"CAMILLA"
Napatigil si Camilla mula sa paglalakad sa hallway ng ospital ng marinig niya ang pamilyar na boses na tumawag sa kanya.
At nang paglingon niya sa kanyang likod ay nakita niya si Ma'am Denisse na naglalakad palapit sa gawi niya, napansin din niya ang ngiting nakapaskil sa labi nito ng sandaling iyon.
"Oh, Ma'am," wika naman niya ng tuluyan nakalapit ito sa kanya.
"May gagawin ka pa ba?" mayamaya ay tanong ni Ma'am Denisse sa kanya.
Umiling naman siya. "Tapos na, Ma'am. Balik na po ako sa nurse station," sagot niya dito. "Bakit niyo po natanong?"
"Hmm...gusto ko sanang i-check mo iyong dextrose ni Ford. Medyo mahina kasi iyong patak no'ng dextrose niya," wika nito dahilan para matahimik siya. "Okay lang ba sa 'yo? Hindi ba nakakaabala?" tanong nito ng mapansin ang pananahimik niya.
Tumango naman siya bilang sagot. "Okay lang po. Wala naman po akong gagawin."
Lumawak naman ang ngiti ni Ma'am Denisse. "Oh, thank you, Cam."
Ngumiti lang naman si Camilla dito. "Tara?" yakag na nito.
Nauna namang humakbang si Ma'am Denisse sa kanya. Nanatili naman siyang nakasunod sa likod nito.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na sila sa tapat ng private room ni Ford Dean. Nakita niyang binuksan ng lalaking nagbabantay doon ang pinto. Pumasok naman si Denisse sa loob. Sa halip naman na sumunod siya ay nanatili siyang nakatayo sa harap ng pinto.
It's been two days. Two days na noong huli niyang makita si Ford Dean simula noong makipagpalitan siya kay Andi.
And right now, she couldn't understand what she felt. Parang iba't iba ang nararamdaman niya. Fear and excitement. At bakit na-e-excite siyang makita si Ford Dean?
"Oh, Cam. Bakit nakatayo ka pa diyan?" untag ni Ma'am Denisse sa kanya ng mapansin nitong hindi pa siya pumapasok sa loob.
Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong-hininga bago siya pumasok sa loob. Nakaramdam naman ng hiya si Camilla nang makita niyang kompleto ang pamilya ni Ford Dean. Naroon ang mga magulang nito at mga kapatid nito.
Sunod-sunod naman ang paglunok na ginawa niya nang makitang sabay-sabay na nag-angat ang mga ito ng tingin sa kanya. Hindi nga din niya napigilan ang pamulahan ng mukha ng sandaling iyon dahil sa hiyang nararamdaman.
"Oh, Cam, hija," Napatingin si Camilla kay Ma'am Dana nang marinig niya ang boses nito. Kinagat naman niya ang ibabang labi ng hindi sinasadyang napatingin siya kay Ford Dean. He was looking at her. And his forehead creased and his eyes were emotionless.
Nakita din niyang pinagbabalatan ni Ma'am Dana si Ford Dean ng prutas sa tabi nito.
Inalis naman ni Camilla ang tingin kay Ford Dean at ibinalik niya iyon kay Ma'am Dana na may ngiti sa labi. "Hello po, Ma'am Dana," bati ni Cam dito.
"Oh, huwag mo na akong tawaging, Ma'am. Just call me, Tita," wika naman nito sa kanya.
"N-nakakahiya naman po."
"Huwag ka nang mahiya," wika naman nito.
"Oo nga, Cam," wika naman ni Ma'am Denisse sa kanya.
"Kung iyan po ang gusto niyo, T-tita Dana," wika niya dito, medyo nahihiya pa.
Isang ngiti lang naman ang isinagot nito sa kanya. "Hmm...check ko po iyong dextrose ni Sir Ford," mayamaya ay wika niya.
"Oh, ikaw na ulit ang nurse niya?" tanong nito.
Akmang bubuka ang bibig niya para sagutin ito ng mapatigil siya ng unahan siya ni Ma'am Denisse. "Nakasalubong ko siya sa hallway, Mommy at pinakiusapan ko siya na i-check niya ang dextrose ni Ford."
Napansin naman niya ang pagsulyap ni Tita Dana sa dextrose ni Ford. "I-ni-storbo mo pa si Cam. Eh, pwede ko naman gawin. Baka nakakalimutan mo Denisse, nurse din ako," wika ni Tita Dana dito.
Hindi naman napigilan ni Camilla ang mapaawang ang bibig sa narinig. Nurse din si Tita Dana?
"Mom, matagal na kayong pinatigil ni Dad sa pagta-trabaho. Baka hindi niyo na gamay ang trabaho ng pagiging nurse," wika naman ni Denisse sa ina nito. "Kaya mas mabuting si Cam na lang," dagdag pa na wika nito.
Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi. Pagkatapos niyon ay humakbang na siya palapit kay Ford Dean. Iwas na iwas nga siya na mapasulyap dito, ramdam kasi niya ang init ng titig nito sa kanya.
Mabilis naman niyang cheneck ang dextrose nito. Kailangan niyang matapos iyon agad para makalabas na siya doon. Pakiramdam kasi niya ay hindi siya makahinga dahil naroon lahat ang pamilya ni Sir Franco. Lalong-lalo na ang titig ni Ford Dean sa kanya.
"Hmm...Mom, Dad, what is your plan po pagka-discharged ni Ford bukas?" mayamaya ay tanong ni Ma'am Danielle sa magulang nito.
Hindi naman maipaliwanag ni Camilla ang lungkot na lumukob sa puso niya sa isiping madi-discharged na si Ford Dean pero agad din niyang pinilig ang ulo.
"Hmm...siguro maghahanap ako ng personal nurse na magbabantay at mag-aalaga sa kanya," sagot ni Tita Dana sa tanong ng anak nito.
"Leave it to me," sagot naman ni Sir Francis sa baritonong boses.
"I don't need a personal nurse," wika naman ni Ford Dean sa malamig na boses.
Hindi naman niya napigilan na balingan ang lalaki. Napansin iya ang disgusto sa mukha nito sa gustong mangyari ng ina nito.
"But you need it, Ford. Kung pwede nga lang ay ako ang mag-alalaga sa 'yo. Pero alam kung hindi mo ako hahayaan na alagaan ka dahil ayaw mo akong nakikitang n-nahihirapan," wika ni Tita Dana, napansin din niya ang pagpiyok ng boses nito. Nakita din niya na nagpipigil ito ng emosyon ng sandaling iyon.
"Mom."
"Dana," halos magkasabay naman na wika ni Sir Franco at ni Danielle dito.
Nakita din niyang tumayo mula sa pagkakaupo si Sir Franco at lumapit ito sa asawa. Nakita din niya kung paano nito niyakap si Tita Dana para aluin.
"You need a personal nurse, Ford." wika naman ni Sir Franco sa anak sa seryosong boses. Sa paraan ng pagkakasabi nito ay bawal na iyong kontrahin. Na para bamg isang salita nito ay batas na hindi dapat kontrahin.
Hindi naman na nagsalita si Ford Dean, tumahimik lang ito mula sa pagkakasandal nito sa headrest ng kama.
Hindi naman napigilan ni Cam ang mapangiti habang nakatitig siya sa lalaki. Tiklop din pala si Ford Dean sa ama. At mayamaya ay nag-freeze ang ngiti sa labi niya nang biglang sumulyap si Ford Dean sa kanya. At alam niyang huling-huli siya nito na nakangiti habang nakatingin dito. Mabilis naman niyang iniwas ang tingin dito pero nakita pa niya ang pagkunot ng noo nito.
"Dad, dapat babae ang maging personal nurse ni Ford," mayamaya ay suhestiyon ni Denisse, may napansin siyang kakaibang kislap sa mga mata nito sa sandaling iyon.
"Babae?" malamig ngunit baritonong boses na balik tanong ni Francis sa sinabi ng kapatid nitong babae. "It will be difficult if we hire a woman to be Ford's personal nurse," dagdag pa wika nito.
Sang-ayon naman siya sa sinabi ni Francis. Kung babae ang kukunin ng mga ito na personal nurse ng lalaki ay mahihirapan ito. Malaking bulas si Ford Dean, he had a nice pysique. Sa kondisyon kasi ni Ford Dean ay kailangan na malakas ang nurse na kukunin para dito. Kailangan din kasing buhatin nito si Ford Dean. Kailangang tulungang bihisan, maligo.
"Yes. It will be difficult, Kuya. Pero mas convenient din kung babae ang magiging nurse ni Ford. Iba mag-alaga kapag babae. Right, Dad Franco?" wika ni Denisse sabay sulyap sa Daddy nito.
"Yes," sang-ayon naman ni Sir Franco. "But Francis is right, too. Mas makakabuti kung lalaki ang kukunin nating nurse para kay Ford."
Napasimangot naman si Denisse. Sa sandaling iyon ay gusto na niyang magpaalam na umalis na dahil tapos naman na niyang i-check ang dextrose nito. Maayos na ulit iyon sa pagpatak pero hindi niya magawa dahil ayaw niyang kunin ang atensiyon ng mga ito. Baka sa kanya na naman mapunta ang atensiyon ng lahat.
Atensiyon pa nga lang ni Ford ay pakiramdam niya ay nanginginig na ang binti niya. Ramdam na ramdam kasi niya ang paninitig niyo sa kanya.
"Hmm...pwede namang dalawa ang kunin nating nurse kay Ford, Dad. Babae at lalaki para parehong convenient," suhestiyon ni Denise. Mukhang gusto nitong ipilit na babae ang kunin na magiging nurse ng kapatid nito.
Sa halip naman sa sumagot si Sir Franco ay tumingin ito sa asawa nitong si Dana. "What do you think, love? Okay lang na na dalawa ang maging personal nurse ni Ford?" tanong nito sa masuyong boses.
"Kung ano ang makakabuti kay Ford," sagot naman ni Tita Dana sa asawa nito.
"Makakabuti po talaga kapag dalawa ang nurse ni Ford," wika ulit ni Denisse.
"Okay," sang-ayon naman ni Sir Franco. "I'll ask Trevor kung may ma-i-i-recommend siya," dagdag pa nito.
"Well, may gusto akong i-recommend. At sa tingin ko ay magugustuhan niyo siya as private nurse ni Ford." Si Denisse.
"Who?"
Sa halip naman na sumagot ito ay tumingin ito sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang pagkabog ng dibdib ng magtama ang mga mata nila.
"Si Camilla," sagot nito na nakangiti. Binasa naman niya ang ibabang labi nang maramdaman niya ang paninitig ng lahat sa kanya. "Alam kung magiging magaling siyang nurse ni Ford. At higit sa lahat ay mukhang mapagkakatiwalaan natin siya," pagpapatuloy pa na wika nito. "Right, Camilla?"
Saglit naman siya agad nakapagsalita. Pero akmang bubuka ang bibig niya para magsalita ng mapatigil siya ng unahan siya ni Ford Dean.
"No. I don't want her to be my nurse," he said in a cold but baritone voice.
Napakagat naman siya ng ibabang labi sa narinig niyang sinabi nito. At hindi niya maiwasan na makaramdan ng paninikip ng kanyang dibdib sa pag-ayaw ni Ford na maging nurse siya nito.
Napayuko na lang siya para itago ang sakit na bumalatay sa mga mata niya.