Chapter 1
BINITBIT ni Camilla Flores ang tray na naglalaman ng pagkain na in-order niya sa cafeteria sa ospital kung saan siya nagta-trabaho bilang nurse sa isang kilalang ospital sa Manila. At pagkatapos niyon ay humakbang na siya palapit sa mesa kung saan nakaupo ang mga kasama niya.
Camilla Flores is 23 years old and she was nursing graduate. Bata pa lang siya ay pangarap na niyang maging nurse kaya noong pagtungtong niya sa college ay iyon ang kinuha niyang kurso. Muntik pa nga niyang hindi natupad ang pangarap niyang makapag-aral ng nursing dahil sa hirap ng buhay nila. Isang magsasaka lang kasi ang Tatay niya at full housewife lang naman ang Nanay niya. Tatlo silang magkakapatid at siya ang pangalawa. At nag-iisa lang din siyang babae.
Nakapag-aral siya sa kursong gusto niya dahil sa pagsangla ng Tatay niya sa kalahating lupain na sinasaka nila. Noong una, hindi siya sang-ayon sa gustong gawin ng ama pero wala siyang nagawa dahil buo ang desisyon nito na isangla iyon para makapag-aral siya at makuha ang gusto niyang kurso.
Nangako naman si Camilla sa sarili na hindi bibiguin ang magulang niya. Kaya nag-aral siyang mabuti. Worth it naman ang pagpapaaral sa kanya dahil grumaduate siya ng latin honors. Hindi lang iyon, topnotcher din siya sa board exam sa unang subok Kaya nga madali para sa kanya na makuha bilang nurse sa kilalang ospital sa Manila ng mag-apply siya. Proud na proud nga ang magulang sa kanya.
Sa Manila pinili ni Camilla na mag-trabaho dahil malaki ang sahod doon, marami din opportunidad. Kailangan kasi niyang mag-ipon ng pera para mabayadan niya ang pagkakasanla ng lupa nila. Sa totoo lang din ay may balak din siyang mag-apply sa abroad dahil mas malaki ang sahod doon.
Nang makalapit naman si Camilla sa kasamahan niya ay nadatnan niya na may pinag-uusapan ang nga ito.
"Dumating nga ang pamilya noong pasyente. Iyak nga nang iyak iyong Mama niya dahil sa nangyari sa anak niya," wika ni Andi, ang kasalukuyang nagku-kwento. "Pero my god!" Hindi napigilan ni Camilla ang mapatingin dito sa sumunod na sinabi nito. May napansin siyang ngiti na nakapaskil sa labi nito ng sandaling iyon. "Naaawa ako sa nangyari sa pasyente pero hindi ko mapigilan ang kiligin nang makita ko ang mga anak niyang kasama niya. They were all good looking. Para ngang bumaba ang mga anghel sa lupa at napadpad ang mga ito sa ospital natin," kinikilig pa na wika nito. "Kahit iyong, Tatay. Kahit may edad na para pa ding kapatid iyong mga anak," pagpapatuloy pa na wika nito.
Iiling naman si Camilla na itinuon niya ang tingin sa mga pagkain niyang nasa harap.
"Iyong De Asis ba, Andi?" mayamaya ay narinig niyang tanong ni Amir sa babae.
"Oo," sagot naman ni Andi dito.
"Napanauod ko nga sa balita ang nangyari sa isa sa mga anak ni Sir Franco na si Ford Dean. Grabe nga ang pagkakabangga ng kotse niya. Himala na lang at nabuhay pa siya," wika ni Amir. "Marami ngang reporter na nag-aabang sa labas para kumuha ng balita. Pero walang nakakapasok dahil sa higpit ng seguridad sa ospital, lalo na at may inutusan si Sir Franco na magbantay sa labas," dagdag pa na wika ni Andi.
Hindi naman napigilan ma-curious ni Camilla kung sino ang De Asis na tinutukoy ng kasamahan niyang nurse. Artista ba ang mga ito? Bakit may mga reporter?
"Hmm...sino ba iyang mga De Asis?" curious na tanong niya. Napakunot naman ang noo niya nang makita niya na sabay-sabay na napatingin sa kanya ang mga kasama niya sa mesa.
"What?" tanong niya. "Bakit ganyan kayo makatingin?"
"Seriosly, Cam?" tanong ni Andi sa kanya. Napanguso naman siya. "Hindi mo kilala ang mga De Asis?" tanong nito.
Umiling naman siya. "Artista ba?" tanong niya. Tumawa naman ang mga ito. "Saang bundok ka ba nakatira at hindi mo kilala ang mga De Asis?" natatawang wika nito.
Napasimangot lang naman si Camilla sa sinabi ni Andi. "Hindi artista ang mga De Asis, Cam. Mga business socialites sila. They are from a wealthy family in a high society," paliwanag nito. "Ang pagkakaalam ko, pag-ari ni Franco De Asis ang De Asis Empire. Majority stock holder ng malalaking kompanya gaya ng banking, oil, mining, airlines at marami pa. At nang mag-step down si Franco bilang CEO sa De Asis Empire ang panganay niyang si Francis Daniel ang nag-take over ng kompanya. At iyong kapatid niya, may kanya-kanya na ding kompanya. And mind you, lahat ng negosyo na pinasok ng De Asis Brothers ay successful, hindi lang iyon, pati na din iyong dalawang babae na anak nina Franco ay succesful sa mga piniling career. Magaling humawak sa negosyo ang magkakapatid. At nakasali nga ang De Asis Brothers sa young Billionaires sa bansa."
"Ang dami mo namang alam tungkol sa kanila," wika niya, base kasi sa kwento nito ay parang kilalang-kilala nito ang magkapatid.
"Of course," nakangiting wika ni Andi. "Crush ko kasi si Franco Dawson. Well, gwapo naman silang magkakapatid. Pero iba kasi dating ni Franco Dawson, badboy tingnan," kinikilig na wika ni Andi, kulang na lang na tumili ito.
Iiling na nakangiti naman si Camilla na inalis niya ang tingin kay Andi. Itinuon naman na siya ang atensiyon sa kinakain. At habang kumakain nga sila ng lunch ay puro De Asis ang pinag-uusapan. Hindi tuloy niya napigilan ang ma-curious kung sino ang mga ito. Sa totoo lang ay hindi niya kilala ang mga De Asis. Halos limang buwan lang naman kasi siya sa Manila. At hindi siya mahilig manuod ng balita tungkol sa business industry, hindi nga niya alam kung ano ang nangyayari sa bansa nila. Masyado kasi siyang workaholic. At madalas din na nakatuon ang atensiyon niya sa trabaho.
At sa sobrang curious niya sa pinag-uusapan nina Andi ay inilabas niya ang cellphone nang matapos siyang kumain. At saka niya senearch sa social media account niya ang mga De Asis. Agad naman niyang nakita ang mga hinahanap. At hindi nga nita napigilan ang mapaawang ng bibig nang makita niya ang pictures ng mga ito.
Pito lahat ang anak ni Franco at Dana De Asis. Panganay si Francis Daniel at Danielle, kambal ang dalawa. Sumunod naman si Denisse at si Ford Dean. May triplet din pala ang mag-asawa. Sina Frank Dylan, Friedrich Daxton at si Franco Dawson. Na-a-amaze siya dahil mau kambal na nga, may triplets pa ang mga-asawa.
And yes. They were all good-looking. Walang tulak-kabigan ang angkin ka-gwapuhan ng mga ito. Pati nga ang dalawang babae. They are beautiful.
Magkamukha ang magkakapatid na lalaki dahil iisang dugo lang naman ang nananalantay sa katawan ng mga ito pero may kanya-kanya ang mga ito na ka-gwapuhan.
Isa-isa nga niyang tiningnan ang picrures ng mga ito. Hanggang sa tumigil ang tingin niya sa isang lalaki. Ford Dean ang pangalan. She couldn't help but to stare at his picture. Seryoso ang mukha nito sa picture. Medyo salubong ng konti ang kilay. Para ngang napipilitan lang ito na magpa-picture pero kahit ganoon ang hitsura nito ay hindi pa din nakakabawas sa angkin na ka-gwapuhan nito.
He is indeed handsome. Saglit nga siyang nakatitig sa pictures nito hanggang sa itinigil niya ang pagba-browse sa hawak na cellphone niya.
"Sino nga ulit sa magkakapatid iyong naaksidente?" tanong niya kay Andi ng balingan niya ito. Nabanggit na nito ang pangalan kanina pero hindi niya masyado narinig.
"Si Ford Dean."
Her lips formed an 'o' when she heard the name she mentioned.
"STOP, Andi. Nakakahilo ang pagyugyog mo," saway ni Cam kay Andi habang niyuyugyog nito ang balikat niya.
"Gaga, ang swerte mo naman!" wika ni Andi sa kanya.
Hindi alam ni Cam kung matatawa ba siya o mapapasimangot na lang kay Andi. Nalaman kasi nito na siya ang naka-assign sa private ICU kung nasaan si Ford Dean.
Tapos naman na ang ginawang operasyon nito, umabot nga iyon ng ilang oras. Nailipat na ito sa ICU at under observation ito dahil critcal pa din ang lagay nito. At hanggang ngayon ay hindi pa din ito nagigising.
"Anong ma-swerte ang sinasabi mo diyan? Eh, trabaho ko ito," wika naman ni Cam kay Andi ng matapos siya nitong yugyugin sa braso. Normal na trabaho lang naman para kay Cam iyon. May pagkakataon nga na naging nurse siya ng isang sikat na artista. Kilalang ospital kasi ang pinagta-trabahuan niya. Kaya maraming mayayaman at kilala na personalidad ang nagpupunta doon.
"Siyempre, si Ford Dean ang pasyente mo! May chance na makikita mo ang mga kapatid niya!" wika pa nito.
Cam just mentally rolled her eyes. Iyon pala ang dahilan kung bakit sinasabi nito na ma-swerte siya dahil may chance siya na makita niya ang mga De Asis Brothers.
"Oh, ngayon?" sabi naman niya dito.
Natawa siya ng sa pagkakataong iyon ay si Andi naman ang nagpaikot ng mga mata sa kanya. "Ewan ko sa 'yo. Ikaw lang yata ang hindi kinikilig sa magkapatid," wika nito.
She laughed hard. "Paano ako kikiligin, eh, hindi ko pa sila nakikita ng personal?" wika naman niya dito.
"Sabagay," wika naman nito.
Iiling lang naman siya. "Hmm...sige na. Mauna na ako. Titingnan ko pa ang pasyente," wika naman niya.
Hindi naman na niya hinintay na magsalita si Andi. Binitbit ang chart at ilang kagamitan sa pagmo-monitor sa pasyente ng magsimula na siyang humakbang patungo sa private room nito.
Inayos naman ni Cam ang suot niyang facemask bago niya pinihit ang seradura pabukas at saka siya pumasok.
Nagulat pa nga siya nang makita niya ang isang babae at isang matangkad na lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ay mga magulang ni Ford Dean ang mga iyon. Kita niya ang namumugtong mga mata ng ina ni Ford Dean at namumula naman ang mga mata ng ama nito.
Tumikhim naman si Camilla. "Good morning po," magalang na bati niya sa dalawa. "Che-check ko lang po vital sign ng pasyente," wika niya.
Tumango naman ang mga ito. Humakbang naman siya palapit kung nasaan ang pasyente. Nagbigay daan naman ang dalawa sa kanya.
Hindi naman napigilan ni Cam ang mapatitig kay Ford Dean. Napansin niyang may benda sa bandang ulo nito. May nakita din siyang iilang galos doon. Marami din aparatu na nakakabit sa katawan nito. At hindi niya napigilan ang sarili na makaramdam ng awa para sa lalaki.
Ipinilig na lang naman niya ang ulo at itinuon ang atensiyon sa pakay niya. At habang abala siya sa ginagawa ay narinig niya ang boses ng ina ni Ford Dean.
"Is he okay, Franco? Nakausap mo na ba ang doctor? Kailan daw magigising si Ford?" basag ang boses na tanong ni Dana sa asawa.
"Let's just pray, Dana. Ford is strong. Malalagpasan niya ito," wika naman ni Franco sa asawa nito sa masuyong boses.
Narinig naman niya ang pag-iyak ni Dana. At nang sumulyap siya sa mga ito ay nakita niyang nakasubsob ang mukha nito sa dibdib ng asawa nito. Nakayakap naman ang lalaki kay Dana habang hinahaplos nito ang likod ng asawa.
Naiintindihan naman ni Cam ang mga magulang ni Ford Dean. Alam niyang nasasaktan ang mga ito sa sinapit ng anak. Sino ba naman ang magulang ang hindi masasaktan kapag nakikita ang anak na lifeless? Sinong mga magulang ang hindi iiyak kapag nakita ang anak na maraming aparatu ang nakakabit sa katawan habang walang kasiguraduhan kung magigising ba o hindi.
Kagat ang ibabang labi na tumingin si Cam kay Ford Dean. At malungkot na napatitig siya sa mukha nito.
Wake up, Ford Dean. Your family is waiting for you, hindi naman napigilan ni Cam na sabihin iyon sa isip habang nakatitig siya sa lalaki.