CHAPTER 41

1540 Words
"Walang hiya ka! Akala mo Hindi kita lalabanan! Gigil na din Ako Sayo sa lahat na mga ginawa mo sa akin Bella!" Sigaw pa ni Yassy at akmang gagantihan nito si bella ng Isang malakas na sampal. Ngunit sa sobrang panggigil din ni Anna ay sinalubong niya ito ng Isang malakas na tadyak kaya natapon si Yassy at sumasadsad ang Mukha nito sa sahig. "Arrayy!! Hayop ka!" Si Yassy. Hindi pa nakabangon si Yassy ay mabilis Naman itong nilapitan agad ni Anna at hinila ang buhok patayo. pagkatapos ay binigyan ulit ng mag asawang sampal sa magkabilang pisngi! Muling napahandusay si Yassy sa ginawa sa kanya ni Anna. q"Kulang pa iyan kung tutuusin Yassy! Sa lahat ng ginawa mo sa akin!! Pagkatapos ay ipapahamak mo ulit Ako ngayon!? Gusto mong makulong Ako, ganoon!?" Sigaw ni Anna sa Galit. Punong Puno na si Anna, Hindi nga niya kayang ipagahasa ito dahil naawa Siya rito pero heto masama parin ang ugali ng babaeng ito! Ang lahat ay nanonood lang sa ginawa ni bella. Tumayo si Yassy at sumugod Kay Anna. Kaya mabilis namang sinalubong muli ito ni Anna at hinila agad ang buhok nito. Si Yassy Naman ay hinablot din ang buhok ni bella. "Dapat lang na makulong ka sa kasamaan mo! Tingnan mo Sam, kung gaano ka demonya Ang babaeng ito! Ito ba Ang uri ng babaeng gusto mong ipalit sa akin!? " Wika pa ni Yassy habang patuloy na nakikipagsabunutan Kay Anna bella. "Ang kapal talaga ng Mukha mong magsalita ng ganyan!" Galit na Galit na si Anna at mas hinigpitan pa ng maigi Ang pagkahahawak nito sa buhok ni Yassy. at sa Galit niya ay dinaig niya ang pwersa ni Yassy at akmang ingudngod na niya ang Mukha nito sa sahig. "Sam!!! Help me! Awatin mo Ang babaeng to! Tandaan mo,pinatay nila si Anna!!" Sigaw pa ni Yassy. Mabilis Namang lumapit si Sam at inawat si Bella Mula Kay Yassy. "Tama na miss bella! Ipinapakita mo lang talaga ang kasamaan mo!" Singhal ni Sam. At nahila nga ni Sam si Yassy Mula Kay Anna. Yumakap Naman ng mahigpit si Yassy Kay Sam at humahagulhol ng iyak. "Sam!! Ilayo mo Ako sa babaeng Yan!!" Sabi pa ni Yassy. "Sige, Dalhin mo na yang babaeng yan! Magsama kayo Sam!!" Galit na Singhal ni Anna. "Kayo ang magsama ni Yassy sa kulongan ma'am Bella! Pagbabayaran niyo Ang ginawa niyo Kay Anna!" Galit ring ganting sigaw ni Edmund. Kinalas ni Sam ang mga yakap ni Yassy sa kanya. At matiim ang mga tinging nilapitan si bella. "Napakasayang miss bella.. sa taglay mong kagandahan ay nakakubli Pala ang iyong kasamaan! Kaya dapat lang na pagbayaran niyo Ang lahat na ginawa niyo Kay Anna !! Malinaw ang ebidensya at napakatibay nito dahil dito MISMO nakikita sa mansion niyong maglola ang bangkay ni Anna!!" Ani Sam at parang gusto nitong saktan si bella dahil sa Galit nito. Pero nagpipigil lang si Sam sa sarili nito. Nagalit si Anna. Imbis na ipagtapat niya ang tungkol sa kanyang totoong pagkatao ay nainis Siya at di nalang niya iyon sasabihin. Di Nila alam lahat na sekretong ginamit ni Lisa ang cellphone ni Sam at dumistansya sa mga nag aaway at tumawag ng mga police. "Okay, Sige sir.. maghihintay po kami.." Ani Lisa at tinapos agad ang tawag. Si Edmund Naman at di rin nagpapaawat lumapit din ito Kay Bella. "Naniwala kaming isa kang mabuting tao dahil sa kabutihang ipinakita mo saamin at sa mga tulong na ginawa mo ma'am bella. pero nadismaya Ako ngayon sa lahat na aming nalalaman!!" Madilim ang anyong wika ni Edmund. Gusto na ring umiyak si Anna at yakapin ang kapatid. pero natatakot siyang baka di Siya maiintindihan nito kung sakaling sabihin niya sa mga ito kung sino siya talaga. Biglang natigil ang lahat nang Isang malakas na kalampag ang kanilang narinig at sinabayan iyon ng Isang medyo malakas at malamig na hangin. "Ma'am Bella!! Nandito na Naman ang Lola mo!!" Gulat na wika ni aling lareta. Kapwa nanlaki ang mga mata Nina Sam, Edmund at Lisa nang medyo lumakas pa ang hangin at nakita nilang lahat ang mga malilit na kagamitan sa loob ng mansion na nakalutang na sa hangin. "Ahhhhh!!" Sabay- sabay halos na sigawan ng mga kababaehan-sina Lisa,Yassy, at Anna, at Ang mga katulong. Sina Sam Naman ay nanatiling namilog ang mga mata habang nakatingin sa mga lumulutang na kagamitan sa hangin. "Edmund! May demonyo talagang nakatira sa mansiong ito!" Sigaw ni Sam. "Lola! Huwag! Tantanan mo na Ako! Pagod na pagod na po Ako!!" Sigaw na iyak ni Anna. Isang malamig na boses ng Isang matandang humalakhak na sumakop sa buong paligid sa loob ng mansion.at ang halakhak na iyon ay parang Isang halakhak nga ng demonya. Nagkayakapan ang mga katulong ng mansion dahil sa takot at si Yassy Naman ay muling yumakap ng mahigpit Kay Sam at si Lisa ay napakubli sa likod ni Edmund. Nanginginig si Anna na nilibot ang paningin sa paligid.at kung saan nagmumula Ang masamang halakhak ng matandang mangkukulam.Pero Wala siyang nakita, tanging mga maliliit lang na kagamitan Ang nakita nilang lumutang at naka angat sa ere. "Akin na Ang katawan ng aKing apo.. Kukunin ko na iyan Mula Sayo.." anang Isang boses ng matandang babae na nag echo sa buong paligid. "Hindi.Mommy!! Daddy!! Tulongan niyo Ako!!" Pagsisigaw ni Anna. Naisip niyang baka makinig Ang masamang kaluluwa ni madam ambrosia kung pakikiusapan ito ng anak nitong si Frederick. Mas Lalong nagulat Ang lahat nang ihahagis sa kanila ang mga kagamitan kasabay ng muling paglakas ng hangin. Binato Sila ng mga kagamitan kahit walang taong gumawa niyon. "Ahhjhh!!" Pagsisigawan ulit ng mga kababaehang naroon. Pati si Anna ay tarantang napacover sa likud ng upuan habang binato Sila ng mga Iba' t ibang kagamitan sa loob ng mansion. ganoon din sina Sam at edmund. at si Yassy ay parang lintang napakapit Kay Sam at di humiwalay. "Edmund, Lisa! Mag ingat tayo!! Mapapalaban na Naman Tayo sa isang masamang kaluluwa sa loob ng mansiong ito!!" Sigaw Naman ni Sam habang napa cover din sa likud ng malaking sofa kasama si Yassy. "Sam!! Mamatay Ako nito sa takot!!" Nangangatog pang wika ni Yassy. "Hahahahahaha!!" Halakhak ng Isang masamang boses ng matandang babae na dinig na dinig sa buong mansion na walang iba kundi ang kaluluwa ni madam ambrosia. at walang tigil ang paghahagis ng mga kagamitan. bawat mga gamit na babasagin ay nawawasak at tumatalsik iyon kapag ito' y tumama ng kung saan - saang sulok ng malaking Salas ng mansion. Umiyak ng umiyak si Anna at naiisip niya ang kanyang nakakatandang kapatid na lalaki. baka mapahamak ito, kawawa ang pamilya nito! At pati na ang kaibigang si Lisa. "Umalis na kayo Edmund, Lisa, Sam!!! Mapapahamak kayo dito! Umalis na kayo ngayon din!!" Pagsisigaw ni Anna at umiiyak. Nagtataka namang tiningnan Nina Lisa , Edmund at ni Sam si Bella na lpinagtatabuyan Sila paalis upang di Sila mapapahamak. "Ano pang hinihintay niyo!? Lumayas na Kayo! Mapapahamak kayo rito!" Halos mawala na ng boses na pagsisigaw ni Anna. "Pero ma'am bella, naka locked ulit ang pintuan! Nasa mga magulang mo ang susi!" Nanginginig namang Sagot ng Isang katulong. "Ano!!?" Ani Anna. At mas Lalong nagtitili ang mga babae nang biglang lumitaw si madam ambrosia sa gitna ng malaking Salas ng mansion! Isang matandang buto't balat nalang sa sobrang payat. at may malalim na mga mata na mukhang ino- uod na iyon! At idagdag pa ang mga Patay na dugong nagkalat sa Mukha nito at ang mga kulot at tumatayong mga buhok nito sa ulo! Nakasuot ito ng Mahabang bestidang kulay itim! "Jusko! Edmund, Sam!! Huwag niyo akong pabayaan!" Sigaw sa takot ni lisa. Mangha sina Sam sa nakikita! "Sam, itago mo Ako!!" Si Yassy Naman na parang nawawala sa sarili sa nakikita. "Lola!! Huwag mong idamay Ang mga nandito!! Oo, susuko na Ako Sa'yo!! Isusuko ko na itong katawang ito!!" Umiiyak na wika ni Anna. "Hahahahaha!! Dapat lang! Dahil Hindi ka tumupad sa mga bilin ko Sayo!! Ngayon, Kilala mo na Ako kung Ano Ako pag magagalit!!" Anang masamang tinig ng boses ni madam ambrosia. at biglang natigil ang pagbato sa kanila ng mga kagamitan. "Edmund, Siya Ang matandang mangkukulam na grandmother ni Miss Bella! Patay na Siya pero heto at nagpapakita Siya! Siya Pala ang masamang kaluluwang pumasok kanina sa mayordoma!" Wika ni Sam Kay Edmund. "Sige!! Nandito na Ako.. kunin mo na lang Ako! Dahil kahit kailan ay di ko kayang i-alay sa kadiliman ang kapatid ko! Dahil Wala ito sa usapan natin noon!!" Patuloy na pag- iiyak ni Anna. "Hahahaha!! matigas lang talaga ang ulo mo at hindi mo iniisip na Ang laki ng naitulong ko saiyong pamilya at Lalo na sa pagkatao mo!" Malakas ang boses na wika ng kaluluwa ni madam ambrosia. Nalilito sina Sam , Lisa at edmund sa narinig na pag- uusap ng masamang kaluluwa ni madam ambrosia at ng apo nitong si Bella. "Kunin mo na nga Ako!! Total makukulong lang Naman Ako! Kaya kunin mo na Ako!! Gusto ko nalang ding mamatay!! Ayoko na, sawang- sawa na Ako sa mga nangyayari sa Buhay ko!!" Hagulhol na iyak ni Anna. Gusto na niyang sumuko sa mga pagsubok ngayon sa kanyang buhay. Masyado nang mabigat para sa kanya Ang mga Nangyayari ngayon sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD