CHAPTER 1
Sa pagmamadali ni Anna upang maabutan niya ang kasal ni Sam at sa babaeng piniling pakasalan nito ay ni hindi man lang siya nakapag ayos sa kanyang sarili. Nabalitaan niya kasing ngayong araw na ito ang kasal ng kanyang kasintahang si sam sa mayamang babaeng taga syudad na ipinalit nito sa kanya na si Yassy Gatchalian.
Mula sa probinsya ng Cadiz City kung saan nakatira si Anna ay Kararating lang niya sa Siyudad ng Kabankalan City Kung saan gaganapin Ang kasal ng Kasintahan niyang si Sam. Taga Kabankalan City Kasi Ang mayamang babaeng pakakasalan nito.
Kararating pa nga lang niya sa malaking simbahan sa Lugar na iyon ay agad siyang napansin ng mga tao sa loob dahil sa kanyang ayos. Lalo na at naka tsenilas lamang siya. Nakita niyang parang mga mayayamang tao ang mga naroroon sa loob ng simbahan. At noon niya lang unang nakita ang babaeng mayaman na ipinalit ni Sam sa kanya. Maganda ito at maputi na tingin niya'y Kay edad lang din niya. Mga Twenty- five o Twenty- six na ito.
" Sam! huwag mo itong itutuloy. ang pagpapakasal mo! alam kong ako ang mahal mo at hindi ang babaeng yan.!" Umalingawngaw ang boses na sigaw ni Anna sa loob ng simbahan.
Nabigla ang lahat at nakatingin kay Anna lalo na ang paring nasa gitna kasama sa ikinasal. Pati si Sam ay sobrang nagulat at nabigla sa biglang pagsulpot roon ni Anna.
"Anna!? bakit mo ito ginawa? Diba tapos na tayong nag-usap tungkol sa pagpapakasal ko kay Yassy? alam mong siya ang pinili kong maging kahati sa buhay at hindi ikaw." Ani Sam na may himig na galit sa boses nito.
Lihim namang natatawa ang ibang naroroon at ang iba nama'y lihim ding naaawa kay Anna Ng mga sandaling iyon.
"Pero hindi ako pumapayag! Hindi ko makakaya Sam, please! itigil mo ito!!" Umiiyak na wika ni Anna sa maraming tao.
"Are you joking?? ipatigil mo Ang kasal namin? You're idiot! just look at yourself first! bago ka nagpupunta rito at lakas -loob na ipapatigil ang kasal namin ni sam! " Galit na singhal ni Yassy kay Anna.
"Yassy iha, calm down okay.? this is your wedding day. so ,don't be stressed.." Ani Mrs. Faye Gatchallian na mommy ni Yassy.
Sa kabilang side naman ay walang emosyong nakaupo ang magandang modelong si Bella at nakamasid lang sa mga nangyayari sa wedding day ng kanyang Cousin na si Yassy.
"What is your final decision Mr. Sam Sandoval?" Tanong naman ng pari.
"Father, Before we decided to getting married- Sam has a final decision!" Nairitang wika ni Yassy.
" Itutuloy ko po ang pagpapakasal kay Yassy father." Parang nalungkot na wika ni Sam habang nakatingin sa Umiiyak na kasintahang si Anna.
"Sam! huwag! maawa ka naman sa pitong taong pinagsamahan natin. Sabi mo hindi ka kailan magbabago! at ako lang sa buhay mo!!" patuloy na umiiyak na wia ni Anna.
"Get out of here!! kung hindi, magpapatawag kami ng police para ipapadampot ka dito!" Muling singhal ni Yassy sa galit.
"Hindi!!" Matigas ding sagot ni Anna.
"Anna, ano ba! umalis kana dito! pinapahiya mo lang ang sarili mo!! hindi na mababago ang desisyon kong pakasalan si Yassy! kaya please! umalis kana dito!!" pagtataboy ni Sam pero ang totoo ay parang dinurog ang puso ng binata na tiningnan ang kanyang babaeng minamahal.
Iyon ang pangyayaring hindi talaga makalimutan ni Anna. Nasa Eighteen years old palang Siya noon nang sinagot niya Ang Kasintahan at ito'y nasa Twenty-three at ngayon ay Twenty- five na siya at ito na man ay thirty na. Kaya nasa seven years na talaga Silang magkasintahan. At nagulat nalang siya nang bigla nitong Sabihin sa kanya na mag- Asawa na ito pero Hindi Siya Ang pakasalan nito kundi si Yassy.
Lagi parin siyang Umiiyak kapag naaalala ang pagbalewala ni Sam sa kanilang pinagsamahan.
Si Sam ang lalaking mahirap kalimutan dahil sa sobrang pagmamahal na ibinigay nito sa kanya. Every anniversary ng kanilang pagmamahalan ay binigyan siya nito ng mga gamit at sulat. Mahal na mahal siya nito at mahal na mahal din niya ito kaya ganoon nalang ang kanyang pagkabigla nang sinabi nitong magpapakasal ito sa ibang babae.
" Umiiyak kana naman ba.?" Untag ni Lisa kay Anna. Ang kanyang matalik na kaibigan.
" H-ha? w-wala to Lisa ." aniyang sabay pahid sa mga Mata.
" Hay naku, kalimutan mo na siya Anna. Sa mga sandaling ito ay masaya na si Sam sa kanyang bagong Asawa. At never mo na siyang mababawi, kasal na sila. Kaya dapat magmove-on kana agad. Ganyan talaga ang pag- ibig, kapag umiibig ka ay nasasaktan ka Anna. Kaya payo ko lang, huwag mong ipapatigil ang iyong mundo sa pagmamahal kay Sam. Hindi siya para sayo. At para talaga siya sa bruhildang babaeng yon.." Mahabang Sabi ni Lisa.
"Tama ka Lisa. Dapat ay kinalimutan ko na si Sam.." Malungkot niyang sagot.
" Dapat lang. Ang swerte naman niya.." Irap pa ni Lisa.
"Pero paano? Lalo pa' t lagi ko lang namang siyang nakikita. Sa tuwing uuwi siya kasama ang kanyang mayamang asawa. Alam mo namang kapit bahay lang natin si Sam." Ani Anna.
"Magagawa mo kung gagawin mo Anna.." Mariing wika ni Lisa.
Mula nang ikinasal si Sam ay sa isang iglap lang ay nagbago ang pamumuhay ng pamilya ng dating boyfriend. Pinalaki at ipinaayos ni Sam ang kanilang bahay. At wng tatlong kapatid nito na nag-aaral sa kolehiyo ay nakakapagpatuloy sa mga kursong gusto ng mga ito. Nakapagtrabaho si Sam sa isang opisina na may malaking salary. Hindi tulad noong driver palang ito ay sobrang naghihirap ito kung paano tutustusan ang mga kapatid at ang ina na walang trabaho at nasa bahay lang ito.
Magkasabay ang babayaring tuition ng tatlong kapatid na puro college at idagdag pa ang dalawang high school niyang kapatid. Ito kasi ang bread winner ng pamilya dahil matagal nang patay ang ama nina Sam. Ngayon, naging sikat si Sam sa kanilang bayan dahil nakapag- asawa raw ito ng mayaman na umahon sa kanilang kahirapan.
Isang araw napadaan sina Anna at ang kanyang Ina sa kanilang kapit bahay na si aling Memang. Naroon din ang ina ni Sam at may mga kasamahang iba pa ang mga ito na parang nag tsismisan ang mga ito.
"Naku, mabuti nga' t nakapag- isip ng maayos ang aking anak na maghanap ng babaeng makakatulong sa aming kahirapan. Kung hindi- tiyak na mananatili kaming naghihirap ngayon. Lalo na kung si Anna ang kanyang pinakasalan- sus maryusep! lulutuan na lang kami lagi ng babaeng yan ng kangkong!" Malakas na wika ni aling Rosa na dinig na dinig nina Anna at ng ina ni Anna na si aling Wella. Nagtawanan naman ang lahat na mga naroroon.
Nag init ng tainga ng ina ni Anna at babalikan sana nito si aling Rosa ngunit mahigpit na pinigilan ni Anna ang kanyang Ina.
"hmmmp! nakakainis kung magsalita ang Rosa na yun! baka di ako makakapagpigil, ilalampaso ko ang pagmumukha niya!" Gigil na wika ni aling wella.
" Hayaan mo na sila nay.." Halos maiyak na pigil ni Anna sa ina.
Naawa namang niyakap ni aling wella ang anak na si Anna.
Si Anna ay natigil sa pag aaral at ang dalawang kapatid nito dahil nadisgrasya ang tatay nila at nagiging inotel na ito. Kaya sobrang naghihirap sila ngayon sa buhay dahil hindi na makapagtrabaho ang kanilang ama para sa kanila. Kaya nagtatanim nalang si Anna ng palay sa mga palayan ng kanilang kapit bahay.
Isang araw ay magkasamang nagtatanim ng palay sina Anna at ang kanyang kaibigan na si Lisa. Sobrang putik ng kanilang mga itsura at ayos dahil sa itinanim nilang palay. Di nagtagal ay may isang paparating sa kanilang kinaroroonan. Ito ay walang iba kundi si Sam!
"Anna, si Sam. Nandito siya.." Mahinang wika ni Lisa na lumapit sa kanya.
Tiningnan naman ni Anna kung totoo ba. Nabigla pa si Anna nang malingunan niyang naroon na pala talaga si Sam at pinagmasdan siya nito. Parang napahiya si Anna sa kanyang ayos at sa maputik niyang itsura. Mas lalong naging guwapo ngayon si Sam at naging pormang mayaman na ito. Lumaki ang pangangatawan nito na halatang alaga sa pag ge-gym. Naka body fit na t-shirt itong kulay black at naka Jeans na Levis.
"Kamusta kana Anna?" Malungkot ang mga matang tanong nito sa kanya.
Hindi nakapagsalita at nakasagot si Anna sa tanong nito gusto niyang umiyak ngunit pinigilan niya ang sarili at tinalikuran nalang itong hindi umiimik.
"Kausapin mo ako. I really missed you Anna. Hindi ganoon kadaling kalimutan ka." Muling wika ni Sam.
e