CHAPTER 8

1993 Words
Napaka swerte ni Bella dahil binigyan pa Siya ng pangalawang Buhay. Sana di na Niya gagawin pang muli Ang pag suicide Niya.." Ang Sabi naman ni Mrs. Faye Gatchalian. "Yes mommy, paano nalang kapag mawawala si Bella, wala na tayong matatakbuhan, siya lang yata Ang nakakaintindi sa atin. At si Tito Frederick ay lagi nalang nagagalit sa atin dahil laging nalulugi Ang business ni daddy Alfredo. Si Bella lang ang matatakbuhan natin kapag malulugi na naman Ang negosyong pinapapatakbo ko ngayon. Ang iniwan ni Daddy alfredo sa atin." Ang Sabi ni Yassy. "Ngayong nandito na si Sam dapat ipapasa mo na sa kanya Ang pag mamanage ng negosyong naiwan sa atin ng Daddy mo. Mas mabuti kasing lalaki Ang humawak nito kaysa babae. Lalo na't Hindi natin hilig pareho ang pagbi-business ." Ang sagot ni Mrs. Faye Gatchalian. "Kaya mo bang i-handle Ang AYF Gatchalian's Company ni Daddy Alfredo Sam?" Tanong pa ni Yassy sa asawang si Sam. "Susubukan ko Yassy.." Sagot naman ni Sam. "Kinakabahan na Ako sa business na yan. Baka malugi na naman ito, kawawa naman si Daddy Alfredo. Pinahalagahan niya ito noong nabubuhay pa Siya at ayokong maghihirap, hindi Ako sanay sa hirap.." Ang Sabi pa ni Yassy. "Don't worry iha, may mga properties pa naman ang daddy mo at hinding-hindi pa tayo maghihirap.." Ang Sabi Naman ni Mrs. Faye Gatchalian. "I know mommy.. Naniniguro lang Ako. Ayokong isa sa mga iniwan ni Daddy sa atin ay mawawala.." "Dapat mas kalo mo pang ipalapit ang sarili mo Kay Bella, Yung super closed na kayo para Bigyan ka niya ng kahit One fourt lang na mamanahin Mula sa kanyang grandmother. Dahil Siya ang magmamana sa lahat ng mga Ari- arian ng Lola niya." Mahabang wika ni Mrs. Faye Gatchalian. "Napaka unfair sa akin mommy na hindi ako Bigyan ng mamanahin ng matandang yun. matatawag na rin niya akong legal na apo dahil legal niyo akong adopted ni Daddy Alfredo ." Ani Yassy na medyo tumigas ang anyo. Tumikhim si Sam. "Makontento ka na Lang Yassy, adopted daughter ka lang, kaya maghihintay ka na lang pag ang legal na apo ang kusang magbibigay Sa'yo.." Ani Sam. Napairap Naman si Yassy. "Iyan nga ang ginagawa ko ehh.." Inis na Sagot ni Yassy. Samantalang si Anna ay pinag aralan niya ng mabuti ang buong kabahayan ng mga Gatchalian. Semi- Mansion na rin iyon sa laki nito. Doble- ingat si Anna, pinilit niyang kumilos ng normal kagaya jay Bella ayon sa nagtuturo sa kanya ng lihim sa mansion ng matandang mangkukulam na binayaran nito. At ngayon, nandito Siya sa loob ng kuwarto ni bella- ang katawang Siya na ngayon ang nagmamay-ari. Naghalungkat si Anna sa mga gamit ng modelo para may dagdag kaalaman pa Siya tungkol Kay Bella. Malaki at malawak ang kuwarto ni Bella at kumpleto din iyon sa kagamitan. Kinuha ni Anna ang mga album pictures ni bella na naka file sa ibabaw ng malaking desk ng kuwarto nito. Nakita ni Anna roon ang mga picture sa pagiging commercial model nito. At may napansin siyang Isang guwapong lalaking kaakbay nito sa picture! Biglang nalungkot si Anna nang maalala ang lalaking minahal niya na nagpapakasal sa mayamang babae na walang iba kundi si Yassy Gatchalian. Muling nagsimulang dumaloy ang mga luha ni Anna sa pisngi, hangga't Muling nauwi nanaman iyon sa pag-iiyak dahil na refresh na naman sa kanyang isipan ang lahat na nangyari sa kanya at sa kanyang pamilya. "Humanda ka Yassy Gatchalian.." Mariing wika ni Anna. At natigil si Anna nang maiisip muli kung Anong connection ni Yassy Gatchalian sa mga Gatchalian na pamilyang napapasukan niya ngayon? Khung bakit magka apilyido ang mga ito. Hindi kaya relatives ni Yassy Gatchalian ang pamilya ni Bella? Tanong ng isipan ni Anna. Paglabas ni Anna ay sinalubong agad Siya ng Isang katulong. " Ma'am bella, mabuti at lumabas na po kayo. Kararating lang Kasi ng mga bisita mo. Mga kakilala at kaibigan mo, dinalaw ka nila at ang mommy niyo muna ang humarap habang Wala kapa.." Anang katulong na si aling minda. Kinakabahan si Anna. Haharap na naman Siya ngayon sa mga taong malalapit Kay Bella, mga kakilala at kaibigan nito- haharap na naman Siya sa mga taong hindi niya Kilala at ngayon pa niya nakikita. Nakipag beso- beso si Anna sa mga kakilala ni Bella. Pagkatapos ay kinumusta siya ng mga ito. Puro social at mayayaman ang kanyang nakakaharap pero hindi nagpapadala si Anna sa kanyang kaba. Pinilit niyang kumilos ng normal at maging kampante sa harap ng mga ito. "Hi ! Best, I missed you so much, I thought, masosorpresa kita ngayon, parang di ka man lang nagulat ng makita ako." Parang nagtatampong wika ng isang mestisahing babae. Maganda din ito, Naka short lamang ito at pinarisan ng white t-shirt. "H-ha?? Ah, hello best!" Nabiglang wika ni Anna. "Bella iha? Bakit parang di mo Kilala si Sarah, ang best friend mo? kararating lang niya mula sa two months niyang vacation from Taiwan.." Nagtatakang Tanong ni Mrs. Amanda Gatchalian. Nagkatinginan Naman ang ibang naroroon at tumingin agad sa kanya. Kinabahan si Anna. "S-sorry best, of course! Naso-sorpresa naman Ako! Sorry talaga, bigla lang Kasing sumama ang pakiramdam ko kaya medyo wala Ako sa condition.." Palusot ni Anna at napahawak sa noo. " Oh my god, Bella anak. Bakit di mo agad sinabi?" Ani Amanda at lumapit sa anak na nag-alala. Napalitan naman ng pag- alala ang lahat na expression sa Mukha ng mga dumadalaw sa kanya Lalo na si Sarah. "Kailangan mo agad magpapahinga Bella.." ang Sabi naman ng mga naroroon-ang mga kakilala ni Bella. "No ,I'm okay. Kaya ko lang naman. Guys, kung Ano man ang napapansin niyong mali sa 'kin, pagpasensyahan niyo muna. Siguro epekto pa ito sa nangyari sa akin.." Ang Sabi pa ni Anna sa mga ito. "It's okay best, we understand.." Sagot Naman ng best friend ni Bella na si Sarah. Medyo hapon na umuwi ang mga bisita ni Bella at nakahinga siya ng maluwag ng makatalikod na ang mga ito. Atleast, kilala na niya ang best friend ni Bella, ito ay si Sarah. Balak na sana siyang magpahinga ngunit biglang may bago na namang kotseng dumating na bibisita kay Bella! At laking gulat ni Anna nang Makita kung sino ang mga umibis mula sa kotse ng mga ito! Nasa terrace muna Sila ng mommy ni Bella at sinamahan Siya nitong magpahangin roon pagkatapos umalis ang mga kaibigan at kakilala ni Bella. Sobrang nagulat Siya sa nakitang mga bisitang bagong dating! " Ohh, ang pinsan mong si Yassy at ang kanyang Asawa iha, nandito sila. Alam kong ikaw ang dinadalaw nila!" Ang Sabi pa ni Mrs. Amanda sa kanya. At napansin naman nitong sobrang nagulat Siya nang makikita ang mga bagong dumating. " Iha bella? There is something wrong??" Takang Tanong pa ni Mrs. Amanda Gatchalian. "H-ha? Ahhmm.. n-nothing!!" nauutal pang Sagot ni Anna rito. "Hi! cousin dear!!" Masigla at nakangiting bati ni Yassy Kay Bella. Habang nakasunod naman sa Likud nito si Sam. " Para Kasing nakakita ka ng multo sa reaksyon mo ng Makita mo sina Yassy at ang Asawa niya.?." bulong pa ni Amanda. "Ahh, Wala mommy, wala.." Ang Sagot pa niya rito. Nagtataka namang tinitinigan ni Amanda ang anak ngunit saglit lamang iyon dahil nandiyan na sina Yassy. Lumapit ito sa kanya at parang napipi Naman si Anna nang makipagbeso-beso si Yassy sa kanya at pagkatapos sa ay doon naman ito kay Mrs. Amanda Gatchalian. " Hello tita Amanda !" Masayang bati pa ni Yassy sabay halik din rito. Nasagot na ngayon ang mga katanungan sa isip ni Anna kung Anong connection ni Yassy sa mga Gatchalian, sa pamilyang kanyang napupuntahan ngayon! Pinsan pala ito ni Bella! Pero nagtataka Siya dahil minsang nasabi ng matandang mangkukulam na nag-iisa niya lang apo si Miss Bella Gatchalian pero ngayon pala' y malalaman na lamang niyang may isa pa pala itong apo at iyon ay si Yassy! Pa simpleng tinapunan ni Anna ng tingin ang kanyang ex boyfriend. Biglang sumikip naman ang kanyang dibdib ngunit pinigilan niya ang mga emosyong nararamdman sa mga Oras na iyon. "Magandang Araw tita Amanda at Lalo na Sa'yo Miss Bella." Bati naman ni Sam at saglit na ngumiti sa kanila. Nakasanayan na ni Sam na tawaging Miss Bella ang sikat na modelong pinsan ng asawang si Yassy. "Same to you Sam.." ang Sagot Naman ni Amanda. Ngunit si Anna ay nanatiling natahimik dahil na shocked talaga Siya sa biglang pagdating ng mga ito at sa katotohanang pamilya lang pala nina Bella si Yassy Gatchalian. Bumaling muli si Yassy Kay Bella. "Hey cousin, naninibago Ako sa katahimikan mo ! Kamusta kana ba? Sobrang nag-alala kami Sa'yo dahil sa ginagawa mo, mabuti nalang at muli kapang binigyan ng second life ng maykapal. at Isang malaking balita ang nangyari tungkol Sa'yo.." Ang Sabi ni Yassy sa kanya na nakangiti. "D-dont worry about me Yassy, okay na Ako ngayon.." Sari- saring emosyong Sagot ni Anna sa bruhang kaharap niya ngayon na kanyang kinagigilan at kinasusuklaman! "Hayy.. Salamat Naman kung ganoon.." Ani Yassy. Pumasok silang lahat sa malaking Bahay at kaagad nagpapahanda ng masasarap na hapunan si Mrs. Amanda Gatchalian para pagsasaluhan nila kasama sina Yassy at Sam. Kinalma ni Anna ang sarili doon din niya naaalalang si Mr. Frederick Gatchalian ang nakakabili ng lupang pinagpaguran at pinosisyunan ng kanyang amang si Doro. Huminga ng malalim si Anna at lihim siyang natutuwa dahil naiisip niyang Hindi Siya mahihirapang maghiganti sa hayop na yassyng kaharap niya ngayon! Isang napakalaking pabor para sa kanya na Siya ang nasa katawan ngayon ni Bella Gatchalian! Habang magkasabay silang lahat maghapunan except lang sa Daddy ni Bella dahil Hindi pa ito nakauwi. Kaharap ni Anna ngayon sa hapag- kainan si Yassy at ang dati niyang kasintahang si Sam! Kahit Galit na Galit si Anna sa kanyang mga kaharap Lalo na Kay Yassy ay pinilit niyang maging kalmado sa harap ng mga ito! "Dapat mong icelebrate ang pangalawang Buhay na ibinigay Sa'yo ng itaas Bella. Magpa-party ka.." Ang wika ni Yassy sa gitna ng kanilang kainan. Habang si Sam ay nakikinig lang sa tabi nito habang kumakain. "Yeah iha, YAssy's right. dahil iyan din ang naiisip ko dapat talaga tayong Magpapasalamat.." Agree Naman ni Amanda sa sinabi ni Yassy. Sinadya ni Anna ang ngumiti ng matatamis at tumingin Kay Yassy. Pero sa kaloob -looban ni Anna ay gusto na niyang durugin ang pagmumukha nito! "That's good idea Yassy. but actually, nagbabalak na rin Ako tungkol diyan my cousin at mommy Amanda.." Sagot ni Anna sa mga ito. "Wow.." Matamis ang ngiting sambit pa ni Yassy. Nang makauwi na sina Yassy at Sam ay mabilis na pumasok si Anna sa kanyang kuwarto at humarap Siya sa malaking salamin. At napa halakhak dahil sa tuwa niyang hindi na siya mahihirapan pa kapag Oras na sa kanyang paghigiganti! Walang kaalam-alam ang mga mokong na Siya si Anna - ang nasa katawan ni Bella! Kinahapunan ay natutuwa pa si Amanda nang maagang umuwi ang asawang si Frederick. Hindi na ito nagagabihan o di kaya'y na uumagahan. At sana ay tuloy tuloy na ang pagbabago ng Ama ni Bella. Habang nakasandal si Mr. Frederick sa kanilang malambot na sofa sa salas ay ipinagtimpla naman ito ng kape ng asawang si Amanda. Nagkaroon naman ng pagkakataong lapitan ni Anna ang ama ni Bella. "G-good afternoon Dad.." Ang bati ni Anna at saglit na humalik rito sa pisngi. Kailangang sanayin niya ang kanyang sariling Gawin iyon. "Oh, Bella. Good afternoon too iha.." Nakangiting ganting bati nito sa kanya. Umupo si Anna sa harap nito . "Ahhmm, May I ask you a question Dad?" Aniya rito. "Oh sure! What is it anak.?" Masiglang Tanong ng Daddy ni Bella. "Narinig ko Kasing may nabili kayong lupa mula sa mga dela vega. it is true daddy?" Tanong ni Anna. Napatawa si Mr. Frederick Gatchalian. "At kailan kapa nagiging enteresado sa Isang lupain anak?" Tanong din nito. Naisip ni Anna na bawiin mula kay Yassy Ang lupaing kinuha nito mula sa kanyang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD