Kabanata 8.

1064 Words
ATTY CEKE Nagising akong nakayakap sa hubad na katawan. Akala ko ay panaginip lang 'yung nangyari sa amin ni Ariz pero hindi pala. Tinitigan ko siya sa mukha. Ariz, bakit ka ganyan? Maya-maya pa ay iminulat na niya ang mga mata niya, gulat na gulat siyang tumingin sa akin at sa katawan namin na nakabalot sa kumot. Napaupo siya. "Ano ang nangyari sa atin?!" "Wow ah, kung makapag-react ka ay para kang ginahasa." "Hindi sa gano'n, Ceke. Nag-aalala lang ako sa 'yo.. tell me, ano ang nagawa ko sa 'yo?!" "M-mayroong nangyari sa atin dahil sa lasing ka." Nanlaki ang mga mata niya at yumuko. Hindi ko na siguro sasabihin sa kanya na napagkamalan niya akong ibang babae. Hinawakan niya ako sa mukha. "S-sorry sa nagawa ko sa 'yo, sana ay patawarin mo ako." "Okay lang, Ariz, kaya naman kitang pigilan pero hindi ko ginawa dahil gusto ko rin." "Pero hindi dapat gano'n ang isang lalaking katulad ko." Tumayo siya at kaagad na nagbihis. Nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko. "Attorney Ceke Villare, patawarin mo ako!" Umupo ako sa kama at ngumiti sa kanya. Mabuti naman dahil humingi siya ng sorry. Pero hindi ko ine-expect 'to. "Pinapatawad na kita, Ariz kaya tumayo ka na d'yan." "Pero mukhang masama ang loob mo, Ceke.." Sino ang hindi sasama ang loob kung ibang babae ang binanggit mo? I already have willingness na may mangyari sa atin pero bakit naman gano'n? Pero okay lang, sino ba naman ako para pahalagahan? Hindi ako sumagot. Alam kong mali na sumama ang loob ko pero valid naman ang nararamdaman ko. "Attorney Ceke, papakasalan kita." Napalingon ako sa sinabi niya. "T-totoo ba 'yan, Ariz?!" Tumango siya. "Oo, papakasalan kita." "Pero dahil ba sa mayroong nangyari sa atin? Gano'n?" "Oo," "Woah, straight to the point," angal ko. "Oo pero tuturuan ko ang isip at puso kong mahalin ka, Ceke. Sana ay huwag mong isipin na pinakasalan lang kita dahil sa nakuha ko ang virginity mo. Ang isang mabuting tao na katulad mo ay hindi dapat gano'n ang trato. Please, pakasalan mo ako." "S-sino ba naman ako para tanggihan ang alok mo?" "Talaga?! Yes!" Niyakap niya ako nang mahigpit at hinimas ang buhok ko. "Bitawan mo ako, Ariz." Unti-unti naman siyang bumitaw sa akin. "Aalis muna ako." "What? Saan ka naman pupunta?" "Secret muna sa ngayon, hintayin mo ako, Ceke." Nagmadali siyang pumasok sa comfort room. Lumabas na lang ako ng kwarto. Napangiti ako dahil mukhang successful na talaga ang aking mission. Ako rin pala may pupuntahan. Ariz, paalam. ** Nasa mainit akong lugar. "Sa nakikita ko ay malapit ka ng magtagumpay, anak. At sa tagumpay na 'yun, siguraduhin mong huwag na huwag kang mahuhulog sa bitag ng pag-ibig." "Ama, maaari bang bigyan niyo pa ako ng dalawang taon na pananatili roon?" Sinampal niya ako. "Sumosobra ka na yata! Hindi maaari!" "Kung gano'n ay hindi ko na lang itutuloy ang utos mo." Sinampal niya ulit ako at sinakal. "Huwag mo akong susubukan, Ceke. Hindi ako magsisisi kung-" "Kung ano?! Kung mapatay mo ako dahil hindi kita susundin? Go, patayin mo ako. Mabubuhay rin naman ako ulit at hindi na ikaw ang ama ko." Sinakal niya ako nang mas mahigpit. Pero nilalabanan ko siya. Hindi ako magpapatalo sa kanya. Hindi siya ang papatay sa akin. "Ano ba ang nangyayari sa 'yo? Noong una ay gusto mo rin ang mission na 'to!" "Oo ba ang sagot mo sa dalawang taon na hinihingi ko, ama?" Hindi siya sumagot at biglang naglaho. I knew it, payag siya. Bumalik na ako sa condo. Pero wala pa rin si Ariz. Saan ba siya pumunta? Nagluto na lang ako para sa dinner namin mamaya. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto. Masaya akong tumayo pero nagulat ako sa aking nakita dahil si Mison lang pala. "Ano naman ang ginagawa mo rito?!" "Ang sungit mo naman, savage attornery!" maktol niya. "Mison, magle-leave ako ng two years as lawyer. P'wede bang ikaw na lang ang humawak ng ibang cases na hawak ko? O ibigay mo sa iba, mag-hire ka na lang ng maraming lawyer." "P-pero!" "Wala ka bang dala na snacks d'yan?" "Mayroon akong dala na burger, fries, at fried chicken." Inabot niya sa akin kaya napangiti ako. Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto. I saw Ariz with a big smile. Lumapit siya sa akin. "Mayroon na akong trabaho, Ceke." "Talaga? Ano naman?" "Bilang isang sundalo.. 'yun kasi ang pangarap ko simula bata pa lang pero kailangan kong i-manage ang hotel namin. Pero dahil sa wala na 'yun sa akin ay maaari ko ng ipagpatuloy ang pangarap ko." "Mabuti naman kung gano'n." "Tsaka mayroon na akong kakayahan para pakasalan ka, pinahiram ako ng uncle kong General ng pera dahil sabi niya ay kapag ikinasal daw ako ay sagot niya. Pero sabi ko ay babayaran ko ang pinahiram niya. Handa ka na bang magpakasal sa akin?" "S-sigurado ka na ba talaga, Ariz? Hindi ka na ba magba-back-out?" "Bakit naman ako magba-back-out sa babaeng katulad mo? Para sa akin ay mahalaga ka." "A-Ah.. okay." "Bukas ay mag-asikaso na tayo para sa kasal natin. P'wede ka ba?" "O-oo naman!" Hinawakan niya ako sa kamay. "Huwag mong iisipin na hindi kita mahal ngayon o hindi mo rin ako mahal ngayon. Alam ko na darating ang araw na mamahalin din natin ang isat-isa." "Oo naman. Gusto mo bang kumain? Maghahanda na ako ng kakainin natin." "Ako na lang." Hinawakan niya ako sa kamay kaya sabay kaming naglakad papunta sa kusina. Ginagamit niya ang kanang-kamay niya habang kumukuha ng mga plato at kutsara. At ang kaliwang-kamay naman niya ay nananatili sa akin. Hindi ko alam pero napangiti ako ng sobra. "Tara na, kumain na tayo." Inalalayan niya akong makaupo kaya umupo na lang ako. "'Y-yung k-kamay mo, A-Ariz." Aalisin ko na sana ang kamay ko pero hinigpitan niya ang hawak. Kinuha niya ang upuan sa kabila at itinabi sa akin. "Paano naman tayo makakakain kung magkadikit ang kamay natin?" reklamo ko. "Kaya mo namang kumain ng gamit lang ang isa mong kamay 'di ba? Kapag hindi mo kaya ay humingi ka na lang ng tulong sa akin." "Hoy! Ariz, akala mo ba ay madadala mo ako sa ganito? Hindi porke nag-offer ako sa 'yo noon na gusto kong pakasalan mo ako ay ganito ka na sa akin-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sinubuan niya ako ng ulam. At ngumiti siya sa akin ng malaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD