"OH, bakit ang tahimik mo?"
Napatingin si Cam sa kanyang gilid ng marinig niya ang tanong na iyon ni Andi sa kanya. At mula sa likod nito ay tumagos ang tingin niya kay Amir, nakita niyang titig na titig ito sa kanya. Nabasa din niya ang pagtatanong sa sa titig na pinagkakaloob nito sa kanya ng sandaling iyon.
"Ayos ka lang?" tanong naman ni Amir ng tuluyan itong nakalapit sa kanya.
Ngumiti naman siya para ipakita dito na okay lang siya. "Okay lang ako, Amir," sagot niya sa mga ito.
"You sure?" mukhang hindi kombinsido ang lalaki sa naging sagot niya.
Nakangiting tumango naman siya dito.
Hindi naman na muling nagtanong ang dalawa. "Cam, totoo ba ang narinig ko?" mayamaya ay tanong ni Andi sa kanya.
Sinulyapam naman niya ito. Hindi din niya napigilan ang bahagyang pagkunot ng noo. "Ano?" tanong niya, hindi kasi niya naintindihan ang ibig nitong sabihin.
"Totoo ba na paralyzed si Ford Dean?" tanong nito sa kanya.
Hindi naman maipaliwanag ni Cam kung bakit parang may kumurot sa puso niya nang marinig niya ang sinabi ni Andi. "He was half paralyzed," sagot niya kay Andi dahilan para mapasinghap ito.
"Kawawa naman siya," sagot nito sa kanya.
Hindi naman siya nagbigay komento sa sinabi nito dahil ang atensiyon niya ay ang nararamdaman ng puso niya ng sandaling iyon. Iyon din ang dahilan kung bakit ang tahimik niya ng sandaling iyon.
She couldn't understand why her heart feels that way with him. Siguro dahil naaawa siya sa lalaki, naawa siya kay Ford Dean dahil sa nangyari dito. He still young. Ford Dean is only 24 years old. Marami pa itong pwedeng gawin pero dahil sa aksidenteng nangyari dito ay malilimitahan na ang pwede nitong gawin.
Naapektuhan kasi ang mga binti nito dahil sa aksidenteng natamo nito. At ayon kay Doc Trevor, mayroon lang itong thirty percent chance na makapaglakad muli.
Hanggang ngayon nga ay nasa isip pa din niya ang naging reaksiyon ni Ford Dean nang tanungin nito si Doc Trevor kung bakit hindi nito maigalaw ang mga binti nito. Agad naman nag-conduct ng test ang doctor at doon nalaman na may buto at ugat nabali sa binti nito dahilan kung bakit hindi nito maigalaw ang mga iyon. Mas napinsala ang mga binti ng lalaki sa nangyaring aksidente dito.
Nagsi-iyakan nga ang ina ni Dean at ang kapatid nitong babae. Napatimbagang naman ang ama at ang mga kapatid nitong lalaki pero kita ang sakit sa mga mata ng mga ito dahil sa nangyayari sa kapamilya nito.
At sagot naman ni Cam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya ay dahil siguro na-attached siya sa pasyente. Ganoon kasi siya minsan, kapag na-attached siya sa pasyente, madali siyang ma-apektuhan. Katulad na lang noong pasyente niyang may taning ang buhay dahil sa malubhang sakit. Iniyakan niya ito noong mawala ito. Nagkulong nga siya sa banyo at doon niya inilabas ang sakit na nararamdaman para dito at para sa pamilyang naiwan nito.
Humugot naman ng malalim na buntong-hininga si Camilla. Saglit din silang nag-usap ni Andi hanggang sa kunin niya ang chart at nagtungo siya sa private room ni Dean. Kailangan kasi niyang i-check ang BP nito.
At habang palapit siya sa private room nito ay nakarinig siya ingay mula sa loob ng kwarto. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo. At akmang bubuksan niya ang pinto ng mapatigil siya nang bumukas iyon. At nakita niya si Ma'am Dana na umiiyak. Natigilan nga ito nang makita siya.
"Ma'am Dana," sambit niya sa pangalan nito nang magtama ang mga mata nila. "O-okay lang po kayo?" tanong niya dito habang titig na titig siya sa hilam na mukha nito, napansin din niya ang lungkot at sakit doon.
Umiling naman ito at ganoon na lang ang gulat na nararamdaman niya nang bigla siya nitong yakapin. Napaatras nga siya pero agad din niyang na-ibalnse ang katawan. At humagulhol ito habang yakap-yakap siya nito.
Saglit nga siyang na-estatwa mula sa kinatatayuan pero ng makabawi siya mula sa pagkabigla ay gumanti din siya ng yakap dito. Hinaplos niya ang likod nito. "Everything will be alright, Ma'am Dana," masuyo ang boses na wika niya habang patuloy niyang hinahaplos ang likod nito. "Babalik din po sa dati ang lahat. Makakapaglakad din po ulit si Dean. Manalig lang po tayo," pagpapatuloy na wika.
Hinayaan lang din naman niya si Ma'am Dana sa bisig niya hanggang sa kumalma ito.
"T-thank you, hija," wika nito sa kanya sa garalgal na boses ng humiwalay ito mula sa pagkakayakap sa kanya.
Nginitian naman niya si Ma'am Dana. "Hmm...samahan niyo po ako sa loob? Imo-monitor ko po BP ni Ford Dean," wika niya.
Umiling naman ito. "My son doesn't want to see me," wika nito sa mahinang boses, mababakas din sa boses nito ang lungkot.
"Oh," sambit naman ni Cam, nakaramdam din siya ng awa para dito. "Sige po," wika niya. Nagpaalam na siya dito. Pagkatapos niyon ay pumasok na siya sa loob ng kwarto.
Hindi naman napigilan ni Cam ang mapaawang ang bibig nang makita niya ang nangyari sa loob ng kwarto. Nakita kasi niya ang nagkalat na pagkain sa sahig, mukhang tinabig iyon ng lalaki. Iyon siguro ang narinig niyang ingay kanina. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit umiiyak ang ina nito kanina habang palabas ito ng kwarto. Dahan-dahan naman siyang nag-angat ng tingin patungo kay Ford Dean at nakita niyang nakasandal na ito sa headrest ng kama. Nakapikit ang mga mata nito at pansin niya ang kunot na kunot na noo nito.
Tumikhim naman siya para kunin ang atensiyon nito. "Good morning, Sir Dean," bati niya habang nakatitig siya sa nakapikit na mga mata nito.
Unti-unti namang nagmulat ito ng mga mata. At agad na tumuon ang tingin nito sa kanya. Gusto naman niyang mapasinghap nang magtama ang itim na mga mata nito sa kanya. At habang nakatitig ito ay napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito.
Nginitian naman niya ang lalaki para maalis ang akwardness sa pagitan nilang dalawa. "Who are you?" wika nito sa buong-buong boses.
Napalunok naman siya. "Ako po ang nurse niyo," sagot niya dito.
"Name?" he asked in a cold voice.
"Hmm...Camilla po," sagot niya. Hindi naman ito nagsalita pagkatapos, nanatili lang itong nakatitig sa kanya. "Hmm...check ko po BP niyo, Sir," wika niya. Hindi na din niya hinintay na magsalita ito. Naglakad na siya palapit dito. Ramdam naman niya ang pagsunod ng titig nito sa kanya, ramdam nga din niya ang panlalambot ng mga binti niya.
Kinuha naman ni Cam ang kailangan niya para ma-check niya ang BP nito. Pagkatapos niyon ay inabot niya ang kamay nito para mailagay niya ang aparatu sa braso nito.
But the moment she held his arm, she felt a rush of electricity run through her body. At nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang titig na titig si Ford Dean sa braso nitong hawak niya at base sa reaksiyon nito ay mukhang naramdaman din nito ang naramdaman niya.
Ipinilig na lang ni Camilla ang ulo para maalis iyon sa isip niya. Pagkatapos niyon ay itinuon na niya ang atensiyon sa ginagawa. At nang matapos siya ay isinulat niya ang BP nito sa chart na hawak niya. Tiningnan na din niya ang dextroxe nito kung maayos ba iyon.
At nang matapos ay napatuon ulit ang tingin niya sa mga pagkain na nagkalat sa sahig. Saglit niyang kinagat ang ibabang labi. Humugot din siya ng malalim na buntong-hininga bago siya nag-angat ng tingin patungo kay Ford Dean.
And she was caught off guard when she saw him staring at her. "Hmm...Sir, alam ko po ang nararamdaman niyo pero huwag po sana kayo maging harsh sa Mommy niyon," hindi niya napigilan na sabihin kay Ford Dean, napansin naman niyang lalong nagsalubong ang mga kilay nito. "Nag-aalala lang po si Ma'am Dana sa inyo. Alam niyo po bang umiiyak siya kanina noong madatnan ko po siya sa labas? She loves you po at sana huwag po kayong--
"Who are you again?" He cut her off, mababakas ang kalamigan sa boses nito. Bubuka sana ang bibig niya para magsalita nang mapatigil siya ng muli itong nagsalita. "You are a nurse here right? And your duties is monitoring the patients health? And it is not your responsibility to interfere in our lives. So, mind your own business, woman. Just do your f*****g job," he hissed. Pansin niya ang galit sa mga mata nito habang nakatitig ito sa kanya.
Kinagat naman ni Camilla ang ibabang labi nang makaramdam siya ng sakit sa sinabi nito. At kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang visible sa mata niya ang sakit.
Bakit ka ba kasi nakikialam sa buhay niya, Cam? Paninisi naman ng isipan sa kanya.
Iniwas naman ni Cam ang tingin dito dahil ayaw niyang makita nito ang pagbalatay ng sakit sa mga mata niya, ayaw din niyang makita nito ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.
"P-pasensiya na po," wika niya sa mahinang boses. "Hmm...sige po," paalam na niya.
Hindi na din hinintay ni Cam na magsalita ang lalaki. Mabigat ang puso niya na humakbang siya palabas ng kwarto nito.