Kabanata 9.

1231 Words
ATTY CEKE Mabilis naming naasikaso ang kasal. Pero ang totoo niyan ay si Ariz talaga ang pumili ng lahat kahit ang gown na susuotin ko. Ngayon.. ako ay dahan-dahan na naglalakad papalapit sa altar. And Ariz is waiting for me. The background music is already playing. I feel like the music is creeping all over my body because I'm about to cry. I really love this occasion. Our beach wedding is just simple. The tulip flowers shine all around. Hindi ko akalain na ganito kabilis ang pangyayari pero ang masasabi ko ay masaya ako. At ang maganda sa ugali ni Ariz ay hindi niya nakalimutan ang anak ko. Yes, nandito si Maisa, siya ang nag-iisang saksi sa aming kasal. Nakarating na ako sa altar. Ang unang lumapit sa akin ay si Maisa, niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan niya ako sa pisnge. "I'm happy for you, Mama. You deserve this wedding! I understand how fast things happen. Now I have a new dad!" "Salamat, Maisa. Mahal kita!" "I love you too, Mama." Inalalayan niya ako para mapalapit kay Ariz. Hinawakan ni Ariz ang kamay ko at niyakap ako nang mahigpit. Magkaharap na kaming dalawa. Siya ay nakangiti sa akin na parang sinasabi ng mga mata niya na huwag akong kabahan dahil nandyan siya. Itinapat niya ang microphone sa bibig niya. "Attorney Ceke Villare, ako ay humihingi ng tawad sa 'yo dahil iniharap kita sa altar na hindi kita mahal.. ang sabi mo nga ay ang tawag dito ay love after marriage. Alam mo, kahit gano'n man ang mangyayari sa atin ngayon ay hindi ko makakalimutan kung paano ka naging mabuti sa akin at kung paano mo ako pinahalagahan. Maaaring hindi ikaw ang aking iniibig ngayon, pero maaaring sa susunod na pang habambuhay." Naramdaman ko na naiiyak ako sa sinabi niya pero pinigilan ko ang aking sarili. Tsaka natatawa rin ako kasi ang prangka niya talaga to the point na sinabi niya pa na hindi niya ako mahal. Grabe, nakakatuwa talaga ang lalaking 'to. "Ariz Bian, kahit na prangka ka sa akin.. salamat huh? Kasi hindi ko naman deserve ang lahat ng 'to pero ipinaramdam mo sa akin na deserve ko ang lahat lalo na ang pagmamahal mo na hindi pa nakalaan sa akin." Ano ba 'yan! Bakit ako naiiyak?! Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. At parehas na rin kaming nagsabi ng I do. "Maaari mo na siyang halikan!" masayang sabi ng Pari. Inalis ni Ariz ang wedding veil na nakalagay sa mukha ko. At dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Pumikit na lang ako dahil alam kong sa labi niya ako hahalikan. Pero nagulat ako nang halikan niya ako sa noo. Iminulat ko ang mga mata ko na mayroong pagtataka pero ngumiti lang siya sa akin at pinisil ang aking pisnge. "Congratulations! Kayo ngayon ay kasal na!" Tumitig sa akin si Ariz at ngumiti. Maya-maya pa ay binuhat niya ako. "Ariz! Ibaba mo ako." "Maisa, umuwi na tayo sa condo ng Mama mo," sabi ni Ariz kay Maisa. "No na Papa, may pasok pa po kasi ako! Enjoy po!" Tumango lang si Ariz. "Mag-ingat ka anak!" ** Nandito na kami ngayon sa condo. Napangiwi ako nang ibaba ako ni Ariz sa sofa at nagmadali siyang pumunta sa kwarto. Pagkalabas niya ay nakasuot siya ng puting damit at pants. "Saan ka pupunta?" "C-Ceke, gusto ko nang mag-duty ngayon para makatulong ako sa 'yo. P'wede ba?" "Honeymoon pa natin 'di ba?!" nagtatakang tanong ko. Pero bigla kong tinakpan ang bibig ko dahil bigla ko na lang nasabi 'yun, jusko! "Nag-advance honeymoon na tayo 'di ba? Pero mali naman ang advance honeymoon natin na 'yun at 'di karapat-dapat na maranasan ng isang katulad mo dahil mabuti kang tao. Kailangan kong magtrabaho para sa 'yo. Hintayin mo lang ako, okay?" Humikbi lang ako sa sinabi niya at tumango. "Mag-iingat ka do'n, Ariz. Huwag mong hayaan na mabaril ka roon dahil sa sundalo ka, delikado." "Kahit na mabaril ako roon ay uuwi pa rin ako sa 'yo, Ceke. At hindi kita papabayaan, gagawin ko ang lahat para mabuhay lang kita." "Sige na, mag-ingat ka." Tumingin ako sa ibang direksyon. Pero bumungad sa akin ang mukha niya, hinalikan niya ako sa noo. "Ceke, mamaya ay uuwi rin ako, paalam." Hinimas niya ang pisnge ko. Tumitig lang ako sa kanya na parang kawawang bata. Ano bang nangyayari sa 'yo, Ceke?! Hayaan mo siyang magtrabaho 'no. Ang boring dito sa bahay, lalabas na lang ako. Pumunta ako sa kwarto at nagbihis. Humarap ako sa salamin, wala akong nakikita na repleksiyon as usual. Paglabas ko ay bumungad sa akin ang isang coffee shop, doon na lang ako tatambay. Tatawid pa lang sana ako pero mayroong nasagasaan na isang lalaki kaya nagkagulo ang lahat. Ako naman ay nanatili lang na nakatayo. Mayroon akong nakita na puti na usok na lumabas sa lalaki, alam ko na kung saan siya mapupunta. Maya-maya pa ay may ambulance ng dumating. Sa mundong ito, mas masarap mabuhay na walang ginagawang masama o krimen. Para kapag namatay man ay payapa ang kaluluwa. Tumawid na ako at dumiretso sa coffee shop. Um-order ako ng one dark chocolate frappe. At umupo ako sa isang table at doon nag-chill. Makalipas ang isang oras ay umuwi na ako sa condo. Habang nakatingin ako sa bintana ay maraming mga itim na uwak ang naglabasan at mukhang papasok sila sa bintana ko kaya kaagad kong isinara. Kahit na ako ay hindi mabuting nilalang, ang gusto ko ay hindi mapahamak ang nag-iisa kong anak. Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto. "Ceke, nandito na ako!" Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Ariz. Umupo siya sa tabi ko. "Kumain na tayo, nakakain ka na ba? Gutom na kasi ako, Ceke." "G-ganon b-ba? Pasensya na kasi wala akong naluto o sinaing." "Gano'n ba? Okay lang.. ako na lang ang magluluto." "Hindi ka ba magagalit, Ariz?" "Huh? Bakit naman ako magagalit?" "Ang karaniwan na asawang lalaki kasi ay nagagalit sa tuwing walang pagkain na nahanda ang asawang babae. Ang dahilan nila ay pagod na pagod sila sa trabaho tapos uuwi silang walang pagkain." "Ceke, hindi ako gano'n.. alam mo kung bakit? Kasi naiintindihan kita at mas iintindihin pa kita lalo't bago pa lang tayo as mag-asawa. Hindi ako basta-basta magagalit sa 'yo ng dahil lang sa gano'ng bagay. Pero sana.. kapag nagkaroon na tayo ng anak ay matuto ka ng mag-adjust. Pero huwag kang mag-alaala, tutulungan naman kita at hindi kita papabayaan." "G-gusto m-mong magkaroon tayo ng anak?" "Oo naman, Ceke, gusto ko na ikaw ang magdala ng mga anak ko. Pero huwag muna nating gawin 'yun dahil nararamdaman kong hindi ka pa handa." Tumango lang ako. Nagkamali ako, akala ko ay magagalit siya sa akin. "Samahan mo akong magsaing at magluto ng ulam." Hinawakan ni Ariz nang mahigpit ang kamay ko. Woah, pakiramdam ko ay napakahalaga ko kay Ariz. "Ano'ng ulam ang gusto ng asawa ko?" malambing na tanong niya. Napangiti na lang ako dahil sa ibang-iba siya sa ibang lalaki rito sa mundo. "Ariz, pagod ka sa trabaho.. ako na lang ang gagawa niyan." Inagaw ko sa kanya ang hawak niyang electric cooking pot. "Kahit na pagod ako ay handa akong tumulong sa 'yo, Ceke. Hindi kita naging asawa para pagsilbihan lang ako, dapat ay parehas nating gagawin 'yun sa isat-isa." Napangiti na lang ako sa isinagot niya. And again, hinawakan na naman niya ang isang kamay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD