CHAPTER 35

1497 Words
"Hoy! Anong ginagawa niyo!? Tress passing itong ginawa niyo!" Sigaw sa galit ng Isang katulong sa mansion na medyo may edad na rin nang ito'y makabangon. Nagmamadaling pumasok ng mansion sina Sam, Lisa at Edmund at Hindi pinakinggan ang Isang katulong. Nasalubong Naman Nina Sam ang tatlong pang babaeng katulong ng mansion na kapwa nasuot ng mga itim at matalim silang tinitigan. "Sino kayo!? Alam niyo bang Isang delikado itong ginawa niyong pagpasok rito? Maaring Hindi na makakalabas ang mga katulad niyong mapangahas!" Anang Isang katulong sa tatlong nasalubong nila. Mga kasamahan ito ni aling martha- ang mayordoma ng mansion. Humihingal namang nakasunod ang Isang katulong na itinulak ni Sam kanina upang makakapasok lamang Sila sa loob. "Umalis kayo rito, ngayon na! Hindi maganda itong mga ginagawa niyo! Hindi niyo alam na pwedi kayong mapapahamak rito sa loob!? Magagalit si madam ambrosia!" Anang humihingal na katulong na nakasunod sa kanila. "Diba patay na Ang amo niyong mangkukulam?? At isa pa, kailangan naming makapasok dito ! may hinahanap kami, si Anna. Matagal na namin siyang hinahanap at mahigit Isang taon na siyang nawawala! Kahit pruweba lang sana kung talagang Wala na Siya ay matatahimik na kami at mabibigyan din Siya ng hostisya! alam naming may kinalaman si madam Ambrosia at ang kanyang apong si Bella sa pagkawala ni Anna!" Galit ring Sagot ni Sam sa mga ito. "Halatang may kinalaman Sila kaya kailangan naming makapasok rito dahil naghahanap kami ng mga kasagutan sa mga sumasagal sa aming isipan at sa aming mga pagdududa!" Wika din ni Edmund. "Sam ,Edmund.. natatakot Ako baka Anong mangyayari sa atin dito. aalis nalang tayo.." nanghihina ang katawang wika ni Lisa dahil sa sobrang kaba at tensyong naramdaman. "Wala kayong makukuha rito sa loob! Kapahamakan lang ang aabutin niyo dito!" Mariing wika ng katulong na nagbukas kanina sa kanila sa gate. "Kilala kami ni Bella! Gusto din namin siyang makakausap ngayon, mahirap bang kausapin siya? kailangang lilinawin niya ang lahat na katanungan at pagdududa namin sa kanya at sa kanyang grandmother upang maliliwanagan kami! " Muling Galit na wika ni Sam. Nagkatinginan Ang mga katulong sa lumang mansion. "Hindi pa nagising si ma'am Bella! Hindi pa namin Siya nakikitang lumabas ngayong Umaga at Hindi pweding disturbuhin namin Siya! At saka sino ka ba para matapang - tapangan ha!? Sagot ng Isang katulong. Biglang dumating si aling martha. ang mayordoma ng mansion. "Anong problema at sino ang mga bisita natin?" Matiim na nakatingin ito kina Sam, Lisa at Edmund habang humakbang ito papalapit sa kanila. Nabigla at natakot si Lisa sa paraan ng pagtitig ng mayordoma sa kanila habang papalapit ito sa kanilang kinaroroonan. "Martha.. nagpupumilit na makapasok ang mga batang ito dito..hinanap nila si madam ambrosia at si ma'am bella.." Sagot ng Isang katulong. "Wahahahaha.." halakhak ng mayordoma na kapwa ikinagulat Nina Sam, Edmund at Lisa. Parang Ang mga halakhak nito ay halakhak iyon ng demonya. At kitang kita pa nila ang mapupulang mga mata nito at muling tinitigan Sila ng matatalim na tingin. "Hayaan niyo Ang mga batang ito.. bisita natin Sila at pauupuin niyo Muna at ipaghanda Sila ng makakain.." Anang mayordoma. "P- pero Martha.. baka magalit ang amo natin.." wika Naman ng isang katulong. "Hindi Siya magagalit.." Sagot ng mayordoma. "Oh Sige, ikaw'ng bahala." Tugon ng Isang katulong. Pinaupo nga sina Sam ng mayordoma ng mansion at pinaalis nito ang apat na katulong na kasama nito sa mansion. Sina Sam Naman at Edmund ay Hindi bumigay ng kumpyansa sa mayordoma dahil naramdaman nilang parang may kakaiba rito dahil walang kakurap kurap na nakatingin ito ng matalim sa kanila at napapansin nila ang tila tumatayong mga buhok nito at Lalo na ang Lalong pagpupula ng mga mata nito. "Sam..Edmund..natatakot na Ako ehh..Ano bang nangyari sa mayordoma ,Hindi Naman ganyan ang hitsura niya kahapon ahh.." bulong ni Lisa sa dalawang lalaking Kasama. "Ssshhh..huwag kang maingay.." mahina ring saway ni edmund.ngunit si Sam ay nagbabantay lamang ito. Pagkalipas ng ilang minuto ay biglang sumara ang malaking pintuan ng mansion palabas kahit walang taong nagsara nito. "Ano yun?? Bakit bigla nalang nagsarado ng walang tao??" Namutlang tanong ni Lisa. Ngunit ang mayordoma ay nakatayo lamang at Hindi bumitaw sa pagkakatitig sa kanila. "Manang..pwedi bang sabihin mo Kay miss Bella na nandito kami.." matapang na wika ni Sam at nakipagsukatan ng tingin sa mayordoma. Biglang malakas na humalakhak ang mayordoma at parang nag iba ang boses nito,at Hindi na iyon boses nito. "Jusko Sam!" Nahintakutang wika ni Lisa. "Nanlaki ang mga mata Nina Sam na kapwa nakatingin sa mayordoma at kapwa nagsipagtayo. "Sam,Lisa! Isa siyang kampon ng kadiliman! " Nabiglang sambit din ni Edmund. At Hindi nila namamalayan ang bilis ng kilos ng mayordomang si Martha,mabilis itong nakalapit sa kanilang kinatatayuan at sinakal si Lisa! "Hahahaha! Mamamatay kayo rito!" Nanlilisik ang mapupulang matang wika nito. "Ahhrrggh..s- Sam..tulongan niyo a- Ako.." naghihirap na sambit ni Lisa. Alertong sinuntok ni Sam ang mayordoma ngunit Hindi ito gaanong natinag at Galit sumugod rin ng suntok si edmund.at ganoon parin,parang di ito nakaramdam ng sakit. "Hahahaha!" Tawag ng mayordoma. "T-tulongg..." impit na sambit ni Lisa. Sabay na sumugod sina Sam at Edmund sa mayordoma para lang mabitawan nito si lisa.binitawan Naman nito si Lisa at sa kanila Naman ito humarap. "Jusko ! Sam , Edmund! Mapapahamak talaga Pala Tayo rito!" Nanginginig na wika ni Lisa nang binitiwan ito ng mayordoma. "Hahaha,Hindi na kayo makakalabas rito! Hindi na,hahahaha! At nasa kamay ko na si bella,mawawala rin Siya tulad niyo ngayon! Hahaha!" Halakhak na wika ng mayordoma habang humakbang na Naman ito patungo kina Sam at Edmund. Dumako ang tingin ni Sam sa Isang antique na lumang chair at kinuha iyon at hinanda sa pagsalakay ng mayordoma.nang Makita ni Edmund ang ginawa ni Sam ay gumaya na rin ito.kumuha rin ito ng isa. Galit na sumalakay nga kina sam Ang mayordomang na posses at pinagtulongan nila itong hinampas ng mga mabibigat at antique na mga upuan. Natamaan at natumba ang mayordoma sa sahig sa sunod sunod na paghagis at paghampas nila rito ng mga kagamitan. Namilog Naman ang mga mata ng Isang katulong na may dala dalang maimeryenda sana Nina Sam sa utos ng mayordoma.nakita nito ang mga pangyayari at narinig nito ang pag- iiba ng boses at masamang halakhak ng mayordomang si Martha,Hanggang sa ito'y pinagtulongang hagisan at hampasin ng dalawang lalaki sa mga mabibigat na upuan.narinig nito ang mga sinabi ng mayordoma tungkol Kay Bella na ito raw ay mawawala din tulad sa tatlong nagpupumilit na makakapasok ng mansion. Nagmamadaling bumalik ang Isang katulong sa mga kasamahan samantalang sina Sam,Edmund at Lisa ay nagmamadaling lumayo naman sa masamang mayordoma at naghahanap ng matataguan sa loob ng mansiong iyon. "Lareta, Esmeralda,Fatima! Masama ang nakita ko! Si Martha parang nasasaniban ng masasamang kaluluwa! At Sabi nito ay nasa mga kamay daw nito si bella at may masamang balak Siya Kay ma'am bella! Nag iiba ang boses niya at talagang Hindi na Siya si Martha sa palagay ko! Nakakalaban ito ng dalawang lalaki at Isang babaeng nagpumilit na makakapasok rito!" Humihingal na balita ni Perla sa mga kasamahan. "Ano!? Kung ganoon,Hindi Siya si Martha Perla! Ba- baka si madam ambrosia ang sumanib sa kanya!" Nanlaki ang mga matang Sabi ni Esmeralda,ang Aling katulong na nakabukas kina Sam kanina sa malaking gate. "Anong gagawin natin..? Baka papatayin ni madam ambrosia ang kanyang sariling apo dahil Hindi tumupad ito sa usapan nila para magiging ganap na itong mangkukulam..nasa Kay ma'am bella na Ang nasabing bertud pero kailangan parin nitong tuparin ang gusto ng Lola nitong mag alay ng Isang batang kamag- anak nila! Pero ayaw ni ma'am bella.." nababahala ring Sagot ni aling lareta. "Kailangang tawagan natin ang mga magulang ni ma'am bella para Malaman nila ang mga nangyayari ngayon dito! At para Malaman din ng mga ito na may mga nagpupumilit pumasok dito sa mansion! At naghahanap ng ebidensya dahil suspect ng mga ito si madam ambrosia at si bella sa pagkakawala ng nagngangalang Anna.. at kung sinong Anna - Annang pinagsasabi ng mga ito,Hay naku,ang daming problema na to! Pati Tayo ay nagugulohan na rin talaga !" Sabi naman ni Fatima. "Kailangang magtago na rin Tayo..baka biglang lumitaw dito si Martha na sinaniban ng masamang kaluluwa ni madam ambrosia kung totoo man ang hinala natin.." tugon Naman ni Perla. Si Anna Naman ay nanatiling nakakulong sa loob ng isa sa mga kuwarto sa 2nd floor. "Tulong..!! Manang lareta! Manang Esmeralda! Manang Fatima!! Tulongan niyo akong makalabas rito!" Malakas na sigaw ni Anna at pinukpok pa ng sabay ang pinto ng kuwartong kinalalagyan sa kanya ng mayordomang si Martha na sinaniban ni madam ambrosia. "Panginoon ko,tulongan mo Ako..!!" Umiiyak na sambit ni Anna sa loob ng kuwarto. At habang sina Sam,Lisa at Edmund ay nakakapagtago Naman ang mga ito para di Makita ng mayordoma. "Sabi ko na nga ba ehh,masama talaga ang hahamtungan natin dito Sam,at Edmund.." umiiyak na wika ni Lisa. "Narinig niyo ba Ang sinabi ng mayordoma..? Pati si Bella ay mawawala daw Sabi nito.." mahinang tanong at sabi ni Sam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD