Chapter 2

1860 Words
KAKATAPOS lang ni Camilla na magbihis ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya. Kinuha naman niya ang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng kama. At hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makita at mabasa niya kung sino ang tumatawag sa kanya. It was her little brother Camillo. Agad naman niyang sinagot ang tawag nito. "Hello?" "Ate!" masayang wika naman nito ng sagutin ang tawag niya. "Oh, napatawag ka?" "Si Nanay kasi ate. Gusto ka niyang kamustahin," wika nito sa kanya. "Kasama mo ba sila?" tanong niya. "Oo, Ate," sagot nito sa kanya. "Ibibigay ko ang cellphone para makausap mo sila," wika naman nito. Mayamaya ay narinig niya ang boses ng kanyang ina. "Camilla, anak?" "Nay, kamusta po?" tanong niya habang may ngiti sa labi. "Ayos lang din naman ako, anak. Ikaw, kamusta?" "Okay lang din naman po ako, Nay," sagot din niya. "Ang trababo mo kamusta? Kumakain ka ba ng maayos diyan? Baka pinapabayaan mo na ang sarili mo, Camilla?" halos magkasunod na tanong ng Nanay niya sa kanya. Nangingiti naman siya habang pinapakinggan niya ang sinasabi ng Nanay niya. Ramdam niya ang pag-alala nito kahit na nasa malayo siya. "Maayos naman po ang trabaho ko, Nay. At hindi ko naman po pinapabayaan ang sarili ko at kumakain po ako maayos," wika niya para hindi mag-alala ang Nanay niya. "Mabuti naman kung ganoon," wika naman nito. "Siya nga po pala, Nanay. Magpapadala po ako ng pera bukas sa inyo. Pambayad po sa bills at ilang gastusin sa bahay," wika niya, payday kasi nila ngayong araw kaya makakapagpadala siya ng pera sa pamilya niya sa probinsiya. "Huwag na, anak. May pera pa naman kami ng Tatay mo. At nagbigay din ang Kuya mo ng pera sa amin. Ipambili mo na lang ng mga kailangan mo diyan, Camilla." "Pero po-- "Huwag na, Camilla," putol naman ng Nanay niya sa iba pa niyang sasabihin. "Itago mo na lang ang pera mo diyan para kapag may kailangan ka may madudukot ka." Hindi na pinilit ni Camilla ang gusto dahil kilala niya ang Nanay niya. Idadagdag na lang niya sa ipon niya ang perang ipapadala sana niya sa mga ito. Para iyon sa pantubos ng lupa nila. "Kung iyan po ang gusto niyo, Nay," wika na lang niya. Hindi naman na pinatagal ng Nanay niya ang pag-uusap nilang dalawa dahil alam nitong maaga ang pasok niya sa trabaho. At nang matapos niyang makausap ito ay naghanda na siyang umalis ng boarding house na tinutuluyan. Hindi naman nagtagal ay nakarating na din si Camilla sa ospital kung saan siya nagta-trabaho. "Camilla." Mayamaya ay napahinto siya sa paglalakad nang marinig niya ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. Lumingon siya sa kanyang likod at nakita niya si Amir. Inisang hakbang lang naman nito ang pagitan nilang dalawa. "Good morning," wika naman nito sa kanya ng tuluyan itong nakalapit. Ngumiti naman siya. "Morning, Amir," bati din ni Camilla sa lalaki. "How's your morning?" tanong naman nito na nakangiti. "Okay lang din naman," sagot niya dito. Tumango-tango naman ito bilang sagot. Nagpatuloy naman na silang dalawa sa paglalakad. "Nag-breakfast ka na ba, Cam?" mayamaya ay tanong nito dahilan para sulyapan niya ito sa kanyang tabi. Tumango naman siya bilang sagot. "Bakit mo naitanong?" Napataas ang isang kilay niya nang makita niya na nagkamot ito ng batok. "Nagbaon kasi ako ng sandwich. Dinagdagan ko para sa 'yo," wika nito. "Pero pwede mo namang meryendahin na lang mamaya," pagpapatuloy pa na wika nito. "Lagi akong may libreng pa-meryenda sa 'yo," hindi niya napigilan na sabihin iyon kay Amir. Lagi kasi siya nitong binibigyan ng kung anong pagkain sa ospital. Napansin naman niya ang pamumula ng magkabilang pisngi nito sa sinabi niya. Napansin naman niya ang pagbuka-sara ng bibig nito. Parang may gusto itong sabihin pero hindi nito magawa. "Pero salamat," sabi na lang naman niya. Napansin naman niya ang pagsilay ng ngiti nito. Nagpatuloy naman na silang dalawa sa paglalakad patungo sa nurse station. "Kamusta na pala iyong bilyonaryong pasyente, Cam?" tanong ni Amir sa kanya. Ford Dean. Ang pangalan na iyon ang agad na pumasok sa isip ni Camilla nang marinig niya ang tanong ni Amir sa kanya. "He still in coma," sagot naman niya. Hindi niya maipaliwanag pero bigla siyang nakaramdam ng kirot sa puso niya sa isiping hindi pa din nagigising ang lalaki simula noong ma-aksidente ito. Halos isang linggo na itong coma. Stable naman na ang lagay nito, hinihintay lang kung kailan ito tuluyang magigising. "Kawawa naman siya," wika nito sa kanya. Hindi naman nagbigay ng komento si Camilla sa sinabing iyon ni Amir. Nagpatuloy naman sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa nurse station. Nagpaalam naman na ito sa kanya. Inilagay naman ni Cam ang mga gamit sa locker at saka niya kinuha ang chart ni Ford Dean. Tiningnan ni Camilla kung ano ang mga kailangan niyang gawin sa pagpunta niya doon. At nang mabasa niya ay naglakad na siya patungo sa private room nito. Binuksan naman niya ang pinto at pumasok sa loob. At agad tumutok ang tingin niya sa lalaking nakahiga sa hospital bed. Camilla stared at him for a moment before continuing to walk near him. Itinuon naman niya ang atensiyon sa kailangan niyang gawin. She checked his vital sign, check the monitor and his dextrose May sinaksak din siyang gamot sa dextrose nito. Nakasulat iyon sa chart nito. At nang matapos ay hindi na naman niya napigilan na mapatitig sa lalaki. Para lang itong natutulog habang nakahiga ito sa hospital bed nito. At kahit na ganoon ang kalagayan ng lalaki ay hindi nakabawas iyon sa ka-gwapuhan nito. He still freaking-ly handsome. Yes. Napansin na niya na gwapo ito sa picture noong i-search niya ito pero mas gwapo ito sa personal kahit na ganoon ang sinapit nito, kahit na may ilang galos ang mukha nito. The perfect nose, the lips and his perfectly jawline. He is oozing with s*x appeal. Ngayon ay hindi niya masisisi si Andi kung bakit kinikilig ito kapag nagku-kwento ito tungkol sa magkakapatid na De Asis. Nangingiting napapailing na lang si Cam. Inalis na din niya ang atensiyon sa lalaki. Napagpasyahan na din niyang lumabas doon para mag-round sa ibang room. Binuksan niya ang pinto. At bahagya siyang nagulat nang may nakitang siyang hindi pamilyar na lalaki na nasa harap ng pinto ng private room ng pasyente. Napansin naman niya na pasimple itong sumisilip sa loob ng kwarto, may napansin din siyang hawak itong isang cellphone kaya mabilis niyang isinara ang pinto. Napansin naman niya ang pagsulyap nito sa kanya. "Sino po sila?" tanong niya dito. Tumikhim naman ang lalaki bago bumuka ang bibig nito para magsalita. "Hmm...kamag-anak ako ng pasyente," sagot nito sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo habang nakatitig siya dito. Hindi niya maiwasan pero duda siya sa sinabi nito. "Kamag-anak?" balik tanong niya. Tumango naman ito bilang sagot. "Pwede ba akong pumasok sa loob?" tanong nito. Saglit siyang hindi nagsalita. "Pasensiya na pero hindi po pwede. Hindi po oras ng visiting hours," sabi niya. "Ganoon ba?" wika nito. Isang tango lang ang isinagot nito sa kanya. "Hmm...kamusta pala ang pasyente? Hindi pa ba siya nagigising? Ano bang nangyari sa kanya?" halos magkasunod na tanong nito sa kanya. Napansin din niya na parang may kinakalikot ito sa hawak na cellphone. Nagsalubong naman ang kilay ni Cam. "Sigurado po bang kamag-anak kayo ng pasyente?" tanong niya, hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Duda talaga siya dito. At nang mapansin niya ang paglikot ng mga mata nito ay nasiguro niyang hindi ito kamag-anak ng pasyente. At may ideya din siya kung sino ito. He must be a reporter. At gusto nitong magkaroon ng scoop tungkol sa nangyari kay Ford Dean. "Oo. Kamag-anak ako," sagot nito. "Hmm...sige. Babalik na lang ako mamaya," paalam nito sa kanya mayamaya. Hindi naman na siya nito hinintay na magsalita, tumalikod na ito at umalis na. At sa halip naman na umalis sa kinatatayuan ay nanatili si Cam doon. Malakas kasi ang kutob niya na babalik ang lalaki kapag nakaalis siya. At parang gusto niyang magbantay doon para siguraduhin na hindi ito makakapasok sa loob ng private room ni Ford Dean. She must protect the patients. Hindi nga niya alam kung ilang minuto na siya doon. At nang tingnan nga niya ang relo ay nakita niyang halos kinse minuto na siyang nagbabantay sa labas ng pinto ng private room ng lalaki. Gusto na niyang umalis para sana mag-round pero ayaw sumunod ang paa niya. Paano kung bumalik ang reporter? Itawag kaya niya sa management o sa pamilya nito? Pero wala siyang contact sa pamilya nito? "What are you doing in front of the door?" Halos mapaigtad si Camilla ng marinog niya ang baritonong boses na iyon. At hindi niya napigilan ang mapasinghap nang makita niya ang isang matangkad na lalaki na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. Pakiramdam nga niya ay nanginginig ang tuhod niya habang sinasalubong niya ang titig nito. Nakasuot ito ng itim na long sleeve. At nakalihis iyon hanggang sa may siko nito. At habang sinasalubong niya ang titig nito ay napansin niyang pamilyar ang mukha nito. At doon niya na-realize na kapatid ito ni Ford Dean. Pilit naman niyang inaalala ang pangalan nito. Hanggang sa maalala niya. Kung hindi siya nagkakamali ay Francis ang pangalan nito, panganay ito sa magkakapatid. At may kakambal itong babae. At pangalawa naman si Ford Dean. Umayos naman si Camilla mula sa pagkakatayo niya. "N-nagbabantay lang po, Sir," sagot naman niya dahilan para mas lalong magsalubong ang mga kilay nito. Napansin niya ang pagpasada nito ng tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. "You are a nurse here, Miss. Why are you guarding my brother's room? " He asks her in a deep and baritone voice. "Baka po kasi bumalik ulit iyong lalaki kanina, Sir," sagot niya. "May lalaki po kasi dito kanina. At sabi po niya ay kamag-anak niyo, marami siyang tinatanong at gusto niya pong pumasok sa loob para makita ang pasyente pero pinigilan ko po kasi nagdududa ako," paliwanag niya. "Sa tingin ko nga po ay isa siyang reporter at gustong kumuha ng information sa pasyente," dagdag pa na wika niya. "f**k!" He cursed silently. Napalunok naman siya. "Kailan nangyari?" Tanong nito sa kanya, mas lumalim nga ang gatla sa noo nito. Sinabi naman niya ang oras kung kailan niya nakita ang lalaki. "So, kanina ka pa nakatayo dito at nagbabantay?" Tumango naman siya. "O-opo," sagot niya. Hindi ito nagsalita, nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Tumikhim naman siya. "N-nandito na po kayo kaya aalis na po ako. Kailangan ko na din po kasing mag-round sa ibang pasyente," sabi niya. Hinintay lang naman ni Camilla na dumating ang tunay nitong kamag-anak para umalis doon. Hindi naman niya ito hinintay na magsalita. Humakbang na siya pero nakakadalawang hakbang lang siya ng mapahinto siya ng tawagin siya nito. "Miss." Nilingon niya ito. "Bakit po?" tanong niya. "Thank you," wika nito sa kanya. "Thank you for guarding my brother," dagdag pa na wika nito. Nginitian naman niya ang lalaki. "Wala po iyon. Pero welcome po," sagot niya dito. Nagpaalam muli siya sa lalaki at tuluyan ng umalis sa harap nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD