Kabanata 10.

1227 Words
ATTY. CEKE Nagising ako ng maaga. Kinapa ko ang kama pero wala si Ariz sa tabi ko. Nang tumingin ako sa table ay mayroong letter at tray na naglalaman ng pagkain. Kaagad kong kinuha ang tray. Ang letter naman ay kaagad kong binuksan. 'Babalik ako mamayang tanghali, hindi man kita mahal.. hayaan mo dahil susubukan ko.' natawa ako sa nakasulat sa letter. Ang lakas ng tama mo, Ariz. Kinain ko na lang ang inihanda niya. Ang totoo niyan ay nahihiya ako sa sarili ko dahil ang bait ni Ariz. At parang hindi ko na kaya na ituloy pa ang mission ko. Ayon sa nakasulat sa letter ay babalik siya mamaya so kailangan kong bumawi. Kaagad akong bumangon sa kama at kaagad akong nagtungo sa kusina. Namalengke ba siya? Marami kasing gulay at prutas sa ref. Woah, I love this life.. with Ariz. Sa tingin ko ay hindi ko na kayang bumalik kung saan ako nagmula. Pero bakit gano'n kadali para sa akin na mahulog sa kabaitan niya? I think sa kabaitan niya lang ako nahulog, hindi pa talaga sa kanya dahil bawal 'yun. Ayaw kong mapatay ako ng aking ama. Kaagad akong nagluto ng ampalaya na may itlog. Nang matapos ako ay inilagay ko na sa lamesa. Sana ay magustuhan mo, Ariz. "Mrs. Bian, nandito na ako!" Napatalon ako sa gulat. Nang lumingon ako ay nakita ko si Ariz na nakangiti ng malaki. At mayroon siyang dala na isang plastic. "Ceke, mayroon akong pasalubong sa 'yo." Lumapit siya sa akin at inabot ang plastic. Nang tingnan ko ang laman ay nanlaki ang mga mata ko dahil ang laman ay mahahabang ice candy na chocolate ang flavor. Mayroon tuloy akong naalala. "H-hindi mo ba nagustuhan?" nagtatakang tanong niya sabay hinimas ang pisnge ko. "G-gusto k-ko! Pero mamaya ko na lang ito kakainin. Tara sa kusina, mayroon akong niluto para sa 'yo." "T-talaga?!" "Oo naman, bakit parang tuwang-tuwa ka?" "Alam mo, sa tagal kasi ng pagsasama namin ng ex-wife ko ay hindi niya 'to ginawa sa akin. Ikaw lang ang kauna-unahang babae na gumawa nito sa akin." "Talaga? Ah. Pero wala naman akong pakialam sa ex mo tsk!" Tumawa siya, "Nagseselos ka?" "Ako? Nagseselos? Itapon ko kaya kayong dalawa sa ilog?!" Hinawakan niya ako sa ulo. "Sorry na, ang cute mo kasi." "Bolero ka, Ariz Bian! Sige na, kumain ka na d'yan kung ayaw mong matapon sa ilog." Tumawa lang siya at pinisil ang ilong ko. "Ay! Kukuha akong plato." Lalakad pa lang sana ako pero bigla niya akong niyakap. "P-para saan 'to, Ariz?' Inilapit niya ang labi niya sa tainga ko. "Pasasalamat ko sa 'yo." Ngumiti lang ako. Pero bumitaw ako kaagad. "Kumain ka na." Inilapag ko sa lamesa ang plato. Binuksan ko ang ulam niya at inamoy naman niya 'yun. "Amoy pa lang ay mukha ng masarap. Salamat!" Hinila niya ako dahilan para mapaupo ako sa lap niya. "Ariz!" gulat na gulat akong sumigaw. Inalalayan niya akong makatayo. "Paumanhin, Ceke." Tumango lang ako. "Ceke, sasabak nga pala kami mamaya sa gera ng mga co-soldier ko. Ang totoo niyan ay emergency 'to kaya sana ay payagan mo ako. Mayroon kasing mga terrorist na dumukot sa mga babae na mga nagtatrabaho sa bar at ibinebenta nila sa ibang bansa." "Ano?! Paano kung mapahamak ka, Ariz Bian?! Gusto mo ba talagang itapon kita?" "Ceke, calm down. Hindi ako mapapahamak, okay?" "Sasama ako para hindi ka mapahamak." "Ano? Pero hindi p'wede, asawa ko. Ang mission na 'yun ay exclusive lang sa aming mga sundalo. Ceke, lawyer ka at hindi sundalo." "Ano naman?! Sasama pa rin ako! Itatapon ko ang mga terrorist sa kanal!" Tumawa siya, "You are so cute." "Ako ba ay niloloko mo? Gusto kong pumayag ka na sumama ako! That's my order!" "Hindi p'wede, hindi ko hahayaan na mapahamak ka, Ceke. Ikaw ang pinakaimportante sa buhay ko." "A-ako? I-importante s-sa 'yo?" "Oo at ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko kahit na hindi pa kita mahal." "Wow ah! Kung makasabi ka naman na hindi mo ako mahal ay-" "Ceke, magdasal ka na lang." Hindi ko alam kung matutunaw ba ako sa sinabi niya. Bigla akong napaso sa kanyang sinabi at napatingin ako sa malayo. Umiwas ako sa kanya dahil napapaso talaga ako ng sobra. "May problema ba, asawa ko?" "W-wala, u-umalis k-ka n-na lang m-mamaya." Tumalikod ako sa kanya. "Proud na proud ako sa 'yo, Ceke." Humarap ako sa kanya na mayroong pagtataka. "P-para s-saan?" "Para sa nagawa mo ngayon. At gusto ko lang na malaman mo na ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko." Napatingin ako sa kaliwa dahil hindi ko napigilan na ngumiti. "Hihintayin na lang kita sa sala." "Ayaw ko, gusto ko na nakikita kita habang kumakain ako." "Aba!" maktol ko. Pero ngumiti lang siya. Ewan ko ba, sa tingin ko ay hindi na pure black ang kulay ng rainbow ko. Sa tingin ko ay nakumpleto na ni Ariz ang colors nito. Umupo na lang ako sa tabi niya. Nang matapos siyang kumain ay hinawakan niya ang kamay ko at pumunta kami sa sala. "Ceke, aalis na ako." "Magpahinga ka na muna kahit ten minutes, okay?" "Opo." Hinalikan niya ako sa ilong. "Ariz! That was illegal!" kunwaring naiinis na sigaw ko. "Attorney Ceke Villare, alam kong kabisado mo ang lahat ng batas. At ako ay walang alam sa batas, pero sa pagkakaalam ko ay walang batas na nagbabawal na halikan kita sa ilong." "O-oo n-nga!" Ngumiti siya, "Bakit ka ganyan?" "Huh? Ano ang problema mo sa akin?" "Nakakamangha kasi ang mukha mo, Ceke." "Bakit ang sweet mo ngayon? Trying hard ka." "Hindi ako trying hard dahil nagbu-blush ang pisnge mo." "It's almost ten minutes, umalis ka na." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. "Aalis na ako. Huwag kang mag-alala, mag-iingat ako." "Oo na! At ako naman ay maghihintay lang." He bowed at me and kissed me on the forehead. Naglakad na siya papalayo. Pero lumingon siya sa akin para mag-flying kiss. I just laughed. Nang maramdaman kong nakalabas na siya ay napangisi ako. "Akala mo ba ay hindi kita susundan, Ariz? Hindi ako papayag na mapahamak ka. Susundan kita dahil hindi lang ako basta lawyer lang." Mabilis akong naligo at nagbihis. Bian, kahit nasaan ka man ay kaya kitang puntahan. Makalipas ang isang oras. Nandito ako ngayon sa malaking puno habang nakaupo. At pinagmamasdan ko ang aking asawa na nakadapa sa damo, naka-uniform at mayroong hawak na mahabang baril pang gera. Si Ariz ay maraming kasama na mga soldiers na nakadapa rin, inaabangan nila ang mga terrorist. Naamoy ko naman na malapit nang dumating ang mga terrorist kaya kaagad kong binato sa area nila Ariz ang isang granada para ma-notice nila na malapit na ang kanilang kalaban. Nang sumabog ang granada ay kaagad na tumakbo sila Ariz kung saan parte ang pagsabog. Yes, mayroon akong kapangyarihan kaya kaagad akong nag-magic ng isang baril. Hindi ko hahayaan na kayo ang papatay sa asawa ko, hindi. Tandaan, ako ay isang nilalang na hindi gugustuhin na kalabanin ng sinuman dito sa mundo. Pero kahit na ako ay kinatatakutan ay mas natatakot akong malaman ni Ariz ang totoo tungkol sa akin. Nakita kong papalapit na ang mga kalaban sa team nila Ariz kaya itinapat ko ang silencer gun na hawak ko at pinagbabaril ko ang ilan sa kanila. Sila Ariz na ang bahala sa iba, sana ay maligtas nila ang mga babae. Ako ay dito na lang at hindi mangingialam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD