CHAPTER 7

1992 Words
"Sabihin mo nga sa akin Yassy, may kinalaman kaba sa pagkawala ni Anna?" Di na napigilan ni Sam Ang sarili na komprontahin Ang asawa. Dahil pati Siya ay sobrang nag- alala na kung nasaan si Anna at kung bakit di na ito nakakauwi . Liihim na rin siyang tumulong sa paghahanap sa babaeng minamahal niya. "Ang lakas naman ng loob mong tanungin ako ng ganyan Sam! bakit mo ako pagbibintangan sa pagkawala ng dati mong kasintahan!?" Galit na Singhal ni Yassy kay Sam. "Dahil Malaki Ang posibilidad na Ikaw Ang dahilan ng kanyang pagkawala. Ikaw lang Ang may malaking galit Kay Anna. At Hindi mo ako masisisi kung pagdududahan kita dahil una, nagawa mo siyang ipabugbog kahit wala naman talaga siyang kasalanan sa'yo! pangalawa, nagawa mo siyang palayasin Kasama Ang buong pamilya Niya sa lupang kinalakihan nila! at pinasira mo pa Ang bahay nila! kaya natural na ikaw Ang suspek ko sa pagkawala niya ngayon!" Galit na muling Singhal ni Sam sa asawang si Yassy. Ang Hindi nalaman ni Sam na pinapagahasa pa ni Yassy ng lihim si Anna. Iyon Ang hindi nalalaman nito. Isang malakas na sampal Ang dumapo sa pisngi ni Sam mula kay Yassy. "Wala aKong kinalaman sa pagkawala ni Anna Sam! sa mga reaksyon mong ito Lalo mo lang ipinamumukha sa akin na siya parin Ang mahal mo!" Umiiyak na Sabi ni Yassy. "Dahil sumosobra kana! kapag malalaman kong may kinalaman ka nga sa pagkawala ni Anna, hinding -hindi kita mapapatawad!" Nanlilisik Ang mga matang Sabi ni Sam. Iiwan at tatalikuran na sana ni Sam ang asawang si Yassy ngunit mahigpit Siya nitong pinigilan sa braso habang Umiiyak. " Promise, wala nga akong kinalaman! please.. believe me Sam, huwag mong gawin itong dahilan upang maapektuhan ang anak mong ipinagbubuntis ngayon!." Ani yassy. Natigilan si Sam. "Anong ibig mong sabihin?" Parang umaliwalas Ang mukhang tanong ni Sam. " I'm Three weeks pregnant Sam." Sagot ni Yassy. Halata Ang pagkatuwa sa mukha ni Sam. At bigla nitong niyakap si Yassy. Lihim naman napapangiti si Yassy dahil Ang totoo ay Hindi naman siya totoong buntis pero sisikapin niyang mabuntis agad para mapalapit na ng tuloyan Ang loob ni Sam sa kanya. Nabalita sa media Ang pagkamatay ng sikat na commercial model na si Bella Gatchalian at Ang muling pagkakabuhay nito sa loob ng dalawang Araw na pagkamatay nito. Maraming mga reporters Ang nagpupunta sa pamilya Gatchalian upang interviewhin Ang sikat na Modelo ngunit wala pa si Bella sa kanilang pamamahay dahil naroon pa ito at tuloyang nagpapagaling sa probinsya sa lola nitong si madam Ambrosia V. Gatchalian. Kaya Ang mag-asawang Frederick at Amanda nalang Ang nagpapa interview sa mga reporters. Sa pamamagitan ng Video call ay nakikita naman ng media na totoong nabuhay muli si Bella Gatchalian mula sa pagsuicide nito. Nakokonsensya naman ang Twenty- nine Years old na boyfriend ni Bella na si Mr. Gimme Gonzales. dahil nasisiguro nitong Siya Ang dahilan ng pagsuicide ng magandang Modelo, dahil sa break up na kanyang ginawa rito. Nagpapasalamat si Gimme sa second life na Ibinigay rito .Isang Malaking himala Ang muling pagkakabuhay nito. Lihim namang pinatuturuan ng matandang mangkukulam si Anna bilang si Bella. Sa mga kilos at pananalita at sa mga gusto ni Bella at di gusto. At namangha si Anna nang malalaman na Isang Gatchalian pala Ang matandang mangkukulam. Kinabahan si Anna kung Ano kaya Ang relasyon ni Yassy Gatchalian sa mga Gatchalian ngayon, na kanyang napapasukan? May lihim na binayaran Ang matandang mangkukulam upang ituturo Kay Anna kung paano maging Isang sikat na Modelo. At kung ano Ang mga ginagawa nito at sa lahat lahat tungkol sa mga property at yaman na na ipinundar ni Bella sa pagiging Isang modelo. Nahihirapan man si Anna na gagampanan Ang lahat tungkol sa buong pagkatao ni Bella Gatchalian. Pero sisikapin niyang magagawa lahat kahit hindi perpekto basta Meron lang siyang natutunan.heto na ito, at di na niya ito matatalikuran pa. "Natatakot po ako madam Ambrosia. b-baka mabibisto po ako na hindi si Bella. Paano nalang.." Ang Sabi ni Anna sa matandang mangkukulam. "Tumahimik ka Bella! diba sinabi ko na sa'yo na dapat mong ipapasok diyan sa kukute mo na Hindi na Ikaw si Anna!? katawan ng aking apo Ang kinalalagyan mo ngayon, kaya Ikaw na si bella ang aking apo! at sanayin mo na Ang sarili mong tawagin akong Lola! gagampanan mo Ang lahat na pagkatao ng aking apong si bella!" nagalit na wika ng matandang mangkukulam. Natahimik at tumayo si Anna. At humakbang Siya patungo sa malaking salamin sa Salas ng lumang mansion. Lahat ng mga katulong ay wala sa ibaba at nasa itaas Ang mga ito at naglilinis roon kaya nakakapag-usap sila ng maayos ng matandang mangkukulam. Tiningnan ni Anna Ang sarili sa salamin habang pinanood naman Siya ng matandang mangkukulam. Nakita ni Anna Ang repleksyon sa salamin at Isang napakagandang babaeng may makikinis na kutis Ang kanyang nakikita roon- Ang kanyang sarili. Ngayon nandito na Siya sa katawan ni Bella Gatchalian na pinapasukan ng kanyang kaluluwa! Kinapa Niya at hinaplos ang kanyang mukha. Hindi Siya makakapaniwalang kayang gawin ng matandang mangkukulam ito ngayon sa kanya na Siya Ang ipapalit sa katawan ng apo nitong bago palang namatay. Nang maalala ni Anna Ang nangyayari sa kanya at sa kanyang pamilya ay biglang tumigas Ang kanyang anyo sa harap ng malaking salamin. "Tama ka Lola ambrosia. kailangang gagampanan ko talaga Ang buong pagkatao ng apo niyo. From now on, I will try my best to be a perfect as 'Bella Gatchalian " Biglang Sabi ni Anna na may himig na galit Ang tinig nito. Napahalakhak sa tuwa Ang matandang mangkukulam na niyakap Ang apong si Bella. Masakit man sa pamilya ni Anna Ang pagkawala nito ay unti-unti nila itong tinanggap maliban sa ama nito. "Doro, kumain kana." Sabi ni aling Wella sa asawang lumpo o inotel at sabay inabutan ito ng pagkain. Hindi umiimik si Mang doro. "Doro, tingnan mo nga Ang sarili mo, namamayat kana dahil sa madalas na hindi ka kumakain.." Galit na Sabi ni aling Wella. "Wala aKong silbing ama Wella! wala akong silbing asawa sa'yo! Hindi ko na protektahan ang pamilya ko dahil sa kalagayan kong ito! Lalo na si Anna. Kaya gusto ko na ring mawala! pabigat nalang ako sa'yo at sa mga anak natin! wala na akong kuwenta! wala!!" Malakas na Sabi ni Mang Doro sabay lumuha. "Doro ano ba! huwag kang magsalita ng ganyan! May awa Ang Diyos, kaawaan niya rin tayo, huwag kang susuko sa mga pagsubok sa B buhay natin, Kailangan ka namin ng mga anak mo. Kung nasaan man ngayon Ang anak nating si Anna, ipapa sa langit nalang natin Ang kalagayan niya. Tuturukan nalang natin ang ating mga sariling tatanggaping wala na Siya.." Humagulhol na iyak ni aling Wella . Lumapit naman Ang dalawang batang si Carmen at Ang bunsong si Lara at nakisabay din Ang mga ito sa pag- iyak nang makitang nag- iiyakan Ang mga magulang. "Nay..Tay. ." sambit ng dalawang Bata. Niyakap naman ni aling Wella Ang dalawa habang patuloy sa pag-iiyak pati na si Mang doro. Si Sam naman ay malungkot na nakamasid sa buong paligid mula sa kanyang kinauupuan sa ilalim ng punong mangga nila. Sa tuwing dadalaw siya sa mga kapatid at sa ina sa probinsya nila ay di niya maiiwasang maalala si Anna. Ang babaeng minamahal niya ng totoo. Ang kanyang dating kasintahan na kailan man ay di Niya magagawang kalimutan.hanggang ngayon ay di pa ito umuuwi sa pamilya nito at kung ano kaya Ang nangyari rito. Hindi napigilan ni Sam Ang sariling tumulo Ang mga luha nang pagmasdan Niya Ang dating kinatirikan ng bahay nito at ng pamilya nito, na ngayon ay tinubuan na ng mga makakapal na mga damo. Tanging mga halaman na lamang Ang natitira sa dating pinuwestuhan ng bahay ng mga ito. Ang mga halaman na ito'y inaalagaan pa ito noon ng mabuti ng kanyang mahal na si Anna. Sumikip Ang dibdib ni Sam nang manumbalik sa kanyang alaala Ang mga matatamis nilang nakaraan ni Anna.. Flasback: "Anna!! yohoo!! " Tawag at kaway ni Sam mula sa punong mangga na kanyang kinatatayuan habang nakamasid Kay Anna na nagdidilig ng mga halaman nitong namumulaklak. Nakita ni Sam Ang pag ganti ng kaway ni Anna at sabay napangiti ito ng matamis sa kanya. Napakaganda nito para sa kanya, isang simpleng beauty na Meron ito at probinsyanang dalaga na siyang hinahnap-hanap ng mga kalalakihan. "Busy ka pa ba!? pasyal sana tayo!" Sigaw pa ni Sam. Nakasanayan na rin ng pamilya ni Anna si Sam dahil PITONG taon na silang magkasintahan. At sumenyas si Anna na wala na itong ginagawa. "Ayos!" Natuwang Sabi ni Sam at mabilis na nilapitan si Anna para sunduin at magpapaalam sa mga magulang nito para sa pamamasyal nila. Pagkatapos Niya itong ipinagpaalam ay Masaya silang magkakaakbay papunta sa maliit na bundok kung saan makikita Ang magagandang view sa buong paligid. End of Flashback . Pinahid ni Sam Ang kunting luhang lumabas sa kanyang mga mata. Nabigyan nga Niya ng magandang buhay Ang kanyang pamilya pero kapalit pala niyon Ang pagdurusa ng kanyang puso. Mas pinili niya si Yassy at tinalikuran Ang mga pangako Kay Anna. at sobrang pinagsisisihan Niya ito ngayon dahil sa tuloyang pagkawala ni Anna sa kanyang Buhay. "Hindi ko ine -expect na ganito pala ka sakit Ang tuloyang pagkawala mo sa buhay ko Anna." Mahinang Sabi ni Sam sa sarili. Kahit magiging ama na Siya sa anak nila ni Yassy ay di parin iyon kayang lunasan Ang sakit sa kanyang puso kapag maalala Ang minahal na si Anna. Samantala, Kinabahan si Anna. Kararating lang ng kotseng sinakyan nila ng matandang mangkukulam sa malaking pamamahay ng mga magulang ni Bella sa syudad. Hinatid Siya ni madam Ambrosia roon dahil alam Hindi Niya alam kung saan Ang pamamahay Nina Bella. Nagpapahanda naman sa mga katulong Ang mga magulang ni Bella para sa paboritong kainin ng anak nila dahil alam ng mga ito na ngayong Araw na uuwi na Ang anak nilang si Bella. Lubos na itong Magaling kaya nagpasya na itong uuwi na para makakapgpatuloy na ito sa bagong buhay ngayon nito. "Welcome back again iha!!" Masayang salubong na sabi ni Amanda sa anak at ginawaran si Bella ng halik sa pisngi. Maingat namang gumanti ng halik si Anna Kay Mrs. Amanda Gatchalian. at Ganoon din Ang daddy ni Bella. Yumakap ito sa anak at saglit na humalik sa pisngi. Pilit namang gumanti ng halik si Anna rito sa pisngi. "Thanks Mom, Dad." Ang Sabi pa ni Anna sa mga ito. 'God,help me..' Anang isipan ni Anna. Nasa likud lang din ni Anna Ang matandang mangkukulam. "Magandang Araw inang ." Halos magkasabay pang bati ng mag-asawang Frederick at Amanda. "Magandang raw naman. Inihatid ko talaga Ang aking apo , at sana naman Frederick at Amanda ay huwag niyong pabayaan Ang aking apo. Kung ano man Ang problems Niya, para hindi na mauulit Ang mga nangyayari.." Ang Sabi naman ni Madam Ambrosia sa mag asawa. At pinagsasaluhan agad ng buong pamilya ni Bella Ang hinandang masasarap na pagkain ng mga ito. Nang malaman ng mga reporters na umuwi na si Bella ay sumugod na naman Ang mga ito sa pamamahay ng mga Gatchalian. Ngunit Hindi ito hinarap ni Anna at nagukukunwaring nagalit pa siya dahil sa sobrang kulit ng mga reporters. Nabalitaan naman Nina Mrs. Faye Gatchalian at ng adopted nitong anak na si Yassy Gatchalian Ang pagbabalik at pag-uwi na ni Bella. Habang nasa hapag-kainan ay nag- uusap Ang mga ito at naroon din si Sam. Nakikinig lang sa usapan ng mag- ina. "Dadalawin ko muna Ang pinsan Ko mommy. Baka magtataka pa iyon kapag di ko madadalaw." Ang Sabi ni Yassy sa Ina. Si Yassy ay adopted daughter Nina Mrs. Faye at Alfredo Gatchalian na kapatid ni Frederick na pumanaw na dahil sa car accident na nangyayari dito. "Napaka swerte ni Bella dahil binigyan pa Siya ng pangalawang Buhay. Sana di na niya gagawin pang muli Ang pagsuicide niya.." Ang Sabi naman ni Mrs. Faye Gatchalian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD