CHAPTER 10

1634 Words
Kinabukasan ay maagang gumising si aling Wella upang mangharvest sa mga gabe na itinanim niya sa tabi ng ilog para ideliver ito. kinabukasan, Kasi ay Araw ng sabado. Napadaan si aling Wella sa dating lupaing hinawakan at tinitirhan nila ng aswang si Doro. Nalungkot ang Ina ni Anna nang makitang sinimulan ng pundarin ang lupang pinosisyunan nila para magiging palayan na ito. Iyon daw ang kagustuhan ni Yassy Gatchalian. Naroon pa ang Ina ni Sam na si aling Rosa. Ito ang pinagkakatiwalaan ni Yassy na tumingin sa mga nagta-trabaho sa lupa sa pagpundar nito. Nakapamaywang pa si aling Rosa habang nagmamasid sa mga nagta trabaho. Nang Makita nito si aling Wella ay malawak itong ngumiti sa Ina ni Anna. "Uy Wella, saan ba ang punta mo?" Tanong pa nito. "Ahh, sa tabi ng ilog Rosa.." Sagot ni aling Wella. " Tingnan mo Wella, ang swerte namin. Sinimulan ng pundarin bilang palayan ang lupang hinahawakan niyo noon.."Aang Sabi pa ni aling Rosa na parang nang- uuyam Ang mga ngiti nito. "Ganoon ba.." Malamig na tugon ni aling Wella. "Siguro nakatakda na talaga sa pamilya namin ang sunod-sunod na de Buenas sa Buhay. At alam mo, nalulungkot Ako para Sa'yo Wella.." Dagdag pang Sabi ni Aling Rosa. "Sige, maiwan na kita Rosa. Dumaan lang Ako at manguha pa Ako ng Gabe sa tabi ng ilog. Hindi Ako pweding magtagal.." Ani aling Wella. "Aanhin mo ba ang Gabe?? Ibebenta mo nanaman ba sa lungsod? Ay oo nga pala, sabado bukas. Naku, paano ba yan Wella, iyan lang ba ang pagkakakitaan niyo? Hindi yan kasya sa pang Araw-araw na gagastusin niyo.." Tsismosang wika ni aling Rosa. "Pwede ba Rosa, huwag kang magmamakialam??" Galit na Sagot ni aling Wella. At Inis na tinalikuran na ang Ina ni Sam. Narinig pa ni aling Wella ang mahinang pagtawa ni aling Rosa. Pagkauwi ni Aling wella ay pasan niya ang ang Isang sakong Gabe na idedeliver niya bukas ng sabado. Mabuti nalang at binigyan Sila ng kunting area ng mga magulang ni Lisa sa tabi ng ilog upang mataniman nila ng mga Gabe at mga gulay. "Nay, nakapagluto na po Ako ng pananghalian natin nay. Alam Kong gutom na po kayo.." salubong ni Carmen sa Ina. "Oh Sige anak, kakain na tayo.." Ani aling Wella. At nakita nito ang asawang si Doro na nakatulog habang nakasandal ito sa dingding ng toldang bahay- bahay nila. Pati ang bunso nilang si Lara ay nakatulog din ito sa tabi ng ama nito. " Doro, Kumain na tayo. Nandito na ako. Anak Lara, gising na.." Pagpapa gising ni aling Wella sa mga ito. Agad namang nakagising at nagmulat ng mga mata si Mang doro. " Nandito kana Pala Wella.." Ang Sabi ni Mang Doro. At sumunod ding nagising si Lara. Ang bunso. "Oo. sabay na tayong kumain.." tugon ni aling Wella. At inayos ka agad ni aling Wella ang kanilang kainan at hinanda ang nilutong kamote ni Carmen para pagsasaluhan nila. Halos maiyak si aling Wella sa hirap ng kanilang sitwasyon at pamumuhay pero hindi niya ipinahalata. Iniiwasan nitong mag isip na naman ng masama si Mang doro sa sarili nito. Habang kumakain Sila ay kapwa naman silang lahat natigilan nang may biglang dumating na bisita sa kanilang toldang bahay-bahay lamang. " Tao po! Tao po! Magandang tanghali po.." Anang tinig na kanilang naririnig. Tinig iyon ng isang babae. Mabilis namang nilabas ito ni aling Wella kung sino ang kanilang bisita. Samantalang napasilip lang sina Mang doro at ang dalawang Bata Mula sa loob ng tolda. Kapwa Sila nagulat nang makitang Isang maputi at magandang babae ang kanilang nabungaran. Naka shade ito sa mga mata! isang seksi at magandang babae na halatang mayaman ang kanilang bisita dahil sa porma at kinis ng balat nito! "Magandang tanghali po.." Anang babae. " M- magandang tanghali din po Sa'yo ma'am. Anong maipaglilingkod namin Sa'yo..?" Tanong ni aling Wella rito. Kinuha nito ang shade sa mga mata at ngumiti ito Kay aling wella. At nagulat si aling Wella at saglit itong napanganga. "Naku, nakita na kita sa t.v.!" Nabiglang sambit ni aling Wella nang makabawi sa pagkagulat. "Ako nga pala si Miss Bella Gatchalian.." Pakilala ni Anna sa kanyang Ina. Gustong umiyak si Anna sa harap ng Ina at gusto niyang yakapin ngayon ang buong pamailya niya ngunit kailangang pigilan niya ang sariling at emosyong nararamdaman ng mga sandaling iyon.. Kapwa nabigla ang pamilya ni Anna nang marinig na isa siyang Gatchalian. "Gatchalian?? Kaanu-ano ka ni Yassy Gatchalian?" Galit na tanong ng lumpong ama ni Anna Buhat sa loob ng tolda habang nakasilip Kay Bella. "Wait lang po, huwag Muna kayong magalit. Hindi kami magkasing sama ng ugali ni yassy.." Sabi ni Anna. "Kung ganoon, Anong kailangan mo sa amin.?" Matigas ang anyong tanong ni aling Wella. "Ahhmm.. pagpasensyahan niyo na ang ginawa ni Yassy sa inyo. Bye the way, ako nga pala ang anak ni Mr. Frederick Gatchalian na siyang nakabili sa lupang pinosisyunan niyo ng ilang taon. At nandito Ako para isasauli sa inyo ang buong lupa.." Deretsong Sabi ni Anna sa mga magulang. Namangha ulit sina Mang doro at aling Wella. "Nagbibiro ka ba, Ma'am Bella Gatchalian?" Di naniniwalang tanong ni Mang doro. Gusto na talaga ni Anna na magpakilala sa kanyang mga magulang dahil naninikip na ang kanyang dibdib. At gusto niyang ilabas ang kanyang mga saloobin at umiyak sa harap ng mga ito. Ngunit naiisip ni Anna na may kasunduan Sila sa matandang mangkukulam at nangangako Siya rito. At isa pa, Hindi niya alam kung papaniwalaan ba Siya ng mga ito na Siya si Anna. " Hindi Ako nagbibiro att ipapa stop ko ang pagpundar nito bilang palayan para Ibalik ito sa Inyo. Hindi Kasi namin alam ang mga ginagawa ni Yassy at Hindi kami kumbinsido ni Daddy nang Malaman namin ang ginagawa niya sa inyo.." Ani Anna. Nakita ni Anna ang pag- aliwalas sa Mukha ng mga magulang. "S-sandali. carmen! Ilabas mo muna ang bangkiteng upuan diyan na yari sa kawayan, para may mauupuan si Ma'am Bella. nakakahiya naman sa kanya.." Tawag at utos pa ni aling Wella sa Isang anak. "Opo nay.." Sagot Naman ni Carmen at mabilis na sinunod ang utos ng ina. Gumapang si Mang doro patungong pinto ng tolda nila para makaharap talaga nito ang kanilang bisitang anak ng mga Gatchalian. "Maraming salamat kung ganoon ma'am Bella! Napakabuti ng iyong kalooban.." natutuwang wika ni Mang doro. "Welcome po Sa'yo." Matipid namang Sagot ni Anna. At inabutan Siya ng Kapatid na si Carmen ng upuang bangkiteng yari sa kawayan. Kinuha niya iyon at inupuan. Ibinigay at inabot Naman ni Anna ang mga pasalubong na bitbit niya na pinamili para sa kanyang pamilya Kay Carmen. MGA groceries iyon at mga special na cupcake at masasarap na ulam. "Salamat po Sa'yo ma'am.." Ang Sabi pa ng Kapatid na si Carmen. Simpleng ngiti lang ang iginanti niya sa kanyang Kapatid. Kahit papaano' y naiibsan na rin ang pagka ka missed niya sa kanyang pamilya dahil nakikita at nakakausap niya ang mga ito ngayon. Muling hinarap ni Anna ang kanyang mga magulang. " at Hindi lang iyon, nandito rin ako upang tulongan kayo aling Wella. At Mang Doro.. iIpapagawa ko kayo ng malaking Bahay sa lupang ibabalik ko sainyo at para maniwala talaga kayo na sainyo na Ang lupa ulit ay ipapa transfer ko ang pangalan ng titulo sa pangalan po ninyo Mang doro. Para Hindi na rin ito maaagaw ng kung sino mang tao.." Mahabang wika ni Anna sa mga magulang. Nagkatinginan ang mga magulang ni Anna na halatang ikinatutuwa muli ang kanyang mga sinasabi. " At ibibili ko rin kayo ng wheel-chair. Sa kalagayan po ninyo ay kailangan niyo iyon para makapagpasyal-pasyal naman po kayo sa labas. At pati na ang mga anak niyong lalaki na may mga pamilya na ay ipapagawa ko rin Sila ng Bahay. Dahil alam Kong ipinasira din ni yassy ang mga bahay nila. Babawi Ako sainyo sa mga kasalanang ginawa ni Yassy sainyo at bibigyan ko Sila ng negosyo nila. Papaaralin ko ang dalawang anak niyong babae, susuportahan ko po kayo sa financial habang ako' y nabubuhay. Hindi na po kayo maghihirap.." Mahabang dagdag na Sabi ni Anna sa kanyang mga magulang. "A-ano? H-hindi Ako makapaniwala sa mga sinasabi mo ma'am.." Nangilid ang luhang wika ni Mang doro. " Carmen Lara, tawagin niyo ang mga kuya niyo at papuntahin rito. Sabihin niyong may bisita tayo.." Halos maiyak ring utos ni aling Wella sa dalawang anak dahil sa mga tulong na in offer sa kanila ng Isang anak ng mga Gatchalian. "Opo nay.." Sabay na Sagot Naman ni Carmen at ni Lara. At umalis kaagad ang dalawang Bata. " Pero ma'am, natatakot ho kami. kung bakit gagawin mo ang ganoong tulong sa amin..b-baka anong pakay niyo sa p-pamilya namin.." Nahihirapang bigkas ni Mang doro. "Wala po akong masamang intensyon sa inyo gusto ko lang kayong tulongan. At sana mang Doro at aling Wella ay Hindi kayo mag alinlangang tanggapin ang mga tulong ko sa Inyo. Ayokong tanggihan po ninyo ako.." Ang Sabi ni Anna. " Kung t-totoo ang mga s-sinasabi mong tulongan mo kami ay Hindi namin alam ma'am kung paano ka namin seserbisyuhan.."Wiikang muli ni aling wella at simpleng pinahid nito ang kunting luha na parang nahihiya. "Don't mind it aling Wella. kaligayahan ko ang tulongan kayo.." Aniya sa Ina. Gusto na talagang maiyak si Anna dahil sa nakitang sitwasyon ng mga magulang pero tinatagan niya ang sarili upang Hindi lumabas ang mga saloobin niya. Samantalang dumating Naman ng Araw na iyon sina Yassy at Sam para bibisitahin ang mga nagpupundar at nagtatrabaho sa dating lupang pinosisyunan ng pamilya ni Anna. Habang nagmamasid sina Yassy, Sam at ang Ina ni Sam na si aling Rosa sa mga nagtatarabaho ay nagulat ang mga ito nang biglang dumating roon si Bella! kasama nito ang mga Kapatid na lalaki ni Anna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD