupunta do'n. Bahala ka kung saan mo gustong tumira." "Bakit mo ba ginagawa ito? Wala naman akong pakialam sa hotel ko dahil sanay akong mabuhay ng simple. Pero bakit naman ganito? Sabihin mo nga sa akin.. ang isang katulad ko ba ay mahirap mahalin? Lahat naman ginawa ko para maayos ang marriage natin 'di ba?" "Masyado kang maraming sinasabi, bukas ay ipapakita ko sa 'yo ang annulment paper natin. Umalis ka na." Pumasok siya sa kwarto namin. Pagkalabas niya ay dala niya ang tatlo kong maleta. Umiyak na lang ako nang umiyak dahil sa ginagawa niya dahil pagdating sa kanya ay hindi ko kayang pigilan ang aking puso na manghina. Kinuha ko na lang ang mga maleta ko. "Hindi na ba magbabago ang iyong isip? Wala na ba talagang natitirang pagmamahal sa iyong puso?" Hindi siya sumagot, tumalikod lang siya. Pero nagalaw ang kanyang braso na para bang nagpipigil siya ng iyak. Kilala ko si Maryi, hindi siya ganito. Pero siguro ay panahon na para tanggapin ko ang katotohanan. Maryi, mahal kita, paalam. Nanginginig kong binuksan ang pinto. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil mag-isa na lang ako sa buhay. Hotel ko na lang ang mayroon ako pero ibinigay ko 'yun kay Maryi para sa future niya at sa magiging anak namin. Pero mukhang mali ako ng desisyon dahil ang makikinabang sa aking hotel ay ang bagong lalaki niya. Habang naglalakad ako ay may naririnig akong sad song kaya lalo akong naiyak. Sumakay ako ng tricycle. Kahit na pinagbawalan ako ni Maryi sa hotel ko ay doon pa rin ako pupunta. Masakit sa akin ang nangyari pero ano nga ba ang magagawa ko? Mahina ang tingin ko sa aking sarili pero si Maryi ang nagpalakas sa akin. Ngayon na wala na siya ay mahina na ako nang tuluyan. Hindi na matutupad ang pangarap kong magkaroon ng buong pamilya. Nakarating na ako sa hotel. Maraming sumalubong sa akin na mga tauhan ko. At pinapasok pa nila ako sa magandang room para makapagpahinga raw ako. Pero nagbayad pa rin ako sa room. Humiga ako sa kama. Ewan ko ba, pero parang wala na akong nararamdaman pa. Nasasaktan ako ng sobra ngayon pero ayaw ko nang maramdaman dahil masikip sa dibdib. Mahirap pala na ibigay lahat sa isang tao dahil hindi sigurado kung kailan nga ba siya aalis. Ang gusto ko lang naman ay happy marriage na kasama siya. At siya ang makasama ko sa aming pagtanda. Pero hindi pala lahat ng gusto ko ay matutupad ng dahil lang sa gusto ko. Tatanggapin ko na lang siguro ang katotohanan na hindi kami para sa isat-isa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
166.6K
bc

His Obsession

read
80.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
118.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
73.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
23.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook