Kabanata 3. ATTY. CEKE'S POV:

1040 Words
I'm here at our law firm, owned by my grandparents. Our law firm is a business that builds groups of lawyers to engage in the practice of law. Villare's law firm is a top-performing law firm among others. Nandito ang aming law firm to speak for the rights of others and win their cases. Ang sabi nila, ang trabaho ng isang lawyer ay hindi makatuwiran minsan kapag ang napunta sa kanya ay client na masamang tao. Pero ibahin niyo ako. Ako si Ceke, tumatanggi ako sa client na kapag tiningnan ko sa mga mata ay hindi karapat-dapat ipaglaban. Nasa office ako, iniisip ang isang tao. "Atty. Ceke, meet Ms. Sando, 19 years old. Nais ka po niyang makausap," sabi ng assistant dito. Pumasok ang isang teenager na babae. All I say ay full package siya pagdating sa kagandahan. "Umupo ka," tinitigan ko siya, "How may I help you? What's your main problem?" "V-victim p-po a-ako n-ng r-rape.. kahapon lang po." Malakas kong ipinatong ang dalawang kamay ko sa lamesa. Labis na kumukulo ang dugo ko. "Paumanhin sa nangyari sa 'yo ngunit maaari ko bang tanungin kung anong klaseng panggagahasa ang ginawa sa 'yo?" Hindi siya nakasagot kaagad habang nanginginig. "Huwag kang mag-aalala, hija. Hindi naman ako basta attorney lang dahil kaya kong amuyin kung nasaan ang mga gumawa nito sa 'yo. Si Atty. Ceke, alam kung nasaan ang demonyo." Yumuko ang dalaga at umiyak nang umiyak. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. Gusto kong maramdaman niya ang init ng kanang-kamay ko para maramdaman niya na hindi siya nag-iisa. "Crime of panggagahasa such as aggravated, date, marital, serial, uhm statutory is exempted, acquaintance, and gang rape. Alin sa mga ito ang ginawa sa 'yo? For your information, bakit hindi ka muna lumapit sa mga pulis?" "S-sikat p-po kasi kayo na wala kayong natatalong cases.. ang gusto ko po kasi ay mahuli sila kaagad. At balita ko po ay mayaman kayo kaya madali lang para sa inyo-" "I knew it," mabilis na sagot ko, "So, ano?" Tumulo ang luha niya sa mata habang nanginginig na tumingin sa akin. "Sa tingin ko po ay gang rape dahil.. multiple attacker po ang gumawa sa akin nito. Ang totoo po niyan ay mga kaibigan ko sila." "What a f*****g friends!" singhal ko, "sabihin mo sa akin kung nasaan sila ngayon." "P-pero.. sana po ay sabihin niyo na lang sa mga pulis para-" "Seryoso ka ba? Sa akin ka lumapit 'di ba? O nagbago 'yang isip mo dahil naaawa ka sa kanila? Ayusin mo ang mga desisyon mo sa buhay!" Tumango ang dalaga habang umiiyak pa rin. Mabilis niyang sinabi sa akin kung nasaan ang mga kaibigan niya. Ipinakita niya rin ang mga pictures ng mga 'yun na kasama siya. Nasa bar ang mga ito, limang lalaki. Sa tingin ba nila ay makakatas sila kay Atty. Ceke? Nakakatawa sila. Tinawag ko ang assistant dito para asikasuhin ang dalaga. Lumabas ako nang mabilis sa building. Inalis ko ang shades ko. "Ito na naman ako, maghahasik ng lagim." Sumakay na ako sa kotse at ngumisi. Nakarating na ako sa bar. Natawa ako nang maamoy ko ang mga kaibigan ng dalaga. Ang baho nila, amoy kasamaan. Habang papasok ako ng bar ay maraming nagbo-bow sa akin at napapanganga dahil I'm famous. Sino ba namang sikat na lawyer ang pupunta sa bar na ang ibang tao ay panay party at panay away lang ang alam. Naglakad ako nang dahan-dahan para makarating sa gitna. Nagsayaw muna ako dahil nadadala ako ng musika. Nakita ko ang limang lalaki habang masayang umiinom habang kandong ang limang babae. Lumapit ako sa kanila at ibinuhos ang alak na hawak ko. "Hoy! Ano bang problema mo?" Tumayo ang isang lalaki habang masama ang tingin sa akin. "Girls, p'wede bang umalis kayo?" pakiusap ko. Tumango ang limang babae at tumakbo papalayo. "Panira ka ng gabi." Hinawakan ako nang mahigpit ng isang lalaki sa aking braso. Pero itinulak ko siya nang malakas. Hinawakan ko ang dalawang lalaki sa kanilang damit at hinila palabas. Nagpatulong ako sa guard ng bar na damputin ang tatlo pang lalaki. Ipinasok ko silang lahat sa aking kotse. "Ano ba ang kailan mo?!" Hindi ako sumagot sa tanong ng isang lalaki. Bagkus tumingin ako sa mirror at ipinakita ko sa kanila ang dapat nilang makita sa parte ng mukha ko para matakot sila. Hindi na sila nagsalita pa. Ngayon ay nandito kami sa abandonadong building. Binuksan ko ang pinto. "Lumabas kayong lima!" Mabilis silang sumunod sa akin. Ngumisi ako dahil sino ba naman ang hindi susunod kung may nakita silang nakakatakot kanina. Sabi ko sa inyo, huwag na huwag si attorney. "Lumuhod kayo." Utos ko habang umiikot sa kanila. Kaagad naman silang sumunod habang nanginginig. "K-kilala k-kita.. i-ikaw ang famous na lawyer-" Tinakpan ko ang bunganga ng isang lalaki. "Manahimik ka. Mayroon akong itatanong sa inyo. Ang tanging sagot lang ay oo. At gusto ko ay malakas ang sigaw niyo." Tumango sila. Ngayon ay tumutulo ang kanilang pawis ng dahil sa takot. Pero noong nanggahasa sila ay wala silang awa, literal na mga lobo ang utak. "Mayroon ba kayong ginahasa?" Yumuko sila. "Kapag hindi kayo sumagot ay puputulin ko isa-isa ang inyong mga alaga at ipapakain ko sa inyo." "S-sino k-ka ba sa tingin mo?! Nilalabag mo ang human rights namin! Ang dapat na humuli sa amin ay mga pulis!" "Sa nakita niyo kanina sa parte ng mukha ko, sa tingin niyo ba ay uso sa akin ang maawa?" "Halimaw ka!" sigaw pa ng isa. Ipinakita ko ulit sa kanila ang dapat nilang katakutan. Sumigaw sila nang sabay-sabay na oo raw mayroon silang hinalay, ang kanilang kaibigan. Inilabas ko ang palakol. "Sumuko at umamin kayo sa mga pulis mamaya kapag pinatakas ko kayo. Kung hindi man kayo susuko at may balak kayong magtago.. tandaan niyo na kahit impiyerno ay pupuntahan ko, mahanap lang kayo." Tumango silang lahat habang umiiyak. Mukha silang nakakaawa, pero hindi sila naawa sa kanilang biktima. Pinatakbo ko na ang mga lalaki. Bumalik na ako sa aking kotse. Alam ko na sa aking ginawang pagtulong ay mababawasan ang aking pananatili rito sa mundo. Pero dahil sa gumawa ako ng masama ay mananatili pa rin ako. Tandaan ng mabuti. Ako si Atty. Ceke Villare, isang magandang lawyer, pero hindi lawyer lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD