CHAPTER 14

1490 Words
" Nay, naaawa lang talaga siguro si Miss Bella sa sitwasyon ng pamilya ni Anna kaya ganoon nalang ang pagtulong niya. at may magandang kalooban din si miss bella at humanga Ako sa kanyang ginawa,nasa sa kanya na ang lahat na katangiang hinahanap ng Isang lalaki .." napangiting wika ni Sam Lalo na nang maalala ang mga pang aakit sa kanya ni miss bella. Pero nawaglit agad ang mga ngiti ni Sam nang maalala si Anna. " Sana Babalik na si Anna sa kanyang pamilya nay,kung nasaan man Siya ngayon at natitiyak Kong matutiwa Siya sa nangyari sa kanyang pamilya ngayon.." dagdag pa ni Sam. "Anong Sabi mo? Hanggang ngayon ba ay iniisip at umaasa ka paring buhay pa si Anna? Malapit ng mag iisang taon ang kanyang pagkawala Samuel! Jus MiO! " Galit na Saad ni aling Rosa. " Nay, babalik si Anna. Para sa akin ay Hindi pa Siya Patay dahil walang bangkay ni Anna ang nakikita,kaya malaking posibilidad na Buhay pa Siya at babalik pa Siya nay .." Ani Sam sa Ina. Namaywang si aling Rosa. "At kung sakaling Buhay nga Si Anna. ehh Ano ngayon Sa'yo Sam? Hoy, may Asawa kana Samuel! Bakit si Anna parin ang nasa isipan mo! " Singhal pa ni aling Rosa sa anak. Natahimik si Sam. Lingid sa kaalaman ng pamilya ni Sam ay lihim niyang pinaiimbistigahan sa mga police ang pagkawala ng dating Kasintahan at kung Ano ang totoong dahilan ng pagkakawala nito. Sekretong umalis si Sam para pupuntahan ang mga police na nag iimbistiga sa pagkawala ni Anna. " kumusta ang imbistigasyon sir sa paghkawala ni Miss Anna Sebastian? May balita na ba..?" Tanong at usisa ni Sam sa mga police. "Mr. Sam Sandoval,may bago kaming impormasyon nalalaman tungkol Kay anang Isang Senior police officer 1. "Ha? Ano Yan sir..?" Excite na tanong ni Sam. "May kinalamam ang kaibigan ni Miss Anna Sebastian na si Lisa Montez sa kanyang pagkawala.." Ang Sagot ng police. Nanlaki ang mga mata ni Sam sa narinig. "Bakit niyo po nasabi 'yan sir?" Matigas ang anyong tanong ni Sam. "Base in our invistigation Mr. Sandoval, may nakakita sa magkaibigang si Miss Anna at Miss Lisa na sumakay ng Bus sa lungsod at kinahapunan ay nag- iisa nalang si Miss Lisa Montez na umuwi at Hindi na niya Kasama si Miss Anna Sebastian.." anang SpO1. "What??" Galit Ang tinig na sambit ni Sam. "Yes, Mr. Sandoval. at sa patuloy na pag iimbistiga namin sa Kasong ito ay napag- alaman naming nagpupunta ng Araw na iyon sina Miss Lisa Montez at si Miss Anna Sebastian sa Santa Barbara. At iyon pa ang Hindi namin alam kung Ano ang ginagawa nila sa Santa Barbara ng Araw na iyon..kaya kailangan naming pupuntahan ngayon si Miss Lisa Montez para sa Isang imbistigasyon,dahil isa Siya sa suspect ng pagkawala ng kanyang kaibigan.." Mahabang detalye ng Senior police officer 1. "Hindi,bakit nagawa ' to ni Lisa sa kanyang kaibigan.?.kung totoo ngang hinala natin na may kinalaman talaga Siya sa pagkawala ni Anna?" Galit na wika ni Sam. Samantalang Balik Naman sa pamilya ni Anna. Muling na so- sorpresa ang pamilya ni Anna sa biglang pagdating ni Miss Bella Gatchalian.at nagpapaluto at nagpapahanda ng kunting salu- salo si Miss Bella sa pamilya Nina Anna.masayang nagtutulongan Naman ang Ina ni Anna at ang mga Asawa Nina Edmund at Roy na mga kapatid ni Anna sa pagluluto para sa kunting salu- salo na request ni Miss Bella.araw iyon ng sabado kaya Walang nagpapanday sa kanilang malaking Bahay na ipinagawa ni miss Bella. Habang nagluluto si Aling Wella ay sekretong binulongan ito ng anak na si Carmen at ipinatatawag ito ni Miss Bella sa loob ng kanilang bahay.naroon Naman ang iilang Kapit- Bahay Nina Aling Wella at nakitulong sa paghahanda. Pumasok si aling Wella sa loob ng bagong Bahay nila at naabutan nito sina Miss Bella at ang asawang si Mang doro na mahinang nag- uusap. " oh,aling Wella.. Hali ka.." Ani Anna nang mapansing naroon na ang kanyang inang si aling Wella. " Bakit Ma'am Bella?" Parang kinakabahang tanong ni aling wella. parang seryoso Kasi ang pag- uusapan nila ngayon kung Ano man ito. "Maupo ka dito sa tabi ko Wella,may kailangan sa atin si Ma'am bella.." Ang Sabi ni Mang doro sa Asawa. Naupo Naman si aling Wella sa tabi ng Asawang si Doro. "Kailangang Hindi niyo ito ipagsasabi ng kahit na sino ang ibibigay ko sainyo ngayon..aling Wella at Mang doro.. except lang sa mga anak niyo.." seryosong Saad ni Anna. " B- bakit po ma'am,Ano pong ibibigay niyo sa amin?" Tanong pa ni aling Wella. Kinuha ni Anna ang malaking puting sobre sa bag at ibinigay sa mga magulang. "A-ano ito ma'am Bella?" Nagtatakang tanong ni Mang doro. Nagkatinginan Ang mag-asawa. "Cheque ang laman ng sobreng iyan..na naghahalagang five million pesos.." Sagot ni Anna. Kapwa nagulat ang mag- asawang Wella at doro sa narinig Mula Kay Miss Bella. "Ano ho ma'am? Cheque?? five million pesos?? Anong purpose po ninyo sa ganyan ka laking halaga ma'am bella?" Gulat na gulat na wika at tanong ni Mang doro. Si aling Wella ay Hindi nakaimik. "Ibibigay ko po sa Inyo iyan. Maagnegosyo ka aling Wella at ang mga anak mo.." Sagot ni Anna. " P-pero maam, bakit mo ito ginawa? Sobra- sobra na ho ang tulong niyo sa aming pamilya.." Di maka paniwalang tanong ni aling Wella. "Natatakot na kaming tanggapin ang halagang iyan ma'am.." Nanginginig ang katawang wika din ni Mang doro. "Hindi namin alam kung bakit ganito nalang ka laki ang itutulong mo sa amin.." Naiiyak na Saad ni aling Wella. " Huwag kayong mag- isip ng masama.tanggapin niyo po ito. Ang halagang ito -ang tuloyang magpapabago ng takbo ng inyong pamumuhay .." aniya sa mga magulang. "Ma'am Bella, Ano ba talaga ang dahilan kung bakit ganito nalang ang pagtulong mo sa amin? Sana ma'am.. hindi kasamaan ang mapupuntahan ng pamilya namin dahil sa mga tulong mong ito. " Di talaga mapalagay na wika ni mang doro. Mahirap paniwalang bibigyan Sila ng Cheque ni Miss Bella Gatchalian na may ganoon ka laking halaga. "Promise, walang Mangyayari sainyo ni aling Wella at Mang Doro.." Pangako pa ni Anna sa mga magulang. Nanginginig ang kamay na tinanggap ni aling Wella ang sobre. Masayang nagkayakapan ang mga magulang ni Anna dahil sa halagang five million pesos sa loob ng sobre. Nakahanda na ang malaking mesa sa labas ng Bahay Nina Aling wella. Sinadya nilang sa labas ihanda ang mga pagkaing pagsasaluhan nilang lahat dahil sariwa at Kay sarap ng hangin roon. Ipinatawag Naman ni Miss Bella ang malalapit na kaibigan ng pamilya nila. Kaya dumating Naman roon sina Lisa at ang Ina ni Lisa na si aling Mona. Natuwa nanan si Anna nang Makita ang kaibigan. " Lisa! Kamusta!?" Di napigilang bati at sambit ni Anna. Nagtataka Naman ang lahat na napatingin Kay Miss Bella dahil sa tono ng pangungumusta nito ay parang kilalang Kilala niya si Lisa na kaibigan ni anna.pati sina Lisa at aling Mona na Ina nito ay nagtatakang napatingin Kay Miss bella.napansin Naman iyon ni Anna at ang kanyang pagkakamali. "Ay sorry, pasensya sa lahat Lalo na Sa'yo Lisa,siguro nagtataka kayo sa inaakto ko. Natuwa lang talaga Ako sa Inyo dahil sa kaalamang isa kayo na tumulong sa pamilya Sebastian sa panahon ng kagipitan nila.." Explain pa ni Anna. Nawala Naman ang pagtataka agad ng lahat at napalitan ng katuwaan. "Nakakahiya naman po sainyo ma'am Bella.." Sagot pa ng kaibigang si Lisa. " No, huwag kang mahiya. Simula ngayon, ituturing mo na rin aKong kaibigan..at huwag kayong mag- alala,isusunod ko ang pagtulong sa pamilya niyo Lisa.." pangako pa ni Anna. Nagliwanag Naman ang Mukha ng Ina ni Lisa na si aling Mona. " salamat po ma'am,napakabuti niyo po sa amin ."Ani Lisa Kay Bella. "Oh Siya,Sige na! Kumain na Tayo.." masayang wika ni aling Wella. Naroon na rin si Mang doro na sakay sa wheel-chair nito na tulak- tulak ng anak na si Carmen. " Salamat ng marami ma'am bella,isa ka pong ilaw na biglang dumating sa pamilya namin.." anang Panganay na kapatid ni Anna na si Edmund. At nag- e enjoy ang lahat sa masasarap na mga putaheng ipinaluto ni Anna.masaya silang lahat na Kumain kasama sa iilang Kapit-bahay Nina Anna. Sa gitna ng kainan at salu-salo nila ay biglang dumating si Sam Kasama ang dalawang police. Nagulat ang lahat sa pagdating ng dalawang police na kasama si Sam. "Magandang tanghali sa lahat.." Pagbibigay bibigay galang ng mg police. Tumayo si Anna at hinarap ang mga dumating.nabigla Naman si Sam nang makitang naroon Pala si bella sa kunting salu- salo ng pamilya ni Anna. " Miss Bella..nandito ka pala.." Ani Sam. " Magandang tanghali Naman sa Inyo mga sir. bakit? may kailangan ba kayo? Sam, Anong kailangan niyo?" Baling naman ni Anna sa kanyang dating Kasintahan. "Si Miss Lisa Montez lang ang kailangan namin ngayon upang dalhin sa presento para sa Isang imbistigasyon .." anang Isang may edad nang police.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD