CHAPTER 12

1640 Words
"Gimme and his new girlfriend are here in your party. Nagmamakaawa Kasi ang Loko na bibigyan ko rin ng invitation card ang new gf niya kaya binigyan ko nalang. total sinabi mo naman rin na nakakapag move on kana diba?" Explain at wika ni Sarah Kay Anna. " No problem about that best, it's okay for me. Akala ko kung Ano na.." Sabi pa ni Anna. Iyon nalang talaga ang paninindigan ni Anna na kunway nakakapagmove on na Siya. Keysa mag acting pa Siya na kunwari nagseselos din siya. mas mahihirapan pa Siyang gampanan ang selos style ni Bella. hay naku, mas nakakapagod iyon! " Thank you best, Akala ko magagalit ka. gusto ko na talagang maniwala na nakakapag move on kana talaga, pero grabe no, parang ang bilis mo lang Kasing nakakamove-on eehh.." Ang Sabi pa ni Sarah. "Huwag mo nang iisipin yan best, believe me okay .?" Aniya rito. Biglang namilog ang mga mata ni Sarah. "Ssshhh. paparating Sila nasa Likud mo, si Gimme at ang new gf niya.." bulong ni Sarah sa kanya. "H-huhh??" Kinabahan ring sambit ni Anna. "Hi! Good afternoon Ladies!" Bati pa ni Mr. Gimme Gonzales. Napalingon Naman agad si Anna sa mga ito. Nakita ni Anna ang alanganing ngiti sa kanya ng babaeng kasama nito. Isang simpleng babae at nagtataka si Anna. Malayo lang ito kumpara Kay Bella, ang katawang pag aari niya ngayon. " Hello.." Matipid na Sagot ni Anna. Nakatitig sa kanya Si Gimme hinagod Siya ng tingin nito Mula ulo hanngang para. " You look more beautiful now Bella, because of your simple Gown. I can't believe na magsusuot ka ngayon ng ganyan .." Puri pa ng binata sa kanya. "T-thank you.." Alanganing Sagot niya rito. "Bye the way, meet my new girlfriend. Si Miss 'Shiela Lauron. babe, si Bella.. my ex girlfriend.." pakilala pa ni Gimme sa kanya sa gf nitong bago. " Nice to meet you Miss Bella. Actually, Kilala na kita dahil famous model ka, Hindi ko alam kung bakit mas nagustohan Ako ni Gimme kaysa Sa'yo. but ..thank you for inviting us here at your party.." Ani miss shiela. "Welcome.. and enjoy my party. Gimme, good luck sa inyong DalawA ni miss shiela. and I hope.. magmamaligaya kayo sa isat- isa.." Nakangiting Sagot ni Anna. "Thank you Miss Bella.." Sagot din ng new gf ni Gimme. Si Gimme ay tahimik lang at pinag- aralan ang mga kilos ni Bella kung totoo nga bang nakapag move on na ito sa kanya. At nakita nga ni Gimme na parang okay na talaga si Bella at di ito nasasaktan. Ohh, what happened to her?? Sa laki ng pagkakagusto at pagmamahal ni Bella sa kanya, ay ganoon nalang kadaling mag move on ito??' It's impossible!! ' Sigaw ng isipan ni Gimme.. Pagabi na ng pagabi habang patuloy parin ang kasiyahan sa party ni Bella. Medyo lasing na si Anna at lalo na si Yassy. Parang nainis Naman si Sam dahil nag- alala ito sa binuntis ni Yassy. Nakaramdam ng pagkahilo si Anna habang tinungo niya ang comfort room. nagulat pa si Anna nang pagpasok niya sa loob ay nakasalubong niya si Sam! Galing din sa loob! " Miss Bella.. " Nabiglang sambit rin nito sa pangalan niya. "Oh, Sam! Ikaw Pala.." Nakangiting Sabi niya rito. Naparami na rin Kasi ang nainom niya at nagtataka Siya kung bakit parang di man lang nakainom ang kaharap niyang ex boyfriend ngayon. "Pasensya kana, Sige, maiwan na kita.." Ang Sabi pa nito. "Sandali Sam!" Pigil ni Anna. At lihim siyang napangiti. Ito na ang pagkakataong sisimulan niya ang kanyang mga hakbang sa kanyang paghigiganti Kay Yassy. Kunot-noong tumigil si Sam at lumingon sa kanya. "Miss Bella, bakit?" Pormal na tanong ni Sam. Nakainom si Sam pero hindi gaano, kaya parang Hindi lang ito nakaka apekto rito. Nilapitan niya si Sam at tinitigan. " Alam Kong napakaganda ko sa iyong paningin Sam.. nakikita ko sa mga mata mo.. sa time na titingin ka sa akin.." Ani Anna rito. Nabigla pa si Sam sa kanyang mga sinasabi. " Miss Bella, lasing kana .." mariing wika nito sa kanya. " No, Hindi pa Ako lasing Sam.. alam mo bang ngayon lang kita napapansin Sam? Ang swerte Pala talaga ng pinsan ko Sayo. bukod sa mabait kang Asawa, ang guwapo mo pa.." Ani Anna na sinadyang landiin si Sam ng mga Oras na iyon. Napatitig sa kanya si Sam. "Yes, napakaganda mo nga Bella, pero Asawa Ako ng iyong pinsan.. at isa pa, walang papalit dito sa puso ko sa dati Kong Kasintahan.." seryosong Sabi ni Sam. "Dating Kasintahan?s -sino..?" kunot-noong tanong niya rito. "si Anna.." Natawa si Anna. "Oh really?? Sam Naman! ipinagpalit mo na Siya kay Yassy at possible ring ipagpapalit mo si Yassy sa Iba " Anang hinaplos -haplos ang mukha ng dating Kasintahan! Kinuha ni Sam ang mga kamay ni Bella na humaplos haplos sa Mukha nito at inilayo iyon habang nakatitig ito sa magandang Mukha ni Bella. Para Kay Sam ay hindi mahirap mahalin ang tulad ni Miss Bella Gatchalian dahil sa Gandang angkin at pagkatao nito. "Sana Ako ang unang nakakita Sayo Sam at Hindi si Yassy, idi naunahan ko sana si Yassy sa pag- agaw Sayo Mula sa dati mong Kasintahan.." Nakangiti at pilyang Sabi ni Anna rito. " Miss Bella, tinamaan ka lang yata sa Maraming nainom mo ngayon.." Ani Sam sa kanya. Sinakyan Naman ni Anna ang mga sinabi ni Sam na Marami nga siyang nainom. napahawak Siya sa kanyang noo at nagkukunwaring nahihilo. "Miss Bella, bakit?" Nag-alala namang tanong sa kanya ni Sam at mabilis siyang inalalayan nito. "Help me Sam, Nahihilo Ako.." aniya at nagpaanggap na nanghihina. Isang matitipunong bisig ni Sam ang kanyang binagsakan. nataranta naman ito. " Miss Bella!" Sambit pa nito. 'isa ka sa mga taong nananakit ng damdamin ko Sam, kaya humanda ka rin sa paghigiganti ko Sayo,nLalo na ang asawa mo!" Sigaw pa ng isipan ni Anna habang nasa mga bisig Siya ni Sam. Aakitin at aakitin niya ito ! Hangga't tuloyang itong mahuhulog sa kanya. dudurugin niya ang puso at pagmumukha ni Yassy sa huling mga Araw ng kanyang paghigiganti! At pati na ang puso ng lalaking nananakit at nagpapaasa sa kanya. "Sam!? Bella!? Ano itong nakikita ko!?" Galit na Galit na sigaw ni Yassy na biglang dumating. Sumunod ito Kay Sam dahil nagtataka ito kung bakit natagalan ang Asawa sa comfort room. "Yassy!" Nabiglang sambit din ni Sam. Mabilis namang bumangon si Anna Mula sa mga bisig ni Sam. "I'm sorry Yassy. bigla Kasi akong nahihilo.." Kampanteng sabi Naman ni Anna rito. "Kanina pa Ako dito 'insan, at kitang kita ko ang paglalandi mo sa Asawa ko!" Humihingal sa Galit na Singhal ni Yassy. "Ganoon ba, sorry talaga Yassy. nagkasalubong lang kami ni Sam rito at nagkataon lang na nahihilo Ako dahil siguro sa maraming naiinom ko.. mabuti nalang at nariyan si Sam at agad aKong tinulongan.." Napangiting wika ni Anna rito. "Ahh, ganoon! Nahihilo ka kaya mo Hinaplos ang Mukha ng Asawa ko!? Hindi ko nagustohan ang eksenang nakikita ko Bella, at ayoko nang mauulit pa ito! Piliin mo ang lalandiin mo, yung hindi Asawa ng pinsan mo.." Namumula sa Galit na wika ni Yassy. "Yassy Tama na, pareho lang Kasi Kayo ni Miss Bella.. pareho kayong nakainom.." Saway ni Sam sa Asawa. "Opss, dahan- dahan ka naman sa mga pananalita mo 'insan. walang namagitang affair sa aming DalawA ng Asawa mo. sige ka ,pag Ako ang maiinis sayo-" At Hindi itinuloy ni Anna ang sasabihin na sadyang ibinitin nito iyon. "Ano ha Bella, Ano ang gagawin mo? Sagutin mo Ako!" Na ha- high blood na talagang tanong ni Yassy. "Yassy, Hali ka na.." Ani Sam at akmang hahawakan si Yassy ngunit pumiksi ito. " Hayaan mo Muna Ako Sam! Hindi pa Ako tapos! Hindi ko akalaing gagawin mo ito cous, Hindi kita maiintindihan ngayon parang Hindi na Ikaw ang dating Bella na nakikala ko!" Ang Sabi pa ni Yassy. Natigilan Naman si Anna. "Ano ba Yassy, tama na pwede ba?" Saway muli ni Sam. " Hindi Sam, Hindi pa Ako sinagot ni Bella kung Anong gagawin niya pag Siya ang maiinis sa akin!" " ahh, gusto mo talagang sasabihin ko? Well Sige, pag Ako ang maiinis sayo, ihanda mo na Ang pambayad mo sa akin sa lahat ng pagkakautang mo! Malinaw na ba Sa'yo ha, yassy!?" Inis na ring ganting Singhal ni Anna rito. Natigil at nanlaki Naman ang mga mata ni Yassy. "What??" Di makapaniwalang sambit ni Yassy. Alam ni Anna ang lahat na pagkakautang ni Yassy Kay Bella dahil nang Malaman niyang magpinsan sina Yassy at bella ay agad siyang naghahanap ng mga impormasyon tungkol sa kung Anong relasyon ng magpinsan kung close ba ang mga ito o hindi. Syempre, kailangang malalaman niya iyon dahil Siya na ang gumaganap ngayon sa pagkatao ni Bella Gatchalian. at ayon sa nalalaman at nakuha niyang impormasyon, Hndi Naman gaanong close ang mga ito ngunit si Bella ang laging tatakbuhan ni Yassy sa mga financial problem nito at malaki na ang hiniram nitong cash Ky Bella para muling makabangon ang negosyo ng Ama nitong si Alfredo Gatchalian Mula sa pagkaka bankrupt nito. Maging si Sam ay natigilan sa mga sinasabi ni Bella tungkol sa mga pagkakautang ni Yassy sa kanya. "Huwag mong idadamay ngayon ang malaking pagkkautang ko Sayo bella! Porket may malaking utang Ako Sa'yo ay lalandiin mo na Ang Asawa ko? Ganyan ka na ba ka sama ngayon?" "Pangilabutan ka sa mga sinasabi mo Yassy, kung masama ang pag- uusapan, Isa ka sa pinaka masamang nakikala ko. Akala mo ba Hindi ko alam ang mga masasamang ginagawa mo sa anak ng Pamilya Sebastian na si Anna?" Wika ni Anna. Namangha si yassy. Napatingin sa kanya si Sam at napatingin Naman Kay Yassy. " Bakit ? Anong mga nalalaman mo Miss Bella..?" Salubong ang kilay na tanong ni Sam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD