CHAPTER 36

1535 Words
"Oo, narinig ko din iyon. Ano ba talaga, nagugulohan na talaga Ako kung Ano ang mga nangyayari dito sa loob. bakit galit din ito Kay ma'am Bella, Diba apo ng matandang mangkukulam si ma'am bella? " mahinang wika Naman ni Edmund. "Edmund, sinaniban siya ng masamang spiritu. palagay ko hindi na Siya ang mayordoma, isa siyang masamang spiritung sumanib sa mayordoma ng mansiong ito. Diba bigla nalang nag iiba ang boses niya??" Tugon at tanong ni Sam. "Baka Anong ginawa niya Kay ma'am bella.." Sagot na rin ni Lisa. " Hindi pwedi, kailangang mahanap natin si Miss Bella. Nag- alala ako sa kanya.." wika ni Sam. "Nag alala..?? Pero Sam, suspect natin Siya sa pagkawala ng kapatid ko.." mariing Sagot naman ni Edmund. "Alam ko.. pero.. hindi pa malinaw ang lahat.. kaya sana man lang Wala talaga siyang kinalaman sa pagkawala ni Anna. at sa ngayon, kailangan natin siyang mahanap baka kung Ano na Ang ginawa sa kanya ng mayordomang sinaniban ng masamang spiritu.." Giit ni Sam. Natigil bigla ang pag- uusap nila ng mahina nang may naririnig silang mga yapak na patungo sa kanilang kinalalagyan. Kapwa sila nagkatinginan at si Lisa naman ay agad nanginginig muli sa takot. "Jusko po.." Nanginginig na wika ni Lisa sabay napahawak Kay Edmund. "Ssshhh.. huwag kayong maingay. at ihanda natin ang ating mga sarili baka ang masamang mayordomang sinaniban ang paparating sa ating kinalalagyan.." Saway ni Sam na di rin maiiwasang kabahan. Para Kay Sam ay dapat siyang maging mas matapang ngayon para sa dalawang babaeng iniibig. una, si Anna. Para mabigyan na ng katarungan ang pagkawala nito at para mahalungkat na Ang totoong pagkawala nito kung Buhay pa ba ito o kung Wala na talaga ito. Pangalawa, si Bella -upang mahanap ito nila ngayon kung Anong sitwasyon nito dahil sa mga salitang binitiwan kanina ng mayordoma. At sana.. walang kinalaman si Bella sa pagkawala ni Anna. umaasa parin si Sam na sanay Isang mabuting tao si Bella at Hindi ito kasabwat sa grandmother nitong mangkukulam na talagang suspect nila sa pagkawala ni Anna. Gusto lang ni Sam na mabigyan ng kalinawan ang mga katanungan sa isipan nila ngayon sa pamilya ni Anna at gusto niya ring malinawan kung Ano ba talaga Ang totoo, kung may kinalaman nga ba si Miss Bella o Wala sa pagkawala ng dati niyang Kasintahan. "Kung saan man kayo nagtatago, lumabas na kayo! huwag niyo na akong pahirapan sa paghahanap.. hahaha !" Narinig nilang Sabi at halakhak ng masamang mayordoma malapit sa kanilang kinaroroonan. Kapwa sila nagulat at nabigla sa biglang oagsadalitang iyon ng mayordomangbsinaninan ng masamang kaluluwa. At napakalapit nalang nito ngayon sa kanilang kinaroroonan. Napatingin si Sam Kay Edmund. "Edmund.. ihanda mo ang sarili mo, baka Makita niya Tayo rito at muling mapapalaban na naman Tmtayo sa kanya.." Bulong ni Sam Kay Edmund. "Oo Sam.." Sagot Naman nito. Si Lisa naman ay Hindi na halos makagalaw sa kinalalagyan dahil sa sobrang kaba nito. Samantala.. Ang mga Magulang Naman ni Bella ay nag- alala na Ang mga ito dahil Hindi pa nauwi si bella. "Hindi ko kakayanin Frederick.. baka iniwan na Tayo ng anak natin.. Baka Akala niya ay Hindi mo Siya matanggap pagkatapos mong nalaman na hindi na Ang kaluluwa ni Bella ang nasa kanyang katawan niya ngayon.." Umiiyak na wika ni Amanda at kitang kita Ang labhs na pag- alalay nito Ng mga sandaling iyon. "Uuwi din ang anak natin.. Baka nagpapalipas lang Siya ng Oras. Hindi ko hahayaang malayo Ang anak natin Amanda.. kahit sabihing hindi na si Bella ang nasa kanyang katawan. Siya nalang Ang natitira sa atin.. mahalaga Siya sa atin.. kaya kailangang uuwi na Siya kung saan man siya ngayon. Upang makakapag isip na rin tayo ng susunod na mga hakbang kung paano lalabanan ang masamang kaluluwa ni inang ambrosia. Alam Kong Hindi niya tatantanan si Anna bella, ang ating anak.. At Hindi niya tayong lahat patatahimikin." Wika naman ni Frederick. Natigil ang pag uusap nila nang may biglang tumawag sa cellphone ni Frederick. "Yes..?" Sagot ni Frederick. Hindi naman nito Kilala ang tumawag pero sinagot lang nito iyon baka importante. "Hello Sir Frederick! Salamat po at nasagot niyo po agad ang cellphone niyo! Isa po ito sa mga katulong ng mansion ni madam ambrosia! May mga Hindi magandang Nangyayari ngayon sa mansion. Kaya Tumawag Ako para ibalita sa Inyo ang mga nangyayari ngayon dito.. kailangang pupunta ka agad kayo rito dahil nasa kapahamakan ang Buhay ni ma'am Bella.. Sinaniban ni madam ambrosia ang katawan ni Martha at ngayon at narinig naming may masamang balak ito sa anak niyo! " Mahabang sumbong ng katulong sa kabilang linya na halatang nagmamadali. Saglit na na shocked si Frederick. "What!!? Nandiyan Pala Ang anak namin?" Naitanong ni Mr. Frederick sa katulong. "Oho sir! At may isa pang balita sir, may dalawang lalaki at Isang babaeng pilit na pumasok dito ngayon sa mansion para maghanap daw Sila ng hostisya! sa pagkawala ng nagngangalang Anna..?" Dagdag na sumbong ng katulong sa kabilang linya. Mas Lalong nanlaki pa ang mga mata ni Frederick sa narinig. At mas nananaig Ang pag- alalay nito sa anak na si Bella. "Okay Sige! papunta na kami kaagad diyan ngayon!" Sagot ni Frederick at madaling pinatay ang tawag. "Frederick..?" Ani Amanda na nagtatanong Ang mga tingin sa Asawa. At sinabi na rin agad ni Frederick ang mga isinumbong at ibinalita ng Isang katulong na tumawag sa kanya. "My god! Bilisan natin Frederick..pupunta agad Tayo sa Isabella!! Sa mansion ni inang ambrosia!" Sobrang nag- aalalang wika agad ni Mrs. Amanda Gatchalian. "Kailangang may mga dadalhin tayong pangontra Amanda. Sandali at Kukunin ko bago tayo aalis at pupunta ng mansion ni Inang Ambrosia." Sabi ng ama ni Bella at mabilis agad na kumilos. Balik kina Sam sa mansion ng matandang Mangkukulam. Halos Hindi na Sila gumagalaw sa kanilang kinatataguan upang Hindi lamang Sila makikita at matunton ng mayordomang sinaniban ni madam ambrosia. Subalit patuloy parin ito sa pagsambit sa kanila at parang sinadya nitong lumapit pa ng husto sa kinaroroonan nila at halos pabulong nalang kung magsalita. "Sige na... magpakita na kayo... " Muling Saad nito sa Mahinang boses. Kinikilaburan Naman si Lisa na lalong kumapit kina Edmund at Sam dahil sa pagkatakot Lalo nito. Patuloy Silang Hindi kumikilos at Hinayaan itong magsalita ng magsalita. Hindi nila akalaing makaranas Sila ng ganito ngayon sa mansion ng matandang Mangkukulam. Isang minuto Ang lumipas ay kapwa nalang silang nagulat ulit nang bigla nalang itong lumitaw sa kanilang likuran at mabilis silang sinunggaban at kasabay ng pagsakal nito Kay Edmund! "Ahhh!" Tili ni Lisa sa sobrang gulat nito. Lalo pa Silang nagulat lahat nang makitang bumuhaghag pang lalo ang mga buhok nito at napakapangir nang tingnan ang itsura ng msyordomang ito. Si Sam Naman ay ma bilis na kumilos at tinulongan si Edmund. Tadyak at suntok na sunod sunod Ang ginawa ni Sam sa mayordoma ngunit malakas ito dahil sa masasamang spiritung nasa katawan nito! Pilit namang nilabanan ni edmund Ang lakas ng mayordoma sa pagsakal nito rito. Muling pumulot ng mga mabibigat na gamit sa mansion si Sam upang ihampas na naman sa mayordoma habang si Lisa ay walang nagawa kundi ang manginig at manlambot lamang ang mga tuhod nito sa sobrang takot. Naghihirap na si Edmund sa lakas ng pwersa ng mayordomang Sumakal rito. Mabuti nalang at Isang malakas na hampas Ang ibinigay ni Sam rito gamit Ang Isang Matigas na bagay na napot ni Sam sa tabi nila. Nabitawan nito si Edmund sa pagsakal nito at agad na humandusay sa sahig ang mayordoma Lalo pa't sinigundahan iyon ni Sam sa paghampas ulit para sigurado. Nakahinga ng maluwag si Edmund mula sa pagsakal ng mayordomang sinaniban. "Takbo na Tayo Sam! Edmund! Habang Hindi pa Siya nakakabangon!" Alarmang wika ni Lisa. "Saan Tayo tatakbo!? Hindi na tayo makakalabas dahil ni locked kanina ang malaking pintuan hindi ba!?" Ang Sagot Naman ni Edmund. "Hindi Tayo lalabas, kailangang sisimulan nating halughugin ang mga kuwarto ng lumang mansion na ito! Dahil malakas ang kutob Kong may makikita tayong ebidensya rito tungkol Kay Anna! at dala nalang din sa paghahanap natin kay Bella rito! Baka Ano na Ang nangyari sa kanya! Hanapin natin ang elevator dito! doon tayo magsisimulang maghanap sa 3rd floor ng mansiong ito!" Desperadong wika ni Sam. "P- pero Sam, mas malaki ang tendency na hindi na tayo makakalabas rito kapag pupunta pa tayo sa 3rd floor! " Reklamo niLisa. "Idi dito ka lang Lisa, kami na Lang si Edmund!" Galit na Sagot ni Sam. "Naku, ayokong maiwan rito!" Takot na takot na sambit ni Lisa. "Huwag na Tayong magsayang ng panahon at Oras, Sige na, Hali na kayo! " Wika ni Sam at nagpatiuna sa kanilang tatlo. "Bilisan natin Lisa, huwag kanang magreklamo, nandito na Tayo kaya Wala na itong atrasan pa!" Wika rin ni Edmund Kay Lisa. "okay, okay!" Ani Lisa. Mabilis namang kumilos at sumunod sina Edmund at lisa. Insaktong nakatalikod sina Sam nang bumangon ang mayordoma at mas Lalong nanlilisik ang mapupulang mga mata nito sa Galit at muling Hinanap sina Sam.. Ilang minuto din ang nasayang bago natagpuan Nina sam ang elevator ng lumang mansion. Nagmamadali silang tatlong pumasok roon at pinindot ang papuntang 3rd floor. "Sam, bakit sa 3rd floor talaga Tayo unang Magpunta?"tanong ni Lisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD