CHAPTER 39

1540 Words
Nagmamadaling umibis Mula sa kotse ang mag asawang Frederick at Amanda nang Sila ay makarating na sa lumang mansion ng kanilang inang mangkukulam. Ngunit laking pagtataka nila kung bakit naka locked ang malaking pinutan ng lumang mansion at di Sila makakapasok! "Paano to Frederick!? Kailangang makapasok na ka agad tayo upang matulongan natin ang ating anak!! Baka ano na ang ginawa ni Martha Kay Bella, sumanib rito ang kaluluwa ng masama mong ina! " Umiiyak na wika ni Amanda dahil sa labis nitong pag- alala kay Anna. Anak na talaga ang Turing nito Kay Anna bella kahit alam na nito na ibang kaluluwa na Ang nasa katawan ng anak na si Bella. At ganoon din si Mr. Frederick Gatchalian. "Sandali, at tawagan ko Sa phone ang katulong na tumawag kanina sa akin, baka isa sa kanila ay may susi sa malaking pintuan ng mansion na ito!" Ang Sabi ni Frederick at mabilis na tinawagan ang katulong kaninang kumontact sa kanila. "Sige, bilisan mo Frederick.." Nag-alala na talagang wika ni Amanda na parang di na ito mapakali. Tinawagan nga nila ang katulong at mabuti nalang ay isa sa mga ito Ang humawak sa susi ng malaking pintuan ng mansion kaya nakapasok agad ang mag Asawa. Nang makatanggap ng tawag ang mga katulong mula sa Daddy ni Bella ay nagmamadali agad ang Isa sa mga itong pumunta sa malaking pinto ng mansion upang bubuksan agad iyon. "Bakit ba isinara niyo Ang malaking pintuan,??" Tanong ni Frederick sa katulong na si Perla. "Naku sir, Hindi po namin alam! Natatakot na kaming lahat dito sir!! Si madam ambrosia, Ang kanyang kaluluwa ay sumanib sa katawan ni Martha ngayon!" Nanlalambot ang mga tuhod na sumbong ni Perla. "Oh god." Ani Amanda. "At nasaan ang mga taong pumasok rito na Sabi mo ay naghahanap sa nagngangalang Anna??" Tanong ni Frederick sa katulong na si Perla. "Hindi na namin alam sir ehh, nagtatago din siguro Sila tulad namin dahil Kay Marthang sinaniban ni madam ambrosia. Tingin ko ay Galit na Galit si madam ambrosia na nasa katawan ni Martha!!" Nanginginig na Sagot muli ni aling Perla. "At si Martha,nasaan sya ngayon.?? Kailangan kong kausapin ang inang ko na nasa sa loob ng katawan ni Martha!" Wika ni Frederick. "Wala Siya dito sir, Hindi namin alam kung saan siya rito sa loob ng mansion sir. Kanina pa kami nagmamatyag! Baka nasa 2nd floor Siya dahil nandoon ang kuwarto ni ma'am bella at ni madam ambrosia. sobrang nag alala na kami kay ma'am bella dahil hindi pa Siya bumaba Mula pa kanina, Anong Oras na ngayon! Baka Anong ginawa ni madam ambrosia sa kanyang apo dahil sa Galit nito!" "Frederick.. bilisan natin huwag na tayong mag- aksaya ng Oras! puntahan na natin si Bella sa 2nd floor! Baka may masama nang ginagawa ang mangkukulam mong Ina sa anak natin!" Ani Amanda at hinila na ni Amanda ang Asawa. Samantalang sina Sam naman at Edmund ay pinagtutulongang tinadyakan ng mga ito Ang pinto ng Isang kuwarto kung saan may narinig silang sumisigaw na babae. Napakahirap pang buksan Ang pintong iyon dahil sa tibay nito. Ngunit Hindi tinigilan Nina Sam at Edmund na tinadyakan iyon ng ilang beses. Hangga't sa ito ay nabuksan. Mangha si Yassy nang tumambad sa kanyang paningin ang asawang si Sam at Ang kaibigan ni Anna na si Lisa at kapatid din ni Anna na si edmund. Maging sina Sam, Lisa at Edmund ay nabigla rin nang Makita kung sino ang babaeng nasa loob ng kuwarto na sumisigaw. kapwa nanlaki Ang kanilang mga mata nang Makita si yassy sa loob ng kuwartong iyon. "Yassy!?" Gulat na sambit at tanong ni Sam sa Asawang hiniwalayan na niya. "Oh, Sam!! Thank you so much!! Dumating ka!!" Umiiyak at wika ni Yassy sabay yumakap ito ng mahigpit Kay Sam. Natigilan naman si Sam sa biglang pagyakap sa kanya ni Yassy. "Nakz, Nagsasayang lang Tayo ng Oras Sam! Ang bruha lang palang iyan ang mabubuksan natin dito!" Irap ni Lisa. "Sinabi mo pa Lisa, Hinding Hindi ko parin makakalimutan ang lahat na ginagawa niya sa kapatid Kong si Anna at sa ginawa niya sa pamilya namin! Kaya nagsasayang lang Tayo sa Oras natin upang iligtas Ang babaeng yan!" Galit na wika at matalim Ang mga tinging wika ni Edmund Kay Yassy. "Sam! tulongan niyo Ako, maawa kayo sa akin!! Kailangang isama niyo Ako, iligtas niyo Ako rito Sam! Asawa mo parin Ako, kahit baliktarin pa ang Mundo, i'm still your wife Sam! Dahil Hindi pa tayo Annul!! Kaya obligasyon mo paring tulongan at protektahan Ako Mula sa mga masasamang tao!!" Hagulhol pa ni Yassy habang umiiyak at yumakap ng mahigpit Kay Sam. Simpleng kinalas ni Sam Ang nga yakap ni yassy rito. "Bakit, paano ka nakulong rito!? Anong gagawin nila Sayo!? Ha, yassy??" Nag uumapaw ang galit ni Sam na tanong. "Si Bella, isa siyang masamang tao! pinadukot niya Ako!! At gusto niyang ipapapatay ako!! At alam mo ba, pina rape niya Ako!!! Hayop Siya!!! Hindi pa Siya nakontentong inagaw ka niya Mula sa akin at sinira niya tayo! ginawa pa niya ito sa akin sam!" Patuloy na humagulhol na wika ni Yassy. "Hayop Siya!! Huwag kang mag Alala Yassy, nandito na Ako. ililigtas na kita rito! Alam mo bang ang Lola niyong si ambrosia at si Bella ang dahilan ng pagkawala ni Anna?? Nakita na namin ang bangkay ni Anna Yassy, itinago lang pala dito sa mansion! At iyon ang kailangang ireport agad namin sa mga police para ma rescue agad dito sa mansion ang bangkay ni Anna! pinatay ng step grandmother mo at ni Bella si Anna!" Tiim- bagang at Mahabang wika ni Sam. "What!!?? Si Anna? Nakita na Ang kanyang katawan dito sa mansion?? Oh god .." wika pa ni Yassy. 'kung ganoon, narito lang Pala ang katawan ni Anna at Hindi pa nailibing. Si Anna ang nasa katawan ni Bella ngayon, at di pa alam Nina Sam ito..' Anang isipan ni Yassy. "Yassy?? Bakit natahimik ka??" Tanong ni Sam at tuloyang kinalas nito ang mga braso ni Yassy na mahigpit na yumakap rito. kanina pa niya iyon ginawa pero matigas itong nakapulopot parin sa kanya. "Naiisip ko Kasi Sam. kung gaano pala Kasama si Bella! Pagkatapos nilang pinatay si Anna, Ako na Naman sana ang bibiktimahin nila! Mga Wala silang puso!" Kunwari Galit na galit na wika pa ni Yassy. "Aba! at nagsalita ang may puso! Ikaw Ma'am yassy, bakit Wala ka ring puso ma'am ha!??" Mataray na Sagot ni Lisa Kay Yassy na gigil na gigil itong sampalin si yassy. "Oo nga, bakit kung makapagsalita ang Asawa mo Sam na walang puso si Bella ay parang may puso din siya kung paano maawa ng kapwa??pareho lang kayong walang mga puso Yassy! Kung walang puso si Ma'am Bella dahil pinatay nila ang kapatid ko ay ganoon ka rin! Wala ka ring Puso!" Asik pa ni Edmund dahil gigil parin si Edmund sa mga pinag gagawa ni Yassy sa kanila noon. "Ano ba Lisa, Edmund, huwag Tayong mag-away away! Kailangang magtulongan Tayo para makalabas dito!' Saway pa ni Sam sa kanila. "Kumakampi ka ba Sam sa Asawa mong masama rin tulad ni Bella?? Alam mo ba kung Ano Ang mga ginagawa ni Yassy Kay Anna noon!!? Siya ang dahilan kung bakit naiisipan ni Anna na magpunta dito sa Bahay ng mangkukulam! Dahil sa sobrang galit ni Anna!! Gusto niyang ipakulam Ang babaeng iyan! Kaya lang Hindi Siya nagtagumpay at Hindi na nakauwi! Napahamak ang kapatid ko dahil sa bwes*t na babaeng iyan!!" Galit na galit na sigaw ni Edmund. "Huwag mo silang pakikinggan Sam! Gulo lang ang aabutin natin dito! Kailangang makalabas na agad tayo rito para mag report na sa mga police! At ipakulong si Bella!! Kailangan siyang makulong dahil sa kasamaan nila!" Matigas ang mga salitang wika ni Yassy. 'makukulong ka Anna..Bilang si bella..' Hiyaw ng isipan ni Yassy. "Tumigil na kayo Lisa , Edmund. kalimutan Muna ninyo saglit ang mga Galit niyo Kay Yassy, kailangang matulongan tayo at kailangang makalabas agad Tayo dito! Haharap pa tayo sa mayordomang na posses kailangang alerto tayo baka bigla nalang siyang lumitaw at sasakalin na Naman ang isa saatin!" Wika naman ni Sam. "M-mayordomang na posses..??" Nakadama ng takot na sambit ni Yassy sa narinig Mula Kay Sam. "Hindi pweding kakalimutan nalang namin ang pinag gagawa ng Asawa mo Sam! Hindi mo ba alam, at Hindi mo ba itatanong? Kung bakit ganoon nalang ka laki ang Galit ni Anna sa Asawa mo kaya naisipan niyang pumunta rito at ipapakulam ang bruhang iyan!!?? Hindi dahil sa inagaw ka ni Yassy Mula sa kanya! Hindi dahil si Yassy ang pinakasalan mo noon! Kundi, dahil pinapagahasa niya ang kapatid ko sa tatlong lalaking inutusan niya!" Hindi na paaawat na wika ni Edmund at na high blood talaga ito nang Makita ang pagmumukha ni Yassy ng mga Oras na iyon. Lalo na nang nagpapaawa effect pa ito kay Sam. Manghang tiningnan ni Sam si Yassy at biglang tumalim ang mga tingin ni Sam sa Asawang si Yassy. "Totoo ba Yassy??! Sumagot ka!" Singhal at tanong ni Sam. Hindi niya alam na iyon Pala ang dahilan. Hindi alam ni Sam Ang mga masasamang pinaggagawa ng Asawang si yassy sa dati niyang Kasintahan. Nanginig Naman si Yassy na umatras nang Makita ang Galit ni Sam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD