CHAPTER 40

1547 Words
"Pagkatapos niya pinasira ang mga Bahay at pinalayas kami noon ay kinulang pa Siya sa kademonyohan niya! Pinagahasa niya pa ang kapatid ko! Parang mababaliw ang kapatid ko ng mga panahong iyon!!" Halos maluha nang salaysay ni Edmund sa mga lumipas. "Ang sama mo Yassy!!" Ani Sam at sabay sinampal ng malakas si Yassy. "Sam!!" Nabiglang sambit ni Yassy nang dumapo Ang malakas na sampal sa pisngi nito Mula Kay Sam. Napasuray saglit ito sa ginawang pagsampal ni Sam rito. "Sam!! Asawa mo Ako!! huwag mo akong sasaktan!!" Iyak na iyak na sambit ni Yassy. "Awwwtsss!! Ang sakit Diba Yassy?! Sobrang sakit. Pero kulang pa iyan Yassy ehh, Tingnan mo, Anong nangyari Kay Anna? Patay na si anna! ! Mukhang mababaliw na ang kaibigan ko noon at lagi nalang siyang nagmukmok dahil sa ipinagahasa mo nga siya naisipan kong gusto ko siyang sumigla ulit at magkaroon ng bagong pag-asa kaya dinala ko Siya dito sa Isang Bantugang mangkukulam para lang makaganti Siya Sa'yo! Desidido naman siyang makaganti Sayo kaya pumayag Siya! nagkamali Ako sa naisipang pagtulong sa kanya dahil napahamak ang kaibigan ko !! Wala na talaga Siya!! Nasira ang buhay niya at pati Buhay niya ay nawala dahil sa kasamaan mo YAssy Gatchalian !!" Mahabang wika at gigil na Singhal ni Lisa Kay Yassy. Nilapitan pa ni Sam si Yassy na Galit na Galit Karun Ang itsura nito. Nakadama Naman ng pagkatakot si Yassy sa mga nakamamatay na tinging Ibinigay sa kanya ni Sam. "S-sam.. n-nagsisi na ako dahil sa nagawa ko kay Anna. kaya nga bilisan na natin, upang makalabas na tayo dito at ipapakulong na natin si bella!! Pinatay nila si Anna.." Umiiyak na wika ni Yassy. Muling dumapo ang malakas na sampal ni Sam sa Mukha ni Yassy. "S- Sam!!!" Muling hagulhol ni Yassy. "Hanggang langit ang pagsisisi ko kung bakit nagpakasal Ako Sayo! Isa kang hayop! Kayong DalawA ni Bella ay dapat makulong!!" Galit na Galit na asik ni Sam Kay Yassy. "Hali kana Sam! Aalis na Tayo! huwag na nating oag aksayahan ng Oras Ang babaeng yan!" Ani Edmund Kay Sam. "Iwanan natin ang babaeng Yan! Sikapin niyang iligtas niya ang sarili niya!" Sabi Naman ni Lisa. "Tama na ang pagtulong namin sayo Yassy, ikaw na ang bahala sa sarili mo upang makalabas dito!" Ani Sam at tumalikod na kaagad. " No!! Sasama Ako sainyo Sam!! Hindi Ako paiiwan rito!! Hindi!! " Sigaw Naman ni Yassy at mabilis na sumunod kina Sam. Nainis man sina Lisa sa pagdunod sa kanila at pilit na Pagsama ni yassy ay Hindi talaga ito nagpapaiwan at sumabay ito kina Sam. Si Anna Naman ay muli sanang nahuli ng mayordoma dahil nahawakan nito ang kaliwa niyang paa nang siya'y madapa ngunit dahil sa kanyang pagnanais na makawala at makalayo sa mayordomang sinaniban ni madam ambrosia ay Hindi niya alam kung saan Siya kumuha ng lakas upang tadyakan ito ng ganoon kalakas sa Binti nito gamit ang kanan niyang paa na Hindi nito nahawakan. tinadyakan niya ito habang Siya' y nakatihaya sa sahig. Hindi Naman ito natumba sa pagkakasipa niya rito ngunit nabitawan Naman nito ang kanyang kanang paa! mabilis siyang bumangon agad at tumakbo papasok sa elevator. Agad namang nagsara ang pintuan nito at nabigla pa Siya nang pagsara ng pintuan ng elevator ay may kamay na naiipit doon! Sumunod Pala kaagad ang mayordoma sa kanya at papasok din sana agad ito sa loob ng elevator nang maabutan ito sa pagsara kaya Napahiyaw ito sa sakit sabay hila sa kamay nitong naipit! "Anna Bella!!! hindi mo Ako matatakasan!! Susundan parin kita! kahit saan ka pa!" Sigaw ng mayordoma. Biglang bumagsak sa sahig ang mayordomang si martha at nawalan ng malay. Isang maitim na usok ang lumabas sa katawan nito. Lumabas pala Ang masamang kaluluwa ni madam ambrosia sa katawan ng mayordomang si Martha at sinadya iyon ng kaluluwa ng matandang Mangkukulam para mabilis na masundan si Anna. Si Anna Naman ay nakarating na sa 1rst floor at Hindi niya naabutan ang mag asawang Frederick at Amanda dahil sa stairs Ang mga ito dumaan at hindi sa elevator. dahil sa sobrang pagmamadali ay Hindi na naisipan ng mga ito Ang dumaan sa elevator pa 2nd floor. Deretsong hinila na Kasi ni Amanda ang Asawa paakyat ng stairs papuntang 2nd floor dahil sa gusto nitong matulongan agad at naghanap Ang kanilang anak. Nagtungo si Anna sa kusina upang Hanapin ang mga katulong para matulongan Siya sa mga ito laban sa paghahabol sa kanya ng matandang mayordomang sinaniban ni madam ambrosia. "Manang Lareta! Manang Fatima! Nasaan ba kayo!? " tawag ni Anna sa dalawang pangalan ng katulong. Nagpalinga-linga Siya sa paligid ng buong mansion . Natatakot Siya baka bigla nalang darating at nakasunod sa kanya Ang Mayordoma. "Mandng lareta! Manang Fatima! Manang Perla! nasaan ba kayo!?" Muling tawag ni Anna sa mga katulong . "Ma'am Bella.." Tawag ng mahinang tinig na biglang lumabas mula sa Isang kuwarto ng mga katulong malapit sa kusina. Nilingon agad ni Anna Bella and Isang katulong na tumawag sa kanya At nang Makita ang katulong na tumawag sa kanya buhat sa Isang kuwarto ay nagmamadali siyang lumapit rito at pumasok kaagad roon. Nasa kuwarto Pala ang mga ito, nagtatago roon at nang locked upang di Sila Makita at di Sila mapasok ng mayordomang na posses. Nanginginig pa siya nang siya'y makapasok na sa loob ng kuwarto ng mga katulong. "Salamat ma'am! At walang nangyaring masama Sayo.." wika Naman ni Perla. "Muntik na talaga, tulongan niyo Ako! Papatayin daw talaga Ako ni Lola ambrosia!!" Nanginig na sumbong ni Anna. "Tama po kayo ma'am, nakita namin ang mga mapupulang niyang mga mata na talagang handang pumatay ng tao!" Sang- ayon Naman ni Perla. "Bakit ka ba papatayin ni madam Ambrosia ma'am bella? hindi namin maintindihan." Sabi Naman ng katulong na si Fatima. "Ha, eh, h-hindi ko alam kung bakit ." Tugon Naman niya. Hahaba pa Ang storya kung iku-kuwento niya sa mga ito ang lahat . "M-manang sino ang mga pumasok rito na nasambit sa akin ni Lola ambrosia?? May mga pumapasok daw dito at naghahanap sa nagngangalang Anna!." Tanong ni Anna. "Ay oo ma'am, tama! May tatlong pumasok dito! Dalawang lalaking guwapo at Isang babaeng medyo maganda din Naman! Napalaban Sila sa mayordomang na posses ng kaluluwa ni madam ambrosia, Hindi na namin alam kung nasaan Sila ngayon nagtatago Basta nandito pa Sila sa loob ng mansion at Hindi pa Sila nakakalabas!" Ang Sagot ni Fatima. Magsalita pa sana si Anna nang biglang may malamig na hangin Ang kanilang naramdaman. "Ano yun? Ang lamig naman ng hangin! parang giniginaw agad ako.." Wika ni Lareta. Nakita at napansin agad ni Anna ang biglang pag galaw ng malaking salamin sa loob ng kuwartong iyon! Agad siyang kinabahan at naisip si madam ambrosia. "Bakit ma'am??" Takang tanong ng mga katulong nang makitang medyo namutla si Bella. "Gumagalaw ang malaking salamin tingnan niyo!" Mahinang Sagot ni Anna sabay nguso sa salamin. Tiningnan naman ito ng mga katulong at timing din ang biglang paglabas ng parang kalansay na Mukha ng matandang mangkukulam sa malaking salamin. "Ahhh!!" Sabay sigaw ng mga katulong dahil sa labis na pagkagulat sa nakita. "Nandito si Lola!! Lumabas tayo dito!" Ang Sabi ni Anna at mabilis na binuksan ang pintuan upang makalabas kaagad. sumunod baman sa kanya ang mga katulong! Nagkagulong lumabas silang lahat sa kuwarto at nagtungo sa malaking Salas ng mansion.natigil Naman silang lahat si Anna nang Makita at maabutan sina Sam, Lisa at Edmund roon sa Salas! At naroon na din si Yassy! "Sam!? Lisa!? Edmund?at bakit ka nakalabas Yassy, ha!? Tinulongan kaba nila!?" Galit na tanong ni Anna Kay Yassy. "Syempre bella! Asawa Ako ni Sam at Hindi niya Ako matitiis! Kaya nga Sila pumasok dito para iligtas Ako!! Ganoon Ako ka mahal ni Sam!!" Nagpapainggit na wika ni Yassy. Hindi na pinansin nila Sam ang mga sinasabi ni Yassy . "Hayop ka Miss Bella! Pagbabayaran niyo ang lahat na ginagawa niyo Kay Anna!! Pinatay niyo si Anna!" Galit na sumbat agad ni Sam . Namangha si Anna sa narinig. "B-bakit!?" Naitanong ni Anna. "Alam na namin ang tinatago mong baho Ma'am Bella! Tinulongan mo pala kami dahil may melagro pala kayong ginawa ng Lola mo sa kapatid Kong si Anna!" Sabad naman ni Edmund. "H-hindi totoo yan!" Namutlang Sagot ni Anna. "Hindi mo na maikakaila pa dahil nakita na namin ang bangkay ni Anna sa loob ng kabaong! Dito sa loob ng mansion na ito! Nasa 3rd floor niyo Siya itinago! Mga hayop kayo!" Nag aapoy ang mga mata ni Sam na sigaw nito Kay Bella. "At Hindi lang yun! Balak na Naman ninyong bibiktimahin si Yassy tulad sa nangyari Kay Anna!" Dagdag ni Sam. "Masama ka Bella!! Dapat kang makulong!!" Sabi pa ni Yassy. "Ma'am Bella, Anong mga pinagsasabi nila?? Totoo ba Ang aming narinig Mula sa kanila?" Tanong Naman ni aling Perla. "H-hindi!! Hindi niyo pa alam ang buong kuwento kaya huwag niyo agad aKong husgahan Sam, Edmund!!" Umiiyak na wika ni Bella. "Huwag niyong pakikinggan ang kasinungalingan ng babaeng iyan Sam!" Sigaw pa ni Yassy. "Ahh ganoon!" Ani Anna at nilapitan si Yassy at hinila ang buhok. "Sam!! Tulong!" Sigaw ni Yassy. "Sawang- sawa na Ako Sa'yo Yassy!! Sawang- sawa na Ako sa kasamaan mo!!" Gigil na wika ni Anna at pagkatapos sinampal nito ng malakas si Yassy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD