Kabanata 2.

1119 Words
ARIZ "Ano ang ginagawa mo rito?!" galit na sigaw ni Maryi. Bumangon ako nang mabilis sa kama. "Wala na ba talaga akong karapatan na matulog dito? Nagbayad naman ako ng room." "Wala akong pakialam kung nagbayad ka. Humanap ka na lang ng ibang matutuluyan, huwag dito." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang maganda niyang mukha. "Wala ka na bang kahit kaunting nararamdaman para sa akin? Kahit sana kaunti lang.. maaari ba nating mabuo 'yang kaunting nararamdaman mo?" "Bakit ba ang kulit mo, Ariz Bian? Hanapin mo naman ang halaga mo. Huwag kang tanga sa pag-ibig. And for your information, naayos ko na ang annulment paper natin. Signature mo na lang ang kulang." Inabot niya sa akin ang isang envelope. "Bakit ang bilis ng process? Matagal mo na ba itong pinaghandaan?" "Yes, Ariz!" confident niyang sabi. "May magagawa pa ba ako, Maryi? Wala na. Hayaan mo, ngayon din ay pipirmahan ko ang annulment paper natin. Kung iniisip mo na mabilis akong pumayag dahil sa hindi na kita mahal dahil sa ginawa mo ay hindi 'yan totoo. Alam mo kung ano ang dahilan ko? Mahal na mahal kita, pero hindi ako selfish kaya papalayain kita." Binuksan ko ang envelope at ipinatong sa lamesa. "M-mabuti naman, Ariz." "Oo hindi mo na ako mahal, pero ipapakita ko pa rin sa 'yo at ipaparamdam ang aking pagmamahal sa pamamagitan ng pagpirma ko rito at pagpapalaya sa 'yo." Pinirmahan ko ang papers. At pagkatapos kong pumirma ay hindi ko na napigilan ang luha ko na parang talon na mahirap pigilan na dumaloy. Oo isa akong masculine na lalaki. Pero hindi ko ikinakahiya na iniiyakan ko ang aking asawa na ngayon ay ex-wife ko na. "Lumayas ka na sa hotel ko. Mayroon ka pa namang pera 'di ba? Humanap ka ng condo unit rito." May inabot siyang maliit na papel. Nang tingnan ko ay business card information ng isang condominium. Magpapasalamat pa sana ako sa kanya pero kaagad siyang umalis. Nag-empake ako ng mga gamit ko at ang isang maleta ko na puro pera ang laman. Magsisimula akong muli ng simpleng buhay at business. At bibili ng condo unit sa ibinigay na condominium information ni Maryi. Masasabi kong malaya na ako. At malaya sa sakit na nararamdaman ko. Pero mahirap magsinungaling sa puso ko na malaya na ako dahil nananatili pa rin na si Maryi ang mahal ko. Nasa labas na ako. May nakita akong taxi kaya kaagad kong pinatigil at kaagad akong sumakay. "Saan po kayo, Sir?" Inabot ko ang card sa kanya dahil nandoon ang address. "Okay, Sir!" Huminga ako nang malalim. I gave up my own hotel for her kahit na ipinamana iyon ng aking mga magulang. Mahalaga sa akin ang hotel pero hindi naman ako selfish. Sumilip ako sa bintana, ang gandang pagmasdan ng paligid. Siguro ay magtatayo na lang ako ng apartment building as my business dahil kaya pa naman ng pera ko. Tumigil ang taxi. "May problema po ba, Manong?" "Wala naman, Sir." Tumango lang ako sa sagot ni manong pero nakakabahala ang pagkabalisa niya. O kaya naman mayroon siyang sakit, sana ay hindi na lang siya bumiyahe. Tumigil ulit ang sasakyan. Pagkatingin ko sa bintana ay may tatlong lalaki ang nasa labas. "Manong, huwag na po kayong magsakay ng iba, magbabayad naman po ako ng tama." Hindi sumagot si manong. Mabilis na binuksan ng isang lalaki ang pinto ng taxi sabay hinila ako palabas. "Ano bang problema niyo?!" sigaw ko. "Ibigay mo lahat ang mga dala at pera mo sa amin!" dikta ng isa pang lalaki. Pumipiglas ako habang hawak ako ng dalawa. "Hindi maaari na lahat! Maaari ko naman kayong bigyan ng sapat na pera!" Bumaba ang taxi driver sabay tinutukan ako ng baril. "Hindi sapat sa amin ang sapat na pera! Ibigay mo lahat pati na rin ang ibang laman ng mga maleta mo!" Sinipa ko ang lalaking nasa harapan ko at pumiglas ako nang malakas sa dalawang lalaki na nakahawak sa kamay ko. Sinuntok ko sila at sinipa pero kaagad akong binatukan sa likod ng taxi driver. "Hijo, huwag ka nang lumaban." Binaril ako sa paa ng driver. Napaluhod ako sa ginawa niya. Itinutok niya ulit ang baril sa akin. Pero hinarang ko ang kaliwang-kamay ko kaya 'yun ang natamaan. Namilipit ako sa sobrang sakit. Masayang binuksan ng tatlong lalaki ang mga maleta ko. Tumingin sa akin ang driver, "Hindi naman ako masama para iwanan ka rito. Gusto mo bang ihatid kita sa address na ibinigay mo sa akin?" natatawang tanong niya. "Wala na akong pera, bakit mo pa ako ihahatid doon?" "Ang arte! Manglimos ka sa mga tao roon!" sabat ng isang lalaki. Tinulungan akong makatayo ng dalawang lalaki sabay isinakay ako sa unahan ng taxi. Hindi ko alam pero ang malas ko. Bakit? Dahil ba sa mabait ako? Idiniin ng driver ang baril sa sugat ko habang nagmamaneho. "Huwag mong tatangkain na magsumbong sa mga pulis dahil papasabugin ko 'yang buong pagkatao mo." Hindi ko na pinatulan ang lalaki. Ang hindi naman pagpatol sa mga katulad nila ay hindi ibig sabihin na duwag o hindi palaban, ang mga katulad nila kasi ay hindi masaya sa kanilang buhay. Tumigil ang taxi. Bumaba ang isang lalaki sa likod sabay pinagbuksan ako ng pinto. Ang driver naman ay itinulak ako at nagtawanan sila. Ako ngayon ay nakaupo sa semento. Nahihirapan akong tumayo dahil sa dalawang parte ng katawan ko na may tama ng bala pero kakayanin ko. Bumungad sa akin ang malaking condominium. Paano naman ako makakapasok sa loob kung wala akong pera? Nakita ko ang mataas na pader. Aakyat na lang siguro ako roon para makapasok sa loob. Bahala na kung ano ang mangyayari sa akin. At bahala na rin kung kaninong pinto ako mapupunta dahil kakapalan ko na ang mukha ko. Pinilit kong makaakyat sa pader kahit na kumakalat na ang dugo ko at nasasaktan ako. Kakayanin ko 'to. Hanggang sa nagtagumpay akong nakababa sa loob. Mabilis akong tumakbo sa pinaka loob dahil walang security guard ang nakabantay. Dahil sa mahina na ang katawan ko ay tumigil ako sa isang room na kaakit-akit sa aking paningin, nakakapagtaka naman dahil parang tinatawag ako ng pinto na 'yun. At ang pinto na 'yun ang nag-iisang kulay itim. Kaagad akong nag-door bell. Nanlaki ang mga mata ko nang bumukas kaagad ang pinto. Bumungad sa akin ang isang babae na mas maganda pa sa maganda, maputi, matangkad, payat, matangos ang ilong at sexy. Nakakapagtaka na kahit tinitingnan niya ang buong katawan ko ay hindi siya nandidiri sa dugo na lumalabas. Hinawakan ko ang kanang-kamay niya. "P'wede ba akong tumira sa 'yo?" Ngumisi siya sabay hinila ako papasok. "Pakasalan mo muna ako." Hindi ko alam pero para akong binuhusan ng malaking yelo dahil sa nakakagulat na offer niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD