"M-magandang tanghali po, n-nandiyan po ba si Madam Ambrosia Valdadora.?" Tanong ni Lisa.
Mas kilala kasi Ang matandang mangkukulam sa apelyido nitong totoo na Isang valdadora. Noon pa man ay bantogan na Ang pamilya valdadora sa pagiging mangkukulam ng mga ito at sa pagiging powerful at bilyonaryong pamilya.
"Ahh, si madam Ambrosia pala Ang kailangan niyo. Anong kailangan niyo sa amo ko?" tanong ng mayordoma.
"M-magpapakulam po kami..." Sagot agad ni Lisa.
"Ganoon ba ? kayo talagang dalawa Ang magpapakulam??" pangungusisa ng mayordoma.
"H-hindi po, siya lang po Ang magpapakulam . sinamahan ko lang po siya. " Ani Lisa.
"Sa batas ni madam Ambrosia, kung sino yung magpapakulam ay Siya lamang Ang makakapasok sa loob ng mansion at Hindi pwede na may Kasama ito sa loob. kaya kung Ang iyong Kasama lamang Ang magpapakulam ay Siya lamang Ang makakapasok at ikaw ay pwede ka nang umuwi ." Mahabang paliwanag at deretsong wika ng mayordoma Kay Lisa.
Nagkatinginan sina Anna at Lisa.
"S-sige po, hihintayin ko nalang siya dito sa Labas." Ang sagot muli ni Lisa.
"P-pero Lisa, natatakot akong mag -isa lang sa loob at di ka Kasama.." Wika ni Anna.
"Pwes, umuwi na kayo kung natatakot man lang kayo at lalabag sa batas dito. Hindi kami pwedeng magsayang dito ng Oras ." Mataray na wika ng mayordoma at akmang isasara na Ang pinto ng gate .
"Sandali lang po!" pigil ni Anna.
"Pwede ba, bilisan niyo! sana doon muna kayo sa bahay niyo nag- iisip ng mabuti bago kayo nagdesisyong magpunta rito !" Galit na Sabi ng mayordoma.
"Sige na Anna, hihintayin nalang kita dito sa Labas.." Ang Sabi ni Lisa.
"Oo na. payag na nga ako, na ako lang Ang makakapasok.." Ang Sabi naman ni Anna.
"Sandali mga nene. Para sa kaalaman niyo, Hindi Basta-basta madadali ang pagpapakulam dahil gabi pa ito isasagawa ng amo ko, kaya kung ako sa'yo huwag mo nang hihintayin pa itong kaibigan mo dahil natitiyak kong bukas pa Siya ng Umaga makakauwi ." Anang mayordoma.
Muling nagkakatinginan sina Anna ay Lisa.
"Naku po, paano na 'to Anna." Nag-alalang sabi ni Lisa.
"H-hindi ba talaga pwedeng pumasok nalang ang Kasama ko at samahan ako sa loob? pakiusap po." Nagmamakaawang sabi ni Anna sa mayordoma.
"Hindi nga pwedi! Ang TIGAS ng ulo niyo! umuwi na nga Lang kayo! marami pa akong gagawin at nagagalit si madam Ambrosia kapag mag e- entertain ako ng mga taong hindi naman desidido sa pakay nila! hay naku!" Galit na muling Sabi ng mayordoma at muli na naman sanang isasara Ang gate.
"Teka lang po! Sige na, okay na po kami! malayo pa naman dito at mahal pa ang pamasahe. tapos mapupunta lang sa wala Ang lahat. sige na Lisa, kaya ko na 'to, huwag kang mag-alala sa akin.." Desidido na talagang Sabi ni Anna.
"S-sige.. mag -iingat ka Anna. hihintayin ko Ang pag-uwi mo bukas.." Nalungkot na Sabi ni Lisa.
Alam Nitong mag -alala Ang pamilya ni Anna kapag di ito makauwi ngayon. Hindi kasi alam ng mga ito kung Anong ginagawa at binabalak nila ngayon. Tanging Sila lang at Ang Ina lang ni Lisa Ang nakakaalam dahil ito pa Ang nagturo at nag bibigay ng address sa kanila.
Umalis na nga si Lisa at si Anna naman ay sumunod na sa mayordoma papasok sa loob ng lumang mansion ng mangkukulam. kakapasok pa nga lang ni Anna sa loob ng mansion ay naninindig na kaagad Ang kanyang mga balahibo.
May naririnig kasi siyang umuungol na parang Umiiyak at nag-echo iyon sa buong mansion.
Napansin din ni Anna Ang mga katulong na puro Ang mga ito nakasuot ng kulay itim at kapwa tahimik Ang mga ito at di man lang ngumingiti habang napatitig Ang mga ito sa kanya.
"Jusko. ano po itong pinasok ko..?" Kinabahang usal ni Anna sa sarili.
"Maupo ka muna. tatawagin ko lang si madam Ambrosia. nasa itaas siya, naglukuksa kasi ngayon Ang buong mansion dahil kamamatay lang ng kanyang apo. at Ang naririnig mong Umiiyak ngayon na parang umuungol ay si madam Ambrosia iyan. Hindi kasi Niya matatanggap Ang pagkamatay ng kanyang mahal na apo. Kasama nito sa itaas Ang mga magulang ng namamatay niyang apo." mahabang Paliwanag ng mayordoma.
"Ho?? b-baka po busy si madam Ambrosia at di niya ako mahaharap ngayon dahil namatay pala ang apo niya.." Ani Anna.
"Ang pagkakaalam ko sa batas ng amo kong mangkukulam ay Hindi Siya umaayaw kapag Meron siyang kliyente.." Sagot ng mayordoma.
"ahh. G-ganoon po ba.."
Ilang minuto din Ang paghihintay ni Anna sa malaking salas ng mansion bago siya hinarap ng matandang mangkukulam.
Laking gulat pa niya nang bigla nalang lumitaw sa kanyang likuran at magsalita Ang matandang mangkukulam na si madam Ambrosia Valdadora.
"Isang babae at bata pa ang aking kliyente.." Anang tinig nito.
Paglingon niya'y nasalubong agad sa kanyang paningin Ang nakasalamin na mga mata nito at Ang medyo kulubot ng mukha at Ang kulot at magulong buhok nito. Idagdag pa ang matalim na mga tinging ipinukol ng matanda sa kanya!
Namutla si Anna sa takot . Para kasing aswang Ang hitsura ng matandang mangkukulam na ito!
"M-magandang Araw po." Nauutal at pagbibigay galang ni Anna rito.
"Natatakot kaba sa akin neneng?" Tanong pa nito.
"ho? Naku! hindi naman po!"
Humarap paupo sa kanya Ang matandang mangkukulam.
"Nandito ka upang magpapakulam, tama ba ako?sino Ang iyong ipapakulam neneng? at anong mabigat na reason upang ipapakulam mo Ang Isang tao? nagsisikap ka talagang pumunta rito sa aking teritoryo upang magpapakulam , bakit??" Pangungusisa ng matandang mangkukulam.
Biglang sumikip Ang dibdib ni Anna sa mga tanong ng matandang mangkukulam sa kanya. muling nanumbalik sa isipan Niya Ang lahat na nangyari sa kanya at sa kanyang pamilya. kaya Hindi napipigilan ni Anna na maging emosyunal sa harap ng matandang mangkukulam at Umiiyak Siya dahil sa sobrang galit na naramdaman ng kanyang puso.
"Mahirap po lamang kami, inotel pa ang tatay ko dahil Hindi po siya makakalakad. pinabugbog ako ng asawa ng aking dating kasintahan. Pinagbintangan Niya aKong Isang kabit. kaya pinalayas kami sa lupang kinalakihan naming magkakapatid. Pinasira pa Ang bahay namin na pinaghihirapan ng ilang taon at ipinundar ng aking lumpong ama, pagkatapos ay di pa siya nakokontento, ipinapagahasa pa niya ako!!! kaya nais Kong gumanti Wala akong kalaban laban sa kanya dahil mayaman Siya. at may nakakapagturo sa akin na dito ako pupunta sa'yo para ipapakulam Ang hayop at walang pusong umaapi sa amin at nagpapagahasa sa akin!!" Salaysay ni Anna at hindi na Siya nahihiyang humagulhol ng iyak sa harap ng matandang mangkukulam.
"Napakasakit nga ng kanyang ginagawa." Ang Sabi ng mangkukulam.
Patuloy sa pag iyak si anna. at natigil lamang Siya at nagtataka kung bakit biglang humalakhak Ang matandang mangkukulam.
"B-bakit Po.?" si Anna.
Tumigil naman ito at biglang sumeryoso at tumigas Ang anyo nitong nakatingin sa kanya.
"Mas masarap gumanti ng hindi idadaan sa kulam neneng, yung Ikaw talaga Ang kumilkilos at gumawa nito." Anang mangkukulam at muling humalakhak ng kunti.
"A-ano pong Ibig niyong sabihin?" Natatakot pang tanong ni Anna.
"Gusto mo ba talagang maghihiganti? gusto mo ba ng magandang buhay? gusto mo bang Mai -ahon Ang iyong pamilya sa kahirapan?" Sunod -sunod na tanong matandang mangkukulam.
"P-paano po? " Inosenteng tanong ni Anna.
"Pwede kitang tutulongan na mangyayari iyan sa Buhay mo neneng. Ang gusto ko'y magtutulongan tayo. nakikita ko at nararamdaman Ang sobrang galit sa puso mo ngayon. kaya ino- offeran kita ngayon ng magandang Buhay Kasama Ang iyong buong pamilya. kung iyon ay papayag ka at magkakasundo tayo sa gusto Kong mangyayari.." Mariing titig na sabi ng matandang mangkukulam sa kanya.
"M-magandang Buhay? Kasama ang pamilya ko..? s-syempre po sino namang hindi papayag sa ino-offer niyo.." Maaliwalas Ang mukhang sagot ni Anna.
"Sabi ko kung iyan ay magkakasundo tayo sa gusto kong mangyari. Ano nga bang pangalan mo?" Tanong ng matanda.
"Ako Po si Anna. Ano pong gusto niyong mangyayari?" Agad na tanong Niya rito.
Biglang naging malungkot Ang mukha ng matandang mangkukulam.
"Kamamatay lang ng aking apo. at hindi ko matatanggap ang tuloyan niyang pagkawala. kailangan ko Siya sa buhay ko at gusto Kong mabubuhay siyang muli. at Ikaw Ang pag-asang nakikita ko ngayon na muli siyang mabuhay. kailangan ko ang isang kaluluwa ng buhay na tao, upang ipapasanib ito sa katawan ng aking apo. at gusto kong ikaw Ang pumalit sa loob ng kanyang katawan. Ang iyong kaluluwa. kung papayag ka ay gagAwa ako ng ritwal upang palabasin Ang iyong kaluluwa sa katawan mong iyan at ipapasanib ito sa namamatay kong apo. upang mabuhay muli ang katawan ng aking apo.." Mahaba at mariing Sabi ng matandang mangkukulam.
Sobrang nagulat at namangha si Anna sa mga sinasabi sa kanya ng matanda.
"Ho!!? naku, h-hindi po pwede yan! ayoko po! hindi ako papayag natatakot ako, at Isa pa ayokong iiwan itong katawan ko!" Nanlaki Ang mga matang Sabi ni Anna.
"Anna, nakasalalay ngayon sa'yo Ang pagkakaroon ng magandang Buhay ng iyong pamilya. kung totoong naawa ka sa sitwasyon niyo ngayon at sa iyong sarili ay Hindi mo tatanggihan Ang alok ko ngayon sa'yo. kapag Ang iyong kaluluwa qng papalit sa katawan ng aking apo ay magagawa mo Ang lahat na gusto mo . Makakapaghiganti ka sa taong kinamumuhian mo. maging isa ka pang sikat na Modelo. dahil Isang sikat na Modelo Ang aking apo. at ikaw pa ang makapagmana sa lahat ng aking Ari-Arian at kayamanan Anna. at syempre, sa mga propedad na Ibinigay ko sa aking anak na si Frederick na ama ni Bella. Kaya kung ako sayo umalis ka sa dimalas mong katawan na iyan. At tatanggapin Ang inalok Kong magandang buhay sa katauhan at katawan ng aking apong si Bella. Hindi makakatulong sa'yo Ang katawan mong iyan sa paghihirap niyo ngayon at sa paghihiganti na gusto mong mangyari. Sa pmamagitan ng katawan ng aking apo ay maging langit ka Anna. At Wala ng Basta- bastang aapi pa sa'yo at sa iyong pamilya kapag mangyayari iyan! hahahaha" anang matandang mangkukulam sabay humahalakhak.
Umiyak si Anna muli. at nag-iisip Siya ng mabuti. hinayaan lamang Siya ng matandang mangkukulam.
"Bibigyan kita ng Isang Oras sa pag- iisip at pagdedesisyon Anna.." Ang Sabi pa nito.
Muling na refresh sa isipan ni Anna Ang mga masasakit na ginagawa ni yassy sa kanya at sa kanyang pamilya. Napakaganda ng ino-offer sa kanya ng matandang mangkukulam. pero natatakot Siya sa paglabas ng kanyang kaluluwa Mula sa kanyang katawan. Hindi Siya makapaniwalang kayang Gawin ng mangkukulam Ang ganoong bagay. Nananaig Ang sobrang galit ni Anna sa puso kaya kahit labag sa kanyang kalooban ay pinilit Niya Ang sariling pumayag sa alok ng matanda.
Mas Lalo pa siyang naiiyak sa naging desisyon Niyang tanggapin nalang Ang alok ng matandang mangkukulam para sa kanyang pamilya at sa kanyang paghihiganti.
"Papayag kana ba??" Nagniningning Ang mga matang tanong ng matandang mangkukulam Kay Anna.
"O-opo. papayag na po ako!" Sagot ni Anna.
Muling humalakhak Ang matandang mangkukulam dahil nagkakaroon ito ng pag asang muling mabubuhay Ang katawan ng kanyang apong si Bella sa pamamagitan Kay Anna.
"That's good ." Ang Sabi nito.
"Pero teka lang po. hiling ko lang po, sana kapag mangyayari talaga Ang gusto niyo at iiwan ko Ang katawan Kong ito ay huwag sana nating ililibing ang aking katawan " Lumuuhang Sabi ni Anna.
Hindi Niya akalaing mapupunta sa ganitong usapan at kasunduan sa kanyang pagpupunta ngayon sa bantog na matandang mangkukulam.
"Walang problema Anna. Hindi ko ipapalibing Ang iyong katawan. Ikaw Ang magdesisyon tungkol diyan kung kailan mo ito gustong ipalibing. pero sandali Anna.." anito.
"A-ano Po yan?" Nanginginig na tanong ni Anna rito. Nagsisimula na siyang matakot sa susunod na mangyayari.
"Tandaan mo Anna, kapag nasa katawan kana ng aking apo ay dalawa na Ang magiging pamilya mo. Kami at Ang totoo mong pamilya. Kailangang turuan mo Ang iyong sariling mahalin kami ng totoo. At walang ibang makakaalam sa Ating sekreto. Kundi tayo lang dalawa. Naiintindihan mo ba ako Anna?" Matigas nA wika ng matandang mangkukulam.
Mahinang tango ang isinagot ni Anna at muling Umiyak.