Come By The Worst

Come By The Worst

book_age18+
3.8K
FOLLOW
15.0K
READ
sex
bxg
serious
realistic earth
lonely
lawyer
expirenced
passionate
seductive
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

SPG R-18

BRIAN BRYLE VILLAVERDE is a thirty-four-year-old handsome lawyer, maginoong medyo bastos, and the coolest brokenhearted from the past.

Matindi ang pagnanais niyang maka-move on kasabay ang pag-asang makahahanap din siya ng babaeng papayag na maging kaniya habambuhay. Pero pilyo talaga ang tadhana para sa kaniya.

Destiny let his true love come by the worst, nang isang hatinggabi sa pamamahinga niya sa kalagitnaan ng kaniyang road trip, a stranger woman sa gitna ng kasukalan cries out for help and he didn’t hesitate to dive into danger to save her.

chap-preview
Free preview
1- I'm gonna get into trouble.
©️All Rights Reserved 2021 CHAPTER ONE ILANG beses na sinipat ni Faith ang kaniyang kabuuan sa full-length mirror na nasa harap ng kinauupuan niya roon sa loob ng silid niya. Gayak na gayak na siya para sa kaniyang kasal ngayong araw. Suot na niya ang kaniyang off shoulder lace wedding gown. Gandang-ganda siya sa kaniyang sarili nang mga sandaling iyan. "See, ang ganda-ganda mo sa simpleng make up lang," sabi ng kaibigan niyang si Elise, "at ang ganda-ganda mo sa iyong wedding gown." "Thank you, beshy," maluwang ang ngiting sabi niya rito. "Sinabi ko naman sa iyo na hindi mo na kailangang kumuha pa ng wedding makeup artist para lang ma-achieve ang ultimate bridal look mo dahil kayang-kaya ko 'yan under the magical touch ng aking mga kamay," pagyayabang pa nito sa kaniya habang nakatawa. Magsasalita sana siya pero naudlot dahil sa marahang mga katok sa pinto. Napatingin sila roon. Bumukas iyon at bumungad si Lina, ang nag-iisa niyang kasambahay. May bitbit itong isang basket ng pulang rosas. "Ipinabibigay po ni Kuya Ethan," nakangiting bungad nito. Agad siyang tumayo at sinalubong ito. Kinikilig siya nang kunin ang basket ng mga rosas dito. Napapikit siya nang samyuin ang humahalimuyak na mga bulaklak. "Wow, antaray," react ni Elise habang kunwari ay nakaismid na sinisipat ang basket ng mga rosas. Hindi niya ito pinansin. "Salamat, Lina," bagkus ay nakangiting sabi niya sa kasambahay. "Opo, Ate," sabi lang nito at lumabas na. "Wow! Ang taray," ulit ni Elise, "ang ganda mo talaga, besh. Ilang saglit lang magkikita na kayo sa simbahan ni Ethan pero may pa ganiyan pa s'ya." Inirapan siya nito habang nakangiti. Umiling siya at lumakad palapit sa bedside table at ipinatong doon ang basket ng mga rosas. "Baka naman kulang ka sa lambing kaya hindi ka ginaganiyan ng boyfriend—" Naputol ang sasabihin niya nang bigla na lang ay pabalabag na bumukas ang pintuan ng kaniyang silid. Nagulat sila at nasindak nang makita ang lalaking may hawak na de silencer na baril. Kasunod nito ang dalawa pang armadong mga lalaki. Nakatutok ang baril ng lalaking ito sa kaniya kaya hindi siya nakagalaw, 'ni hindi nakasigaw dahil sa masidhing takot. Nanginginig ang buo niyang katawan habang nakatitig sa lalaking ito. Napalunok siya nang hagurin siya nito nang tingin bago pumirme sa kaniyang mukha ang mga mata. "Ipinapasundo ka ng groom mo," kaswal na sabi nito sa kaniya. Sakbibi man ng takot ay nagawa ni Elise lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Sino kayo—" Naputol ang nanginginig na pagsasalita ni Elise nang paputukan ito ng isa sa mga lalaki. Napasigaw siya at napahagulhol nang makitang bumulagta ang kaibigan niya sa sahig. Dadaluhan sana niya ito pero dinaklot ng dalawang lalaki ang magkabila niyang braso at agad na kinaldakad palabas. Pakiwari niya ay nanigas ang kaniyang buong katawan maging ang magkabilang panga, hindi pa rin niya magawang sumigaw o pumiglas sa pagkakahawak ng mga ito. Mas napahagulhol siya nang makita si Lina na nakabulagta sa sala at anyong wala ng buhay. Ano ba'ng nangyayari? Sino ang mga ito? Ano bang kailangan ng mga ito sa kaniya? Napa-ingit siya nang patulak siyang isakay ng mga ito sa isang Range Rover Sport. "You got the wrong bride!" noon lang niya nagawang magsalita at pumalag pero huli na. "Tumahimik ka kung ayaw mong masaktan," pantay lang na sabi ng lalaki na naunang pumasok sa silid niya kanina. Nakaupo ito sa tabi niya habang nakatutok ang baril sa kaniyang baywang. Wala siyang nagawa kun'di ang umiyak at indahin ang matinding takot na bumabalot sa buo niyang pagkatao nang mga sandaling iyan. --- NAKATINGIN sa mabituing kalawakan si Brian Bryle habang nakahiga sa ibabaw ng burol. Tahimik na tahimik ang kapaligiran maliban sa ingay ng mga panggabing insekto at huni ng mga paniki. Damang-dama niya ang kakulangan sa kaniyang dibdib at hanggang sa mga sandaling iyan ay hinahabol siya ng alaala ng nakaraan. Ito ang pagkawala ni Hazel and his love for Cloudy that just ended nothing. Ipinikit niya ang mapanglaw na mga mata at inisip na sana bukas o sa makalawa ay makalimutan na niya at magawang iwan ang lahat sa nakaraan. Isa na siyang ganap na abugado ngayon at nakapagpatayo na ng maliit na law firm business. Iyan talaga ang nais niya sa buhay kaya masaya siyang ito ang pinili niya kaysa sa kaniyang posisyon bilang Vice-Chairman sa kompanya ng step-brother na si Alexander Chase. Ngayon sa edad niya na thirty-four ay tumayo na siya bilang Chief Legal Officer on his own law firm business na pinagsusumikapan niya upang maging isa sa mga trusted and largest law firm sa bansa. Hindi naman sa walang tiwala sa kaniyang kakayahan ang kapatid niyang si Christopher Kyle ngunit ipinayo nito na dapat ay kumuha siya ng isang batikan at matagal na sa larangan ng batas-negosyo upang gawing Chief Legal Officer para matiyak na magiging matagumpay ang kaniyang law firm. Tama naman ito subalit sa ngayon, gusto muna niyang masubukan ang kaniyang natagong kakayahan sa loob ng medyo mahabang panahon. Ayos na siya riyan, ngunit hanggang ngayon umaasa siya na isang araw, he'll meet someone who is not even like Cloudy but a woman who'll be willing to be the queen of his heart for a lifetime. Iminulat niya ang mga mata at nagpasyang ipagpatuloy ang kaniyang road trip. Oo, sa road trip niya pinapawi ang nadaramang lungkot. Bumangon siya at gamit ang flashlight ay lumakad siya pababa ng burol upang bumalik sa kaniyang sasakyan na nakaparada sa kalsada dalawang daang metro lamang ang layo buhat kinaroroonan niya. "Tulong!" Natigilan siya sa paglakad nang maulinigan ang sigaw na iyon buhat sa 'di kalayuan. Boses iyon ng isang babae. Pinakinggan niya ang paligid sa isip na baka nagkamali lang ang pandinig niya. "Tulong!" "s**t!" mahinang bulalas niya nang muli nga iyong marinig. Nanyayanig ang sigaw na iyon sa kalaliman ng gabi sa gitna ng tahimik na kasukalan. Sa tulong ng flashlight ay dinala niya ang tingin sa direksiyon kung saan nanggaling ang sigaw. Kumabog ang dibdib niya nang makarinig siya ng putok ng baril sa direksiyong iyon. Nagliparan at nag-ingay ang mga pang-gabing ibon buhat doon. "Tulong!" hiyaw muli ng babae at sa pagkakataong iyan ay mas malapit na sa kaniyang kinaroroonan. Naririnig na rin niya ang kaluskos ng mga tuyong dahon at sangang natatapakan ng kung sino man sa direksiyong iyon. Napalunok siya. "Looks like I'm gonna get into trouble…" anas niya sabay bunot ng lisensyadong baril sa gun holder na nasa kaniyang baywang. Pinatay niya ang flashlight. Nakaangat ang magkapatong niyang mga kamay habang nakaumang ang hawak na baril sa direksiyong iyon, para siyang SWAT under rescue operation. Palapit nang palapit at palakas nang palakas ang mga kaluskos. "Tulong!" Parang may kung anong mainit na hangin ang umihip at nanuot sa buong katawan niya nang marinig ang boses ng babaeng iyon sa mas malapit na distansiya buhat sa kaniyang kinatatayuan. Sa tantiya niya, nasa anim na hakbang na lang ang kanilang pagitan. Nangangahulugan na tama ang sinabi niya, nasa trouble siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
87.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
147.6K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
195.8K
bc

His Obsession

read
95.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook