5 - Video Clip

1354 Words
"MGA bobo!" galit na bulyaw ni Zayne sa mga tao niya. Halos malagot ang mga litid niya sa matinding galit sa mga ito nang bumalik na hindi kasama ang Fiancée ni Detective Ethan Salvacion, at nalagasan pa. "Pasensiya na, Boss, hindi po namin inaasahan na may resbak pala ang rescuer ni—" "Tumahimik ka," bulyaw na putol niya rito. "Hindi kita tinatanong tungkol d'yan. Ang gusto kong marinig, sino ang pakialamerong iyon?!" Kumilos ang isa sa mga ito at iniabot sa kaniya ang baril. "Pag-aari niya 'yan, Boss, puwede nating magawan ng paraan para ma-identify ang purchaser ng baril na iyan," determinadong sabi nito. Napatiim-bagang siya sabay kuha sa baril na iyon. Matapos niya iyong titigan ay walang alinlangang ipinutok iyon sa paa ng isa sa mga naroon. Napasayaw ang tinamaan dahil sa matinding sakit. Napangisi siya. "Ang sexy ng putok nito, ah. Ang sarap hawakan." Habang sinisipat iyon. "Pasasayawin ko sa putok nitong baril niya ang pakialamerong iyon!" napatiim-bagang ulit na sabi niya. Dumating si Margaret kasama ang isa sa mga tauhan niyang lalaki. Sapo nito ang duguang tagiliran. "Ano'ng nangyari r'yan?" tanong kaagad niya. "Nadisgrasya sa kalsada kanina," mahinang sagot ni Margaret. "Magiging pabigat ka na," sabi niya sa lalaking ito na noon ay kaagad na napatingin sa kaniya. "Magpahinga ka na." Sabay kalabit ng dalawang beses sa gatilyo ng baril na hawak niya. Walang buhay na bumulagta ang lalaki sa tiled floor. Walang nakakibo sa mga naroon at lahat ay kinakabahan sa susunod niyang ikikilos. "Ihulog n'yo 'yan sa laot," maawtoridad na utos niya. Mabilis na kumilos ang ilan sa mga tao niya upang sundin ang kaniyang utos. "Denver," tawag niya sa leader ng mga tauhan niya. "Gumawa kayo ng paraan ni Margaret para makita ang may-ari ng baril na ito." Iniabot niya ang baril dito. "Dalahin mo siya sa akin ng buhay, gusto kong ako ang pumatay sa kaniya." "Paano 'yong babae, Boss?" si Denver. Bago pa siya makasagot ay tumunog ang wireless phone sa kamay ni Jet, ang kaniyang kanang kamay. Sinagot nito iyon at iniabot sa kaniya. "Boss, nasilo na namin si Ethan, ano'ng gusto mong gawin namin sa kaniya?" tanong ng isa sa mga tauhan niya sa kabilang linya. "Dalahin mo siya rito, ipapasuka ko sa kaniya ang ebidensya," mariing utos niya rito tapos ay tinapos ang tawag. Bumaling siya kay Denver. "Kailangan ko s'ya ng buhay, huwag n'yo siyang pakikialaman," wika niya rito na ang tinutukoy ay si Brianne. ••• NAPADAING si Brianne Faith nang maramdaman ang sakit sa buo niyang katawan nang gumalaw siya. Daig pa niya ang napalaban ng bugbugan sa kalagayan niya nang mga sandaling iyan. Iminulat niya ang mga mata at ang puting kisame ang sumalubong sa paningin niya. Kaagad siyang napalinga ng tingin upang matiyak kung nasaan siya. Isang guwapong mukha ang kaniyang nakita. Buhat sa hawak nitong cellphone ay inilipat nito ang tingin sa kaniya. "Hi!" bati nito sa kaniya sa seryosong ekspresiyon ng mukha. Hindi siya nagsalita upang tanungin man lang kung sino ba ito bagkus ay nanatiling nakatitig dito, kaya naman hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang wedding ring nito sa kamay na noon ay hawak pa rin ang cellphone. Tumayo ito at tumawag ng doctor sa intercom. Ipinako niya rito ang kaniyang tingin. Nasa ospital pala siya. Ligtas na ba siya? Tapos na ba ang bangungot niya? Ang lalaking saviour niya, nasaan kaya? Iyan ang mga tanong sa kaniyang isipan na hindi mabigyan ng kasagutan sa mga sandaling iyan. Ilang sandali lang ang lumipas ay dumating ang batang doctor kasunod ang pamilyar na lalaki. Ngumiti ang puso niya pero lingid iyon sa kaniyang kamalayan. Ang lalaking ito, hindi niya ito maaaring makalimutan. Narinig niya ang pangalan nito nang magpakilala ito sa cellphone, kagabi? Ah, hindi na niya alam kung ano'ng oras na ba o ilang araw na siyang natutulog sa kinahihigaan niya. Basta ang pakiramdam niya, napakatagal na. 'Brian Bryle. . .' tawag niya sa lalaking ito sa pamamagitan ng isip niya. Lumapit ito sa kaniya. "Hi!" manipis ang ngiting bati nito sa kaniya. Pinilit niyang ngumiti habang hindi napigil ang pamamasa ng mga mata. Lumapit din ang batang doktor sa gilid ng kinahihigaan niya at tiningnan ang vital signs niya. "Ako si Doc. Dashin Rain Villaverde," pagpapakilala nito sa sarili. Tiningnan niya ito at dahil nakatitig ito sa kaniya ay nagtama ang mga paningin nila. Ito ang unang nag-iwas ng tingin at dinala iyon sa mga kamay niya na nang mga sandaling iyan ay magkasalikop sa ibabaw ng kaniyang tiyan. "May mga ilang bagay akong ipapaliwanag sa iyo at...nais ko sanang maging handa ka bago pa marinig ang mga sasabihin ko," mahinahong sabi nito bago muling ibinalik ang tingin sa kaniya. Tumango siya ng marahan, hindi niya alam kung bakit ba para siyang kinakabahan. Si Brian Bryle at ang lalaking nagisnan niya kanina ay naroon lamang at tahimik na nakamasid sa kanila ng doktor na ito. "Dahil sa traumatic experience," pagsisimula ng doktor. "your body’s defences took effect and create a stress response, isa iyon sa naging dahilan kung bakit nawalan ka ng ulirat kanina at ahhh. . .it also caused—it also caused the loss of your baby." Napailing ito bago naibaba ang tingin. "I'm very sorry. . ." tapos ay halos pabulong nitong sabi. Napakurap at napailing siya bago napaluha dahil sa huling sinabi nito. Napatingin siya kay Brian Bryle nang maramdaman niya ang mainit nitong palad sa kaniyang kamay. Hindi niya alam na buntis pala siya tapos ay maririnig niya na nawala ito ng ganoon na lamang dahil sa mga nangyari, sa masalimuot na pangyayari. Para siyang binagsakan ng langit habang dinidikdik ng kung anong matalim na bagay ang kaniyang dibdib. Impit siyang napaiyak at hindi napigil ang mapailing ng paulit-ulit. "Hey..." malambing at halos paanas na sabi sa kaniya ni Bryle. Bakas sa mga mata nito ang pakikisimpatya sa kaniya. "Bryle," napailing na tawag niya rito. "Ang baby ko, Bryle, ang baby ko!" mapait na sambit niya. Parang gusto niyang mawalan na lamang ulit ng ulirat. Napalunok ito at iniiwas ang mga mata sa kaniya. Kay Doctor Rain nito iyon dinala. Walang makapagsalita sa mga ito at nanatiling nakatitig lamang sa isa't isa. Nasaan ba si Ethan? Kailangan niya ito ngayon. Ito ang kailangan niya ngayon. ••• UMAGOS ang dugo sa ilong at gilid ng labi ni Ethan maging sa bawat bahagi ng kaniyang mukha dahil sa hindi na mabilang na suntok na kaniyang tinamo. "Nasaan ang video clip?!" gigil na tanong sa kaniya ni Zayne. Naitaktak na lahat ng mga tauhan nito ang mga kagamitan niya pero bigo ang mga itong makita ang hinahanap. Kaya naman gigil na gigil na talaga itong si Zayne sa kaniya. Ang video na hinahanap nito sa kaniya ay ang kuha sa drone niya. Suspect itong si Zayne sa kasong pagpatay na iniimbestigahan niya. At sa kakahanap niya ng ebidensiya, nakarating siya rito sa hide out nito at may nadiskubre siyang makapagdidiin dito sa mga kasong natakasan nito noon dahil sa kakulangan ng ebidensiya. "Mahirap bang intindihin?" sarkastikong tanong din niya rito. "Bakit ko naman sasabihin?" Matalim ang tinging ipinukol nito sa kaniya bago dinakot ang kaniyang leeg. Tiim-bagang na muli siyang sinuntok sa mukha. Buhat sa pagkakaupo nito sa kaniyang harapan ay tumayo ito at sinipa siya sa dibdib. Natumba siya kasama ang silyang kinauupuan niya. Napaubo siya at namilipit sa pagkakagapos sa silyang iyon. Sumenyas ito sa tauhan. Sumunod ang inutusan at tinakpan ng basang tela ang kaniyang mukha tapos ay nilunod siya gamit ang garden hose. Paulit-ulit iyong ginawa ng mga ito sa kaniya. Halos mapugto ang hininga niya dahil doon. Pagkaraan ng ilang sandali ay sumenyas ulit ito sa tauhan upang sawayin sa ginagawa sa kaniya. Napaubo siya ng sunod-sunod. "Nasaan?!" gigil na tanong ni Zayne sa kaniya. Tinitigan niya ito. "Nasaan si Brianne?" bagkus ay tanong niya rito. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman ang pagpapadukot nito sa kaniyang Fiancée. Napatiim-bagang ito. "Kung hindi ko siya makikita, mamamatay ako na hindi mo nakukuha ang gusto mo." Hindi ito nagsalita bagkus ay tinalikuran siya ng walang anuman. Napatiim-bagang siya habang kinakamkam ang abot-langit na pag-aalala kay Brianne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD