CHAPTER 37

1529 Words
"Doon nga tayo magsisimulang maghahanap ng kahit Anong pweding gamiting ebidensya natin laban sa pamilya ni bella. o di kaya' y si bella mismo kung talagang may kinalaman nga ito sa pagkawala ni Anna. Hindi niya tayo masisi kung nangahas tayong pumasok rito dahil hindi Siya nagpapaliwanag kahapon sa atin. kaya mas Lalo lamang tayong nagdududa sa kanya na kasabwat niya ang grand mother niya. Pero ililigtas din natin si bella kung nasaan man Siya ngayon dito sa mansion. baka Ano na rin ang nangyari at ginawa sa kanya ng na posses na mayordoma nila! Magbabayad pa si bella kung mapapatunayan lang natin na isa ito sa nakakaalam at kasabwat sa pagkawala ni Anna.." Mahabang Sabi pa ni Sam. "Sam, ngayon mo napatunayan na totoo mo palang minahal ang kapatid ko. dahil kung Hindi, hindi mo pagsasayangan ang delikadong sitwasyong ito. salamat sa tulong mo upang mabigyan ng katarungan ang pagka missing ng aKing kapatid.." Sabi pa ni Edmund. "Yes edmund. mahal na mahal ko Siya, mahal na mahal ko si Anna at Hanggang langit ang pagsisisi ko kung bakit sinaktan ko Siya. kaya bumawi Ako ngayon para lang din ito sa ikakatahimik ko Edmund. At para mapatawad din Ako ng kaluluwa ni Anna kung nasaan man ito ngayon. Gusto Kong magsimula ng bagong Buhay at Hindi ko Yan magagawa kapag Hindi ko mabigyan ng justice Ang pagkawala ng kapatid mo. At kung magkatotoo ang mga pagdududa natin Kay Bella na isa ito suspect na pagkawala ng kapatid mo ay mas Lalo akong ma gui-guilty Edmund, dahil umibig Ako ngayon Kay Bella. mas Lalo Kong sinaktan ang kaluluwa ni Anna dahil nagpaka baliw Ako sa Isang babaeng isa lang pala sa mga dahilan ng kanyang pagkawala. Feel ko ay muli ko na namang sinaktan si Anna kung nasaan man Siya ngayon. ." Ani Sam na pigil ang sarili upang Hindi mapaiyak. "Siguraduhin muna natin kung may kinalaman nga ba si bella sa lahat Sam, bago tayo magalit at tuloyang manghusga sa kanya. " Sagot ni Lisa. "Iyon nga ang ginawa ko Lisa.." Ang Sagot ni Sam. "Pero malaki ang posibilidad na isa nga Siya sa suspect Sam. Dahil sa mga nalalaman natin tungkol sa kanya..na siya'y apo pala ng isang mangkukulam. Higit sa lahat ang pagtulong niya sa amin. iyon siguro ang kabayaran ng buhay ng aKing kapatid!" Galit na Sagot ni Edmund. Natigil Sila sa pag- uusap nang dumating na ang elevator sa 3rd floor ng mansion. Agad silang lumabas at nagpalinga linga roon sa buong paligid ng 3rd floor. "Sam, ang daming kuwarto dito!" Bulalas ni Edmund. "Ako ang kinabahan sa pagpunta natin dito Sam, Edmund. Ayoko pang mamatay.." Natatakot talagang wika pa ni Lisa. "Magdadal ka lang Lisa, yun Ang pinaka mabuting Gawin mo diyan. . para mawala din yang pagkatakot mo. Nandito na tayo eh.. kaya maging positive Tayo na makakaalis din na ligtas sa mansion na to ." Sabi ni Edmund. " Tama si Edmund Lisa, At Kailangang simulang buksan natin agad ang lahat ng kuwarto rito upang maghagilap ng mga impormasyon tungkol sa matandang mangkukulam.." Ani Sam. Walang nagawa sina Lisa at Edmund kundi ang sumunod Kay Sam. Mabuti nalang at Hindi naka locked Ang mga pintuan ng kuwarto sa 3rd floor ng mansion. Ilang kuwarto na rin ang binubuksan nila pero Wala silang nakikita roon, maliban sa mga malaking kama at mga kurtinang kinakalawang na dahil sa tagal siguro na Hindi na nagagamit. "Sam! Tingnan niyo oh, may malaking kuwarto na kinandaduhan! Ibig sabihin may laman ang kuwartong ito na bawal Makita kahit sa mga katulong!" Ani Edmund. Tiningnan naman agad Nina Sam at Lisa ang ininguso ni Edmund na kuwarto. Tama nga ito, isang malaking kuwartong nakakandado talaga. "Anong gagawin natin upang mabuksan ang kuwartong iyan.btama nga pala, kapag nakakandado Ang Isang kuwarto ay may tinatago sa loob or mahalagang bagay sna Hindi pweding Makita ng iba kaya Hindi na natin pag- aksayahan ng Oras itong mga kuwartong Hindi naka locked dahil Wala tayong makukuha diyan.." Ani Sam. "Tama ka Sam .." Sagot Naman ni Lisa. "Jusko Naman, baka makulong tayo sa mga pinag gagawa natin Sam.." Nag alalang wika ni Lisa. "Sila ang makulong kapag may makuha tayong ebidensya rito, at isa pa nasa syudad ang anak ng matandang mangkukulam. kaya samantalahin natin ang pagkakataong ito habang Wala Sila dito. MGA katulong lang ang naiiwan dito at si bella pala.." Ani Sam. At biglang naisipan kung Ano Ang kalagayan ngayon ni Bella. " Si Bella, Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Ano kayang ginagawa sa kanya ng na posses na mayordoma rito..? kapag matutulongan natin si bella ay dapat pa nga silang magpasalamat dahil kahit malaki ang posibilidad na may kinalaman si bella at ang kanyang grand mother sa pagkawala ni Anna ay nagawa parin nating tumulong sa kanila." Mariing wika ni Sam. "Anong gagawin natin?? Tanong ni Edmund. "Sirain natin ang pintong iyan! Malakas ang kutob ko na may sekreto diyan sa loob! Malakas ang kabog ng aking dibdib!" Wika ni Sam. At pinagtutulongan nga nila ni Edmund itong bukasan.sunod- sunod na sipa ang ginawa nila para lang mabuksan ang pintuan. "Naku, Ano ba itong ginagawa natin,bilisan niyo Naman baka maabutan Tayo rito sa mayordomang na posses !" Kinakabahang Saad Naman ni Lisa. "Ayan! Malapit nang masira Sam! Siguro mga dalawang flying kick nalang bago mabuksan na natin ito!" Wika Naman ni Edmund. Muling sumipa si Sam ng Isang beses at nag follow up Naman si Edmund ng Isang beses ding pagsipa.kaya Hindi Sila nabigo,nabuksan nga nila ang malaking kuwarto! Mabilis agad na pumasok sina Sam, edmund at Lisa. Ngunit kapwa Sila napaatras nang Makita sa loob ang mga nakalinyang mamahaling mga kabaong! "Ahhh!!" Gulat at tili ni Lisa. "Bakit may mga kabaong rito sa loob!?" Nanlaki ang mga matang naitanong ni Sam at ganoon din si Edmund. "Oo nga! At tingin ko ay mga mamahaling mga kabaong ito! Tingnan niyo may mga gintong design ito!" Saad Naman ni Edmund. "Nabigla Ako sa mga nakita natin Sam,edmund. Pero naiisip Kong baka nagbebenta ng mga mamahaling kabaong Ang matandang mangkukulam at sinadyang dito nilagay sa 3rd floor para malayo sa mga magnanakaw dahil kapwa mga mamahaling kabaong ito!" Ang Sabi Naman ni Lisa. "May point ka Lisa..bbaka nga nagbebenta nga ito ng mga mamahaling kabaong at Ang makaka afford lang sa price ng ganitong klaseng kabaong ay iyon lang ang mga taong mga milyonaryo at bilyonaryo.." Sang- ayon at wika ni Sam. Hinalughog nila saglit ang buong kuwarto at nang Wala silang Makita roon maliban sa mga mamahaling kabaong lamang ay lumabas na rin kaagad Sila. Hangga't napansin Naman nila ang isa pang kuwartong naka locked din ito ngunit di Naman malaking kuwarto iyon kundi maliit lang ito. Iyon Naman ang sinira nila at binuksan para tingnan kung Ano Ang nasa loob. Hindi Naman sina Sam nahirapan sa pagsira dahil maliit lang ang pinto nito at madaling nabuksan nila iyon. Pumasok Naman Sila kaagad ngunit sumalubong sa kanila ang medyo dilim na area ng kuwartong iyon! "Medyo madilim ang kuwartong ito!" Reklamo agad ni Lisa. "Ano Yan!?" Gulat at Agad na pansin ni Sam. Tiningnan naman nina Lisa ay Edmund ang itinuro ni Sam sa kanang side. Kapwa nabigla sina Lisa nang Makita ang nag iisang kabaong roon.m Mamahalin din ito, pero bakit naka separate ito roon sa kuwartong iyon? Sabay na nilapitan nilang tatlo ang nag- iisang kabaong. Muling napasigaw si Lisa nang masulyapang may lamang bangkay ang nag- iisang kabaong na iyon. "Jusko, ayoko na! Lalabas na Tayo Sam, Edmund! May bangkay sa kabaong na yan! Mukhang babae iyan!" Nanlalamig na wika ni Lisa sa sobrang takot,napaatras at dumistansya sa kabaong. "Oo nga, bangkay nga. may bangkay nga sa loob Edmund!.." Wika naman ni sam. "May sekreto talaga ang mansiong ito! Isa ngang masamang tao ang nakatira rito!" Wika naman ni Edmund. "Teka, may cp akong dala at I- on ko muna ang flashlight nito upang Matanglawan talaga natin ang Mukha ng bangkay sa loob ng kabaong! Kung sino ito!" Desperadong wika ni Sam. Kinuha nga ni Sam ang cp na dala sa loob ng jacket nito at ini- on agad ang flashlight nito.unti- unting tinanglawan ni Sam at Edmund ang loob ng kabaong . "No!! Hindi!" Kapwa nagulat at bulalas Nina Sam at Edmund sa nakita nila. "Bakit Sam, Edmund Anong nakita niyo??" Nanginginig namang tanong ni Lisa. Kapwa nanlaki ang mga mata Nina Edmund at Sam nang Makilala nila ang bangkay sa loob ng kabaong na walang Iba kundi ang matagal ng nawawalang si Anna!! "Anna!!! Anna!! Anong ginawa nila Sayo!? Ano!!?" Galit na galit na sigaw ni Sam. Nagulat Naman si Lisa at mabilis na lumapit. "Bakit?? Si Anna ba iyan!?" Mangha ring tanong ni Lisa at tiningnan ang loob ng kabaong. "Jusko!! Si Anna nga! Ang kaibigan ko!" Namilog ang mga matang reaksyon ni Lisa. "Mga hayop! tama nga tayo ng hinala Sam! Talagang may tinatago Sila sa mansiong ito! At totoong nasa loob lang pala ng lumang mansion na ito Ang kapatid Kong si Anna!" Umiiyak at Galit na galit ding wika din ni Edmund. "Anna!! Sorry, Hindi kita naipagtanggol sa nangyari Sayo!!" Umiiyak na wika ni sam st niyakap ang kabaong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD