CHAPTER 13

1527 Words
" Alam ko ang lahat Yassy! Sinabi nila sa akin ang lahat! Kaya kung masama ang pag -uusapan ay Wala lang Ako sa kalingkingan mo. Kaya huwag kang magmalinis!" Dagdag na Saad ni Anna. Namula si Yassy. "Napaka intregera mo palang pagkatao Bella. huwag mong panghihimasukan ang problema ng ibang tao! Labas kana doon! Hali ka na Sam, uuwi na tayo! Nawalan na Ako ng GANA pa sa partyng ito!" Ani Yassy para makaiwas sa topiko. Habang hinila ni Yassy si Sam ay saglit pang nilingon ni Sam si Bella. Naiwang nag isa si Anna at napangiti Siya. " Sisirain ko ang pagsasama niyo ni Sam Yassy at isa-isahin kong sisingilin ang lahat ng mga kasalanan mo Sa aakin.." Mariing wika ni Anna. Di nagtagal ay bumalik na rin si Anna sa kanyang mga bisita. Maghahating gabi na kaya unti unti nang umuwing ang mga kaibigan at kakilala ni Bella. At nagpasya na rin siyang papanhik at magpahinga na rin sa kanyang kuwarto total ay mga kaibigan nalang ng mommy ni Bella Ang naroon at nakipag- inuman pa sa mga ito si Mrs. Amanda Gatchalian. Kinabukasan ay mataas na Ang sikat ng Araw ng makagising si Anna dahil sobrang napupuyat Siya sa kanyang party kagabi. At Hindi parin mawaglit sa isipan niya ang pagtatalo at pagpalitan nila ng maanghang na salita ni Yassy. Pagkatapos niligpit ni Anna ang kanyang hinigaan ay lalabas na sana Siya nang may biglang kumatok sa kanyang kuwarto. Binuksan nalang niya iyon agad. Nabigla pa Siya nang si madam ambrosia ang kanyang nabungaran sa labas ng pinto. " L-lola! G-good morning!" Nabiglang sambit at pagbibigay galang niya rito. " Good morning too. kumusta kana dito Anna Bella?" Tanong ng matandang mangkukulam. " okay lang naman po Ako dito Lola, halika pumasok ka muna sa loob .." Aniya naman rito. Pumasok Naman kaagad ito at nililibot nito ang mga tingin sa buong kuwarto ng apong si Bella. "Mabuti Naman kung ganoon at nasanay kana Bella.." Anitong at tumingin sa kanya. " Lola, Akala ko ba nag- iisang apo lang si Bella? Meron ka pa palang Isang apo, si Yassy.." ang Sabi niya rito. "Si Yassy? No, hindi ko Siya tunay na apo. adopted daughter lang Siya ng aming anak na si Alfredo, ang Kapatid ni Frederick na namatay sa car accident.." Malungkot na Sagot ng matanda. Namangha si Anna sa katotohanang Hindi Pala totoong anak si Yassy ng mga Gatchalian. "G-ganoon po ba.." Ang tugon ni Anna. " Anna Bella, Nangako Ako Sayo na bibigyan din ng magandang buhay at ang iyong pamilya dahil sa kasunduan natin. at tutuparin ko ang pangakong iyon.." Anang matanda. Ang Hindi alam nito na tinulongan na niya kaagad ang kanyang tunay na pamilya Mula sa kahirapan. "S-salamat Lola.." "Tanggapin mo itong sobre, isang cheque yan na may lamang malaking halaga. Five Million lang Naman Ang ng sobre na iyan, ibibigay mo iyan sa mga magulang mo, Wala na akong pakialam pa sa personal na itinulong mo sa kanila ngayon, ang importante na tumupad Ako sa ating kasunduan. At sana ganoon ka rin Anna, kailangang Hindi nila malalaman ang mga sekreto natin. naiintindihan mo ba?" Anang matandang mangkukulam. "O-opo Lola.." Napahalakhak ang matandang mangkukulam. " Ikaw ang nakatakdang taga pagmana ng lahat ng aKing kayamanan at Ari-arian Anna Bella at higit sa lahat sa aKing kapangyarihan- ang pagiging mangkukulam ! Hahahaha!!" Kinilabutan si Anna sa huling sinambit sa kanya ng matandang mangkukulam. Samantalang sina Sam at Yassy ay nag -aaway parin tungkol sa nakikita ni Yassy sa comfort room kagabi sa party. " Ayoko nang lumalapit ka pa Kay Bella Sam! Mula nang Makita ko ang eksenang pang aakit niya Sa'yo kagabi ay Hindi na Ako magbibigay kumpyansa pa sa pinsan ko! " Sabi ni Yassy. "Okay, okay! Kung iyan ang ikakatahimik mo! Kaya pwedi ba, tumigil kana. At sana ngayon Naman Yassy, ay sasagutin mo ang tanong ko, bukod sa pinabugbog mo si Anna, at pinalayas mo Sila at pinasira mo ang Bahay nila, Ano pa ang mga masasamang ginagawa mo Kay Anna? malalim Kong iniisip Kong Ano pa ang ginagawa mo sa kanya!" Matigas ang salitang tanong ni Sam sa Asawa. " W-Wala na akong ginagawa pa sa kanya! " Sagot Naman agad ni Yassy. "Sana nga Yassy! Sana nga Wala kanang ginagawa pang kasamaan sa kanya!" "Ahh..ganoon, huwag mong Bigyan ng dahilan Sam upang makuha itong anak mo sa sinapupunan ko, dahil sa pananakit mo ng damdamin ko!" Ani Yassy na gigil na gigil dahil parang dalawa na ang karibal niya ngayon sa kanyang Asawa,si Anna at ngayon Naman ay ang Pinsang si bella. " Lint*k! na Annang iyon! kahit Wala na Siya ay nagiging karibal ko parin ang mga alaala niya Sayo Sam! I really hate her! Kung pwedi palang papatayin ko ang alaala niya ay ginagawa ko na iyon! Bwes*t!" At Hindi na pinakinggan pa ni Sam ang mga pagtatalak at bulyaw ni Yassy. tinalikuran na niya ito. "Sam! Huwag mo muna akong tatalikuran, Hindi pa Ako tapos! " Gulat na sigaw at tawag ni Yassy. " Yassy..Ano ba, pwedi bang e relax mo lang ang sarili mo?" Anang mommy ni Yassy. "Mommy, Galit Ako mommy. Galit Ako sa alaala ni Anna na hindi mawawaglit sa isipan ng Asawa ko, at pati si Bella ay dumagdag pa ngayon sa pagiging kontrabida sa Buhay ko,!" Ani Yassy sa Ina. " Dapat pag-usapan niyo ni bella ng mahinahon ang problema niyo iha. Hindi makakatulong sa atin Kong kakalabanin mo Siya. Alalahanin mo, pera niya ngayon ang ginamit ng kompanya ng Daddy mo upang maibabalik ang Maraming stock na mga items na nawawala sa kompanya. Upang Hindi ito tuloyang ma bankrupt. Paano nalang pag sisingilin ka niya talaga sa malaking halagang nahiram natin sa kanya.." Nag+aalalang tanong ni Mrs. Faye Gatchalian. " I don't care!! Susubukan niya lang talaga Ako mommy! Lalabanan ko siya! Kahit sino pa Siya!" Matapang na Saad ni Yassy sa Ina. Samantalang sa pamilya ni Anna ay Masayang itinulak nina Carmen at ng bunsong si lara ang wheel- chair ng ama nila sa labas ng malaking Bahay nila na Hindi pa natatapos at patuloy pang pinapanday ito. Magaan ang loob at maligayang pinagmamasdan ni Mang doro. Ang malaking Bahay nilang patatapos na dahil Hindi ito patitigilan ni Miss Bella sa pagpapanday hangga't Hindi pa daw ito matatapos. Pati na ang mga Bahay ng mga anak nilang lalaking may mga pamilya na ay patatapos na rin ang mga Bahay ng mga ito. Pina deliveran oa Sila ni Miss bella ng mga kumpletong gamit at appliances para sa Bagong Bahay nila. Katatapos lang din ni aling Wella sa pagluluto para sa umagahan ng mga nagpapanday sa kanilang malaking Bahay. At pati na rin sa kanilang umagahan, lumapit si aling Wella sa kanyang Asawa at anak na si Carmen. "Carmen.. papasok na Tayo sa loob, ako na ang magtulak sa wheel -chair, ang tatay mo,nakahanda na ang pagkain sa mesa. at papatigilin ko na rin ang mga panday para sa ating umagahan.doro, kiumain na tayo.." Sabi pa ni aling Wella. Nakita ni aling Wella na biglang nalungkot ang asawang si Mang doro. " oh,bakit doro? Kanina lang nakikita ko ang kasiyahan sa hitsura mo at ngayon Naman ay bigla kanalang nalulungkot.." Ani aling Wella sa Asawa. "Naiisip ko lang bigla ang nawawala nating anak na si Anna ,wella. Para bang ang naangkin nating de Buenas sa Buhay ngayon ay kapalit ng pagkawala ni Anna sa Buhay natin. At ginamit lang si miss Bella para sa magandang kapalaran ng Buhay natin.." malungkot na Sabi ni Mang doro. Biglang nawaglit din ang kasiyahan sa mukha ni aling Wella. "Masasaktan lang Tayo doro kapag lagi nating iisipin si Anna..kaya sana iwasan nalang nating isipin ang nawawalang anak natin.." Ani aling Wella na nagbabanta na rin ang mga luha sa mga mata. " Sana nandito si ate Anna,para lubos na po ang kaligayahan ng pamilya natin nay, tay.." matabil na Saad Naman ng bunsong si Lara. " Napakabait ni Ma'am Bella Gatchalian..hulog Siya ng langit sa pamilya natin.. parang na feel ko po Tay. At naramdaman ang presensya ni ate Anna sa pagkatao ni Ma'am Bella.." Sagot naman ni Carmen. " Oo nga po ate Carmen, gusto ko nga pong tawagin Siya ng ate,pero nahihiya po Ako sa Ganda niya at pagiging sikat at mayaman niya ..pero nagpapasalamat parin po Tayo Kay Lord kahit nawala si ate Anna ay pinadala niya Naman sa atin si Ma'am Bella na sobrang bait po sa atin.. "Nakatulis ang ngusong wika ulit ni Lara. "Umaasa parin Ako Wella na Buhay pa ang ating anak..at babalik pa Siya sa atin.." naluluha nang wika ni Mang doro. Lahat ng Kapit Bahay ay sobrang nagtataka kung bakit ganoon nalang ang pagtulong ni Miss Bella Gatchalian sa pamilya Sebastian. Nang makadalaw Naman si Sam sa probinsya nila ay lihim itong natutuwa sa pagtulong ni Miss Bella sa pamilya ni Anna. "Ano bang nakakain ng pinsan ng asawa mo Samuel?tingnan mo nga ,abot Hanggang tainga ang nga ngiti ng pamilya ng dati mong Kasintahan dahil sa malaking tulong na ginawa sa kanila ni Miss Bella Gatchalian.." Ang Sabi pa ni aling Rosa na mukhang naiinggit sa pamilya ni Anna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD