CHAPTER 9

1660 Words
"Please Dad. I'm serious." Aniya sa ama ni Bella. "Yes anak. That is true. Hindi ko Naman nakikita at nabibisitahan ang lupaing iyan. three hectares lang naman ito. Ang pinsan mong si yassy ang may gustong bibilhin ko ito. Dahil pwede raw itong gawing palayan ang nasabing lupain. Malapit lang daw Kasi ito sa ilog at pwedeng gumawa ng irrigation Mula sa ilog upang supplyan ng tubig ang mapundar nito bilang palayan.." Ang Sagot ni Mr. Frederick Gatchalian. Biglang tumigas ang anyo ni Bella dahil sa Galit at napansin Naman iyon ng amang si Frederick. "What's wrong with you iha.?" Takang- tanong nito. "Kailangang pigilan si Yassy Dad sa mga ginagawa niya!" Galit na Sabi ni Anna. "H-ha? Why..? I did not understand what you mean..explain it to me iha." Nagulohang Sabi ni Mr. Frederick Gatchalian na tinitigan ang anak na si bella. "Narinig Kong may Isang pamilyang matagal na daw na nakaposisyon sa lupang iyan Dad, at nakarating sa akin ang balitang walang awang pinalayas ni Yassy ang pamilyang ito. At Hindi lang yun, pinasira pa ni yassy ang Bahay ng isang mahihirap na pamilya.." Nagngalit ang ngiping Sagot ni Anna sa ama ni Bella. Mangha si Mr. Frederick Gatchalian. Wala itong kaalam alam sa mga ginagawa ni Yassy. " What!!? Nagawa iyan ni Yassy!? But.. w- why..?" Di makapaniwalang tanong ni Mr. Frederick sa anak. Hindi pwedeng Sabihin ni Anna ang buong detalye tungkol sa kanyang pamilya baka magtataka pa ang daddy ni beltla at si Yassy kung bakit alam na niya halos lahat na dahilan tungkol sa ginagawa nito sa kanyang pamilya. " I don't know Dad, Kung bakit ganoon nalang ang ginagawa ni Yassy sa pamilyang iyon. Sobrang naaawa Ako sa isang mahirap na pamilya daddy. Kaya pipigilan ko si Yassy sa mga kalokohang ginagawa niya Dad!!" Gigil na Sabi ni Anna. "Well, it's up to you iha." Ang Sagot Naman ng Daddy ni bella sabay napapailing sa nalaman nitong ginagawa ni Yassy. Nag set na ng Araw si Anna para sa kanyang pagpa-party. Isang Umaga ay tinawagan si Bella ng Isang malaking kompanya at ino- offeran ng malaking halaga para sa Isang commercial sa Bagong product ng mga ito at Siya muli ang kukuning model. Kinabahan si Anna. Ito ang first time niya para maging Isang sikat na modelo sa katauhan ni Bella Gatchalian. Pumunta nga si Anna para sa Isang commercial shooting na gagawin nila. Mabuti nalang at sinamahan Naman Siya ng kaibigan ni Bella na si Sarah. Kalmadong sinunod Naman ni Anna ang itinuro sa kanya kung paano maging Isang modelo. Kailangang magiging sexy siyang kumilos at seductive ang dating. Nagsimula na siyang inayusan ng make- up Artist ng kompanyang iyon para gumanap na ng commercial sa Isang product ng kompanya. Nagtaka naman si Anna kung bakit nagmodelo pa si Bella gayung bilyonarya Naman Ang Lola Ambrosia nito at ito Ang tagapagmana Ng lahat. Isang sikat at malaking kompanya din Naman itong minodelohan ni Bella. Nasa Maynila talaga Ang pinakamalaking kompanya nito at pangalawa lang dito sa Bacolod City. Nalaman niyang nag stay din dati si Bella sa maynila dahil hilig talaga ito sa pagmomodel kahit sabihing maging bilyonarya ito sa huli dahil ito Ang tagapagmana ng Lola nitong Mangkukulam. Pinagpawisan Siya ng malamig pagkatapos ang shooting ng isang commercial at napansin Naman Siya ng kaibigan. " Oh, best. Bakit parang kinakabahan ka? Look at yourself, pinagpapawisan ka.." Nagtatakang wika ni Sarah. "Ha?? Ah,w-wala to! G- gutom lang siguro ako!" Ang Sagot ni Anna. Natawa si Sarah. " Parang tingin ko tuloy Sa'yo ay first time mo ito ." Puna pa ni Sarah. Mabuti nalang at nalampasan niya ang first time niyang commercial na iyon at walang pinipintas na mali sa kanyang mga galaw sa pag- ganap niya as a model na si Bella Gatchalian. "Gutom talaga Ako best! Kaya halika, kumain Muna Tayo!" Ang Sagot ni Anna rito at hinila na niya ito palayo. Naalala tuloy ni Anna ang kaibigang si Lisa. Tulad ng pamilya niya ay miss na miss na rin niya ito. Pero malapit na niya muling Makita ang mga ito at nag set na rin Siya ng Araw upang puntahan at tulongan ang kanyang pamilya. "Haler best!? Are you out of your mind?? Bakit dito tayo pumupunta upang kakain? kahit kailan ay di ka kumakain rito noon! Yuckk, ang pangit kaya rito kainan.." Maarting bulong na wika ni Sarah at nagtatakang tumingin sa kanya. Natigilan Naman si Anna. Oo nga pala, isang social ang pagkatao ni Bella at ang kaibigan nito- at Hindi ang mga ito kumakain ng mga sidewalk karenderya lamang. "Ahh ok! Sorry. na out of mind nga Ako.." ang Sabi ni Anna. " Omg, Ano bang nangyari Sa'yo.?." Ang Sabi pa nito. " Sige, Ikaw na ang bahala best kung saang restaurant tayo kakain.." Aniya rito. "Ano ka ba best, saan pa ba tayo kakain? idi doon sa restaurant na paborito nating tatlo kainan!" Nakangiting wika ni Sarah. Naiisip nito na baka epekto pa ang pagkamalimutin niya dahil sa nangyari sa kanya. "Nating tatlo ? Sino ang tinutukoy mong ika tatlo??" Tanong niya rito. "Nakz, kinalimutan mo na ba si Gimme? Ang ex-boyfriend mo? Grabe ka Naman Pala kapag Magalit pati pangalan ni Gimme ay kakalimutan mo ka agad.." Natatawang Sabi ni Sarah. Alam Kasi ni Sarah ang pakikipag break ni Gimme Kay Bella kahit nasa Taiwan ito dahil sa mga messages ni Bella rito tungkol sa problema nito Kay Gimme. "W-what?? Ex boyfriend?" Salubong ang kilay na wika ni Anna. "Oh yes,why??" Talagang nagtataka na ito Kay Bella. " Ah no, no! tama ka best! Talagang pati pangalan niya ay kinalimutan ko na!" Bawi Naman ni Anna para di Siya mahalata ni Sarah. 'Oh my god help mee..' Anang isip ni Anna. Hindi niya alam ang tungkol sa nagngangalang Gimme na sinasabi ni Sarah at Wala siyang kaalam-alam kung anong dahilan sa pag-be- break ni Bella at ng boy friend nito. Pumunta nga Sila sa Isang restaurant kung saan sinasabi ni Sarah na paborito nilang kainan at ng ex ni Bella. Nag order nga Sila roon at Kumain. " kailan kapa naging mahilig sa maanghang na pagkain?" Tanong pa ni Sarah. "Basta bigla ko nalang nagustohan ito.." Simpleng Sagot ni Anna rito. Napakahirap palang gampanan ang pagkatao ni Bella Gatchalian. Pero alam niyang masasanay din siya sa lahat. Maya- maya pa ay naudlot ang pag-uusap nila nang may biglang magsalita sa kanilang likuran. "Hi! " Isang boses ng lalaking iyon kaya sabay silang napalingon ni Sarah. Isang napakaguwapong lalaki ang nakatayo sa kanilang likuran at kaagad nagsalubong ang mga tingin nila ng lalaking ito. Nakita na niya ito sa picture album ni Bella! "Oh, it's you.." Ang Sabi ni Sarah at napatingin sa kanya. Sino ba ang lalaking ito? Tanong ng isip ni Anna at kinabahan. Hindi nakapagsalita si Anna at napatingin Kay sarah. Gusto niyang magtanong sa kaibigan ni Bella kung sino ang lalaking ito pero natatakot Siya na baka questionin na Naman Siya ni Sarah. "Hey Bella. titigan mo lang ba Ako? Pwede ba akong maki join sa table niyo.?" Napatitig na wika nito sa kanya. "S-sure!" Kinabahang Sagot ni Anna. "Anong kailangan mo Kay Bella Gimme?? Pagkatapos mo siyang sinaktan ay lalapitan mo nanaman ang kaibigan ko.?" Mataray na Sabi ni sarah. Doon nakikala ni Anna na ito pala si Gimme ang ex boyfriend ni Bella. Napatingin Naman si Anna rito at nagtama ang kanilang mga tingin ng ex boy friend ni beylla. "Sorry Bella. I'm here to apologize your friend, Sarah.." Sincere na wika ni Gimme na tumingin Naman Kay Sarah. Hindi nakaimik si Anna at napatingin Siya kay Sarah. Nakatingin din Pala sa kanya ang kaibigan ni Bella. hindi alam ni Anna kung Anong kasalanan ng lalaking ito Kay Bella. 'Damn, ang hirap naman nito..' anang isipan ni Anna. "Gusto rin kitang kumustahin Bella. I hope Hindi Muna uulitin ang pag suicide mo. I'm really sorry. I want to apologize for hurting you. " Anitong malungkot na nakatingin na Naman sa kanya. "Ahhmm, it's okay G-Gimme, Wala na yun. Just forget it ,okay..?" Kumakabog ang dibdib na Sabi ni Anna. "Are you sure best?? Wala na Sa'yo ang ginagawang pagpapasakit ni Gimme na siyang dahilan upang nagawa mo ang pag suicide?" Naka angat ang kilay na tanong ni Sarah. "Ayoko nang pag-uusapan natin to. Basta yun lang, past is past Gimme. pinatawad na kita ,pero Hindi ibig Sabihin na may pag- asa pang magkakabalikan tayo. n-naka move on na Ako..kaya w-wala na yun sa akin.." Nauutal na wika ni Anna. Parang natigilan Naman ang binata at nagtatakang tumingin sa kanya. Nahihimigan nitong parang may kakaiba kay Bella ngayon. Sobrang inlove sa kanya si Bella at ganoon nalang ang pagtataka ni Gimme na madali lang Sabihin nito ngayon na naka move on na ito. Pati si Sarah ay Hindi naniniwalang nakapag move- on kaagad si Bella sa pagpapasakit ni Gimme rito. "Seryoso ka ba Bella?" Hindi kumbinsidong Tanong ni Gimme rito. "Ahh, yeah! kaya peace na tayo, Wala ng problema! Kung saan ka Masaya idi ipagpapatuloy mo.." Ang Sagot ni Anna. Biglang natawa Naman si Sarah. "Grabe ka Naman best, parang biglang nag- iba ang ihip ng hangin mo ngayon.." Hagikhik ni Sarah. "Ha?? W-why??" Inosenteng tanong pa ni Anna. Tinitigan ni Gimme ng maigi si Bella. Nagtataka ang binata. Hindi Naman ganoon si Bella noon. Nasasakal na nga Siya sa sobrang inlove nito sa kanya at sa sobrang sweet at caring nito. Pero ang Bella ngayong kaharap niya ay may napapansin talaga siyang kakaiba rito. Nang makauwi si Anna sa Bahay ng mga Gatchalian ay kaagad siyang nagpapahinga sa kanyang kuwarto. Laking pagpapasalamat niyang nalampasan niya lahat kanina Mula sa pag- perform niya as a model. At sa pakikipagsama sa best friend ni Bella at ang pagkakaharap nila ng ex boyfriend ni Bella. Sobrang nahihirapan Siya pero kinaya niya ang lahat. At bukas, iyon na Ang Araw ng schedule na pagpupunta niya sa kanyang pamilya upang tulongan ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD