Chapter 6

1804 Words
NAPAKURAP-KURAP ng mga mata si Camilla ng may kamay na sumapo sa noo niya. At nang bumaling siya sa kanyang gilid ay nakita niya ang nag-aalalang si Amir. "Masama ba pakiramdam mo, Cam?" nag-aalalang tanong nito sa kanya. "Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo," dagdag pa na wika nito. Bumaba naman ang tingin niya sa pagkaing nasa plato niya. Hindi pa nga niya nagagalaw ang pagkain niya, halos paglaruan nga lang niya iyon gamit ang kutsarang hawak. Humugot naman siya ng malalim na buntong-hininga. "O-okay lang ako, Amir. Medyo busog kasi ako," sagot niya dito. Sa totoo lang ay hindi siya busog, wala lang talaga siyang gana. At ang dahilan kung bakit wala siyang gana ay ang mga sinabi ni Ford Dean sa kanya. She was affected by the words he said. His words are like bullets that hit her heart. Bullseye. Hindi naman siya nakikialam sa buhay nito, sa buhay ng pamilya nito. Concern lang siya, concern lang siya kay Ma'am Dana dahil alam niyang nasasaktan ito sa mga nangyayari, sa sitwasyon ng anak nito. Dahil kung siya ang ina ni Ford Dean, ganoon din ang mararamdaman niya. Walang ina ang gustong makita na ganoon ang anak. "Try to eat kahit na busog ka. Kailangan mo iyan para makapag-round ka ng maayos," wika naman nito sa kanya. Tumango lang naman siya bilang sagot. Pagkatapos niyon ay pilit niyang kumain kahit na wala siyang gana. At nang matapos ang lunch break nila Camilla ay bumalik na sila sa nurse station. Nag-kwentuhan nga ang mga kasama niya. Tahimik lang naman siyang nakikinig sa mga ito. Ngumingiti bahagya kapag may nakakatawang pinagku-kwentuhan ang mga ito. At tumigil lang sila sa pagku-kwentuhan ng kailangan na nilang mag-rounds sa designated room nila. Isa-isa nga niyang pinuntahan ang pasyente niya para i-monitor ang mga ito. At napakagat ng ibabang labi si Cam ng kailangan na niyang puntahan ang private room ni Ford Dean. Kung dati ay excited siya na pumunta dito ay ngayon naman ay kabaliktaran na iyon ng nararamdaman niya. Ayaw na niyang pumunta dahil fresh pa sa kanyang isipin ang mga sinabi nito sa kanya. Ramdam pa din niya ang sakit. Nahihiya siya na pakitunguhan ito. Camilla took a deep breath to calm her heart. Just do your job, Cam. Iyon naman ang sinabi niya sa 'yo, hindi ba? Isang beses pa siyang humugot ng malalim na buntong-hininga bago siya nagpatuloy sa paglalakad. At nang makarating siya sa tapat ng pinto ng private room nito ay saglit siyang napatitig doon bago siya kumatok para ipaalam ang presensiya niya. Pagkatapos ay pinihit niya ang seradura pabukas at pumasok siya do'n. Napatingin naman siya sa gilid nang makita niya si Ma'am Dana, kasama nito ang anak na si Denise. Nakaupo ang dalawa sa sofa na naroon. "Good morning po, Ma'am," bati ni Camilla sa dalawa. "Good morning," halos sabay na bati din ng dalawa sa kanya. "Monitor ko lang po ang patients, Ma'am," paalam niya. "Go ahead, hija," nakangiting wika naman ni Ma'am Dana. Ngumiti naman siya. Inalis niya ang tingin sa mga ito at itinuon ang atensiyon sa pasyente. Nakahinga ng maluwag si Camilla nang makita niyang nakapikit ang mga mata ni Ford Dean, mukhang tulog ito. Mabuti naman kung ganoon. Lumapit naman siya dito para gawin ang trabaho niya. Gusto niyang bilisan ang gagawin habang tulog pa ito. Para kasing hindi niya kayang pakiharapan si Ford Dean kapag gising ito. Pinalitan naman ni Dana ang dextroxe nang lalaki nang makitang paubos na iyon. May in-inject din siyang gamot doon dahil instruct iyon ng doctor, nakalagay iyon sa chart nito. Pagkatapos ay tumingin siya dito. He still sleep. At dahil kailangan niyang i-monitor ang ang BP nito ay kailangan niyang hawakan ang braso nito. As usual, naramdaman ulit niya ang parang kuryente na dumaloy sa katawan niya ng magdikit ang mga kamay nila. Pero hindi na lang niya iyon masyado pinagtuunan ng pansin. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Halos nakatutok ang atensiyon niya sa ginagawa. Nag-angat lang siya ng mukha nang maramdaman niya na parang may nakatingin sa kanya. At napaawang ang bibig niya nang makita niya na gising na si Ford Dean. His forehead creased while staring at her intently. At nang makabawi siya mula sa pagkabigla ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Kagat ang ibabang labi na pinagpatuloy ang ginagawa. Lihim nga niyang pinagalitan ang sarili dahil nagkamali pa siya, kailangan tuloy niyang ulitin muli ang ginagawa Mabuti na lang at naging maayos ang sumunod. Mahina naman niyang sinabi ang blood pressure nito. Iniwasan din niya na muli itong sulyapan kahit na ramdam niya ang mainit na titig na pinagkakaloob nito. "I'm done," halos pabulong lang na wika niya habang hindi tumitingin dito. Napatingin naman si Camilla sa dereksiyon ni Ma'am Dana at ni Denisse. Busy si Ma'am Dana sa hawak nitong cellphone, samantalang palipat-lipat naman ng tingin si Denisse sa kanya at sa kapatid nitong si Ford Dean. And there's something different in her eyes. Tumikhim naman siya. "Sige po. Labas na po ako," paalam naman niya. Inalis naman ni Ma'am Dana ang tingin sa hawak nitong cellphone at saka ito nag-angat ng tingin patungo sa kanya. Nagulat pa nga siya ng tumayo si Ma'am Dana, napansin din niya ang ngiti na nakapaskil sa labi nito habang humahakbang ito palapit sa kanya. Napakurap-kurap nga siya ng huminto ito sa harap niya at hinawakan nito ang kamay niya. "Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa 'yo, hija," wika ni Ma'am Dana sa kanya. "Po?" "Thank you for what you did to my son when he still in coma," wika ni Ma'am Dana sa kanya. "Salamat dahil kahit na hindi mo trabaho ay ginagawa mo pa din iyon para sa anak ko," dagdag pa na wika nito sa kanya. Nakagat naman ni Camilla ang ibabang labi. Pasimple nga din siyang sumulyap kay Ford Dean. At hindi niya napigilan ang mapasinghap nang makita niya itong nakatingin sa kanila, napansin din niya ang sobrang pagsasalubong ng mga kilay nito. Inalis naman niya ang tingin dito. At akmang bubuka ang bibig niya para magsalita ng mapatigil siya ng marinig niya ang boses ni Ford Dean. "What do you mean, Mom?" he heard him asked his mother. Napansin namam ni Camilla na sumulyap si Ma'am Dana sa anak. May ngiti ngang nakapaskil sa labi nito. "Noong comatose ka pa ay madalas kang kinakausap at kinu-kwentuhan ni Camilla, hijo," imporma ni Ma'am Dana. At habang sinasabi nito ang nga iyon sa anak ay nakapirmi ang tingin niya sa Mommy nito. Ayaw kasi niyang tingnan si Ford Dean, ayaw niyang tingnan ang naging reaksiyon nito sa sinabi ni Ma'am Dana. Baka kunot na naman ang noo nito at baka isipin nito na feeling close siya. At baka isipin nito na nakikialam na naman siya sa buhay ng mga ito. "Yes, Ford," singit naman ni Denisse. "Alam mo din bang binabasahan ka din niya ng novel habang comatosed ka," dagdag pa na wika nito. Wala naman siyang narinig na sagot mula kay Ford Dean. Humugot naman siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay tumikhim siya para kunin ang atensiyon ng mga ito. "K-kailangan ko na pong umalis. May gagawin pa po kasi ako," paalam naman niya. "Sige, hija," wika naman ni Ma'am Dana habang nakangiti ito sa kanya. Gumanti din siya ng ngiti. Pagkatapos niyon ay bumaling din siya kay Denisse na may kakaiba na ngiti sa labi nito. Ibang iba talaga ang hitsura ng anak na babae ni Ma'am Dana at Sir Franco, hindi kasi madamot ang mga ito ng ngiti. Samantalang napakamahal naman ang ngiti sa labi ng magkakapatid na lalaki. "Sige po, Ma'am Denisse," paalam din niya. Nang tumango itong nakangiti ay humakbang na siya paalis habang hindi sinusulyapan si For Dean. KAKATAPOS lang ni Camilla na maligo ng marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone niya. Humakbang naman siya palapit kung saan nakapatong ang cellphone niya. At nang damputin niya iyon ay nakita niyang si Camillo ang tumatawag. Umupo naman siya sa gilid ng kama bago niya sinagot ang tawag nito. "Ate," wika naman ni Camillo sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo nang may mahimigan siyang kakaiba sa boses nito. Hindi nga din niya napigilan ang makaramdam ng pag-alala. "Camillo, may problema ba?" tanong niya dito. Napaayos naman siya mula sa pagkakaupo niya nang marinig niya ang pagbuntong-hininga nito mula sa kabilang linya. "Ano kasi, Ate," wika nito, medyo hesitant pa ito na sabihin sa kanya ang gusto nitong sabihin. "Ano iyon, Camillo?" She heard him sighed again over the phone. "Kinausap ako ni Nanay na huwag sabihin ito sa 'yo para hindi ka daw mag-alala pero hindi ko kasi mapigilan, Ate. Nag-aalala na din ako kay Tatay dahil wala siyang tigil sa pagta-trabaho. Baka kasi mapaano si Ate" wika nito. "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya, salubong pansin ang mga kilay niya. "Iyong pinagsanglahan kasi ni Tatay ng lupa, Ate. Sinisingil na si Tatay. Magma-migrate na kasi sila sa states. At hindi na maharap ang lupang sinanglaan nila kay Tatay. Kaso walang pambayad si Tatay. At ang gusto ng may-ari na ibenta na lang ang lupa sa iba kapag hindi natubos ni Tatay ang lupa sa loob ng tatlong buwan," sumbong sa kanya ni Camillo. "Kaya si Tatay, iba't ibang trabaho ang pinapasukan para magkapera at may pantubos sa lupa natin. Si Nanay din, Ate. Naglabandera na din para magkapera. Nagbibigay din naman si Kuya pero hindi pa din iyon sapat, Ate." Nakaramdam naman ng awa si Camilla para sa magulang niya. Alam din niya kung gaano kamahal ng magulang ang lupa nila, iyon lang kasi ang tanging namana ng Tatay niya sa magulang nito. Napilitan lang itong isangla iyon para makapag-aral siya. Hindi din tuloy niya mapigilan ang makaramdam ng guilt, dahil kung hindi sa kanya ay hindi isasangla ng Tatay niya ang lupa nila. "Ano kaya kung tumigil muna ako sa pag-aaral, Ate. Maghahanap muna ako ng trabaho para maka-- "Iyan ang huwag na huwag mong gagawin, Camillo," putol niya sa ibang sasabihin ng kapatid. "Pero, Ate-- "Ako na ang bahala, Camillo," putol ulit ni Cam sa ibang sasabihin nito. "May isangdaang libong piso pa tayong balance sa kanila, hindi ba? Hahanap na lang ako ng ibang paraan para mabayadan natin ang perang pinagsanglaan ng lupa," wika naman niya. Naisip ni Camilla na mag-loan na lang sa government agencies. At pwede din siyang mag-loan sa ospital na pinagta-trabahuan, pwede naman kasi iyon. Makakalikom din siguro siya ng ganoong halaga sa loob ng tatlong buwan. Kailangan lang niyang magtipid para makaipon. "Hmm...in the meantime ay ikaw muna ang bahala kay Tatay at Nanay. Sabihin mo na huwag silang magpapapagod," bilin niya sa kapatid. "Sige po, Ate." Nang matapos niyang makausap ang kapatid niya ay hindi niya napigilan ang mapabuntong-hininga. Nag-iisip siya kung ano ang gagawin niyang paraan para makalikom siya ng pera sa takdang panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD