MAY ngiti sa labi ni Camilla habang naglalakad siya papasok sa loob ng pinagta-trabuhan na ospital. At mayamaya ay bahagyang napakunot ang noo niya nang makita si Amir na nasa bungad ng ospital. Parang may hinihintay ito doon. At nang mag-angat ito ng tingin patungo sa gawi niya ay napansin niya ang pag-aliwalas ng mukha nito. Umayos din ito mula sa pagkakatayo nito at napansin niya pagsilay ng ngiti sa labi nito.
Nagpatuloy naman si Cam sa paglalakad hanggang sa makalapit siya kay Amir.
"Good morning, Cam," nakangiting wika ni Amir sa kanya ng tuluyan siyang nakalapit.
"Morning," ganting bati din niya sa lalaki. "Anong ginagawa mo sa labas?" Hindi niya napigilan na itanong. "May hinihintay ka?"
Tumango naman ito. "Oo," sagot nito sa kanya.
"Sino?" curious naman na tanong niya.
Bahagya namang napataas ang isang kilay niya nang makita niya ang pagkamot ng ulo nito. Napansin din niya ang pagpula ng tainga nito. Mukhang nahihiya. "Ikaw," sagot nito sa mahinang boses pero sapat na iyon para marinig niya.
Napakagat naman siya ng ibabang labi. "Bakit mo ako hinintay? May sasabihin ka ba?" tanong niya.
"W-wala naman. Gusto ko lang sabay tayong pumasok," wika nito, halos hindi makatingin ng deretso sa mga maga niya.
Napanguso naman si Cam. "Next time, huwag mo na akong hintayin. Paano kung late ako na pumasok? Eh, 'di late ka din," wika niya kay Amir.
"Okay lang," sagot naman nito.
"Okay lang?"
"Okay lang na ma-late din ako," wika nito na may kislap sa mga mata.
"Pasok na nga tayo," wika na lang ni Cam kay Amir. Nagpatuloy naman na siya sa paghakbang papasok sa loob, naramdaman naman niya ang pag-agapay ni Amir sa kanya.
Malapit na silang dalawa sa nurse station nang may i-abot sa kanya si Amir. "Para sa 'yo pala," mayamaya ay wika nito sa kanya.
Bumaba naman ang tingin niya sa maliit na paper bag na hawak nito. "Ano iyan?" tanong niya kay Amir.
Akmang bubuka ang bibig nito para magsalita ng mapahinto ito ng may tumawag sa pangalan niya.
"Cam!"
Sabay naman silang napatingin ni Amir sa likod nila. At mula sa gilid ng kanyang nga mata ay niya ang pagbaba ng kamay ni Amir sa hawak nito.
"Oy, sabay silang dalawa," tukso ni Andi sa kanilang dalawa ni Amir nang tuluyan itong nakalapit, palipat-lipat nga ito ng tingin sa kanilang dalawa.
Natatawang umiiling lang naman si Cam sa panunukso ni Andi sa kanilang dalawa ni Amir. "Tara na nga sa loob," mayamaya ay wika niya.
Sabay-sabay naman na silang pumasok sa loob ng ospital. At sabay din na humakbang patungo sa nurse station.
Binuksan naman ni Cam ang locker niya para mailagay doon ang gamit niya. At nagulat pa nga siya ng ilagay doon ni Amir ang paperbag na inaabot nito sa kanya kanina.
"Para sa 'yo. Kainin mo mamaya," wika nito. Hindi pa siya nakakapagsalita nang umalis ito sa tabi niya. Napanguso na lang naman si Cam habang inaayos niya ang mga gamit sa loob ng locker. Alam niyang nagpapahiwatig si Amir sa mga binibigay at sa mga kinikilos nito. Hindi lang niya masabi dito na tumigil ito dahil wala naman itong sinasabi na gusto siya nitong ligawan. Baka kasi mapahiya lang siya kapag nagkataon, mamaya kasi mali lang siya sa mga nararamdaman.
At sa sumunod na sandali ay nag-ready na siya para mag-umpisang mag-trabaho. Kinuha niya ang chart para tingnan kung ano ang mga kailangan niyang gawin.
Pinuntahan naman niya isa-isa sa mga room ang pasyenteng kailangan niyang i-monitor. At siyempre, hinuli niyang pinuntahan si Ford Dean.
At nang mabanggit niya ang pangalan nito ay naalala niya ang nangyari noong nakaraang araw na kung saan ay nakita niya ang paggalaw ng mga daliri nito. Alam niyang hindi siya namamalikmata noong makita niya iyon. His finger move!
Sinabi nga niya iyon kay Doc Trevor--ang Doctor ni Ford Dean. Sinabi niya na nakita niya ang paggalaw ng daliri ni Ford Dean. Ilang oras nga ng sabihin niya iyon ay pinuntahan siya ng Mama ni Dean kasama ang nag-iisang anak nitong babae na si Danielle, lumuluhang tinanong siya nito kung talaga bang nakita niya na gumalaw ang daliri ng anak nito. Siyempre, sinabi niya ang totoo. Na pagkatapos niyang basahan ito ng kwento ay nakita niya ang paggalaw ng daliri nito. Nagulat pa nga siya ng bigla siyang yakapin nito habang humihikbi. Masaya daw ito dahil kahit papaano ay may progress sa lagay ng anak.
Binati naman ni Camilla ang lalaking nagbabantay sa labas ng kwarto ni Dean bago siya pumasok sa loob.
"Good morning, Dean," bati ni Cam sa lalaki gaya na lang ng madalas niyang ginagawa pagkapasok niya sa loob. Lagi niya itong binabati kahit na wala siyang nakukuhang response, para na nga siyang tanga minsan. "Check ko ulit BP mo, ha?" pagkausap niya dito. Pagkatapos niyon ay sinimulan na niyang kuhanan ito ng BP. Isinulat naman niya iyon sa chart nito para makita iyon ng doctor kapag i-check nito ang chart ng pasyente. Nang magawa ni Cam ang lahat ng kailangan niyang gawin ay pumuwesto ulit siya sa may bandang paanan nito at umupo siya sa gilid ng kama.
And she stared at him again. "Hi," bati niya na may ngiti sa labi. "Hmm...tapos ko nang basahin iyong libro. At hindi ako nakapagdala ngayon ng panibago kaya wala akong mababasa sa 'yo ngayon," wika niya.
"Kaya kwentuhan na lang kita," dagdag pa niya. "Alam mo bang umiiyak sa saya ang Mama mo nang malaman niyang iginalaw mo ang mga daliri mo?" masayang pagku-kwento niya. "Kaya dapat kapag nandito ang pamilya mo, igalaw mo ang daliri mo para masaya sila. O, hindi kaya ay gumising ka na lang para mas masaya," dagdag pa na wika niya. "If you wake up..
Hindi na natapos ni Cam ang ibang sasabihin at napaawang ang bibig niya nang makita ang muling paggalaw ng daliri ni Dean. Napakurap-kurap siya ng mga mata habang nakatitig siya doon.
"s**t!" Hindi din niya napigilan ang mapamura ng muling gumalaw iyon. Saglit nga siyang napatitig sa daliri nito. At nang i-alis niya ang tingin do'n at nang inilipat niya iyon sa mukha nito ay ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita niyang mulat na ang mga mata nito. Napansin nga niya ang pagkurap-kurap ng mga mata ni Dean, mukhang naninibago ito sa paligid.
He is awake!
Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya ng sandaling iyon. s**t! But she was happy.
"D-dean?" hindi niya napigilan na sambitin ang pangalan nito.
Napakurap-kurap ulit ito ng mga mata at saka ito tumitig sa kanya. And his charcoal eyes stared at her for a moment.
"Okay ka lang ba? Wala ka bang ibang nararamdaman?" tanong niya. "Oh, s**t! I need to call the doctor," wika niya. "Saglit lang," paalam niya. Pagkatapos niyon ay mabilis siyang tumalikod at saka siya humakbang palabas ng room nito para tumawag ng doctor.
Nang makalabas naman siya ay saktong nakita niya si Doc Trevor, kasama nito ang pamilya ni Dean na naglalakad sa hallway patungo sa private room nito. Nakita niyang kompleto ang pamilya nito pero hindi na niya iyon masyado pinagtuunan ng pansin.
"Doc!" tawag niya sa atensiyon ng doctor. Napansin naman niya ang pagsulyap ng mga ito sa kanya.
"Oh, Miss Cam, what is it?" tanong ni Doc Trevor sa kanya.
"Doc, gising na po ang pasyente," imporma naman niya.
Isang singhap naman ang narinig niya sa ibinalita niya.
"Oh, god!" narinig din niyang sambit ni Ma'am Dana. At nang sulyapan niya ito ay nakita niya na nanlalaki ang mga mata nito habang may namumuong luha sa mga mata nito dahil sa kasiyahan. Nakita naman niya ang paghaplos ni Sir Franco sa likod ng asawa.
Malalaki naman ang hakbang na pumasok ang mga ito sa loob ng private room kung saan si Ford Dean. Hindi naman niya napigilan na sumunod siya sa mga ito, pumasok din siya sa loob pero nanatili lang siyang nakatayo sa gilid habang pinagmamasdan si Dean na tinitingnan ni Doc Trevor.
Rinig din niya ang iyak ni Ma'am Dana, Ma'am Danielle at ni Ma'am Denisse habang nakatitig ang mga ito kay Dean na gising na. Ang mga lalaki naman ay tahimik lang na nakamasid dito pero mababakas sa mukha ng mga ito ang relief at saya nang makitang gising na si Ford Dean.
Kinagat naman ni Cam ang ibabang labi ng maramdaman ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Naiiyak din kasi siya. At mayamaya ay napaayos siya mula sa pagkakatayo niya nang makita niya na sumulyap sa gawi niya si Ford Dean.
Nagtama ang mga mata nila at hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, parang may sumipa sa kanyang tiyan at biglang bumilis ang t***k ng puso niya habang magkahinang ang mga mata nila. Wala siyang mabasang anumang emosyon sa mga mata nito habang nakatitig ito sa kanya. Sa sandali ngang iyon ay ramdam niya ang panginginig ng mga binti niya dahil sa titig na pinagkakaloob nito sa kanya. At habang tinitingnan ito ni Doc Trevor ay nanatili ang tingin nito sa kanya.
And she couldn't help but to stare at him back. Bahagya nga din niyang nginitian ito.
At napansin niya ang bahagyang pag-awang ng labi nito.
At dahil nakatuon ang tingin niya sa lalaki ay hindi niya napansin na napasulyap sa kanya si Ma'am Denisse. Mukhang nagtaka ito kung sino ang tinitingnan ng kapatid nito.
At doon lang naman inalis ni Ford Dean ang tingin sa kanya nang tanungin ito ni Doc Trevor.
"How are you, Dean? May nararamdaman ka ba sa katawan mo?" tanong ni Doc Trevor.
Napansin niya ang pagkunot ng noo ni Ford Dean. Matagal bago ito sumagot, mukhang pinapakiramdaman nito ang sarili.
"Why I can't move my body?" he aksed in a deep and baritone voice.