CHAPTER 4

1756 Words
Dahil sa sinapit ni Anna ay nawalan Siya ng pag-asang Magkaroon ng magandang kinabukasan.lagi nalang siyang nakatulala. Nawala Ang lahat sa kanya- una, si Sam. Pangalawa, Ang kanyang dangal. at higit sa lahat Ang kanyang kinabukasan ay tuluyang nasisira. Dumaan sa sobrang kahirapan Ang Buhay ng pamilya ni Anna. Hindi na halos kumikilos si Anna. Lagi nalang siyang tahimik at laging nagmumokmok, Na ikinalungkot naman ng buong pamilya Niya. Isa lang Ang nararamdaman ni Anna ngayon, iyun ay Ang sobrang galit sa puso Niya. "Anna.." Isang tinig iyun ng kaibigang si Lisa. Dumalaw ito Kay Anna. Lumapit ito at tumakbo ng upo sa kanya. "Anna, Hanggang kailan kapa magiging ganyan?bakit Hindi ka babangon sa nangyayari sa'yo? alang alang sa pamilya mo?" Ang Sabi ni Lisa. Tumulo Ang luha ni Anna sa narinig Mula sa kaibigan. "Alam ko kung ano Ang nararamdaman mo. At mas lalong matutuwa si Ma'am Yassy Gatchalian kapag nanatili kang ganyan. bakit Hindi ka Maghihiganti.??" Muling wika ni Lisa na ikinalingon ni Anna sa kaibigan. "Anong s-sabi mo? ako, Maghihiganti?" ulit n tanong ni Anna ngunit patuloy parin Ang pagluha. "Oo Anna. SSshhh.. huwag kang maingay, atin lang ito. pwede kitang samahan, kung gusto mo talagang makaganti sa bruhang asawa ni Sam. May kilala si Inay na Isang bantog na mangkukulam sa malayong probinsya ng Isabella. Sasamahan kita para ipakulam Ang babaeng yun doon. hindi mo Siya kayang kalabanin ng harapan .. kaya tirirahin mo nalang siya ng lihim sa pamamagitan ng Kulam.." mahaba at mahinang wika ni Lisa sa kanya. "K-kulam??" Di makapaniwalang ulit ni Anna. "Oo Anna. 'kulam' para maturuan ng leksyon Ang may gawa sa Inyo nito ngayon, Lalo kana Anna.." Mariing sagot ni Lisa. Biglang siyang sumigla sa sinabi sa kanya ng kanyang kaibigan. "S-sige! payag ako! gagawin ko yan! kailan Tayo pupunta?" Desididong tanong Niya sa kaibigan. "Sa makalawa, pahihiramin ka namin ni inay ng pera . Tutulongan ka namin para maipapakulam mo Ang masamang Yassy Gatchalian na iyon.." "Ano Ang pangalan ng mangkukulam na iyan..?" tanong ni Anna. "Siya si Madam Ambrosia Valdadora. Sabi ni inay, isa siyang matandang powerful sa yaman at powerful sa pagiging mangkukulam.." Ani Lisa. Samantalang Ang modelong si bella ay ipinilit nito Ang sarili sa boyfriend na Si Mr. Gimme Gonzales kahit nagprangkabna ito sa kanya na Hindi na ito masaya sa relasyon nila at nakikipag break na nga sa kanya Ang nobyo. pinagbigyan naman ni Gimme si Bella sa huling pagkakataon. masaya si bella habang kayakap Niya ngayon Ang lalaking mahal niya.nasa motel sila ng mga sandaling iyon. ngunit ilang sandali Ang lumipas ay kinabahan si Bella nang bumangon na Ang binata at lumakas sa pagkakayakap mula sa kanya. "I need to go Bella. And please., this is a last time, pinagbigyan lang kita sa huling sandali na makakasama ako. Sinabi ko naman sa'yo na Hindi na ako Masaya sa piling mo. i'm sorry, kung bigla ko nalang itong naramdaman. Siguro.. nasasakal na ako sa sobrang pagmamahal na Ibinigay mo sa akin .." Ang Sabi ni Mr. Gimme Gonzales. "No, Gimme, please.." nagsimulang umiyak si Bella. "You're so beautiful And famous Model Bella. Marami Ang nagkakagusto sa'yo. alam kong matatagpuan mo rin Ang lalaking totoong destiny mo at magmamahal sa'yo ng totoo.." muling wika ni Gimme. "No Gimme!! Please, don't leave me.! what is Famous life, But without your Love! Wala Gimme, wala ng halaga Ang lahat para sa akin!" Umiiyak na wika ni Bella. At mahigpit na niyakap nito Ang binata ngunit kinalas naman agad iyon ni Gimme. "Sad to say again, I'm sorry.. Bella." Malungkot na sabing muli ni Mr. Gimme Gonzales. At tuloyang iniwan at tinalikuran Ang magandang Modelo. Matamlay at mabigat Ang katawang umuwi si Bella sa bahay nila. At naabutan nito Ang Ina na nag iimpake at may malaking maleta sa Labas ng kuwarto nito. "Mommy.??What are you doing?" takang- tanong ni Bella. "Aalis na ako sa pamamahay na ito anak. Hindi ko na kayang makipagsama sa Daddy mo. punong puno na ako sa kanya.." Ang sagot ni Amanda sa anak. "Hmmp, r-really mommy?? well, nice to be hear ! Good luck and Good bye mommy!" Sarkastikong sagot ni Bella. "Bella anak! " tawag pa ni Mrs. Amanda Gatchalian sa anak. Pagkatapos magbihis Ang mommy ni Bella ay nagpasya itong kakatukin Ang anak sa kuwarto nito. Ngunit ilang katok na Ang ginawa ni Amanda ay walang tumugon mula sa loob. Kaya nagsimulang kinabahan si Amanda Lalo na't naka lock pa Ang kuwarto ng anak na si Bella. Kaya nagmamadaling humingi ng saklolo si Amanda sa guard para Tulongan siyang mabuksan Ang kuwarto ni Bella. wala pa naman Ang daddy ni Bella na si Mr. Frederick Gatchalian. Ewan Kong nasaan ba ito, nasa trabaho ba o nasa babae nito. Nabuksan nga Ang pinto ng kuwarto ni Bella nang makitang nakahiga sa lama nito Ang anak at tinakpan nito ng malaking unang Ang mukha! kaya nagmamadaling kinuha ni Amanda Ang malaking unang na nakatakip sa mukha ng anak. Nakasunod naman Kay Mrs. Amanda Gatchalian Ang Guard sa likud nito. Tumambad sa kanilang paningin Ang tulog na si Bella. kinabahang niyugyog ito ni Amanda ngunit Hindi na ito kumikilos at nagigising. "Oh my god! Bella anak! wake up, wake up! Anong nangyari sa'yo!?!"tarantang tanong ni Amanda. Kinuha ng guard Ang kamay ni Bella. "Ma'am, wala na po si ma'am Bella! hindi na pumipintig Ang pulso niya sa kamay! at hindi na po Siya humihinga! nag suicide po siguro Siya at unan Ang gamit upang di Siya makahinga!" Nanlaki Ang mga matang wika ng guard. " what!? Nooo!" Sigaw ni Mrs. Amanda Gatchalian. Mabilis namang tinawagan ni Amanda Ang private doctor ng mga Gatchalian para tingnan at maagapan pa si bella. pati si Frederick ay tinawagan na rin ni Amanda para umuwi dahil sa nangyari sa kanilang anak. magkasabay namang dumating ng private doctor nila at si Frederick. at Sabi ng private doctor nila ay talagang patay na si bella. "Nagsuicide Ang anak natin Frederick! Wala na si bella!!! Hindi ko alam kung Anong mabigat na reason kung bakit ginawa Niya ito! siguro Isa Tayo sa mga dahilan ng kanyang pagpapakamatay!!! at ngayon, tuloyan ka nang magsaya sa mga kabit mo Frederick dahil iiwan na rin kita dahil Wala na si bella, at kahit anino ko' y Hindi na babalik pa!! tandaan mo yan!!" Galit na galit na Sabi ni Mrs. Amanda Gatchalian. "Listen to me Amanda! may pag- asa pang mabuhay Ang anak natin! dadalhin natin ang Ating anak Kay inang ambrosia. Baka kaya pa niyang pagalingin at buhayin muli Ang Ating anak! baka maagapan pa Niya ito sa pamamagitan ng kanyang hinahawakan kapangyarihan! marunong siyang gumamot ng mga malalang sakit at marunong siyang magpapabalik ng Isang kakuluwang bago palang umalis sa katawan ng Isang tao! kaya Malaki Ang tendency na mabubuhay pa niya Ang kanyang apo!" Mahabang wika ni Mr. Frederick Gatchalian. "Kung ganoon, huwag na tayong magtagal. dadalhin agad natin si bella sa iyong inang mangkukulam! kapag Hindi na rin maagapan ng iyong Ina Ang buhay at pagkamatay ni Bella. lalayasan na kita agad Frederick, bahala kana sa Buhay mo! pero nangangako akong pag mabubuhay ng iyong Ina Ang anak natin ay hindi na ako aalis. Hindi ko Siya iiwan." Umiiyak na Sabi ni Amanda. Nabigla pa Ang inang mangkukulam ni Frederick nang bigla silang dumating at dala si bella na Wala ng buhay.Nagalit Ang mangkukulam. "Anong ginagawa niyo sa aking apo!!? Hindi pweding mamamatay si Bella!! siya Ang aking tagapagmana sa lahat ng aking kayamanan at sa mga naibigay ko sa'yo Frederick! at Siya rin Ang magmamana sa aking hinahawakang kapangyarihan! Ang pagiging isang Magaling na mangkukulam!!! Nag-iisa ko lang siyang apo dahil walang naiiwang anak Ang namamatay mong kapatid na si Alfredo! Hindi ko matatanggap na mawala si bella!!" Nagsisigaw Ang matandang mangkukulam dahil sa nangyayari sa mahal na mahal nitong apo. Gumawa ng ritwal Ang matandang mangkukulam. Nagsindi ito ng maraming kandila at nakalinya Ang mga ito malapit sa kamang kinahihigaan ni bella. Nanood lang Ang mag asawang Frederick at Amanda sa ginawa ng kanilang inang mangkukulam. Natapos nalang Ang ginawang ritwal ng matanda upang pabalikin ang kaluluwa ng apong si bella sa katawan nito ngunit Hindi tumutugon Ang kaluluwa ng apo. "Hindi!! napapagod na Ang kaluluwa ni Bella! hindi ko na Siya mapabalik sa kanyang katawan!" Umiiyak na Sabi ng matandang mangkukulam. "Pero inang, hindi pwedeng tuloyang mawala sa amin Ang anak namin!" Ani Frederick. "Maawa ka inang, Gawin mo Ang lahat ng iyong makakaya, upang muling babalik Ang kaluluwa ni Bella!!" Umiiyak ring Sabi ni amanda. "Pagsumapit Ang bente kuwatro Oras na hindi ko pa maipabalik Ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan ay wala ng pag-asang makakabalik pa Ang kaluluwa ni Bella! " Halos mababaliw na Sabi ng matandang mangkukulam dahil sa sinapit ng apong si bella. At ilang ulit gumawa ng ritwal Ang matanda ngunit hindi na talaga tumutugon Ang kaluluwa ni Bella. Ibig sabihin ay gusto na talaga ni Bella ng mapayapang Buhay. Dumating nalang Ang 24 hours ay walang nagawa Ang matanda. kaya nagluluksa Ang buong mansion ni Lola ambrosia Valdadora Gatchalian sa pagkamatay ng tuloyan ni Bella. Kapwa tahimik at malungkot Ang mag asawang Frederick at Amanda sa pagkawala ni Bella.panay Ang pag iiyak ni Amanda. at si Frederick naman ay walang kibo. Sina Anna at Lisa naman ay papalait na sa nasabing tirahan gng matandang mangkukulam na sinasabi ng Ina ni Lisa. "L-lisa! uuwi nalang tayo! parang natatakot ako sa luma at malaking mansion na yan. Napatahimik ng buong paligid at Lalo na Ang LuMANG mansion na ito. parang walang taong nakatira diyan. sigurado kaba na iyan Ang nakalagay sa address? iyan ba talaga Ang tinitirhan ng matandang mangkukulam?" tanong ni Anna. "Sigurado ako Anna, iyan Ang mansion ng matandang mangkukulam, kung uuwi ka, idi tuloyang magsaya si Ma'am Yassy Gatchalian at Hindi mo siya maipapakulam. iisipin mo, malayo Ang Lugar na ito at masasayang lang Ang Oras natin kapag uuwi tayo.." Ang Sabi naman ni Lisa. Biglang tumigas Ang anyo ni Anna sa galit Kay ma'am yassy Gatchalian. "'Lika, magdo-doorbell tayo." Ani lisa at hinila siya nito. nagdoorbell nga sina Anna at Lisa sa malaking mansion at di naman sila pinaghihintay ng matagal agad may bumukas sa malaking gate ng LuMANG mansion. "Anong maipaglilingkod ko sainyong dalawa. mga binibini.?" Tanong ng Isang may edad na na babae na lumuwa sa pinto ng malaking gate. Nakasuot ito ng lubos itim at matapang at marrin silang tinititigan nito! Nabigla pa sina Anna at Lisa nang masalubong ng kanilang mga mata Ang may edad na mayordoma ng LuMANG mansion!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD