CHAPTER 38

1515 Words
Muling naramdaman ni Sam Ng mga sandaling iyon Ang sobrang pangungulila sa Kasintahang si Anna. Doon Iya muling naramdaman kung gaano pala talaga ito ka mahal sa kanya. Ang babaeng una niyang minahal at never na makakalimutan niya ito kahit kailan. Saglit Isang nag- iiyakan habang nakatunghay sa kabaong ni Anna at sa bangkay nito. Biglang tumigas ulit Ang anyo ni Sam. "Makukulong ang dapat makulong!! Mga hayop. Si Bella, napamahal Siya sa akin Anna.. at.. at..yun Pala ay ginawa nila ito Sa'yo ng kanyang Lola!! Ipinalit kita Kay Bella, mahal ko Siya ngayon, pero isa pala siyang masamang babae! Siya Pala at ang kanyang Lola ang dahilan ng pagkawala mo at pinatay ka pala talaga nila!! kaya ka bigla nalang nawala ka!! mga hayop!! ." Sobrang Galit Ang naramdaman ni Sam ng mga Oras na iyon. Pakiramdam niya tuloy ay nasaktan niya Ng labis Ang kaluluwa ni Anna dahil umibig siyang muli sa ibang babae. At Ang pinaka masaklap ay iyon pa Ang may gawa sa nangyari Kay Anna. "Hindi Pala talaga Tayo nag aksaya ng Oras sa ating pangahas na pagpasok rito sa mansion Sam! Dahil totoo ang lahat ng mga hinala natin! Sina madam Ambrosia nga ang dahilan ng pagkawala ni Anna. Hindi na Pala nila pinalabas si Anna bang ito'y pumasok sa mansiong ito. Kawawa naman ang kaibigan ko, napahamak talaga Siya dahil sa pagyaya ko sa kanya rito!!" Umiiyak na wika ni Lisa na sinsisisi Ang sarili. "Anong gagawin natin Sam? Tatawag Tayo ng mga police?? kailangang mabigyan ng hostisya ang pagpatay nila sa kapatid ko!" Ani Edmund. "Kailangang makuha ang bangkay ni Anna rito sa 3rd floor at Ang mga police lang talaga ang makakagawa non. Sila lang ang maaring mag rescue dito sa loob ng mansion sa nakatagong bangkay ni Anna. Kailangang makalabas na agad Tayo rito at kailangang kunan ko muna ng larawan Ang bangkay ni Anna para may ebedensya tayong ipapakita sa mga police para maniwala Sila at sila na Ang kukuha Kay Anna rito sa 3rd floor! Pagbabayaran ni bella at ng pamilya ni bella ang ginawa nilang pagpatay Kay Anna! Sayang at Wala na Ang matandang mangkukulam! Mapaparusahan sana ito Kasama sa apo nitong si bella!!" Galit na Galit na wika ni Sam. Kahit mahal niya si Bella at di na rin niya malimutan ito dahil sa nangyari sa kanila ngunit dapat parin talaga itong makulong. Hindi nabubulok ang bangkay ni Anna dahil sa daming gamot na inapply rito kaya agad nilang nakilala ni Sam ang bangkay. Si Anna Naman MISMO ang lihim na naglagay ng gamot sa kanyang dating katawan upang Hindi iyon mabubulok. "Pero Sabi mo mahal mo si Bella. sam." Matigas ang anyong tanong ni Edmund. "Hindi Siya dapat mahalin! Pinatay nila si Anna!!" Sagot ni Sam. Sobrang sumikip ang dibdib ni Sam nang Makita si Anna na iSA nang malamig na bangkay. "Anna.. mahal na mahal kita.. at ngayong mabigyan ko na ng hostisya ang pagkawala at pagkamatay mo ay mamumuhay na akong mapayapa Kasama sa mga matatamis nating mga alala.." umiiyak na bulong ni Sam sa sarili. Sobrang sakit, napakasakit na umibig pa Siya sa Isang babaeng isa sa mga naging dahilan sa pagkawala at pagkamatay ng babaeng una niyang minahal ng sobra.. Si Anna Naman ay naghahanap ng paraan upang makalabas sa loob ng kuwartong kinulongan sa kanya ng mayordomang sinaniban ni madam ambrosia. "God..help me ,buo na Ang desisyon ko na ayaw Kong tanggapin ang bertud at Ang pagiging Isang mangkukulam. huhuklasin ko ang bertud na ito! hindi ito karapat dapat sa akin! bakit ko ba pipilitin Ang sarili ko sa ayaw ko?" Ani Anna. At tinanggal niya ang nakataling parang bulsa sa kanyang baywang na may lamang bertud. kumikinang ang kulay itim nito sa ganda. at hugis bilog ang bertud na iyon! Nilagay agad ni Anna roon sa ibabaw ng mesa pagkatapos niyang hinuklas at tinanggal Mula sa kanyang baywang. "Ano ba dapat Gawin ko? ay heto na ,sisirain ko nalang Ang pinto! "Ani Anna . Sisirain nga talaga niya sana ang pintuan para lang makalabas sa kinulongan sa kanya ni madam ambrosia ngunit bigla na Lang nagbukas ang pintuan at tumambad sa kanyang paningin ang masamang si ambrosia Valdadora! "L-Lola! " Gulat niyang sambit. "Anna Bella.. hahaha!.." halakhak na Naman ng masamang si ambrosia. "Mas mabuti sigurong tatapusin na kita! Halika at dadalhin na kita sa aKing kuwarto! Kailangang gagawa Ako ng ritwal ngayon para sa ating DalawA!! Mga baliw ang mga taong naghahanap Sayo! Ang TIGAS ng mga ulo nila. Pumasok talaga Sila dito! Kaya akin na Ang katawang iyan ng aKing apo..haha!" wika ng mayordoma. Kinabahan si Anna, sino ang mga naghahanap sa kanya na tinutukoy ni madam ambrosia?? "Hindi!" Hindi po yan pwedi!! Ako na Ang nagmamay-ari ng katawang ito!! At Wala sa ating kasunduan na babawiin mo ito sa akin!" Matapang na Sambit ni Anna. Biglang tumili si Anna nang mabilis na nakalapit ang mayordoma sa kanya! At sinakal siya rito. "Halika na Anna.. hahaha!" Anitong kinaladkad na Naman Siya palabas ng kuwarto habang patuloy na sinasakal. Ramdam niya ang sobrang lakas nito. "'a- arayyy ko Lola !b-bitawan mo Ako!"naghihirap na bulalas ni Anna. "Hindi na kita itinuring na apo! At Kukunin ko ngayon ang katawan ni Bella..hahaha.!" at hinigpitan pa nito ang pagsakal sa kanya. "Hahahaha!" Mala demonyong tawa ni madam ambrosia sa katawan ni Martha. Pinilit ni Anna na nilabanan ang masamang kaluluwa ni madam ambrosia sa loob ng katawan ni Martha.nag- iisip ng idea si Anna. "B- bitawan mo Ako..d-dahil kung h- Hindi ..Hindi mo na makikita at ang bertud na sinasabi at minamahal mo! " impit na wika ni Anna rito. "Ano!!?nasaan ang bertud!??" Anang masamang mangkukulam sa katawan ni Martha. At nabitawan siya ng mayordoma kaya sinamantala ni Anna ang pagkakataon ,mabilis siyang tumakbo at tumakas palayo rito! "Bella...!!! Bumalik ka rito! Hindi mo Ako matatakasan!!"anang mayordoma na sinundan si bella,bigla nalang itong lumutang sa hangin at humahalakhak na sumunod Kay Bella. "Panginoon ko! Help me!! Hinabol niya Ako!" Hingal ni Anna na malapit na sa elevator upang papasok at makababa na sa 1st floor. At sa kasawiang palad ay natisod si Anna at nadapa na Hindi pa nakaabot sa elevator at Isang malamig na Kamay ang biglang humablot sa kanyang mga paa! "Ahh! Tulong!" Sigaw ni Anna sabay pagpipiglas sa Isang paa na nahawakan ng isang malamig na kamay. At kamay iyon ng mayordomang sinaniban ng masamang kaluluwa ni madam Ambrosia! kitang- kita niya Ang masamang itsura nito na parang Hindi na ito Ang Mayordoma. Para na rin itong demonya sa kanyang paningin. At Ang boses nito ay Hindi boses ng mayordoma kundi boses na tajaga iyon ni Mad Ambrosia! "Papatayin na kita!!" Gigil ng mayordoma habang mahigpit nitong hinawakan Ang kanyang isang paa. "Bitawan mo ako! demonya ka madam Ambrosia!! tantanan mo ako! Mas Lalo lamang na Hindi na talaga Ako papayag sa gusto mong mangyari!! pagod na Ako sa mga ginagawa mo! " Ani Anna na pilit na tinapangan nalang talaga Ang kanyang sarili dahil kung magpadala pa Siya Lalo sa kanyang sindak rito ay walang mabuting idudulot iyon sa kanya. "Hahahaha!!! hindi ko sinabing ipagpatuloy mo pa ang iyong pagpapanggap na Ikaw si Bella Ang aking apo!! Ang gusto ko nalang ngayon ay Ang kunin Ang katawan ng aking apo! dahil Ako ang Sasanib sa katawan ng aking apo!" Malakas na wika ng mayordomang sinaniban ng matandang Mangkukulam. At nag- ipon ng lakas si Anna upang tadyakan ng malakas Ang mayordoma gamit Ang kanyang Isang paa habang siya'y nakAhandusay pa sa sahig. hawak ngayon Ang kanyang kaliwang paa kaya Ang kanyang kanang paa Ang balak niyang itadusk rito! Samantala... Balik Naman sa kinaroroonan nina Sam. Mabilis na silang lumabas roon ng kuwarto at balak na sana nilang papasok na sa elevator para makababa agad Sila sa 1st floor at makahanap ng paraan kung paano makalabas sa mansion. Natigil Naman silang tatlo nang may bigla silang narinig na sigaw ng Isang babae sa isa sa mga kuwartong naka locked sa 3rd floor na iyon. Kapwa nanlaki Ang mga mata nila g tatlo sa narinig. "Sam! Sigaw ng Isang babae ngayon ah!" Ani Edmund Kay Sam. "Oo nga , Sigaw nga ng Isang boses babae ngayon! " Tugon ni Sam. Saglit Silang tumigil at pinakinggan ng maayos Ang sigaw ng isang babae. Narinig nilang sumigaw at hiningi ito ng tulong. "Naku! Baka isa na Naman ito sa bibiktimahin nila tulad sa nangyari Kay Anna!" Ang Sabi ni Lisa. "Sam, tutulongan Muna natin ang babaeng sumisigaw kung sino Siya, kawawa Naman Siya kapag matulad Siya sa Kapatid kong si Anna!" Wika ni Edmund. "Mga hayop at walang awa Ang mga nakatira dito!" Muling tumigas ang anyo ni Sam sa Galit. At alertong Naman Sila kaagad na pinuntahan Ang kuwarto kung saan nagsisigaw ang babae. Si Yassy Naman ay natigil sa kakasigaw niya sa loob dahil nagtataka ito, may narinig Kasi itong nag iingay sa labas ng kanyang kinalalagyang kuwarto at di nagtagal ay may biglang sumipa sa pintuan ng kanyang kuwartong kinalalagyan! Di Naman nagtagal ay dumating sa mansion ang mag asawang Frederick at Amanda..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD