4 - Setup

2435 Words
SA San Batolome police station sila humantong. Sa COP office sila dinala at pinayuhan na manatili para sa ilang sandaling paghihintay sa AKG. Dark brown themed ang opisina nito kaya nagiging mukhang madilim ang dating, o dahil na rin siguro sa ceiling lights na gamit nito. "Darating ang AKG para sa bukod na assessment investigation," sabi ng Chief Officer ng police station na ito. Tumango lamang siya habang nakatitig dito. Binalingan nito at kinausap si Brianne na noon ay umiiyak pa rin habang isinasalaysay ang mga nangyari. Tiningnan niya si Brianne upang makinig ng mabuti sa sinasabi nito. "I was in the bedroom preparing myself for my wedding when suddenly three armed men forced their way in. . .they killed my housemaid and my best friend." Impit itong umiyak. Iniiwas niya ang tingin sa dalaga at tumingin sa Chief Officer. Nakita niyang nakababa ang tingin nito imbes na nakatuon sa dalaga. Parang hindi naman ito nakikinig. Napatitig siya sa mga mata nito at nakita niya sa repleksiyon ng eye glasses nito ang ginagawa nito sa ilalim ng desk nito. Akala pa naman niya ay abala ito sa incident recording system pero may iba pala itong ginagawa. Bigla ay bumangon ang kakaibang kaba sa kaniyang dibdib matapos makumpirma na tama ang pagdududa niya kanina. Kanina nang salubungin sila nito ay napaisip siya kung bakit kailangan kapkapan siya ng isa sa mga Police Officer nito at kumpiskahin ang kaniyang baril. "I have a Possession Licence and Permit To Carry—a gun," sabi niya sa mga ito kanina. Nagbigay naman ng paliwanag ang Police Officer kung bakit kailangan iyong gawin at kung bakit kailangan niyang sundin. Dahil kinikilala niya ang protokol o ang standard operating procedure ng pulisya, ay nagpatianud siya sa mga ito at nagtiwala. Napalunok siya bago tumingin kay Brianne Faith na noon ay kasalukuyang pinupunas ang mga luha sa pisngi gamit ang tisyu na ibinigay pa rito ng Police Officer na naroon din sa silid na iyon nang mga sandaling iyan. "Excuse me, can I use the comfort room?" tanong niya kapagkuwan habang sinisikap na maging normal ang lahat sa kaniya sa paningin ng mga ito. Tumingin sa kaniya ang Chief Police Officer. "Go ahead," wika nito at tumingin sa Police Officer na naroon. "Ituro mo sa kaniya ang comfort room." Sumenyas sa kaniya ang inutusan at nagpatiuna. Kaagad siyang sumunod. Pero bago pa ito makadalawang hakbang ay mabilis niyang sinunggaban ang baril sa baywang nito saka mabilis na inihamapas sa sentido nito. Nadismayo ito kaagad habang siya ay mabilis na nakapihit paharap sa hepe at masuwerte siyang naunahang iumang ang baril dito bago pa ito nakabunot. Na-shock si Brianne Faith sa ikinilos niya at hindi nakakibo habang nakanganga sa kaniya. "Matanda ka na Chief pero gumagawa ka pa ng kalokohan," sabi niya sa mababa pero mariing tono habang lumalapit dito. Itinutok niya ang baril sa ulo nito. "Drop the gun!" may diin ang bawat salitang utos niya rito. "W-What's going on?" noon lang nakapag-react ang nanginginig at naguguluhan na si Brianne Faith, napatayo pa buhat sa kinauupuan. "I said drop the gun, now!" bagkus ay utos ulit niya sa COP imbes na pansinin at sagutin si Brianne Faith. "Ibaba mo ang baril sa 'yong kamay!" nanginginig na utos sa kaniya ng dalaga. Tiim-bagang na idiniin niya sa ulo ng COP ang baril at hindi pa rin pinansin ang dalaga. "Hindi ka makakalabas ng buhay rito kapag pinatay mo ako. Kaya kung ako sa 'yo, susundin ko ang utos ng kasama mo," seryosong sabi ng hepe sa kaniya. "I couldn't care less, basta titiyakin ko rin na wala ka ng hininga bago nila ako mapatay. Now, kung gusto mo pang mabuhay gawin mo ang utos ko!" Napabuntong-hininga ito. "Now!" mariing utos pa niya sa medyo mataas na tono. Napilitan itong sundin ang utos niya. Inihulog nito ang baril sa sahig at mabilis niya itong sinipa palayo. Kinuha niya ang posas sa baywang nito at gamit ang isang kamay ay pinosas ang mga kamay ng hepe sa bandang likuran nito. "Brianne Faith, kung gusto mo pang makalaya sa mga kidnappers mo lumapit ka sa 'kin dito at aalis na tayo," pautos na sabi niya sa dalaga. Naguguluhan man ay kumilos ito at nanginginig pa ring lumapit sa kaniya. Pinuwesto niya ito sa pagitan nila ng Chief Officer na ito. "Utusan mo sila na hayaan kaming makalabas at hahayaan din kitang mabuhay pa," sabi niya sa hepe bago sila lumabas sa opisina nito sa ganoong ayos. Napapatiim-bagang siya habang iniisip ang mga posibilidad na mangyari. Nang makalabas sila sa opisina ay sinunod nito ang utos niya. Nagbabala ito sa mga tao nito kagaya ng nais niyang mangyari. Walang makapalag sa mga tao nito sa takot na sumabog ang mukha ng hepe. "Faith, nasa bulsa ko ang susi ng sasakyan," sabi niya sa dalaga. Dahil nakatalikod ito ng puwesto sa kaniya ay kinapa nito ang kaniyang bulsa. Nanginginig ang kamay nito habang ginagawa iyon, habang patuloy naman sila sa paglakad sa ganoong ayos. 'Oh, ssshit!' bulalas niya sa isip nang hindi sinasadyang mahawakan ni Brianne ang p*********i niya. "Kapain mo ng maayos, Brianne Faith!" paasik na utos niya rito. "Ginagawa ko!" inis na sabi nito. Nanginginig ang boses. "Of course not, 'yong alaga ko na ang nahahawakan mo," paanas na sabi niya rito. Hindi siya nito pinansin pero namula ang mga pisngi. Ipinasok nito ang nanginginig na kamay sa bulsa niya at kinapa roon ang susi. 'What the fu.ck?' inis na bulalas niya sa isip. Nakikiliti siya sa ginagawa nito. Hindi niya iyon mapigilan sa kabila ng kanilang sitwasyon. Sa huli ay nakuha nito ang susi. Nagpatuloy sila sa ganoong ayos. Wala pa ring nakakibo sa mga naroon hanggang sa makasakay sila sa kaniyang kotse. Sa likod niya pinasakay ang dalaga, ipinagsiksikan nito sa mga gamit niya roon ang sarili habang ang Chief Officer naman ay sa passenger seat niya pabalyang iniupo. Mabilis niyang pinaarangkada ang sasakyan palayo. Nang medyo makalayo ay inutusan niya ang hepe upang sikaping mabuksan ang car door sa kabila ng pagkakaposas nito. Dahil pinagbantaan niya ang buhay nito kapag hindi nito iyon nagawa ay pinilit nitong mabuksan iyon. Binagalan niya ang takbo ng sasakyan sabay sipa sa hepe palabas bago muling pinaharurot ang kotse palayo. "Bakit ginawa mo 'yon?" paninita sa kaniya ni Brianne Faith kapagkuwan. Bakas sa tinig nito ang matinding galit. Hindi siya nagsalita. "Police Detective ang fiancé ko at naniniwala ako na dahil doon ay matutulungan nila ako!" galit na sabi nito na noo'y umiiyak na naman sa backseat. Hindi niya ito pinansin pero sumulyap siya sa rearview mirror upang malaman kung may nakasunod na sa kanila. At gusto niyang mapatayo buhat sa pagkakaupo nang makitang humahabol na sa kanila ang police mobile at may sasakyan pang kasunod. "Bakit ayaw mo akong kausapin?" paasik na tanong ni Brianne Faith sa kaniya. "Oh, good! It just a setup Brianne, hindi mo ba naramdaman? Nakita ko sa reflection ng eye glasses ni Chief na ipinagkakanulo niya tayo gamit ang kaniyang cellphone." "Probably you made a mistake, 'ni wala nga silang ideya tungkol sa sitwasiyon natin!" galit nitong sabi. "No, sigurado ako sa mga nakita ko!" pabulyaw na sabi niya sa dalaga. "Alam kong desperada ka na makawala sa kalagayan mo ngayon, pero maging mapanuri ka pa rin kung ayaw mong—" naputol siya sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone niya sa glove compartment. Sinikap niya iyong kuhanin habang abala ang isang kamay sa manibela at nakatuon ang mga mata sa kalsada. Ang 117 dispatcher iyon kanina. Sinagot niya iyon. "f**k off!" madiriing wika niya sabay tapos sa tawag at nag-dial siya ng panibagong numero. ••• NAG-INGAY ang cellphone ni Alexander Chase sa ibabaw bedside cabinet. Nasa kalagitnaan sila ng mainit na pagniniig ng asawa niyang si Cloudy. Hindi niya iyon pinansin hanggang sa tumahimik. Nagpatuloy siya sa masuyong paggalaw ng balakang sa pagitan ng mga hita ni Cloudy. "Baka importante sagutin mo. . ." malat at napapaliyad na sabi ni Cloudy nang muling tumunog ang cellphone niya. 'Buwisit!' inis na sa loob-loob niya. Pinilit niya iyong abutin pero hindi inalis ang sarili sa ibabaw ng asawa. Napakunot ang noo niya nang makita ang pangalan ni Brian Bryle. Kabilang na sa contact numbers na naka-save sa personal phone niya ang number nito ngayon kahit pa nga wala pa silang pormal na usap tungkol sa mga nangyari sa nakaraan. "Brian Bryle, it's only four in the morning pero ini-istorbo mo na ako!" inis na bungad niya rito. "I'm sorry if I disturbed your deep sleep," tila mas hinihingal pa ang pananalita nito kaysa sa kaniya. Deep sleep. Kung alam lang nito kung anong ginagawa niya sa mga sandaling ito, naka-deep dip siya. "B-But I'm in deep trouble, Chase, and had no one else to turn to. I need your immediate help please!" bakas sa boses nito ang labis na pagkabahala. Gayunpaman ay wala siyang planong abalahin ang sarili niya para rito. "I'll get back to—" naputol niya ang sasabihin nang makarinig ng ilang sunod na putok ng baril kasabay ang kalabog at pagtili ng boses babae sa linya ni Bryle. "Bryle!?" tawag niya sa kapatid kasabay ang pagtahip ng kaniyang dibdib habang nakatitig kay Cloudy. Hindi ito sumagot. Rinig na rinig niya ang malakas na pag-iyak ng babae roon. "Ano 'yon?" tanong ng asawa niya nang makita ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Imbes na sumagot ay inilayo niya ang kaniyang sarili kay Cloudy. Dinampot niya ang telepono sa bedside cabinet. Nahinto siya sa gagawing pag-dial doon nang marinig ang sunod-sunod na kalampag sa linya ni Bryle. "Alexander Chase!" humihingal na tawag nito sa kaniya. "Where are you?" kaagad niyang tanong kay Bryle. Hindi na niya naikubli ang pag-aalala sa kaniyang tono. "I-I don't know, I don't have time to look, please do it for me!" hinihingal na sabi nito. Madali na ang lahat dahil sa teknolohiya ngayon. "Kailangan ko ng tulong mo, Chase!" "I'll call the police—" "No," maagap nitong putol sa kaniya. "No, please, we need the trusted person in this situation!" "Hang in there," sabi niya rito. Kaagad niyang inangat ang awditibo ng telepono bago nag-dial ng numero. "Eastland HeadHunters Intelligence Agency, good morning," sabi sa kabilang linya ng telepono. "Good morning! May I speak to Agent Kean Marcus Braganza?" Best friend ito ng doktor niyang pinsan na si Rain Villaverde at isa ito sa maaari niyang pagkatiwalaan. "Pasensiya na po, Sir, out of duty po si Agent Braganza," sabi nito. Nasapo niya ang noo. 's**t!' sa loob-loob niya at wala sa loob na naibaba ang telepono na hindi man lang nakapagpaalam at nakapagpasalamat. Ano'ng oras pa lamang ba? At weekend ngayon. "What's going on, Hon?" nag-aalala at naguguluhang tanong ni Cloudy. Dinampian niya ito ng halik sa labi. "Ipapaliwanag ko mamaya," sabi niya at kaagad na nagbihis. ••• "BWISIT!" napahampas pa sa manibelang sabi ni Bryle habang napapayukod dahil sa sunod-sunod na putok ng baril sa likuran nila. "Brianne Faith, ibaba mo ang sarili mo," utos niya rito na noon ay walang tigil sa pag-iyak. Hindi ito sumagot pero takot na takot na sinunod ang iniutos niya. Ipinagsiksikan nito ang sarili sa mga gamit niya roon. "Alexander Chase, please!" paasik na niyang sabi. "I'm here, just hang in there. Lakasan mo ang loob mo, okay? And keep yourself alive. Hindi pa ako nakakabawi sa 'yo," madiriing sabi nito. Napaluha siya sa sinabi nito kasabay ang bahagyang pagluwag ng kaniyang dibdib. Ibinaba lang niya ang cellphone pero hindi tinapos ang tawag. Mahigpit siyang humawak sa manibela at isinagad ang bilis ng sasakyan at bahagya lang iyong binabagalan sa kurbadang daan. Muli silang pinaputukan. Napasaltik ang mga bagang niya at dinampot ang baril ng Chief Officer na inilapag lang niya sa kaniyang harapan kanina roon sa ibabaw ng dashboard ng kaniyang kotse. Ibinaba niya ang car window at pinaputukan din ang nasa likuran ng sasakyan nila kahit hindi niya tiyak kung tatamaan o tinatamaan niya ang sasakyan ng mga ito. Nawala ang pokus niya sa manibela na muntik na nilang ikapahamak. "Goddamn, s**t!" sigaw niya at kaagad na nakabig ang manibela upang maiwasan ang kasalubong na sasakyan. "Brianne!" tawag niya sa dalaga nang makabawi siya sa gitna ng kalsada. Napansin niya ang pananahimik nito. Hindi ito sumagot. "Brianne Faith!" kinabahang tawag ulit niya rito. Sumulyap siya sa rearview mirror pero hindi ito nahagip ng kaniyang tingin. Napakurap-kurap siya at napatiim-bagang habang patuloy sa pagmamaneho. Bigla siyang binalot ng pag-aalala para rito. Muling nagpaputok ang mga humahabol sa kanila at sa pagkakataong iyon ay sumerko ang kaniyang kotse sa gitna ng kalsada. "Oh, sshit!" kumakabog ang dibdib na bulalas niya habang sinisikap na kontrolin ang manibela pero hindi niya nagawa. Nawalan siya ng kontrol sa manibela. Bumangga sa malaking bato sa gilid ng kalsada ang kaniyang sasakyan. Mabuti na lang at natapakan pa niya ang preno bago bumangga kaya hindi ganoon kalakas ang naging pagsalpok ng sasakyan doon. Nakadama siya ng panlalata at labis na pagod. Napasandal siya sa backrest ng upuan at sinikap na tanggalin ang kaniyang seatbelt habang hawak pa rin ang baril sa kaliwang kamay. Tumingin siya sa side mirror ng kaniyang kotse. Nakita niyang huminto ang police mobile at isa pang sasakyan ilang metro lang ang layo. Nang makita niyang bumaba ang dalawang lalaki roon ay kaagad niyang pinaputukan ang mga ito. Masuwerteng napabagsak niya ang dalawa pero malas dahil kaagad siyang binalikan ng mga kasama nito at sunod-sunod siyang pinaputukan doon sa driver seat. Wala sa loob na napausal siya ng panalangin nang mga sandaling iyan pero natigil din nang maramdaman ang mainit na bagay sa kaliwa niyang balikat. Kaagad niya iyong nasapo at nasalat doon ang mainit niyang dugo. "Ibaba mo ang baril mo!" utos ng isa sa mga lalaking naka-civilian na noon ay nakalapit na pala. Idinikdik nito sa ulo niya ang baril. Lumapit ang isa sa unipormadong pulis at ito na mismo ang kumuha ng baril sa kaniyang kamay. "Gago ka, pinahirapan mo pa kami! Ngayon magiging mahirap din sa iyo ang kamatayan mo!" sabi pa ng lalaking unang lumapit sa kaniya. Binayo siya nito ng ilang suntok sa kaniyang mukha. Akmang kakaladkarin na siya nito palabas nang sasakyan nang matigilan dahil sa ingay ng helicopter sa itaas. Sinamantala niya iyon. Mabilis niyang naagaw ang baril sa lalaki at hindi nagdalawang-isip na iputok iyon dito, sa dibdib nito mismo. Kasabay noon ay umalingawngaw rin ang sunod-sunod na putok ng baril buhat sa itaas. Dahilan para magdesisyon umatras ang mga humahabol sa kanila. Nanlalata siyang napasandal sa backrest ng kinauupuan niya. "Brianne Faith, sweetie. We are safe now," nawika pa niya bago ipinikit ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD