HAWAK-hawak ni Camilla ang chart habang naglalakad siya sa hallway ng ospital. Patungo siya sa private room ni Ford Dean. At nang makarating siya doon ay hindi niya napigilan ang mapakunot nang noo nang may makita siyang isang lalaking nakatayo sa harap ng private room nito.
Bigla naman siyang nakarandam ng kaba. Baka isa na naman itong reporter. Mabilis naman ang paghakbang ang ginawa niya makalapit lang siya sa lalaki.
"Excuse me po," wika niya ng tuluyan siyang nakalapit. "Bawal pong tumambay dito. Hindi po visiting hours," dagdag pa na wika niya.
"Hindi ako tumatambay, Miss. Inutusan ako ni Sir Francis na magbantay dito," sagot nito sa kanya.
"Oh," sambit naman niya. "Pasensiya na po," paghingi niya ng paunmanhin sa lalaki. Inakala kasi niyang reporter ito. Siguro nag-hire si Sir Francis na magbabantay para kay Ford Dean para hindi na maulit ang nangyari kahapon.
Nagpaalam naman si Camilla sa lalaki. Bago pa nga siya makapasok sa loob ng private room ni Ford Dean ay tiningnan muna ng lalaki ang ID niya. At nang masiguro nito na doon nga siya nagta-trabaho ay doon lang naman siya nito tuluyang pinapasok. Well, hindi naman siya nag-reklamo kung siniguro nito na nurse siya doon. Alam niyang ginagawa lang nito ang trabaho nito.
Nang makapasok naman siya sa loob ay agad siyang lumapit kay Ford Dean.
"Good morning, Dean," bati ni Cam sa lalaki kahit na wala siyang makuhang response galing dito.
Ginawa naman niya ang kailangan niyang gawin. Pinalitan na nga din niya ang dextrose nito dahil paubos na iyon. Chenecked nga din niya kung okay ba ang pagpatak niyon. May inject din siya gamot do'n.
At nang matapos ay sa halip na umalis ay umupo siya sa gilid ng kama sa bandang paa nito. Wala naman na kasi siyang gagawin. Nakapag-ikot na siya sa ibang pasyenteng hawak niya.
And she stared at him. "Hmm...kailan ka magigising?" pagkausap niya sa lalaki.
Alam naman ni Cam na hindi ito magre-response kasi comatosed ito. Pero malay niya, naririnig siya nito gaya na lang sa napapanuod niya sa TV at sa nababasa niya sa libro. Na kahit na wala itong kamalayan ay naririnig nito ang nasa paligid nito. Nurse siya at naniniwala siya doon. At baka kapag ginawa niya iyon, ma-motivate itong gumising.
"Alam mo bang nag-aalala na ang pamilya mo sa 'yo? Lalo na ang Mama mo, lagi ko nga siyang nakikitang umiiyak kapag pumapasyal siya dito," patuloy niya sa pagkausap sa lalaki. Naalala kasi niya si Ma'am Dana, Mama ni Ford Dean. Ilang beses na kasi niya itong nadatnan na umiiyak. Mukhang nag-aalala ito sa kalagayan ng anak nito. "Siguro naman ay ayaw mong mag-alala ang Mama mo. Kaya gumising ka na."
Ilang minuto pa doon si Cam habang patuloy siya sa pagkausap kay Ford Dean. Minsan nga ay nagku-kwento siya dito tungkol sa nangyayari sa ospital. Engrossed na engrossed siya sa pagku-kwento kaya hindi niya napansin ang pagbukas ng pinto at ang mga pumasok doon. "Next time kapag hindi ako busy. Magdadala ako ng libro at babasahin ko iyon sa 'yo," wika pa niya sa lalaki. Pagkatapos niyon ay tumingin siya sa wristwatch na suot. "Oh, kailangan ko na pa lang umalis," mayamaya ay wika niya nang makita kung ano ang oras na.
Tumayo na din siya mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama. At ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita niya ang pamilya ni Ford Dean na nakatayo sa likod niya. Hindi nga niya napigilan ang pamulahan ng mukha habang nanlalaki pa din ang mga matang nakatingin siya sa mga ito.
Nandoon si Ma'am Dana, ang asawa nitong si Sir Franco. Si Francis at dalawang babae. Kung hindi siya nagkakamali ay si Danielle iyon, kakambal ni Francis. At ang isa naman ay si Denisse.
Yumuko naman siya dahil ayaw niyang salubungin ang mga titig na pinagkakaloob ng mga ito sa kanya. Kunot ang noo ang dalawang lalaki, samantalang may amusement naman sa mga mata ang tatlong babae habang nakatingin sa kanya. Nahihiya din siya. Kanina pa ba ang mga ito doon? Narinig ba ng mga ito ang pinagku-kwento niya kay Ford Dean?
Nakakahiya, Cam.
"Excuse me, Miss?"
Saglit namang ipinikit ni Cam ang mga mata bago siya nag-angat ng tingin. Hindi pa din nawawala ang pamumula ng magkabilang pisngi niya.
"Y-yes po?" wika niya habang nakatingin siya sa Denisse, lihim nga niyang pinagalitan ang sarili dahil sa pagkautal ng boses niya.
"Girlfriend ka ba ni Ford?" tanong ni Denisse sa kanya.
Nanlalaki naman ang mga mata niya sa tanong nito. At nang makabawi siya sa pagkabigla ay sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling. "H-hindi po niya ako girlfriend, Ma'am," wika niya. "N-nurse po ako dito. Chenecked ko lang po ang paseyente," pagpapaliwanag niya.
Tinaasan lang naman siya nitong ng isang kilay. Mukhang hindi ito naniniwala sa sinabi niya dahil sa nadatnan ng mga ito na eksena. Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi. Hiyang-hiya na siya sa sarili ng sandaling iyon. Kung pwede nga lang na lamunin na siya ng lupa.
"P-pasensiya na po sa nadatnan niyo, Ma'am, Sir. Ano po kasi...
Hindi na natapos ni Camilla ang iba pa niyang sasabihin ng lumapit sa kanya si Ma'am Dana. Huminto naman ito sa harap niya. "Anong pangalan mo?" masuyong tanong nito sa kanya.
"C-camilla po, Ma'am," sagot niya.
Ngumiti naman si Ma'am Dana sa kanya. At napakurap-kurap siya ng mga mata ng hawakan nito ang kamay niya. "Thank you, Camilla," pasasalamat nito dahilan para umawang ang bibig niya. "Thank you for doing this to my son. I r-really appreciated it," wika nito, naramdaman niya ang pagbasag ng boses nito. Napansin din niya ang pamamasa ng mga mata nito ng sandaling iyon.
"Dana," narinig naman niya ang masuyony boses ni Sor Franco na tumawag sa pangalan ng asawa nito.
Hindi naman niya napigilan na pisilin ang kamay ni Ma'am Dana na nakawak sa kanya. "Magiging okay din po ang lahat. Magiging okay din po si Sir Ford," pagpapalakas-loob naman niya dito.
NASA cafeteria sina Camilla, kumakain sila ng lunch. Kasama niya sina Andi.
Mayamaya ay napatingin si Camilla sa kanyang gilid nang makita niya na may tumabi sa kanya. At pagtingin niya ay nakita niya si Amir na umupo sa tabi niya.
"Hi," wika nito nang magtama ang mga mata nila.
At akmang bubuka ang bibig niya para sana magsalita nang mapatigil siya ng makarinig siya ng malakas na pagtikhim.
At nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya si Andi na todo ngiti. "What?" wika niya dito.
"Wala naman, wala naman," nangingiting wika nito.
Ngumuso lang naman si Camilla at itinuon na ang atensiyon sa kinakain.
"Gusto mo ng leche flan, Cam?" mayamaya ay tanong ni Amir sa kanya. "Hindi kasi ako mahilig sa matatamis kaya sa 'yo na lang," wika nito, inusog din nito ang plato na may lamang leche flan sa tabi niya.
"Oh, bakit bumili ka pa ng leche flan, hindi ka naman pala mahilig." Hindi niya napigilan na itanong, kung hindi kasi ito mahilig ay bakit pa ito bumili? Nasayang lang tuloy ang pera nito.
"Boom, Amir," natatawang wika naman ng ibang kasama nila sa mesa. Narinig din niya ang paghalakhak ni Andi.
"Binili ni Amir iyan para sa 'yo, Cam. Nahihiya lang siyang sabihin sa 'yo," natatawang wika naman ni Andi. "Hindi ba, Amir?"
Isang kamot lang naman sa ulo ang isinagot ni Amir. Hindi naman niya napigilan ang pamulahan ng mukha ng tuksuhin silang dalawa. Sa totoo lang ay napapansin na niya ang kakaibang kilos ng lalaki sa kanya. Ang pagbibigay nito sa kanya ng kung ano-ano. Hindi lang niya masyado iyong pinagtutuunan ng pansin.
Oo, gwapo si Amir. Pero tinging kaibigan lang ang turing niya dito. At hindi pa naman siya handa na makipag-relasyon. May iba pa kasi siyang priority. At hindi pa niya priority ang lovelife niya.
Tumigil naman ang panunukso nila nang matapos ang lunch break nila. Bumalik na sila sa nurse station. Nagpahinga sila saglit hanggang sa kinuha niya ang chart niya, pati na din ang english novel na dala at saka siya nag-round sa mga pasyente. Limang pasyente ang hawak niya. Hinuli naman niyang pinuntahan si Ford Dean.
May nagbabantay pa din dito. Every week ay may bagong nagbabantay sa lalaki. Kilala naman na siya bilang nurse doon kaya hindi na siya hinahanapan ng ID bago pumasok.
Halos tatlong linggo na din si Ford Dean sa ospital. And he still in coma. At sa loob ng tatlong linggo na iyon ay kapag maluwag ang schedule niya ay ilang minuto siyang nag-stay sa room nito para kausapin at gata ng sinabi niya noon ay dinalhan niya ito ng libro at binabasahan.
May basbas naman siya pamilya nito na pwede niya iyong gawin dito ng madatnan siya ng mga ito na kinu-kwentuhan si Ford Dean.
Nang matapos si Cam na gawin ang trabaho ay umupo siya sa monoblock chair na naroon sa gilid nito. Kinuha niya ang hawak na libro at saka niya binuklat ang pages kung saan siya natigil sa pagbabasa kahapon.
Nagsimula na din siya sa pagbabasa. Hindi naman siya masyadong nagtatagal doon dahil may kailangan din siyang gawin. Ten minutes lang din naman siyang nag-i-stay sa kwarto nito.
She was busy reading her favorite english novel. At nang matapos ang sampung minuto ay tumigil siya sa pagbabasa. She closed the book. "Times up na. Bukas ulit, Dean," pagkausap niya dito.
Akmang tatayo siya mula sa pagkakaupo niya ng mapatigil siya nang mapansin niya ang paggalaw ng daliri ni Ford Dean. Napakurap-kurap naman siya ng mga mata nang makita niya iyon.
Namalikmata lang ba siya?
"Ginalaw mo ba ang daliri mo, Ford?" tanong niya dito habang titig na titig siya sa daliri nito.