Chapter 7

2023 Words
HUMUGOT ng malalim na buntong-hininga si Camilla bago tumaas ang isang kamay niya para hawakan ang doorknob ng pinto sa private room na inuukupa ni Ford Dean. Pinihit niya iyon pabukas at saka siya pumasok do'n. Agad namang sumalubong sa kanya ang malamig na boses ni Ford Dean. "No. Terminate the contract with them," malamig ang boses na wika nito. At nang tumuon ang tingin niya sa lalaki ay nakita niyang may hawak itong cellphone at nakasapak iyon sa tainga nito. Hindi ito nagsalita sa sumunod na sandali, mukha pinapakinggan nito ang sinasabi ng kausap. Pero napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito. "Who's the boss here? You or me?" masungit na wika nito sa kausap, hindi pa nga nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito ng sandaling iyon. Amg sungit naman, wika niya sa isipan. May pagka-masungit pala ang lalaki. Hindi lang pala siya ang nasusungitan nito, pati na din ang mga nakakasalamuha nito. Hindi naman alam ni Camilla kung dati na ba itong masungit or ngayon lang dahil sa nangyari aksidente dito. Pero gayunman, kahit na masungit ito, kahit na magkasalubong ang mga kilay nito ay gwapo pa din ang lalaki. At mukhang doon lang naramdaman ni Ford Dean ang presensiya niya dahil bumaling ito sa kanya. Napaayos nga siya ng tayo ng magtama ang mga mata nilang dalawa. Pasimple nga din niyang iniwas ang tingin dito dahil hindi niya kayang makipagtitigan ng matagal sa lalaki. Pero kahit na iniwas niya ang tingin dito ay ramdam pa din niya ang init na titig nito sa kanya. "Just do what I told you," mayamaya ay narinig niyang wika nito sa kausap, malamig pa din ang boses nito. Nag-umpisa naman siyang humakbang palapit dito. At habang may kausap ito ay ramdam niyang nakasunod ito ng tingin sa kanya. At tama siya dahil noong balingan niya ito ay nakatingin ito sa kanya, mabilis nga ulit niyang iniwas ang tingin kay Ford Dean. Kaya hindi niya nakita ang mas lalong pagsasalubong ng mga kilay nito. "M-morning, Sir," bati niya ng hindi tumitingin dito. "Inject lang po ako ng gamot," wika niya dito, may kailangan kasi siyang i-inject sa lalaki, intruct iyon ng doctor nito, nakalagay iyon sa chart nito. Sinabi din niya dito kung para saan ang gamot na iyon. Habang naglalakad siya palapit ay narinig niyang nagpaalam ito sa kausap sa hawak nitong cellphone. Pigil naman niya ang sarili na huwag magsalubong ang mga mata nila kaya itinuon na lang niya ang atensiyon sa gagawin. Kinuha naman niya sa gamot na i-inject niya sa dextroxe nito. Halos wala nga siyang imik, wala naman kasi siyang sasabihin dito. At ayaw niyang magsalita baka mag-isip na naman ito ng masama sa kanya. Saktong matapos siya ng marinig niya ang boses nito. "Is what my mom said true?" tanong nito sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay doon lang naman niya ito binalingan. And she almost gasped when their eyes met. Magkasalubong pa din ang mga kilay nito pero bahagya na lang iyon. At habang nakatitig siya dito ay doon lang niya napansin ang itim na itim na mga mata nito. And she had to admit, he had a beautiful charcoal eyes. "Are you listening to me?" Naningkit ang mga mata nito ng hindi pa siya sumasagot sa tanong nito. Napakurap-kurap naman siya ng mga mata. "Sir?" tanong niya, hindi kasi niya masyado na-gets ang sinabi nito. "Iyong sinabi ng Mom ko kahapon. Totoo ba? When I was comatose, were you reading me a book?" he asked her in serious voice. Saglit naman siyang hindi sumagot pero nang makita niya na kumunot ulit ang noo nito ay mabilis siyang tumango. "Pasensiya na, Sir. Alam kung wala po sa job description ko na gawin iyon pero hindi ko lang po napigilan ang sarili ko," paghingi agad niya ng paunmanhin. Base kase sa ekspresyon ng mukha nito sa sandaling iyon ay mukhang hindi nito gusto ang ginagawa niya noong comatose ito. "Pasensiya na po talaga," pagpapatuloy na paghingi niya ng paunmanhin. May dumaan naman na kakaibang emosyon sa mga mata nito pero hindi niya iyon masyado pinagtuunan ng pansin. At akmang bubuka ang bibig nito para magsalita ng makarinig sila ng katok na nanggaling sa labas ng private room. Sabay pa nga silang napatingin doon ng may bumukas iyon. At napaawang ang bibig niya nang makita niyang sumilip sa pinto si Amir. At nang magtama ang mga mata nila ay awtomatiko na sumilay ang ngiti sa labi nito. "Who are you?" Camilla heard Ford Dean ask Amir in a baritone and serious voice. Nilakihan naman ni Amir ang pagkakabukas ng pinto at saka ito pumasok. "Good morning, Sir. I am Amir po. And I am a nurse and working here," pagpapakilala nito. "And what are you doing here?" tanong nito sa seryoso pa ding boses. Sa halip naman na sagutin ni Amir si Ford Dean ay bumaling ito sa kanya. Muli nga siya nitong nginitian ng magtama ang mga mata nila. "Hmm...hinihintay ko lang pong matapos si Cam sa ginagawa niya," sagot nito. Hindi naman napigilan ni Camilla na mapatingin kay Ford Dean at bahagyang napaawang ang labi niya nang makita niya ang seryosong ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin ito kay Amir. Tumikhim naman siya. "Tapos na ako, Amir," mayamaya ay wika niya dahilan para mapasulyap sa kanya si Ford Dean, hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito ng sandaling iyon. Para itong galit na ewan. Pero bakit naman ito magagalit? Saan at kanino ito nagagalit? Sa kanya ba? Bigla niyang naisip iyong pinag-uusapan nilang dalawa kanina bago kumatok si Amir. May sasabihin ito pero hindi na nito naituloy. Mukhang pagagalitan siya nito hindi lang natuloy. "Sige po, Sir Dean," paalam na ni Camilla sa lalaki. Hindi naman na niya ito hinintay na magsalita, humakbang na siya palapit kay Amir. "Bakit mo ako hinintay?" tanong niya dito nito ng makalapit siya. "Eh, sa kabilang room lang kasi ako kanina kaya naisipan kung daanan na lang kita dito," sagot naman nito habang humahakbang sila palabas ng private room. Nang isasarado na sana ni Camilla ang pinto ng makalabas sila ni Amir ay hindi sinasadyang napatingin siya kay Ford Dean. He is looking at them and he looked... Annoyed. "BAKIT gusto mong makipagpalit?" Napanguso si Camilla sa tanong ni Andi sa kanya ng sabihin niya dito ang gusto niyang mangyari. Nakiusap kasi siya dito na kung pwede ay magpalit sila ng designated patients. Isang pasyente lang naman ang gusto niyang magpalitan sila. At ang pasyenteng iyon ay si Ford Dean. "Nagsasawa ka na ba sa ka-gwapuhan ni Ford Dean kaya gusto mong makipagpalit?" tanong nito sa kanya sa natatawang boses. Inirapan lang naman ni Camilla si Andi. "Hindi," sagot niya sa tanong nito. "So, bakit gusto mong makipagpalit?" curious na tanong nito sa kanya. "Kasi galit siya sa akin," wika ni Camilla kay Andi. Napansin naman niya ang bahagyang pagsasalubong ng mga kilay nito. "Galit? Bakit? May ginawa ka ba?" tanong nito sa kanya. Sinagot naman niya si Andi. Sinabi niya dito ang nangyari kung saan pinagsabihan siya ni Ford Dean na gawin ang trabaho at huwag makialam sa buhay ng mga ito. Hindi lang din naman iyon ang dahilan ni Camilla kung bakit gusto niyang makipagpalitan kay Andi ng pasyente. Gusto din niya ng peace of mind. May personal kasi siyang problema at ayaw niyang dumagdag pa ang galit at inis ni Ford Dean sa kanya. Lalo nga noong huli silang nagkita na dalawa, kita niya ang inis nito sa kanya. "Sigurado ka ba na gusto mong makipagpalitan sa akin?" tanong nito. Saglit naman siyang hindi nagsalita. Sa totoo lang ay may parte ng puso niya na gusto pa niya itong makita pero gaya ng sinabi niya ay gusto niya ng peace of mind. Gusto niyang ang personal na problema muna niya ang isipin niya. Hindi pa nga siya nakakahanap ng solusyon sa problema niya. "Oo," sagot niya. Pagkatapos niyon ay inabot niya ang chart ni Ford Dean na hawak niya kay Andi. "Oh, ito ang chart ni Sir Ford Dean, punta ka na doon sa room niya. Pakilala ka muna sa security sa labas para papasukin ka," wika niya. Nakangiting tinanggap naman nito ang chart na inabot niya. "Okay," wika nito. At pansin niya ang excitement nito ng tumalikod ito sa kanya para puntahan ang room ni Ford Dean. Humugot naman si Camilla ng malalim na buntong-hininga habang sinusundan niya ng tingin si Andi. Inalis naman niya ang tingin dito at nagsimula na din siyang humakbang para gawin niya ang trababo. Pilit din niyang inaalis sa isipan niya ang personal na problema habang nagta-trabaho siya. Ayaw kasi niyang magkamali dahil kalusugan ng pasyente ang nakasalalay sa kanilang mga nurse. At nang matapos ay bumalik siya sa nurse station. At dahil wala naman siyang gagawin ay nagpahinga siya saglit. Hindi din niya napigilan na alalahanin ang problema niya sa pera. Naisip naman ni Camilla na kausapin ang management na pinagta-trabuhan na kung pwede ay mag-night shift siya bukas. May kailangan kasi siyang asikasuhin, kailangan kasi niyang asikasuhin ang requirements para sa paglo-loan niya sa mga government agencies. Makakapag-loan naman siguro siya kahit na maliit na halaga. Nasa ganoon siyang posisyon ng maramdaman niya ang paglapit ni Andi sa kanya. Napansin niya ang ngiti sa labi nito ng mag-angat siya ng tingin patungo dito. "s**t, Cam!" wika nito sa kanya. "Mabuti na lang at ako ang napili mo na makipagpalit. Nasilayan ko tuloy ang crush. s**t, ang gwapo-gwapo ni Franco Dawson. Pati na din ang iba niyang kapatid. Para nga akong nahihimatay kanina," masayang turan nito. She mentally rolled her eyes. "Mabuti at hindi ka nahimatay," biro niya dito. "Muntik na. Pero may muntik na ding nalaglag," wika nito. Bahagya namang kumunot ang noo niya. "Nalaglag?" "Oo. Panty ko," natatawang wika nito. Natawa naman siya sa sinabi nito. "Ikaw talaga," wika niya. "Anyway," mayamaya ay wika ni Andi. "Hmm?" "Hinahanap ka," imporma nito sa kanya. Bahagya namang kumunot ang noo niya. "Hinahanap ako? Sino?" tanong niya. "Si Ford Dean," sagot nito. Bigla namang kumabog ang dibdib niya sa narinig niyang sagot nito, sa pangalan na binanggit nito na naghahanap sa kanya. Hindi naman siya nagpakita ng emosyon sa babae, dahil baka gino-goodtime lang siya nito. "Bakit...ako hinahanap?" Andi shrugged her shoulder as an answer. "I don't know. Basta noong pumasok ako sa loob ay napansin ko ang pagtataka niya," wika nito. "Nagtataka siguro dahil ibang nurse ang pumasok sa loob para i-monitor siya. Tinanong nga niya ako kung nasaan ka at kung bakit ako ang nandoon at hindi ikaw," pagpapatuloy pa na wika ni Andi. Mas lalo nga lang kumabog ang dibdib niya. "A-anong sinabi mo?" tanong niya, lihim nga niyang pinagalitan ang sarili dahil sa pagkautal ng boses niya. "Sinabi kung nakiusap kang magpalitan tayo," sagot nito. "Nagtanong ba siya kung bakit?" tanong ulit niya. Umiling ito. "Hindi. Pagkatapos ko kasing sinabi sa kanya iyon ay hindi na siya nagsalita. Tahimik at magkasalubong ang mga kilay." Lagi naman, wika naman ng bahagi ng isipan niya. "Pero iyong isang Ate niya, iyong walang kambal, ha," mayamaya ay wika nito. Si Ma'am Denisse yata ang tinutukoy ni Andi. "Mukhang nakikinig sa amin dahil nagtanong, tinanong niya ako kung bakit nagpalitan tayo," sabi nito. "Sinabi mo ang totoong dahilan?" namimilog ang mata niya. Umiling ito dahilan para makahinga siya ng maluwag. "Hindi. Sinabi ko lang na gusto mo lang na makipagpalitan," sagot nito. "Salamat at hindi mo sinabi," wika naman niya kay Andi. "Siyempre," sabi naman nito. "Pero alam mo, Cam," wika ni Andi sa kanya. "Mukhang hindi naman galit sa 'yo si Sir Ford Dean." "Paano mo naman nasabi?" "Noong hinanap ka niya sa akin ay parang hindi naman galit. Noong sabihin ko nga ang reason kung bakit ako ang nandoon at hindi ikaw ay bigla siyang natahimik. Oo, kunot ang noo niya pero parang may iniisip. Kinakausap nga siya ng mga kapatid at nang Mommy niya pero hindi siya sumasagot," pagpapaliwanag pa nito sa kanya. Hindi naman nagbigay komento si Cam sa sinabing iyon ni Andi, nakatitig lang siya dito habang iniisip kung totoo ba ang napansin nito, kung totoo bang hindi galit si Ford Dean sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD