CHAPTER 15

1529 Words
Nanlaki ang mga mata ng mag- inang Lisa at Mona sa narinig. Nagulat Naman si Anna kung bakit si Lisa ang kailangan ng mga ito. " Bakit ? Anong kailangan niyo Kay Lisa..?" Nagtatakang tanong ni Anna. "Miss Bella. si Lisa ang suspect sa pagkawala ni Anna na anak Nina Mang Doro at aling Wella, kaya iimbistigahan Siya ng mga police ngayon tungkol sa pagkawala ni Anna.." Galit Ang mukhang Sagot ni Sam. Nanlaki ang mga mata ni Anna sa narinig at pati na ang kanyang buong pamilya at Lalo na sina Lisa at ang Ina nitong si aling Mona. "Hindi! Wala akong kasalanan! At Hindi ko alam ang pagkawala ni Anna!" Umiyak at tarantang Saad ni Lisa. "Pinaiimbistigahan ko ang pagkawala ni Anna. Dahil Hindi Ako matatahimik hangga't Hindi ko nalalaman ang totoong dahilan ng pagkawala ng anak niyo Mang doro at aling Wella.." Wika at baling naman ni Sam sa mga magulang ni Anna na halatang na shocked ang mga ito. "At alam ba ito ng Asawa mo Sam? Sa ginawa mong pagpapaimbistiga sa pagkawala ng dati mong Kasintahan.?" Galit na tanong ni Anna rito. "Gusto ko lang matahimik ang pag- iisip ko tungkol Kay Anna! Kaya Walang makakapigil ngayon sa akin sa pagpapaimbistiga ko tungkol sa kanyang pagkawala!" Sagot ni Sam. " Sige na miss Lisa Montez, sumama kana sa amin para sa Isang imbistigasyon.." Anang Isang police na kasama ni Sam. " Ma'am bella! Tulongan niyo po ang anak ko! Wala siyang alam sa pagkawala ni Anna!!" Umiiyak na Sabi ni aling Mona. "Sasamahan ko si Lisa sa presento!" Nairitang wika ni Anna Kay Sam. Pati Siya ay natatakot na mahahalungkat ang totoong pagkawala niya! Sumama din si aling Wella Sa presento ng kapulisan. Umiiyak si Lisa sa harap ng mga police at napilitan itong magsalita ng totoo dahil sa pang- iipit ng mga police rito. " Patawarin niyo po Ako aling wella, oo, totoong magkasama kami ni Anna. Sinamahan ko po siya sir upang magpapakulam sa Isang Bantugang mangkukulam sa Isabella. Ang totoo po ay doon ko po naiwan si Anna sa Isang mangkukulam dahil Hindi pwedeng DalawA kami sa loob ng pamamahay ng matandang mangkukulam dahil si Anna lamang ang magpapakulam. at Sabi pa ni Anna sa akin ay kaya na daw niyang umuwi ng mag- isa Kinabukasan. Wala akong nagagawa, kundi naiwan ko siya doon dahil Kinabukasan pa siyang pweding makauwi. Sa Gabi pa daw Kasi isasagawa ang kulam.." umiiyak na wika ni Lisa. Nanlaki ang mga mata ni aling wella at ni Sam samantalang si Anna ay Kinabahan ng sobra sa mga sandaling iyon. "Binalikan ko si Anna roon pero Sabi ng mayordoma ay Hindi na nila alam kung nasaan si Anna dahil madaling Araw pa lamang daw ay umuuwi na ang kaibigan ko.." Patuloy na pagsasalaysay ni Lisa. " Bakit Hindi mo agad sinabi sa amin ito Lisa? Bakit Hindi ka agad nagsalita tungkol rito??" Umiyak na rin si aling Wella. " Dahil natatakot po ako, patawad.." Iyak ni Lisa. "Miss Lisa Montez. Maari mo ba kaming Bigyan ng address kung saan sa Isabella 'ka mo kayo nagpapakulam ng iyong kaibigan? at kung sino ang pangalan ng mangkukulam?" Anang police Kay Lisa. "Opo ibibigay ko ang address. at Ambrosia Valdadora po ang pangalan ng mangkukulam.." Sagot ni Lisa na mas Lalong ikina problema ni Anna. " Kung mapapatunayang totoo ang mga statement mong ito, at sa pagpapatuloy ng pag iimbestiga namin ay maaaring isa ka sa magiging witness Miss Montez sa Kasong pagkawala ng iyong kaibigan. pero kapag mapapatunayan naming hindi totoo ang mga statement mong ito ay pwede ka naming aarestuhin at e detain dito sa presento.." Deretsong Sabi ng Isang police. "Wala talaga akong kinalaman sa kanyang pagkawala sir, at ang mga statement Kong ito ay totoo po ang lahat ng ito.." Ani Lisa. "Pero Hindi mo agad sinabi ang totoo Lisa, idi sanay natulongan agad natin si Anna kung Ano man ang nangyari sa kanya ngayon!" Galit na wika ni Sam. "Pwedi ba Sam, huwag mong I-blame si Lisa? Nakikita kong sincere Siya at talagang natatakot lang Siyang Sabihin agad ang totoo. Alam mo bang pwede itong makarating sa Asawa mo ang pagpapaimbistiga mo Kay Anna?" Mariing saway at wika ni Anna Kay Sam. Napatingin Naman si Sam Kay Bella at saglit silang nagkasukatan ng mga tingin . "Sige Miss Lisa Montez. Sslamat sa mga impormasyong nakuha namin. At Mr. Samuel Sandoval, mag set pa kami ng Araw sa patuloy na pag- iimbistiga namin sa panibagong suspect na si Ambrosia Valdadora.." Anang isa sa mga police. "Pero sir, Hindi po Basta- basta ang panibagong suspect sa pagkawala ng kaibigan ko. Isa po siyang bantugang matandang mangkukulam at Isa po siyang ng bilyonarya po sir.." Natakot na Sabi ni Lisa. Nagkatinginan Naman ang mga police sa sinasabi ni Lisa. PAgkauwi ni Anna sa Pamamahay ng mga Gatchalian ay nagmamadaling pumasok siya sa kanyang kuwarto at ni lock iyon. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan agad ang matandang mangkukulam at sinabi niya rito ang problema tungkol sa pagpapaimbistiga ni Sam sa kanyang pagkawala. "Huwag kang mag- alala Bella apo, pera lang ang katapat ng mga police na iyon upang mananahimik Sila!" Anang Galit na tinig ng matandang mangkukulam sa kabilang linya. Pagkatapos makikipag- usap ni Anna sa matandang mangkukulam ay napanatag na ang kanyang isipan. Samantalang si Yassy ay Galit na pinagsasampal nito si Sam nang makauwi ito dahil sa balitang nalalaman ni Yassy. May Isang text message itong natanggap Mula sa probinsya Nina Anna na kinuha ng mga police ang kaibigan ni Anna na si Lisa para sa Isang imbistigasyon at Kasama si Sam ng mga police dahil ito ang nagpapaimbistiga sa Kaso ni Anna. "Bakit mo pa Ako pinakasalan Sam at pinili? Gayong Hindi mo Pala talaga kayang kalimutan ang dati mong Kasintahan!!" Galit na galit na asik ni Yassy sa Asawa. "Gusto ko lang matatahimik na Ang isipan ko sa pag- iisip YAssy, kung Anong nangyari Kay Anna! Yun lang! " Ang Sagot Naman ni Sam rito. "Hindi lang Ako ang sinasaktan mo ngayon Sam, kundi pati na ang anak mong dinadala ko ngayon!" "Anak? Dinadala? Akala mo ba ganoon nalang talaga Ako ka Tanga Yassy? Nakikita ko sa bag mo ang Bagong Pregnancy test result mo! Negative ito!" Singhal Naman ni Sam. Natigilan si yassy. Kahit Anong pilit niyang mabuntis para magkatotoo na Ang sinasabi niya kay Sam na buntis Siya ay laging negative result Naman ang PT niya tuwing susubukan niya iyon. Natahimik si Yassy at napaiyak nalang ito nang tinalikuran na ng Asawang si Sam. Isang Araw. Umaga palang ay may tumawag na Kay Bella para nanaman sa Isang commercial shooting na isagawa nila sa Isang malaking kompanya sa Maynila ngunit ipina cancel iyon ni Anna at kung maiinip ang kompanyang ito ay maghanap nalang ang mga ito ng kanilang bagong modelo. Iba ang Plano ni Anna sa Araw na ito. Pupunta Siya sa AYF Gatchalian's company ng yumaong Tito ni Bella na si Mr. Alfredo Gatchalian- ang daddy ni Yassy. Gusto ni Anna na Magpunta at mag usisa sa takbo ng negosyo ng Tito ni Bella. Alam niyang Pera ni Bella ngayon ang ginamit ng malaking business na ito para makabangon ito. Napangiti si Anna. at alam din niyang si Sam na ang humawak sa negosyong ito ngayon dahil puro casino lang at pagpapaganda ang inaatupag ni Yassy at ng Ina nitong si Mrs. Faye Gatchalian. Pagdating roon ni Bella ay lahat ng mga Sales lady at sales boy roon ay nagbibigay galang sa kanya. simpleng nginitian lamang ni Anna ang mga ito. Nabigla Naman si Sam nang masalubong ng kanyang mga mata at Makita si Miss Bella Gatchalian. " Miss Bella!" Nasorpresa pang sambit nito. "Kumusta ang pagpapatakbo mo sa kompanya ng Tito ko Sam?" Nakangiting tanong ni Anna rito. " Well.. Mula nang Ako ang naghandle nito, naging maayos na ang takbo ng AYF Gatchalian's Trading Company. At pag makakabawi na Ang negosyong ito at tuloy tuloy na Ang magandang takbo nito. unti- unti na rin naming maibabalik Sayo ang mga hiniram ni Yassy .." Sagot ni Sam ngunit nanatiling nakatingin sa kanyang Mukha. Nginitian ito ni Anna ng Isang matatamis na ngiti. " Ano kaba Sam, i'm not here para maniningil Kay Yassy. I just want to check if okay na ba Ang takbo ng negosyo ni Tito Alfredo.a And thanks Naman kung ganoon, napa belib mo Ako Sam dahil sa galing mo sa negosyo.." Ang Sabi pa ni Anna. Napangiti na rin si Sam. "Thank you Miss Bella.." Tugon ni Sam. "Ibang usapan Naman Tayo sam. kung Ako pa Sayo, itigil mo ang kahibangan mo sa pagpapaimbistiga tungkol sa dati mong Kasintahan at kailangan mong magfocus dito.. Wala kang mapapala at Hindi ka magkakapera sa mga ginagawa mo.." Medyo napataas ang kilay na Sabi ni Anna . Napatitig sa kanya si Sam. "I love her so much.. at gagawin ko lahat miss bella, upang mabigyang hostisya ang kanyang pagkawala.." Matigas ang salitang wika ni Sam. "What?? You love her so much?? At bakit ka nagpapakasal Kay Yassy? Ahh! Okay, alam ko na. Dahil mayaman si Yassy at mahirap lang si Anna??" Natatawang Sabi ni Anna sa dating Kasintahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD